Hindi maiwasang titigan ni DJ si Desiree habang maganang kumakain ito. Kitang-kita niya ang saya sa mukha nito. Masaya na rin siya dahil napapangiti niya ito.
"Nagutom ka ata sa paglilinis ng opisina," puna niya sa dalaga. Nag-angat ito ng tingin. Parang may kung anong emosyon ang nakikita niya sa mga mata nito na hindi mapangalanan. Napakagat-labi ito.
"May naalala lang ako sa kinakain ko," wika nito at biglang sumimangot. Ano kaya iyon?
"Sino?" tanong niya. Bigla itong ngumiti.
"Iyong kasintahan ko na namatay. Minsan kasi kumakain kami ng sulit tipid noong nasa college kami," anito. Kitang-kita sa mukha nito ang pagiging inlove. Hindi tuloy maiwasang masaktan ni DJ dahil malabo 'ata na makuha niya ang puso ng dalaga. Makikita kasi sa mga mata nito ang labis na pagmamahal sa namayapang kasintahan.
"Gaano mo siya kamahal?" hindi niya napigilang itanong. Napatitig ito sa kaniya na may malapad na ngiti sa mga labi. Kahit pa nito sinasabi ang sagot ay parang alam na ni DJ ang magiging sagot nito.
"Mahal na mahal ko siya, sir. Higit pa sa buhay ko,"determinado nitong sabi. Parang may punyal na tumarak sa kaniyang puso ng mga sandaling iyon. Pero hindi siya susuko! Gagawin niya ang lahat makuha lang ang loob ng dalaga.
"Iba ka talaga magmahal, Desiree. Masuwerte ang lalaking mamahalin mo," tugon naman ni DJ. Umiling-iling ito.
"Hindi na ako magmamahal pa, DJ. Nangako na ako na siya lang mamahalin ko habambuhay."
"Huwag ka muna magsalita ng patapos,"pabulong niyang sabi.
"Ha? Ano kamo?" pag-uulit ni Desiree. Nag-angat siya ng tingin at tipid na ngumiti rito.
"Wala. Sabi ko, ang swerte talaga ng lalaki na iyon na kahit patay na ay mahal mo pa rin. Kain na tayo," anyaya niya. Tipid na ngumiti lamang si Desiree at nagpatuloy ng kumain. Matapos nilang kumain, sinabi niya kay Desiree na half-day lang ito. Bukas na ito babalik. Nagpasalamat naman sa kaniya ang dalaga. Kumuha siya ng isang libo sa pitaa at iniabot niya iyon rito. Nanlaki ang mga mata nito habang nakaawang ang labi.
"Ano ito?" manghang tanong nito.
"Sabihin na lang natin na tip ko iyan sa 'yo dahil wala kang nabasag," biro niya pero hindi natuwa si Desiree. Ang ginawa nito, ibinalik sa kaniya ang pera.
"Hindi ko matatanggap yan, sir. Masyadong malaki," tanggi nito. Muli ibinigay niya rito ang pera at ikinulong sa kamao nito.
"Tanggapin mo na para sa kapatid at magulang mo. Para may pambili ka ng gamot niya," paliwanag niya. Kitang-kita ni DJ ang luhang naglandas sa pingi nito.
"Salamat, sir," puno ng sinseridad nitong sabi. Ngumiti siya.
"Walang anuman. Tsaka huwag mo na akong tatawagin na sir. DJ na lang," aniya. Tumango-tango naman ito bilang pagsang-ayon. "Hm, puwede ka na umuwi," sabi niya at akmang tatayo na ng muling magsalita si Desiree.
"Wait, DJ!" Pigil nito sa kaniya. Naikuyom niya ang kamao. Ang gandang pakinggan ang pagkakabigkas nito ng pangalan niya. Parang musika iyon sa kaniyang pandinig.
"Bakit?" Nagbaba ito ng tingin na wari'y nahihiya sa gusto nitong sabihin.
"Hmm, available pa ba iyong inaalok mo sa 'kin na maging modelo ng kompanya mo?" tanong nit at nag-angat ng tingin. Namumula ang pisngi nito. Nagpadagdag iyon sa angkin nitong kagandahan.
"Oo naman. Tatanggapin mo na ba ang alok ko?" tanong niya. Huminga ito ng malalim.
"Yes," determinado nitong sabi. Ngumiti siya.
"Good. Magkita tayo bukas dito sa opisina sa ganap na alas-otso ng umaga," utos niya.
"Sige, salamat. Paano? Mauna na ako? Magkita na lang tayo bukas," ani nito.
Tumango siya. Tumayo na rin ito at nagtungo sa pinto. Hindi niya maiwasang mapatingin sa maumbok nitong pang-upo na kaysarap pisilin. Sh*t! Ano ba itong iniisip niya? Hindi niya dapat ito iniisip sa babae. Nang makalabas ito, naupo siya sa sofa at naipikit ang mga mata. Hindi niya maiwasang maimagine na naka-two piece lang ang dalaga. Hindi siya papayag na may ibang lalaki ang makakakita sa katawan nito. Dapat siya lang. Kung mayroon man siya ipagdadamot si Desiree iyon.
"What?! Binigyan ka ni Sir DJ ng isang libo?!" bulalas ni Jazzie. Sakay siya ng sasakyan nito at patungo sila sa bayan. Doon siya nito ibababa. Halos takpan na niya ang taenga dahil sa lakas ng boses nito.
"Oo nga. Ang bait nga niya, eh." Tinusok ni Jazzie ang tagiliran niya.
"Oy. Nagkakagusto na siya kay boss DJ namin," panunukso nito. Binigyan niya ito ng masamang tingin.
"Hindi, ah. Naaapreciate ko lang ang abutihan niya. Iyon lang wala nang iba. Hindi ko ipagpapalit si DJ sa kaninuman. Wala nang makakakuha ng puso ko. At saka kung saali man na wala akong minamahal. Alam ko naman na hindi magkakgusto sa 'kin si Sir DJ, 'no? Mayaman siya at mahirap lang ako. Kaya imposible talaga!" nakasimangot niyang sabi.
"Love moves in mysterious way, Des! Walang pinipili ang pag-ibig tandaan mo iyan. Kapag tinamaan ka ng pag-ibig, wala ka ng magagawa," makahulugan nitong sabi. Hindi na lang niya ito pinansin. Hanggang sa naalala niya na tinanggap na niya ang offer nito na maging modelo siya. Tumili ito.
"My gosh! Mabuti at natauhan ka na! Good desicion bakla! Huwag mong pairalin ang pride mo. Pera iyan, eh. Isipin mo para iyan sa pamilya mo. Kung iisipin mo ang sinumpaan mo kay DJ, titirik ang mga mata ninyo sa gutom," sermon nito sa kaniya. Napatango-tango siya. Tama ito. At saka understading si DJ noong ito ay nabubuhay pa kaya tiyak na maiintindihan nito ang gagawin niya. Nang marating niya ay bayan ay nagpasalamat siya kay Jazzie.
"Oy, bakla! May bayad to no? Wala ng libre ngayon." Natawa na lamang siya. Nagpaalam na siya sa kaibigan. Napaisip siya. Bakit ginagawa ito ni DJ sa kaniya?
""Well, baka mabait lang talaga siya," sabi niya sa sarili at naglakad na patungo sa isang tindahan.
Masayang-masaya pumasok si Desiree sa Dindin's Store kung saan nagbebenta ang mga ito ng mga damit at tsinelas sa kanilang bayan. Namili siya ng tsinelas at damit para sa kaniyang mga kapatid. Binilhan niya rin ng chickenjoy si Archie at Reyna. Matapos makapagbayad, lumabas na siya ng store at nagtungo sa drug store para bumili ng gamot ng kaniyang ama. Bumili na rin sya ng ulam nila ng hapunan. Nang makasakay sa tricycle hindi niya maiwasang mapangiti. Masarap sa pakiramdam na nabibili niya an pangangailangan ng kaniyang pamilya. Natuon lang ang atensiyon niya sa kasintahan dahil nagkasakit ito pero wala naman siyang pinagsisisihan dahil nagawa niya iyon dahil sa labis na pagmamahal ay DJ. Ngayon, panahon naman para bumawi siya sa kaniyang maguang at kapatid. Gagawin niya ang lahat maibigay lang ang pangangailangan ng mga ito.
Nang makauwi siya sa kanilang simpleng tahanan. Kaagad siyang sinalubong ng kaniyang bunsong kapatid na si Reyna.
"Ate! Kamusta?" tanong nito. Bumaba ang tingin nito sa mga dala niya. "Para sa 'min ba iyan ni Kuya Archie ate?" tanong nito. Nakkatingin ito sa box ng chicken joy.
"Oo naman para sa inyo ng kuya Archie mo." Nagtatalon ito sa tuwa at tinulungan siyang bitbitin ang mga dala niya saka nagtungo sa loob ng bahay.
"Kuya, Archie may dala si ate na chicknjoy oh?" nananabik na sabi ni Reyna. Nilapitan ito ni Archie.
"Wow, thank you ate Des!" Niyakap siya ng kapatid. Kitang-kita sa mga mata ng kaniyang mga kapatid ang kasiyahan. Masaya siya dahil kahit sa simpleng bagay lang ay masaya na ang mga ito.
"Kainin niyo na," alok niya. Excited na binuksan ng mga ito ang box ng chicken joy.
"Wow! Sarap!" nakapikit pa na sabi ni Reyna. Natawa naman siya. Tumingin sa kaniya si Archie at inalok ang pagkain.
"Busog pa si ate. Para sa inyo iyan."
Thank you, ate!" sabay na tugon ng dalawa. Napangiti na lamang siya habang pinagmamasdan ang mga ito na kumakain.