CHAPTER 4

1906 Words
CHAPTER 4 "Good evening, lover boy. Are you alone?" Napalingon si Kier nang marinig niya ang tinig na nagsalita sa kanyang tabi. He saw a woman on his left side. She must be two or three years younger than him. Nakalugay ang mahabang buhok nito na sadyang kinulot sa may dulo. The woman is wearing a red dress. Hapit na hapit ang suot nito na halos yumakap na sa balingkinitan nitong katawan. Sa suot nito ay halos lumuwa ang mayayamang dibdib ng dalaga. Uninvited, naupo na ito sa katabi niyang stool at humingi mula sa bartender ng maiinom nito. Nasa isang bar siya sa may Timog Avenue at umiinom nang mag-isa. It has been two days since he last talked to her fiancee. At dalawang araw na lang ay ikakasal na siya kay Arianna. He was calling her a while ago but she did not even answer him--- sa hindi niya malaman na dahilan. Mayamaya ay dumating ang inorder na inumin ng babae na nasa kanyang tabi. Umayos ito ng upo paharap sa kanya as she was crossing her legs. Dahil maiksi ang suot nitong damit ay nahantad sa kanyang mga mata ang mapuputi nitong mga binti, na alam niya na sadyang ipinapakita sa kanya. Kier twisted the corner of his lips upwardly. Alam niya ang intensyon ng mga babaeng katulad nito. And damn it, but he is a very healthy man! At aaminin niya na naaapektuhan siya sa pagkakalapit ng babaeng ito sa kanya. And for some reasons ay gusto niyang sisihin ang kanyang kasintahan. Sa maraming pagkakataon ay lagi nitong iniiwasan ang mga overtures niya dito. At wala siyang makitang solusyon kung hindi ang yayain na si Arianna na pakasal sa kanya, just so he can do anything to her. But Kier knew better. Maliban sa rason na iyon ay alam niya na may iba pa siyang dahilan. Sa loob-loob niya ay may isang mabigat na rason kung bakit nais niyang makapasok sa buhay ng kanyang katipan. Lumingon siyang muli sa babae na nasa kanyang tabi. She smiled to him seductively. "I am Lyn," presinta nitong pagpapakila sa sarili nito kasabay ng isang matamis na ngiti. Again, Kier smiled sarcastically. Alam niya na alyas lamang nito ang pangalang binanggit. Sa uri ng trabahong mayroon ito ay hindi ito magpapakilala gamit ang tunay na pangalan. "Kier," tipid niyang sambit dito. "Kier. Nice name," mapang-akit nitong sabi sa kanya bago sumimsim sa kopitang hawak. "Masyadong maingay dito. Want to find some place?" "Yours or mine?" Isang matagumpay na ngiti ang sumilay mula sa mga labi ng babae dahil sa naging tanong niya dito. "Ikaw? Kung saan mas convenient para sa iyo," saad pa nito sa kanya. Hindi na niya ito sinagot pa bagkus ay inubos niya na ang laman ng sariling kopita. As he finished, he put the goblet on the bar's counter bago humugot mula sa kanyang portamoneda ng ilang halaga na pambayad sa kanyang ininom, including Lyn's drink, at ilinapag niya iyon sa tabi ng kopitang ininuman. Tumayo siya mula sa stool at nagpatiuna na sa paglabas ng bar. Agad-agad na tumayo din si Lyn at sumunod na sa kanya. Nakita niya pa nang ituro nito sa bartender ang perang ilinapag niya sa counter. Lyn winked at the guy. Iiling-iling na lamang ang bartender nang sumunod na sa kanya palabas ang babae. ***** NATIGIL si Aria sa ginagawang pagsuklay ng kanyang buhok sa harap ng tokador nang bigla ay bumukas ang pinto ng silid kung saan siya "nakakulong". Yes, nakakulong! Dahil mula nang dalhin siya dito ng mga hindi pa nakikilalang lalaki ay hindi pa siya nakakalabas man lang ng silid na iyon. Natuon ang pansin niya sa pumasok ng silid. May bitbit itong tray ng pagkain. She must be on her late fifties, she was not sure. Payat ang babae at dahil sa matangkad ito ay mas lalo pa itong naging payat kung tingnan. Mulagat na sinundan niya ito ng tingin nang ilapag nito ang tray ng pagkain sa side table na naroon. Ano ang ginagawa ng isang matandang babae sa ganitong lugar? Though, para sa kanya ay disenteng lugar pa rin ito. Pero hindi ba at hideout pa rin ito ng mga taong dumukot sa kanya? Katiwala ba ito ng mga lalaking iyon? "Ako nga pala si Manang Salin," pagpapakilala nito sa kanya kasabay ng isang masuyong ngiti. "A-ano... ano ho ang ginagawa ninyo dito?" nagtataka niyang tanong dito. Kumunot ang noo nito dahil sa kanyang tinuran. "Dinalhan kita ng pagkain, hija." That was not what she meant. Nagtataka siya kung bakit may matandang babae na kasama ang mga mandurukot niya.Iyon ang gusto niyang itanong sa matanda kung bakit kasama nito ang mga lalaking iyon. "Katiwala ako ng pamilya nila Sir Ronniel," dagdag pa nito sa mga sinabi kanina. "Ronniel!" napatayo niyang sambit nang marinig niya ang pangalan na binanggit nito. "The guy who---" Hindi niya naituloy ang mga sasabihin niya nang muli ay bumukas ang pinto ng silid at linuwa niyon ang lalaking tinutukoy ng matanda. Ito ang lalaking naghatid sa kanya ng almusal kaninang umaga. "Sige na, Manang. Ako na ho ang bahala dito," sabi nito sa matanda. Agad na tumalima ang matandang babae at tuluyang lumabas na ng silid. Marahang isinara ng lalaki ang pinto nang makalabas si Manang Salin. Binalingan siya ni Ronniel saka itinuro sa kanya ang tray ng pagkain na naroon. "Hindi ka kumain nang maayos kanina. Kumain ka ngayon," utos nito sa kanya sa matatag na tinig. "Paano mo naaatim na ipaalam sa isang matandang babae ang kasamaan niyo?" bwelta niya dito. Umangat ang mga kilay nito dahil sa tinuran niya. And was it amusement that she saw in his eyes? Isang nakalolokong ngiti ang sumilay mula sa mga labi nito. May nakaaaliw ba sa mga sinabi niya? "What is so funny?" untag niya dito. Irritation was all over her face. "Ikaw," sagot nito sa kanya bago naglakad patungo sa may bintana at muli ay sumandal doon. "Alam ni Manang Salin ang dahilan kung bakit ka narito." Nanlaki ang mga mata ni Aria dahil sa nais ipakahulugan nito. Halang ba talaga ang kaluluwa ng mga sindikatong nakakalaban ng kanyang ama kaya madali lang para sa mga ito na ikasangkapan ang isang matanda sa mga kasamaan ng mga ito? "How could you do that?" nangangalaiting wika niya sa lalaki. Sa halip na sagutin siya nito ay marahang naglakad na itong muli patungo sa may pinto. "If I were you, I would just enjoy my stay here. Believe me, after everything, you will thank us." "Enjoy?" tanong niya dito. Ang akma nitong pagpihit ng doorknob para lumabas na ay nahinto nang lumingon ito muli sa kanya. "How would I enjoy being here? I am getting married two days from now and from the looks of it ay hindi matutuloy dahil sa pangki-kidnap niyo sa akin." Tuluyang kinalimutan nito ang paglabas ng silid at humarap sa kanya. "You are not going to marry anyone," mapanganib nitong wika sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang galit na nakita niya sa mga mata nito nang mabanggit niya ang tungkol sa kanyang kasal. Subconsciously ay naihakbang ni Aria ang kanyang mga paa paatras dahil sa galit na nabanaag niya sa mga mata nito. Napabuntong-hininga ang kanyang kaharap at sa wari ba ay hinamig ang sarili nito. "Kumain ka na, Arianna. You wouldn't like to know what I am capable to do oras na kunin iyan ni Manang Salin at makita ko na walang bawas," tukoy nito sa tray ng pagkain. Nakalabas na ang binata ng silid ngunit hindi pa rin gumagalaw si Aria mula sa kinatatayuan niya. She was left dumbfounded. Mula pa kaninang umaga ay wala ng ibang laman ang isip niya kung hindi ang nalalapit niya na kasal kay Kier. And that is two days from now. At kung hindi pa siya tuluyang makalalabas dito ay may posibilidad na hindi iyon matuloy. And how about his dad? Nasa katungkulan ito. She does not like to impose, pero ngayong lampas bente kwatro oras na siyang nawawala ay malamang na ipapahanap na siya nito. And she hopes against hope na matuklasan nito kung saan siya dinala ng mga lalaking ito bago pa man sumapit ang araw ng kanyang kasal. And she would like for those men to rot in jail. Magbabayad ang mga ito sa ginawang pangkikidnap sa kanya. ***** PAGKALABAS ni Ronniel mula sa silid na inookupa ni Arianna ay tumuloy na siya sa may komedor. Doon ay naabutan niya pang umiinom ng beer na nasa lata sila Jeric at Marco. Pagpasok niya sa komedor ay kapwa nahinto ang mga ito sa pag-inom at pag-uusap. Jeric broke the silence between them. "So, kumusta na ang 'bihag'?" nakaloloko nitong tanong sa kanya bago sumimsim ulit sa lata ng beer. Nakaupo si Jeric sa isang silya na naroon sa harap ng pabilog na mesa. Kampante itong nakaupo habang nakataas pa ang dalawang paa sa isa pang silya. While Marco is sitting on a high chair. Prente itong nakasandal sa counter island sa may komedor. Tuloy-tuloy si Ronniel sa ref at katulad sa dalawa ay kumuha rin siya ng sariling beer na iinumin. He opened the can, saka humarap na sa dalawa. Kapwa naghihintay ang mga ito ng itutugon niya. "Hindi siya kumakain nang maayos," aniya sa mga ito. "What do you expect from her? Kahit sino na dinukot ay hindi masisiyahan sa mga pagkain na ibibigay sa kanya," Marco said to them. Lumapit si Ronniel sa mga ito at naupo sa silyang katabi ni Jeric. "Malilintikan tayo kay Boss kapag may nangyari diyan." Marahas na napabuntong-hininga si Jeric at ibinaba nito ang mga binting nasa silya. "Kailan man ay hindi pumasok sa isip ko na magkakaroon ako ng trabaho na katulad ng ganito," anito at inisang lagok ang alak. Pagkainom niyon ay tumayo na ito at nagpaalam. "I have to go. Babalik muna ako ng Maynila, Ron, baka sa sunod na araw na ako makapunta ulit dito. I am sure you could handle her." Pagkawika niyon ay lumabas na ito. Mayamaya pa ay narinig na nila ang ugong ng sasakyan nito na paalis. Marco sighed. "I have to go as well, Ron. Kung may kailangan ka pa, you can just call us." Tango lang ang sinagot niya dito. Dinampot na rin nito ang susi ng sarili nitong motor sa may counter island bago tuluyang lumabas na. Nang maiwang mag-isa si Ronniel sa may komedor ay nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Tama nga ba ang ginawa nila? Ito lamang ba ang tanging solusyon para malutas nila ang kanilang problema? Damn it! Ngunit ilang oras pa lang ang dalaga na nanatili dito ay nagulo na ang tahimik niyang mundo. Bakit nga ba eh, the woman was a knockout. She has an exotic beauty that any one would adore, that any one would die for. Hindi man iyong ganda na ikapapanalo sa isang beauty contest, nevertheless, she is beautiful. Her beauty was different from other women that he knew. At nahihirapan siya, knowing that the woman was almost on his reach. And the idea that Aria was staying in his own room and on his own bed really torture him. "Damn it!" he hissed to himself. Dire-diretsong ininom ni Ronniel ang beer na nasa lata. His days together with this woman would be harder for him. Lalo pa ngayon na nakikipagmatagalan ito na hindi kumain nang maayos habang nasa poder nila. At sigurado na hindi ito magugustuhan ng 'boss' nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD