Desiree
" Wow! Thank you talaga bessy ah at dumating ka!" tili ni Jazzie nang nakarating siya sa bar.
Tumawag ito tatlong araw pagkatapos nilang magkita sa sapa.
Ngumiti siya sa reaksyon nito nang makita siya. Kahit paano naman ay nababawasan ang pangungulila niya kay DJ dahil sa pagiging jolly nito. Kapag bakla nga naman ang kaibigan mo talagang no dull moment kapag kasama ito.
"Naku girl oh! Tingnan mo maraming fafa ang nakatingin sa'yo!" tukso nito.
"Wala ka talagang magawa Jazzie oh! Nagpunta ako rito para makipag-bonding sa'yo at hindi makipaglandian. Kapag malaman to' ni DJ tiyak na magagalit 'yon!" saad niya.
Naikwento na niya sa kaibigan ang tungkol sa nangyari kay DJ. At ang advice naman nito sa kanya ay magmahal na lang ng iba. Pero hindi ganoon kadali' yon. Hindi na siya magmamahal ulit angnsabi niya rito. Si DJ lang, wala nang iba pa.
" Suseryosep Desiree, sumalangit nawa ang kaluluwa ni DJ! Naman Des, tegi na nga ang tao... binabanggit mo pa. Oh eto uminom ka muna!"
" Hindi ako umiinom Jazzie... Magagalit si - - -" hindi na niya naituloy.
"Huwag mo nang ituloy desiree at tumatayo na ang balahibo ko sa'yo! May nakikita ka bang hindi ko nakikita? Nandito ba siya ngayon! Nakakaloka ka girl!!!!" sambit nito. "Just drink kahit ngayon lang pagbigyan mo naman ako!"
Pinagbigyan naman niya ang kaibigan.
May kotse naman ito kaya pwede naman siyang ihatid direcho sa bahay kung sakaling malasing siya.
Nakatatlong baso na siya ng alak at aaminin niyang nagugustuhan niya ito. Parang pinapanatag nito ang loob niya at pansamantalang nawawala ang kirot sa puso niya.
" Isa p-pa Jaz...."
" Okay ka lang? Mukhang lasing ka na!" anito.
"Wehh! di nga..." sambit niya habang kinuha ang baso ng alak sa kamay ni Jazzie at tinungga 'yun.
"Hello Jazzie girl!" halos sabay-sabay na bati ng anim na matatangkad, sexy at magagandang babae sa kaibigan.
Ipinakilala naman siya nito. Mga modela pala ang anim na babae . " Hi girls! Meet my bestfriend. My childhood bestfriend.. Si Desiree... Desiree this is Geraldine, Gen, Nancy, Lea, Gerwina and Espie"
Nakipagkamayan naman siya sa mga ito. "Akala namin bagong recruit na model, bestfriend mo pala." wika ni Nancy habang ngumingiti sa kanya.
" Oo nga noh! Ang ganda mo girl!" sambit ni Lea
"Mabuti pa, sumayaw na tayo! Halika na Maria Clara sumayaw ka para lalayas 'yang third eye mo!" At tumawa pa ito habang hinila siya sa dance floor. Nag-uumpisa na siyang mahilo at dumagdag pa rito ang iba' t ibang kulay ng ilaw na nakikisayaw sa tugtog.
" Jazz... Excuse lang ha mag-ccr lang ako! "
" Okay, ingat sila sa'yo!" pabiro nito.
Ang totoo ay babalik na muna siya sa table nila. Hindi na niya kaya. Parang umiikot na ang paligid na pabilis nang pabilis.
Nainip siya sa farm kaya nagpasya na muna siyang uminom sa isang bar.
Kararating lang niya kaninang umaga sa baguio to see the ongoing photoshoots ng mga models. At bukas ay e-review niya ang mga photos na kinuha ng photographer nila. At lagot sila kapag hindi siya satisfied.
Bigla niyang nabitawan ang baso ng alak na hawak nang may isang babae ang nabuwal sa ibabaw niya. "s**t!" bulong niya. Lasing na 'ata ito.
"S-sorry... D-DJ?" narinig niyang wika nito at hinawakan pa ang magkabilang pisngi niya. He saw passion in her eyes habang nakatitig sa kanya. Nakakalunod ang titig nito lalo na' t napakaganda ng pares ng mga mata ng babae. "DJ!" niyakap siya nito and damn she's crying!
Hindi niya alam ang gagawin. Bakit tinawag nito ang pangalan niya. Isa ba ito sa mga babaeng naikama niya? Hell no, hindi niya kilala ang magandang babaeng ito.
" Miss na miss na kita mahal!" sambit ng babae at walang alinlangang hinalikan niya nito.
Isang mapusok at matagal na halik ang namagitan sa kanila. Naramdaman niyang nag-iinit na ang kanyang katawan sa ginawa nito.
Ano ba nangyayari sa babaeng 'to! Bakit parang ayaw na nitong tigilan ang mga labi niya?
Ayaw naman niyang tumigil ang babae dahil aaminin niyang napakasarap ng mga labi nito.
"Would you like to go to my place?" bulong niya rito. Hindi na talaga niya mapipilgilan ang sarili. He want to take her. Iba ang hatid nito sa kanya. Hindi na siya makakapaghintay pa para tikman ito.
Tumigil ito at tinitigan siya. Hinawakan nito ang pisngi niya.
" DJ... I love you! "sambit nito at tuluyan nang nawalan ng malay.
Malaya niya itong tinitigan. Napakaganda ng mukha nito. Pinagmasdan niya ang mga nakaawang na labi ng babae. He is tempted to kiss her. Hahalikan sana niya ang walang buhay na babae nang biglang may tumili sa harapan niya. And its Jazzie, his personal assisstant.
"Desiree!!!! Nakakahiya ka girl! Bakit mo naman ginawang babysitter si sir Dylan!
Napailing na lamang siya at siya na mismo ang kumarga sa babae patungo sa kotse ni Jazzie.
" Naku, sir DJ.... pasensya na po talaga kayo ha! Gusto pala niyang matulog eh sa braso niyo pa talaga! Nakakaloka talaga itong bessy ko. Sorry po talaga!"
Tumango na lamang siya rito. Minsan talaga ay napapatawa siya ng baklang PA.
"Sige sir ah! Iuuwi ko muna 'to! Salamat din sir!"
"Dont mention it. Sige, mag-ingat kayo."
Bumalik na siya sa rest house na nasa loob din ng farm ngunit hindi siya makatulog.
Hindi pa rin mawala sa isip niya ang babae. Hindi pa rin niya makakalimutan ang amoy nito. Ang malalambot na mga labi na gusto niyang tikman ulit. Ang abuhing mga mata na tila nang-aakit palagi.
She kissed a lot of women before but that girl's kiss strikes the most. Ramdam na ramdam pa rin niya ang mga labi nito sa mga labi niya. Damn, self!
Isa pa, bakit siya nitong tinawagang DJ?
Only few people call him that.
'Yung mga matagal na niyang kakilala lamang ang tumatawag na DJ sa kanya and he swear first time niyang makita ang babae.
Kung nakita na niya ito noon, hahayaan ba niya itong dumaan lang sa buhay niya?
Hell, No baka sa oras na ito asawa ko na siya at may sampung anak na kami.
Umiling na lamang siya dahil sa kapilyuhang iniisip.
Makikita ko pa kaya siya?
No, the question is paano niya ulit makikita ang babae?