Chapter 16-Be true to yourself

1290 Words
Hindi maiwasang humanga ni Desiree sa ganda ng gown na napili niya. Bumagay iyon sa maputi niyang kutis. Kaso need niya ng may magtataas ng zipper sa likuran ng gown. Kaya, binuksan niya ang pintuan at nakita si DJ na abala sa cellphone. Sino naman kaya ang ka-text nito? Nakakaramdam tuloy siya ng selos. Pero isinantabi niya iyon. Baka kakilala o barkada ang ka-text nito. "DJ?" tawag-pansin niya rito. Agad naman itong nag-angat ng tingin at tiningnan siya. Hindi ito nakapagsalita dahil napatitig ito sa kaniya. "Bagay mo ang gown," komento nito. Natawa siya. "Saka muna ako purihin kapag nakasuot na ng maayos ang gown sa katawan ko. Puwede bang makisuyo? Pakitaas naman iyong zipper?" pakiusap niya. Ibinulsa ni DJ ang cellphone at nagtungo sa fitting room. Nakabukas iyon ng bahagya. Nagtungo sa likuran niya si DJ at napapikit siya ng dumaiti ang kamay nito sa kaniyang balat. Nag-init siya ng mga sandaling iyon. Itinaas na ni DJ ang zipper at huminto iyon sa kalagitnaan. Napatingin siya sa salamin ng makitang dahan-dahan na inilapit ni DJ ang mukha sa kaniyang maputing likod. Napapikit siya lumapat ang labi nito sa kaniyang likod. "Uhhmmm.. DJ," paanas niyang sabi. Nakagat niya ang ibabang labi ng maramdaman ang dila ni DJ. "Aaaah," pabulong niyang sabi ng pasadahan ng dila nito ang kaniyang likod. Unti-unting tumaas ang kamay ni DJ sa kaniyang dibdib at bahagyang iyong pinisil. Napaliyad ang kaniyang leeg dahil sa ginawa nito. Pinaharap siya nito at agad na sinakop ang kaniyang labi. Mapusok, mapagparusa at nasasabik ang halik ni DJ. Kaya naman naipalibot niya ang kaniyang mga kamay sa leeg nito at ninamnam ang tamis ng halik nito. Nagtataas baba ang dibdib nito at ng mga sandaling iyon ay parehas silang nasasarapan. Halos tumirik ang mga mata niya ng bumaba ang labi nitosa kaniyang leeg at pinasadaan iyon ng dila nito habang pinipisil ang dibdib. Hindi akalain ni Desiree na ganito ang pakiramdam kapag nirorom*nsa ka ng lalaking nagugustuhan mo. Masarap sa pakiramdam. Hanggang sa matagpuan ng labi nito ang kaniyang balikat at pinasadahan na naman iyon ng dila nito. Bumalik iyon sa kaniyang labi. Halos maghalo na ang kanilang laway dahil sa marubdob na halik at nagugustuhan iyon ni Desiree. Nang mga sandaling iyon, may isang bagay siyang gustong ibigay kay DJ. Ang kaniyang pagka-birh*n. "Ahem. May malapit na motel rito, DJ. Puwede mong dalhin ang girlfriend mo doon. Pasara na ako kaya kailangan niyo ng tapusin," nang-aasar na sabi ni Lennie. Itinulak niya si DJ dahil sa hiyang nararamdaman. Halos mamula ang kaniyang pisngi dahil sa pagka-pahiya. Nakakadala naman kasi ang mga halik ni DJ! Huminga ng malalim si DJ. "Magbibihis lang si Desiree. Kukunin namin iyong gown," sabi ni DJ. Ngumisi si Lennie. "Aba dapat lang na kunin mo. Ginawa mong-- hmm, alam mo na iyang fitting room ko," nakangisi na sabi ni Lennie. "May stock ako niyan and ready to wear na," sabi nito at umalis na. Dali-dali naman niyang tinanggal ang gown at nagbihis. Kitang-kita sa mukha ni DJ ang paghanga sa mala-diyosa niyang katawan pero hindi na niya ito pinansin. "Let's go," anyaya ni DJ sabay kuha sa kaniya ng gown. Sabay na silang lumabas ng fitting room. Huminga ng malalim si Desiree ng marating nila ang venue ng event. Ginanap ito sa isang Banquet Hall sa isang hotel sa bayan. Kinakabahan siya dahil ito ang unang pagkakataon na makakadalo sa ganitong engrandeng okasyon. Hindi siya sanay makihalubilo sa mga tao. Napatingin siya sa kaniyang kamay ng hinawakan iyon ni DJ. Napatingin siya rito. Pag-aalala ang makikita sa mukha nito. "Okay ka lang?" tanong nito. Bumuga siya ng hininga. "Hindi ko lang maiwasan na makaramdam ng kaba dahil ito ang unang pagkakataon na dadalo ako sa ganitong okasyon. Hindi ko alam kung paano ko sila kakausapin. Hindi ko alam kung kaya ko bang makipag-usap sa kanila. Hindi ko alam ang gagawin ko DJ. Baka mapahiya--" Hindi na naituloy ni Desiree ang sasabihin dahil pinutol na iyon ni DJ. "Just be yourself. You don't need to change yourself to please, everyone. Just show them who you are, Deesiree. And they will love you for who you are," madamdamin na sabi ni DJ. Nakagat ni Desiree ang ibabang labi dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya. Napakabuti nito kaya deserve lamang ni DJ na mahalin. Hindi niya namalayan na may nalaglag na palang kuha sa kaniyang mga mata. Kaagad na tinuyo iyon ni DJ. "Dont cry. Kakalat ang make-up mo," biro ni DJ na ikinatawa niya. Kanina ng makapagbihis siya sa bahay ni DJ, dumaan sila kay Denise para ayusan siya. Grabe ang papuri sa kaniya ni Denise dahil talagang litaw na litaw ang ganda niya. "Thank you for boosting my confident," nakangiti niyang sabi. "Your welcome. So let's go?" tanong ni DJ. Tumango siya. "Sure!" masigla niyang sabi. Lumabas na si DJ saka pinagbuksan si Desiree ng pintuan. Matapos siyang magpasalamat, nagtungo na sila sa hotel at nagtungo sa venue gamit ang elevator. Nang makarating roon, marami ng bisita. Napalingon ang ilang mga bisita sa kanila. "Ayun sina dad at mom," pagbibigay-alam ni DJ. Napatingin naman si Desiree kung saan nakatingin si DJ. Nakita niya ang isang ginang at isang ginoo na nakaupo sa mesa na nakatingin sa kanila. Iginiya siya ni Dyla patungo roon. Tumingin sa kaniya ito ng matapat na sila sa mesa. "Mom and dad, si Desiree po pala. Iyong bagong model ko sa La Gran Winery," wika nito. Tumayo ang dalawa at nakipagkamay sa kaniya at ipinakilala ang sarili. "Nice to meet you, iha. You're so beautiful," anang ginang. Kitang-kita sa mukha nito ang sinseridad sa mga sinabi. Ngumiti siya ng matamis. "Thank you, po," tugon niya. Nagpakilala rin ang ama ni DJ at sinabing nagagalak din ito na makilala siya. Napatingin siya sa kabilang banda ng makita ang isang matangkad, maputi, sexy at magandang babae na palapit sa kanila. "Hi tita and tito," bati nito sa magulang ni DJ ng marating nito ang kinaroroonan nila. Ngumiti lamang ito at nakipagbeso sa babae. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pag-ikot ng mga mata ng ina ni DJ. Hindi ba nito gusto ang babae? Nang matapos ang pagbebeso. Umupo na ang dalawang matanda samantala bumaling naman sa kaniya ang babae at sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Sino siya, DJ?" tanong nito. Kita niya ang disgusto sa mukha nito dahil sa suot niya. Ano naman ang masama sa suot niya? "She is my new model, Lovie," tugon ni DJ. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inis dahil model ang pakilala sa kaniya ni DJ. Well, iyon naman ang totoo na modelo lang siya. Pero alam niya at ramdam niya na gusto siya ni DJ. Hindi nito gagawin ang mga bagay na iyon sa kaniya kung wala itong pagtingin sa kaniya. "What? She is you're model? Hindi marunong mamili ng damit para isang event. Hindi naman pangit ang damit pero hindi umaakma ang suot niya sa okasyon. Wala siyang class," pang-iinsulto nito sa kaniya. Napatayo ang ina ni DJ dahil mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Lovie pero hinawakan ito ng ama ni DJ sa kamay para pakalamahin. "It's her passion. At least she is a decent woman unlike you," ani DJ saka sinuyod ng tingin si Lovie mula ulo hanggang paa. "Halos makita na ang kaluluwa mo sa suot mo," patuyang sabi ni DJ. Kitang-kita ang pamumula ng pisngi ni Lovie. Ang ilang mga bisita ay napapatingin na sa kanila. "Umalis ka na, Lovie. Ayaw kong masira ang gabi ko dahil sa 'yo," seryusong sabi nii DJ. Nagtaas-baba ang dibdib ni Lovie saka siya tiningnan. Tumaas ang balahibo niya sa paraan ng pagkakatingin nito sa kaniya. Tumalikod na ito at nagmartsa papunta sa isang mesa na may dalawang babae na nakaupo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD