Chapter 2-Last memory of you

1104 Words
Isang buwan na siyang naninirahan sa bahay nina DJ. Siya ang umaalalay sa binata.Siya ang nagpapakain, nagpapaligo at halos lahat ng bagay para sa nobyo ay ginagawa niya. Naiintindihan naman siya ng mga nanay niya ngunit ang kanyang ama ay nagrereklamo na sa kanya dahil hindi na niya binibigyang pansin ang paghahanap ng trabaho. Ang mga magulang naman ni DJ ay pinapahinga muna siya ngunit mapilit siya. Araw araw ay kinukwentuhan niya ang binata tungkol sa love story nila. Hindi kasi siya nawawalan ng pag-asa na baka magkakamilagro pa at tuluyan nang gumaling ang nobyo. "Naaalala mo pa ba noong una tayong nagkakilala? Umuulan noon at nakisilong ka sa payong ko." Kwento niya rito habang hinahawakan ang kamay ng binata na nakaupo sa wheelchair. Hindi na kasi ito makalakad. Espesyal ang "ulan" sa kanilang dalawa. Tag-ulan nang sila ay nagkakilala. Tag-ulan nang sinagot niya ang nobyo at Tag-ulan rin sa tuwing annibersaryo nila. "Des, kantahan mo 'ko" request ng binata sa kanya. Hinalikan muna niya ito sa labi bago nagsimulang kumanta. Pero bago pa man siya kumanta ay bumuhos ang ulan. "Des, gusto kong umupo sa damuhan habang umuulan!" sambit ng binata habang nakangiti sa kanya. Napakagwapo pa rin ng nobyo habang nakangiti. Ito pa rin ang gwapong first love niya at una at huling lalaking iibigin niya. Inalalayan niya ito sa pag-upo sa damuhan. Nagyakapan sila habang basang basa na sa ulan. "Kumanta ka Des! Mahal..." " Theme song natin?" Tumango ito habang ipinilig ang ulo sa dibdib niya habang ang kamay nito ay nakayakap sa kanyang katawan. Kasabay ng ulan, bumubuhos ang iyong ganda. Kasabay rin ng hanging kumakanta. Hindi na niya naituloy ang pagkanta dahil namalayan na lamang niya na nakalungayngay na ang mga kamay nito. Malalakas na hikbi at hiyaw niya nang maramdaman nabitawan na ni DJ ang pagyakap sa kanya. " DJ!!!!!!!Gumising ka!!!!!! "sigaw niya habang tinapik ang mukha ng nobyo nang makitang nakapikit na ito. Ito na ang oras na kanyang kinatatakutan. Ang oras na tuluyan na siyang iwan nito. Ang oras na hindi na niya ito makakausap, mahahalikan at makakasama. " Diyos ko!!!!! DJ... Mahal!" malakas niyang sigaw habang nakayakap ang nobyo. Lahat ng masasayang ala-ala nilang dalawa ay parang pelikulang dumadaan sa utak niya. Ang gwapo nitong mukha nang makisilong ito sa payong niya. Ang ngiti at galak nito nang naging magnobyo na sila. Lahat ay nagflashback sa isip niya pati na rin ang mga halik at yakap nito sa kanya. --------------- " Saan ka na naman pupunta Desiree? Sa pungtod na naman ni DJ?" galit na tanong ng kanyang ama na si Mang Nestor. Hindi siya sumagot sa ama dahil alam niyang mag-aaway lamang sila. "Anak, anim na buwan nang patay si DJ! Pakiusap naman anak... Isipin mo naman kami ng tatay mo at ang mga kapatid mo!" halos maiyak na ang kanyang nanay Yumuko lamang siya sa mga magulang. Tama ang mga magulang niya. Sa loob ng anim na buwan ay araw-araw siyang bumibisita sa pungtod ng nobyo. Pati na rin ang paghahanap ng trabaho ay hindi niya magawa dahil ang oras niya ang inilalaan lamang niya sa pagbisita sa nobyo. Para sa kanya ay patay na rin siya simula nang mawala si DJ. Ito ang mundo niya. Ang buhay niya. Ano ang silbi niya kung wala na ang binata? "Aalis na ako nay! tay!" paalam niya sa mga magulang. Buong araw na naman siya sa pungtod ng binata. "Hello mahal! Kumusta ka na? Alam mo, miss na miss na kita!" sambit niya sa pungtod nito. "Dinala ko pala ang paborito mo oh!" inilapag niya ang tsokolateng paborito ni DJ. "Kailan kaya tayo magsasama noh? Gusto ko na talagang dumating ang araw na 'yon! Gusto na kitang yakapin at halikan mahal!" sambit niya habang pinupunasan ang litrato nito sa picture frame. "Iha?" boses ng mama ni DJ ang narinig niya mula sa likuran niya. Ngumiti lamang siya sa Ginang. "Des... Pwede ba kitang makausap?" "Opo naman tita!" "Iha.. Huwag mo sanang mamasamain ah! Pero sa tingin ko panahon na rin siguro na bitawan mo na ang ala-ala ni DJ. Anak, wala na siya.. Pero ikaw.. Buhay ka pa at kailangan mong ituloy ang buhay mo.Maraming umaasa sa iyo Des. Isipin mo rin ang mga magulang at kapatid mo. " Umiling siya. " Tita, siya po ang buhay ko!" Niyakap siya ng Ginang." Des, alam mo kapag narito si DJ.Hindi 'yon matutuwa sa ginagawa mo. Pinapabayaan mo na ang sarili at pamilya mo! " Natahimik siya. " Iha, look at you! Maganda ka at matalino.Bigyan mo naman ng oras ang sarili mo. Bata ka pa... May pagkakataon pa para maging masaya ka rin Des. Magmahal ka ulit! " " Pero tita.... Patay na to'" saad niya sabay turo sa puso niya." Si DJ lang ang tinitibok nito, wala nang iba! " " Huwag mo naman sanang isara ng tuluyan ang puso mo Des! Alam ko balang araw ay maaalala mi ang lahat ng sinabi ko sa'yo. Ito lang ang tandaan mo, magiging masaya ang anak ko kapag nakita niyang masaya ka rin. " " Tita!" humagulgol na siya nang lubusan at napayakap sa ina ng binata. " Please Des, give yourself a chance. At bigyan mo rin sana ng pangalawang pagkakataon ang puso mo para sumaya. Hindi na niya sinagot pa ang Ginang sapagkat sarado na ang isip niya tungkol sa second chance na sinasabi nito. Kung may second chance man, ito ay ang second chance nila ni DJ na sa panaginip na lang niya matatamasa. Nang makauwi sa bahay ay ang iyak ng kanyang nanay at mga kapatid ang nadatnan niya. "Dalhin natin siya sa ospital! " sigaw ng kanyang nanay habang umiiyak. "Misis kailangan na po munang magpahinga ng asawa niyo! Mukhang laging stress si tatay." "Ano po ba ang sakit niya dok?" tanong ng nanay niya sa doktor. "Sa ngayon po, gaya ng sabi ko kailangang tumigil na muna siya sa pagtrabaho! Baka kung nagpatuloy ang fatigued at stress niya ay baka matrigger pa 'yon sa hypertension lalo na' t singkwenta anyos na si tatay!" paliwanag ng doktor sa kanila. " Kailangan niya po ang mga gamot na 'to Misis ah. " " Sige po dok salamat po talaga! "sagot ng nanay niya. " Hay anak, paano na tayo ngayon? Alam mo naman na ang tatay mo lang ang naghahanapbuhay sa' tin! " umiiyak na sambit ng nanay niya. " Huwag kang mag-alala nay, bukas na bukas din po ay maghahanap ako ng trabaho! " " Naku anak.. Salamat!" Yumakap siya sa nanay niya.Naalala niya ang sinabi ng nanay ni DJ. Ito na siguro ang panahong kailngan din siya ng pamilya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD