Matapos siyang ihatid ni DJ sa kanilang bahay, nahiga siya sa kaniyang papag na may manipis na kutson saka pinakatitigan ang kisame. Mabuti na lang at makulimlim ng mga sandaling iyon kaya hindi mainit ang kuwarto niya. Gusto rin niya magpahinga dahil napagod siya sa biyahe. Kanina, habang nasa daan sila ni DJ ay walang nag-iimikan sa kanila. Nang mga sandaling iyon ay ramdam pa niya ang maiinit na halik ni DJ sa kaniyang katawan. Ipipikit na sana niya ang mga mata ng mag-ring ang cellphone niya. Kinnuha niya iyon na nakapatong sa ibabaw ng mesang kahoy na nasa gilid ng kaniyang kama. Tiningnan niya ang caller. Walang iba kundi si DJ. Nagdadalawang-isip siya kung sasagutin ba niya o hindi. Pero kalaunan ay sinagot niya iyon dahil baka may importante itong sasabihin kaya napatawag sa kaniya.
"Hello," bungad niya. Tumikhim si DJ.
"Naistorbo ba kita?" tanong nito. Umiling siya na para bang nasa harapan niya ang kausap.
"Hindi naman. Bakit?" tanong niya. Napakagat-labi siya dahil kahit sa cellphone ay ang sarap pa rin pakinggan boses nito.
"Puwede ba kita yayain mamayang hapon? Inimbitahan kasi ako ni Sir Ching sa kaarawan g kaniyang unica hija. At gusto ka niya makilala. Nabanggit kasi kita sa kaniya na model na ako. Isa siya sa mga investors ng La Gran Winery," mahabang paliwanag ni DJ. Bigla siyang na-excite sa sinabi ni DJ. Ngayon lang siya makakaattend sa ganitong event.
"Sure," pagsang-ayon niya. "Okay. Susunduin kita mamaya para makabili na tayo ng gown na susuotin mo. May dress code kasi at naka-base iyon sa motiff." Matapos ang pag-uusap na iyon ay nahiga ulit siya. Ngayon niya napagtanto na gusto na niya si DJ. Ang tanong. Handa na ba siyang magmahal ult? Kakalimutan na ba niya ang pagmamahal niya para kay DJ?
"Siguro nga panahon na para kalimutan ko si DJ. Siguro kailangan ko na magmahal ulit. Buksan ang puso ko para kay DJ," pangako niya sa sarili at ipinikit na ang mga mta.
Pagsapit ng alas kuwatro ng hapon, ay asa kanila na si DJ. Nagbibihis na 'non si Desiree at nag-aayo ng sarili. Talagang inihanda niya ang pinakamaganda niyang damit para magandahan sa kaniya si DJ. Nang lumabas siya ng kaniyang silid ay nadatnan niya si DJ na kausap ang kaniyng ina. Napatingin siya sa mesa. May kahon doon ng pizza.
"Hindi mo naman kailangan magdala ng pagkain," sabi niya habang papalapit sa kanila. Lumingon sa kaniya ang dalawa. Ngumiti si DJ.
"Pauwi na kasi ang mga bata kaya bumili na ako para may meryenda sila," tugon naman ni DJ. Sakto naman na may narinig silang sigaw sa labas.
"Kuya DJ!" magkapanabay na sabi nina Reyna at Archie na patakbong pumapasok sa loob ng bahay. Nang makarating ang mga ito ay niyaap nila si DJ. Napangiti siya dahil sa nakikita. Maging ang kaniyang ina ay nakangiti rin.
"Mabuti naman at napasyal ka, kuya," sabi ni Archie.
"Oo naman! May pasalubong ako sa inyo ni Reyna," wika ni DJ at itinuro ang box sa ibabaw ng mesa.
"Wow!" namamangha na sabi ng dalawa. Binuksan ni DJ ang pizza at alam ni Desiree na hindi basta-basta ang presyo niyon. Kumuha si DJ ng dalawa saka pinaghiwalay iyon at ibinigay sa dalawa.
"Masarap iyan." Tinikman ng dalawang bata ang pizza at halos mapapikit ang mga ito ng malasahan ang pizza.
"Ang sarap po! Ngayon lang po ako nakatikim ng ganito!" bulalas ni Archie. Nakikain na rin Josie at nasarapan din ito sa pizza. Nakangiti na pinagmamasdan ni Desiree ang kaniyang ina at kapatid. Nasa trabaho pa kasi ang tatay niya at maya-maya pa iyon uuwi. Tumayo na si DJ.
"Aalis na po kami ni Desiree, tita," paalam nito. Tiningnan siya ng kaniyang ina at ibinalik iyon kay DJ.
"Mag-iingat kayo, iho."
"Mag-iingat po kayo kuya at ate," sabi naman ni Archie. Ginulo naman ni DJ ang buhok ni Archie.
"Oo naman! Hindi ko hahayaan na may masamang mangyari sa ate ninyo," tugon naman ni DJ. Nilingon siya ni DJ.
"Lets go?" panyaya nito sa kaniya. Tumango siya at sabay na silang lumabas ni DJ ng bahay.
Nang marating nila ang Lerry's Boutique na pag-aari ng kapatid ni Jonas, ipinark niya ang sasakyan sa parking area saka lumabas sila ni Desiree. Nang makapasok sila sa loob, nasa kaha na si Lennie at nagbibilang na ng pera. Alas singko kasi ang sara nito.
"Mukhang maaabala ka namin, Lennie," sabi ni DJ ng hindi mapansin ni Lennie ang presensiya nila. Ang "Lerry" ay kombinasyon ng pangalan ni Lennie at ng asawa nitong si Jerry. Itinayo ito bago ang kasal ng dalawa at regalo ito ng asawa ni Lennie rito. Isa kasing negoayante si Jerry. Nag-angat ng tingin si Lennie at ngumii ito ng makita sila.
"Oh, DJ! You're here!" bati nito at napatingin ay Desiree. Umalis ito sa harap ng kaha at lumapit sa kanila. Inilahad nito ang kamay kay Desiree.
"Lennie Asuncion pala," pagpapakilala nito sa sarili. Tinanggap naman ni Desiree ang pakikipagkamay nito.
"Desiree Sandoval," pagpapakiala nito sa sarili.
"Puwede mo ba siyang hanapan ng gown na kulay purple?" tanong ni DJ. Pinasadahan ni Lennie si Desiree mula ulo hanggang paa.
"Oh, yes! Meron! Come 'on," nyaya ni Lennie. Sinundan naman nila ito.
"Ito bagay sa 'yo," suhestiyon ni Lennie. Iginala ni Desiree ang tingin sa mga naroon. Lumapit siya sa isag gown na fit ng isang mannequin. Long sleeve iyon at litaw na litaw ang likod niya kung susuotin iyon. Pero mas mainam na kaysa sa itinuro ni Lennie na makikita ang cleavage niya.
"Ito na lang puwede?" tanong niya. Tiningnan siya ni Desiree. "Okay lang ba?" Ngumiti si DJ. Hindi naman niya ito kayang tanggihan. Ganoon ang epekto ng dalaga sa kaniya. "Sure. No problem," sagot ni DJ.
"Okay," sang-ayon ni Lennie at nagtulong sila ni DJ na tanggaling iyon sa mannequin.
"Ipasuot mo na sa girlfriend mo," tudyong sabi ni Lennie. Hindi na lang niya ito itinama. Hindi kasi mahilig magtanong ng personal na bagay si Lennie. Kung magkukuwento ka ay mas mainam. Iginiya niya si Desiree sa fitting room.
"Isukat mo para makita mo," wika niya. Tumalima naman si Desiree at pumasok na sa loob.