Chapter 12-Expectation

1006 Words
Nang makarating sina Desiree at DJ sa bahay ng dalaga. Papalabas pa lang si Desiree ay rinig niya na ang tinig nina Archie at Reyna. "Ate!" sabay na bigkas ng dalawa. Sinalubong niya ang mga ito. Lumabas na rin si DJ ng kotse saka kinuha ang tatlong box ng take-out na pagkain. "Kamusta?" tanong niya sa mga bata. "Ito ayos lang, ate. Ikaw?" tannog ni Reyna. Tumingin si Archie sa kaniyang likran kung saan naroon si DJ na nakangiti at bitbit ang ga kahon ng pagkain na nakalaagay sa malaking supot. Ito ayos lang naman, Reyna. Ikaw?" tugon ni Desiree. "Ate, sino po siya?" tanong ni Archie. Nakagat niya ang ibabang labi dahil nakalimutan niya si DJ. Nilingon niya si DJ. "Sorry, nakalimutan kita," hinging-paumanhi niya. Ayos lang," nakangiti nitong tugon saka lumapit sa dalawa. Ibinigay sa kaniya ang plastic. Tiningnan ni DJ ang dalawang bata na kitang-kita ang paghanga sa mukha. "Ang guwapo naman po ninyo," punongpuno ng paghanga na sabi ni Reyna. Natawa naman si DJ at ginulo ng buhok ni Reyna. "Thank you," tugon naman ni DJ. Si Desiree na nakatayo lamang ay nakangiti na nakamasid sa dalawa. Hindi naman iyon itatanggi ng dalaga dahil guwapo talaga ito. Kmunot ang noo ni Archie. Boyfriend po ba kayo ni ate?" kuryos nitong tanong. Nanlaki ang mga mata ni Desiree sa tanong na iyon ng kaniyang kapatid. Bago pa man niya masita si Archie, nagsalita na si DJ. "Gusto niyo ba akong maging boyfriend ng ate Desiree ninyo?" tanong nito na naging dahilan para bumilis ang t***k ng puso niya. Bakit ganon ang reaksiyon ng puso niya? "Opo, gusto po namin dahil bagay po kayo," tugon naman ni Reyna. "Archie, Reyna, pumasok na kayo sa loob. Mag-uusap lang kami. Pakisabi na lang kina inay at itay na nandito na kami," saad ni Desiree. Kaagad naman na nagtungo sina Reyna at Archie pabalik ng bahay. Medyo malayo kasi sa bahay ang kotse. Sabado kaya walang pasok sina Reyna at Archie at nakita nilang pauwi ang mga ito galing sa paglalaro. Mabuti na lang at medyo malayo sila sa kabahayan kaya iwas sa tsismis. "Pasensiya ka na kung nasabi ko iyon. Walang ibig sabihin iyon," sabi ni DJ. Tumango-tango siya. "Ayos lang. Tara na sa bahay," alok niya sa binata. Sumakay na sila sa kotse at pinausad iyon ni DJ patungo sa compound nila. Nang marating nila ang kanilang bahay, agad silang lumabas. Dala ni DJ ang plastic ng take out food at sabay silang nagtungo sa kanilang bahay. "Mama, nandito na si ate!" sigaw ni Archie na siyang sumalubong sa kanila. Tumingin si Desiree kay DJ. "Halika, pasok ka. Pagpasensiyahan mo na itong bahay maliit lang," sabi niya. Ngumiti si DJ saka inilapag ang plastic sa ibabaw ng mesa. "Ayos lang. Ang mahalaga, may tahanan kaysa wala, di ba?" tanong nito at tiningnan siya. Tumango-tango siya. Tama nga naman si DJ. "Desiree," tawag ng kaniyang ina mula sa kaniyang likuran. Lumingon siya saka lumapit sa ina at nagmano. "Magandang tanghali 'nay. Kasama ko po pala si DJ, boss ko," aniya. Tiningnan ng kaniyang ina si DJ na ngayon ay papalapit na sa kanila. Nagmano ito sa kaniyang ina ng makalapit ito. "Salamat sa paghatid sa anak ko. Salamat din sa tulong na ibinibigay mo sa kaniya," puno ng sinseridad na sabi ni Aling Josie. Tiningnan ni DJ si Desiree. "Wala po iyon. Masaya po ako dahil natutulungan ko po siya," nakatitig na sabi ni DJ sa kaniya. Napalunok siya sa paraan ng pagkakatitig nito sa kaniya. Hindi niya mabasa ang emosyon na nakapaloob sa mga mata nito. Tumikhim ang kaniyang ina kaya napabaling silang dalawa kay Aling Josie. "Kain na tayo. Nagluto ako ng pinakbet. Lutong ilokano iyon. Ilokano kasi ako," tugon ng kaniyang ina. "Masarap iyon," segunda naman niya. Nagtungo na sila sa kusina kung saan nadoon na ang kaniyang ama, si Archie at Reyna. Inilapag ni DJ ang tae out food sa mesa at tinulungan niya itong ilabas iyon. Napangiti siya dahil hindi na-excite ang dalawang bata na matikman ang dala ni DJ. Pinalaki kasi sila na disiplinado sa pagkain. "Nag-abala ka pa, iho," sambit ng kaniyang ama. "Wala po iyon," tugon naman ni DJ. Sabay-sabay a silang naupo sa silya. Si Archie ang nag-lead ng prayer. Pagkatapos, pinagsaluhan na nila ang pagkin na nakahain sa mesa. Napatingin si Desiree ng kumuha si DJ ng pinakbet at tikman iyon. Napapikit ito haban nginunguya ang ulam na may kasabay na kanin. "Ang sarap po ng luto ninyo, tita," puri ni DJ. Hindi niya maiwasang mapatitig sa binata. Kahit nagmula ito sa mayaman na pamilya ay marunong itong makisama sa katulad nilang mahihirap. Bigla itong tumingin sa kaniya at ngumiti. Agad niyang itinuon ang atensiyon sa kinakain. Gustuhin man niya na magkagusto pero kailangan niyang pigilan para sa pangako niya sa namayapang kasintahan. "Ano po pala niyo, kuya?" tanong bigla ng nakababatang kapatid na lalaki ni Desiree kay DJ. "DJ," sagot nito. Nanlaki ang mga mata ni Archie. Si Desiree naman ay napahawak ng mahigpit sa kobyertos. Ang kaniyang magulang naman ay biglang nabalisa. Hindi naman puwede na sitahin nila ang bata dahil normal lang na magtanong ito sa pangalan ng bisita nila. "Kapangalan mo po iyong namatay na boyfriend ni ate, kuya. DJ din po ang pangalan," tugon ni Reyna. Natigilan si DJ at napabitaw sa kkutsara na hawak. "Sorry, nagulat lagng ako. Hindi ko akalain na kapangalan ko pala ang namayapang kasintahan ni Desiree," tugon nito. Hindi maiwasang makaramdam ng hinanakit si DJ dahil hindi man lang binanggit ng dalaga ang pangalan ng namayapa nitong kasintahan. Ang buong akala ni DJ ay dahil sa kaniya kaya nakangiti ang dalaga pero nagkamali pala siya. Paano kung dahil sa kaniya ay naiisip at naaalala ni Desiree ang yumao nitong kasintahan? Parang nawalan tuloy siya ng ganang kumain pero piinilit pa rin niyang kumain. Ayaw niyang isipin ng mga ito na apektado siya. Hndi na siya nagsalita pa hanggang sa matapos silang kumain. Mukhang napansin rin iyon ng mga bata kaya hindi na nagsalita ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD