Agad na tumayo si DJ pagkatapos ng meeting niya sa mga investors at lumabas. Nakarecieved siya ng text kanina galing kay Cynthia na i-text siya kapag dumating na si Desiree. Bagong hired lang niya si Cynthia. Tenerminate niya si Jane dahil sa ginawa nito kay Desiree. Hindi siya nagsisisi sa ginawa niya. Naglakad na siya patungo sa kaniyang opisina. Nag-angat ng tingin si Cynthia mula sa ginagawa at tiningnan siya.
"Sir, nasa loob na po si Ms. Desiree," pagbibigay-alam nito. Tumango siya.
"Thanks. Tapusin mo na ang dapat tapusin. May pupuntahan lang kami," bilin niya rito.
"Okay, sir!" masiglang sabi ni Cynthia. Pumasok na siya sa loob at nadatnan si Desiree na mahimbing na natutulog sa sofa habang hawak-hawak ang isang magazine. Mukhang nakatulugan na nito ang paghihintay sa kaniya. Kinuha niya iyon sa kamay ng dalaga at halos mapaawang ang labi niya ng makita na ang magazine na hawak nito ay ang magazine patungkol sa kaniya. Umupo siya sa sofa na nakatapat sa dalaga at pinakatitigan ito.
"Bakit ba ang ganda mo kahit natutulog ka?" tanong niya. Hanggang sa dumako ang tingin niya sa labi nito na kaypupula. Iniangat niya ang kamay at hahawakan na sana ang labi nito ng dahan-dahan na nagmulat ito ng mga mata. Agad niyang binawi ang kamay niya.
"Sir DJ?" Agad na napabalikwas ito ng upo na mapagtanto na siya ang nasa harapan nito. "Naku, pasensiya na nakatulog ako. Mabilis lang kasi akong dalawin ng antok," hinging paumanhin nito. Ngumiti siya. Wala lang iyon sa kaniya. Ganon niya kagusto ang dalaga.
"Okay lang iyon. Pasensiya na kung napatagal ang meeting. Nga pala. Puwede DJ na lang ang itawag mo sa 'kin?" pakiusap niya.
"Hm, hindi ko ata puwede sundin ang sinasabi mo. Boss kita kaya dapat lang na tawagin kita na Sir DJ," tutol nito. Pinakatitigan niya ito. Kitang-kita niya ang pagkagat-lbi nito at ang pmumula ng pisngi nito. Ibig bang sabihin nito apektado ito sa kaniya? Hindi niya maiwasan na makaramdam ng saya sa isiping iyon.
"Inuutos ko na tawagin mo ako sa pangalan ko, Desiree," mariin niyang sabi. Tumango-tango ito.
"Okay," tugon nito. Hinawakan niya ang kamay nito at iginiya patayo. Nanlalaki ang mga mata ni Desiree sa ginawa niya. Hindi nito aasahan na gagawn ni DJ iyon. Iginiya niya ang dalaga palabas ng opisina.
"Bakit? Saan tayo pupunta?" tanong nito. Liningon niya ito.
"Bibili tayo ng magagamit mo para sa pagmomodelo. Kailangan iyon para makapili ka ng gusto mong isuot," sabi niya saka iginiya ulit niya ang dalaga patungo sa elevator. Nang madaanan nila ang sekretarya niya, binilinan na niya ito. Hindi maiwasang mapahugot ng hininga si DJ dahil sa magkahawak nilang kamay ni Desiree. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman dahil hawak niya ang kamay nito. Napakalambot niyon. Nang nasa loob na sila ng elevator ay hinila ni Desiree ang kamay nito.
"Bakit mo ginawa iyon?" tanong ni Desiree ng mahila na niya ang kamay sa binata. Iba kasi ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung bakit. Isinandal niya ang likod sa elevator. pakiramdam niya napagod siya kahit wala naman siyang ginawa na nakakapagod.
"Ang alin?"
"Ang hawakan ang kamay ko, DJ," sagot niya.
"Masama bang hawakan ang kamay mo? Wala naman masama di ba? Wala ka naman bf di ba?" sunod-sunod nitong tanong.
"Oo, wala. Pero hindi mo dapat ginawa iyon," Bumuga ito ng marahas na hininga.
"Oo hindi na. Pasensiya," malungkot nitong sabi. Pakiramdam niya nakagawa siya ng pagkakamali pero tama naman siya. Bakit nito hahawakan ang kamay niya? Kahit man sabihin na wala siyang bf. Aminin mo na lang na ginusto mo ang ginawa niya, anang isang bahagi ng isip niya. Umiling siya. Hindi, hindi niya gusto iyon dahil pakiramdam niya nagtataksil siya kay DJ lalo at nangako siya na ito lang ang mamahalin niya. Biglang pumasok sa isip niya si Jane.
"Ayos lang. May tanong pala ako sa 'yo, DJ,"
"Ano iyon?"
"Bakit pala hindi na si Jane ang sekretarya mo?" tanong niya. Napatingin ito sa kaniya. Tumingin rin siya rito.
"Dahil may nagawa siyang mali kaya pinalitan ko siya," wika nito. Napatago-tango siya. Bakit nakaramdam siya ng lungkot na hindi pala dahil sa kaniya kung bakit nito tenerminate si Jane? Kaagad niyang kinastigo ag sarili. Marahil nagkakaganito siya dahil naaalala niya si DJ, ang namayapang kasintahan niya.
""aH, OKAY," tugon niya. Nang bumukas ang elevator na nagdala sa kanila sa basement kung saan naroon ang sports car ng binata kagad siyang pinagbuksan ng passenger's door. Matapos magpasalamat, pumasok na siya sa loob. Umikot na rin si DJ sa driver's seat. Pumasok at pinasibad iyon patungo sa kung saan siya nito dadalhin.
"Hello, Cous DJ!" masiglang sabi ng isang maputing babae pagpasok na pagpasok nila. Nilapitan ito ni DJ at niyakap. Ah, pinsan pala ito ni DJ.
"Kamusta, cous?" tanong ng binata.
"Ito ayos lang. Bakit pala kayo naparito?" tanong ng babae.
"Ahm, need namin underwear na gagamitin ni Desiree para sa photoshoot na ilalathala sa magazine next month na magiging endorser ng DJ Wine. Kailangan ko rin ng modelo para sa launching ng La Gran Winery." Itinuro siya ni DJ. "Siya ang model ko. Denise, please meet Desiree Martin. Desiree meet Denise Jackson, my first cousin in mother side," pagpapakilala ni DJ sa kanilang dalawa. Inilahad ni Denise ang kanang kamay sa kaniyang harapan na kaagad naman niyang tinanggap.
"Nice to meet you, Desiree," magiliw nitong sabi.
"Nice to meet you, too Denise," tugon naman niya.
"Tingnan mo nga naman pare-pareho pang "D" nagsisimula ang name natin," biro naman ni Denise na ikinatawa nila. Iginiya sila ni Denise sa opisina nito na nasa loob mismo ng boutique. Nang makapasok, umupo sila ni DJ sa sofa. Nagtungo naman sa isang cabinet si Denise at may kinuhang catalouge doon. Ibinigay iyon sa kaniya.
"May mga naka-ekis diyan. Ibig sabihin hindi available iyon," wika nito. Tinanggap niya ang catalouge at nagsimulang tingnan ang loob niyon. Napasinghap siya sa itsura ng mga underwear. Nag-aalangan siyang napatingin kay DJ.
"Two piece ba talaga ang kailangan kong suotin?" tanong niya.
"Yes. Ayaw mo ba?"
"Hindi ba puwedeng one-piece na lang muna?" kagat-labi niyang tanong.
"Be, mas maganda ang two piece. Iyon na ang kadalasan na ginagamit ng mga modelo PARA makapanghikayat ng--"
"Ibigay mo na lang ang catalouge for one piece, Denise," maawtoridad na sabi ni DJ. Napatango-tango naman si Denise. Parang may hula ito sa ikinikilos ng pinsan. Ibinigay na ni Desiree ang catalogue sa babae. Tumayo naman si Denise at nagtungo sa drawer para ibalik at kunin ang catalouge. Ibinigay nito iyon kay Desiree. Binuklat naman ni Desiree ang catalouge at nakahinga siya ng maluwag dahil pinayagan siya ni DJ na magsuot ng one piece. Tumayo si Denise at hinila si DJ.
"Wait lang. May pag-uusapan lang kami ni DJ," nakangiting sabi nito. Tumango na lamang siya at itinuon ang atensiyon sa pagpili ng bikini.