Huminga ng malalim si DJ pagkaalis ni Lovie. Wala talagang pinipiling lugar ito maakit lang siya. Isa rin itong modelo ng isang kompanya ng underwear na pag-aari ng pamilya nito. Lagi itong nagtutungo sa kaniyang opisina para akitin siya. Pero never niya itong magugustuhan. Kung kani-kanino na-li-link si Lovie sa mga lalaki. No choice lang ang family nito dahil baka magrebelde kapag inalis siya bilang modelo. Gusto niya ang isang babaeng desente na kagaya ni Desiree. Napatingin siya kay Desiree. Ngumiti siya. "Pasensiya ka na kay Lovie. Ganoon talaga iyon. Akala mo tingin sa 'yo ay kakompetensiya," aniya. Natawa lamang ito. Pinaghila niya ito ng upuan. Nang makaupo sila pareho, nagsalita ay kaniyang ina. "Kailanman hindi ko magugustuhan ang babaeng iyon! Hindi ganoong babae ang gusto ko