Nang madatnan si Desiree ng kaniyang ina ay natuwa ito sa mga pasalubong niya. Ang kaniyang ama ay galing sa pagtulong sa bukirin. Puwede naman ito magtrabaaho huwag lang magpagod. Sinabi niya sa kaniyang magulang ang kabutihan ng kaniyang boss na labis naman na ikinasiya ng mga ito.
"Ang bait naman ng boss mo, anak. Anong pangalan niya?" tanong ng mga ito. Nag-atubili pa siya kung sasagutin ba niya iyon o hindi pero kalaunan din ay nagpasya siyang sabihin iyon.
"DJ ang pangalan 'nay at tay," natigilan ang mga ito ganon din ang kkaniyang mga kapatid na patapos ng kumain.
"Talaga. ate? Wow! Kapangalan ni Kuya DJ!" bulalas ni Archie. Sa murang edad ay hindi ito maisip ang epekto niyon kay Desiree. Tiningnan ng kaniyang ina si Archie.
"Iligpit niyo na iyan," utos nito kina Archie at Reyna. Sumunod naman ang mga ito. Nilpitan siya ng kaniyang ama.
"Ayos ka lang ba? Hindi ba makakaapekto sa pagmomove-on mo lalo at kapangalan pala ni DJ ang boss mo?" nag-aalalang tanong ng kaniyan ama. Huminga siya ng malalim.
"Sa totoo, mahirap po pero kakayanin ko para sa atin. Para sa inyo at para sa aking mga kapatid," determinado niyang sabi. Lumamlam ang mga mata ng kaniyang ina.
"Ayos lang naman sa 'min kung maghahanap ka ng ibang trabaho, anak," suhestiyon ng kaniyang ina. Umiling siya.
"Hindi 'nay. Hindi ko dapat takasan ang nakaraan kailangan ong harapin ito. Maganda at maayos po ang trabaho ko kay DJ kaya hindi po ako aatras," seryuso niyang sabi. Nagkatiginan ang mag-asawa at muling bumaling kay Desiree.
"Nay, makikipaglaro muna kami sa mga bata sa labas,"| singit ni Archie. Tumango-tango si Aling Josie.
"Huwag kayong magpapagabi," bilin nito. Tumango naman ang dalawang bata at lumabas na ng bahay.
"Ano ba ang trabaho mo?" tanong ni Nestor.
"Modelo po ng isang Wine Company, 'tay," sagot naman niya. Nagsalubong ang kilay ng kaniyang ama.
"Bakit modelo? Hindi mo ba alam kung ano ang ginagawa ng isang modelo? Maikita ang katawan mo, anak. Puwede ibang trabaho na lang?" matigas na sabi ng kaniyang ama. Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ng kaniyang ama. Nakaupo sila sa mahabang bangko na gawa pa ng kaniyang ama.
"Modelo po ang gagawin ko at wala pong iba, 'tay. Wala pong amsama sa pagiging moodelo dahil hindi naman ako maghuhubad. Kaiangan ko ito 'tay. Kailangan kong kumita ng malaki para sa 'tin. Payagan mo na ako? Walang mangyayari kung pride ang paiiralin natin," mhaba niyang paliwanag. Hinawakan naman ni Josie ang balikat ng asawa.
"Payagan mo na ang anak mo, Nestor. Sayang ang oportunidad kung palalampasin," pakiusap ni Josie. Bumuga nghininga ang matanda.
"Sige, papayagan kita. Basta mag-iingat ka, anak," bilin ng kaniyang ama. Napatayo siya sa kinauupuan, nilapitan at niyakap ang kaniyag ama.
"Salamat po, tay!" aniya. Hinagod-hagod ng matanda ang likod niya.
"Walang anuman, anak."
Nang gabing iyon ay maagang natulog si Desiree para sa trabaho niya bukas. paggising ay agad siyang lumabas ng silid at nagtungo sa kusina. Nagluluto ang kaniyang ina at tumutulong naman ang dalawa niyang kapatid sa paghahanda sa mesa. Marahil nasa likod-bahay ang kaniyang ama. May mga tanim kasi sila doon na gulay. Nilapitan niya ang mga ito.
"Good morning!" bati niya sa mga ito. Napatingin naman ang mga ito sa kaniya.
"Good morning, ate!" magkasabay na sabi ng mga ito. Nagtimpla na siya ng gatas. Tapos na rin nagluto ang kaniyang ina ng chotdog at itlog na siyang ulam nila. Iniabot nito iyon kay Reyna. Kinuha naman ng bata iyon at inilapag sa mesa. Sakto naman na papasok na ang kanilang ama.
"Handa na ata ang almusal natin, ha?" biro nito. Lumingon siya sa kinaroroonan ng kaniyang ama.
"Opo, itay! Tara kain na!" paanyaya niya. Magkakasabay na silang naupo sa mesa at pinagsaluhan ang masarap na almusal. Habang nasa kalagitnaan sila ng pagkain, nagsalita si Archie.
"Ate, ano trabaho mo kay Sir DJ?" tanong nito. Napatingin siya sa aniyang ina. Humihingi ng permiso kung sasabihin ba niya sa kapatid ang trabaho. Tumango naman ito.
"Magiging model ang ate ninyo," nakangiti niyang sabi. Nanlaki ag mga mata ng dalawa.
"Model? Iyong parang iyong model diyan sa kalendaryo?" inosenting tanong ni Reyna. Tiningnan niya ang kalendaryo nila. Napalunok siya. Kaya ba niya ito? No! Kailangan niyang kayanin para sa pamilya niya! Tumingin ulit siya kay Reyna.
"Oo, parang ganiyang nga, Reyna," sagot niya.
"Wow! Sikat ka na niyan, ate!" bulalas naman ni Archie.
"Oo naman! Mbibili ko na ang mga gusto ninyo," tugon niya.
"Yehey!" magkasabay na sabi ng dalawa.
"Kumain na kayo. May pasok pa kayo," maawtoridad na utos ng kanilang ama na sinunod naman ng dalawa. Pagkatapos kumain, naghanda na si Desiree para sa pagpunta sa La Gran Winery Company. Pagkatapos niyang magbihis ay rinig niya na ang boses ni Jazzie sa labas sa salas nila na kausap ang kanilang ina.
"Ikaw na ang bahala kay Desiree, Jayson," sabi ng aniyang ina pagkalabas niya ng kaniyang silid.
"Tita, it's Jazzie not Jayson. Wala na si Jayson," malditang sabi ni Jazzie.
"Ewan ko sa 'yong bata ka," tugon ni Aling Josie. Napatinginn sa direksiyon niya ang kaniyang ina. "Oh, hayan na pala si Desiree," pagbibigay-alam nito. Lumingon naman sa kaniya si Jazzie saka sinuyod siya mula ulo haggang paa.
"Wow! Ang ganda mo, day! Pang modelo ka talaga!" bulalas nito saa nilapitan siya at umabrisete sa kaniyang braso. "Let's go!" Bumulong ito. "Ang swerte mo nga eh dahil hatid sundo ka!"| Hindi na lang ito pinansin ni Desiree saka tiningnan ang kaniyang ina.
"Mauna na po kami, nay." paalam niya. Ngumiti ito.
"Salamat, anak," puno ng sinseridad nitong sabi.
"Wala pong anuman," pagkasabi niyon ay naglakad na sila palabas ni Jazzie ng bahay at nagtungo sa kotse nito saka sumakay. Pinausad na iyon ni Jazzie patungo sa La Gran Winery. Habang daan at malapit na sila. Hindi alam ni Desiree kung bakit lumalakas ang kabog ng kaniyang dibdib. Kinakabahan ata siya? Hindi niya alam pero masaya sia dahil makikita niya si DJ. Masaya ba siya dahil makikita niya mismo ang binata o dahil sa pamamagitan ni DJ ay napupunan nito ang pangungulila niya sa namayapang kasintahan?
Pagkabukas ng elevator na kinalulunan ni Desiree sa floor kung saan naaroon ang opisina ni DJ, naglakad a siya palabas. Napakunot-noo siya na makitang hindi si Jane ang nasa labas ng opisina ni DJ kundi ay ibang mukha. Nagresign na ba an babae? Nang makalapit siya, binati niya ang babae na hindi napansin na naroon siya dahil abala ito sa ginagawa.
"Hello, good mornig," bati niya. Nag-angat ng tingin ang babae.
"Good morning po! Pasensiya hindi kita napansin. Bago lang kasi ako kaya medyo hindi ko pa abisado ang mga gagawin,"| hingig-paumanhin nito.
"Ha? Bago ka?" nagtataka niyang tanong. Tumango ito at lumabas ng swivel chair saka nagtugo sa pinto ng opisina ni DJ saka binuksan iyon.
""Bilin kasi ni Sir DJ na papasukin kita kapag dumating ka. May piunthan kasi siya," wika nito. Tumaango siya at naglakad patungo sa opisina ni DJ.
"Salamat, aniya at pumasok na sa loob. Isinara na iyon ng babae. Bakit iba na ang sekretarya nito? Tinanggal ba si Jane? Pero bakit? Dahil ba sa ginawa ni Jane sa kaniya? Umiling siya. Bakit naman gagawin ni DJ iyon? Sino ba siya? Baka may nagawang mali si Jane kaya tinanggal o baka nagresign na ito? Masasagot iyon lahat kapag tinanong niya mamaya si DJ. Naupo muna siya sa sofa at nagbasa ng magazine.