Chapter 3-Life must go on

1242 Words
DYLAN JADE "Jazzie! Come here!" tawag niya sa kanyang personal assisstant. "Sir?" kabadong tanong nito. Alam niyang may hindi ito nagustuhan sa nakitang litrato ng mga modelo. "Anong klaseng modelo ba ang kinuha niyo? Please fire them all! I want different set of models nextweek. At kapag hindi ka pa nakahanap ng may kwentang modelo ay ikaw na ang tatanggalin ko!" inis niyang sigaw sa dito. "Yes boss as you wish po!" nanginginig na sagot ng bakla. " As soon as possible Jazzie! Next week ako mismo ang sasama sa baguio. At gusto ko mauna ka na doon with the models." "Got it big boss!" sagot nito This is their third sets of models pero wala pa rin siyang napupusuan na magmomodelo para sa launching ng La Gran Winery. Isa ito sa kanilang family business na siya mismo ang umaasikaso. He is a type of CEO na gustong perfect ang lahat ng events na may kinalaman sa negosyo nila. Ayaw niyang pumalpak. Seeing those pictures of models in their grapes plantation sa baguio made him disappointed. Iba ang hinahanap niya. He want a model with soul. Launching ng La Gran Winery and he is expecting investors to invest. And one factor that will attract them is the ads. Paano magkakainterest ang mga investors kung puro walang binadbad ang mga modelo. Newest investment niya ang La Gran kaya he want to launch it perfectly. Yung tatatag talaga sa isip ng lahat. " Sir DJ, nasa labas po si Miss Lovie!" sambit ni Jane ang sekretarya niya. "Papasukin mo Jane!" Lovie Ford. She met her a month ago sa isang party ng isang friend niya. She is one of rising star sa isang TV network. Umiling siya habang inaalala kung gaano ito ka prangka. Lantaran nitong inilahad ang paghanga nito sa kanya. She is five years younger than him. At the age of 33 ay marami nang babaeng nagpapakita sa kanya ng interes. Pero sadyang busy siya sa trabaho kaya hindi pa siya nagkaroon ng seryosong relasyon. Lahat ng babaeng dumaan sa buhay niya ay fling lamang. No strings attached ikanga. "Hi babe!" bati nito sa kanya sabay halik sa kanyang labi. Naka mini dress ito na hapit na hapit sa katawan. "Hi, napadaan ka 'ata?" tanong niya rito. He didn't remember calling her or inviting her. " Well, dumaan lang ako. Pagbigyan mo naman ako. Let' s have a dinner tonight." direktang saad nito na ngayon ay nakapatong na sa kanya habang hinihimas ang kanyang pisngi. " I'm still busy Lovie!" "Please babe? Hindi ako aalis dito kapag hindi ka papayag!" "Okay see you then!" saad niya. "Hmmmm. Ito ba ang mga modelo mo babe?" tanong nito nang makita ang mga litrato sa lamesa. Nakikita niya ang disgusto sa mukha nito. "Mas maganda naman ako 'di ba babe?" Tumango siya. "Sige na Lovie. I still have an appointment with Mr. Liu." "Goodbye babe, pa-kiss ulit!" ---------------- Isang linggo na siyang naghahanap ng trabaho ngunit wala pa ring tumatanggap sa kanya. Ganito pala kahirap maghanap ng mapapasukan. Nahihirapan na ang pamilya niya sa gastusin. Lalo pa ngayon na hindi makapagtrabaho ang tatay niya ay enrolment na naman ng mga kapatid sa susunod na linggo. Hindi na muna siya naghanap ng trabaho ngayon dahil sa maraming labada ang naghihintay sa kanya. Medyo malayo ang sapa kung saan sila naglalaba dahil pinutulan na rin sila ng tubig at pati kuryente ay hindi na rin nila mabayaran. Kasama niya ang nakababatang kapatid habang naglalakad sila patungo sa sapa. Si Reyna ay siyam na taong gulang pa lamang pero nakakatulong na talaga ito sa gawaing bahay. Siguro dahil maaga itong namulat kung gaano kahirap ang buhay nila. "Ate nasira na ang tsinelas ko oh!" reklamo nito. "Pasensya na muna Reyna ah? Kapag nagkatrabaho si Ate bibilhan kita ng bago!" saad niya rito. Naaawa naman siya sa mga kapatid. Kaya kailangan na talaga niyang magkaroon ng trabaho para sa edukasyon ng mga ito. At para na rin sa pangangailangan nila araw-araw. " Des tulungan na kita! " sambit ni Arnold. Ibinigay niya rito ang sako ng mga damit na kinakarga niya. "Salamat Arnold ah nakakahiya naman sa 'yo" "Naku Des.... Basta' t ikaw!" sagot nito. Kababata niya si Arnold. Gwapo at makisig ito. Ngunit hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kahirapan. Mabuti nga siya ay naging scholar siya noong highschool dahil siya ang class valedictorian sa batch nila. Umalis naman ito kaagad nang nakarating na sila sa sapa. Nang makarating sa sapa ay may mga naliligong grupo ng mga kababaihan at may mga lalake rin naman pero konti lang. Hindi niya makita ang mga mukha ng mga ito dahil medyo malayo sa pwesto nila pero base sa mga kasuotan ng mga ito ay masasabi niyang hindi taga rito sa Baguio ang mga iyon. Parang mga modelo ang pangangatawan ng mga ito. At tila nag-eenjoy sila sa pagliligo. May isa ring lalaki ang kumukuha ng litrato sa mga kababaihan. Ipinagpatuloy na niya ang paglaba. Mabuti na lang at kasama niya ang nakababatang kapatid. Pagkatapos maglaba ay nagpasya na silang maligo. Nang pagod na sa paglangoy ay nagpasya siyang umupo na muna sa isang malaking bato. Tumingin siya sa langit. " Miss na miss na kita DJ!" sigaw niya sa isip. Hindi niya napansin na tumutulo na pala ang mga luha niya habang tila kinakausap at nagtatanong sa kalangitnaan. Hinaplos niya ang luhaang mata at hinimas ang kanyang mahabang buhok. "Perfect!" Muntik na siyang mahulog mula sa malaking bato nang marinig ang boses ng isang lalake. Nakita niya itong kumukuha ng litrato niya. "I'm sorry for being so rude. By the way I'm Josh.I'm a photographer. Pasensya ka na hindi ko mapigilang kumuha ng litrato mo!" sambit nito. "Ayos lang.Ako pala si Desiree!" sagot niua rito. "Halika, tingnan mo ang pictures mo oh! Ang ganda mo! " Ngumiti lamang siya sa lalaki. "Gusto mo bang maging modelo? You got potentials. Natural ang bawat aura mo." Umiling siya. " Ay naku, hindi ako bagay diyan !" natatawa niyang sambit rito. " Hmmm ikaw rin sayang ang beauty mo at may skills ka talaga!" Umiling lamang siya sa lalaki. " Desiree? " Napakunot ang noo niya nang pinagmasdan ang baklang nagsalita mula sa likuran ni Josh. " Hoy bakla! Nakalimutan mo na ba ako?" Nag-aura pa ang bakla na parang isang Miss Universe. " Jayson? Ikaw ba yan? Tanong niya rito. " Ay! Grabe siya oh! Si Jazzie na ako ngayon gurl! " Natawa siya sa sinabi nito. Si Jayson o Jazzie ay ang bestfriend niya noong elementarya at kapitbahay nila dati. Lumipat ang pamikya nito sa Manila nang nakapagtapos na sila ng highschool. Nagyakapan silang dalawa. " Naku girl! Na miss talaga kita! Oh Papa Josh? Ano ang drama mo rito sa long lost bff ko?" baling nito kay Josh. Napakamot lamang ito ng ulo at ngumiti sa kanila. "Naku girl wag kang maniwala dito kay Josh ah? Playboy yan!" wika ni Jazzie. "Hoy, ang sabihin mo may gusto ka lang sa'kin!"sabi nito sabay lakad palayo sa kanika." Nice meeting you Des! " " Girl, pasyal tayo some other time ah! Kapag free ako... May work kami rito for a month. Pahinge ng number mo para makakapagchika naman tayo. " Tumango siya at ibinigay ang number sa kaibigan. Ibang iba na ito ngayon. Kung pumorma ay daig pa ang mga kababaihan. Mukhang maganda na ang buhay ng dating kaibigan. Samantala siya ay heto't unemployed pa rin at nahihirapang maghanap ng trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD