Natigilan si DJ ng bigla na lang siyang hilain ni Denise at magpaalam kay Desiree. Nagtungo sila sa bandang gilid kung saan walang gaanong costumer. Binitawan ni Denise ang kaniyang kamay. Tiningnan siya ng pagdududa.
"Bakit ganiyan ka makatingin?" Mas matanda siya sa pinsan ng isang taon pero hindi siya nito tinatawag na kuya.
"May gusto ka sa kaniya 'no?" naniningkit ang mga matang nakatingin ito sa kaniya. May dahilan pa ba para magsinungaling siya? Kilala siya ng pinsan dahil simula pagkabata ay magkasama na sila. Minsan lang kasi itong bumisita sa kaniya lalo at abala din siya sa negosyo. Tumango siya.
"Oo, may gusto ako sa kaniya, pinsan," panimula niya at isinandal ang likod sa dingding. Mataman lamang na nakikinig si Denise habang nakatingin sa kaniya. "Naramdaman ko na lang na attracted ako sa kaniya. Ganoon talaga siguro. Na-love at first sight ako," aniya saka napatingin sa pinsan. Nakangisi ito.
"Bakit parang malungkot ka? Bakit? May boyfriend ba siya at hindi puwede na maging kayo?" tanong nito na nakasalubong ang kilay. Huminga siya ng malalim.
"Mahal pa rin niya ang kasintahan niya na namatay. Ano laban ko don? Mukhang wala na ata siyang balak na magmahal ulit," malungkot niyang sabi saka napabuntong-hininga. Hinawakan ni Denise ang braso saka pinakatitigan.
"Don't lose hope, DJ. Time heals all wounds. Siguro ngayon mahal pa rin niya iyon pero darating din ang panahon na makakalimot siya. Trust me. Matututunan ka din niyang mahalin," naangiting sabi nito. Ngumiti siya at nagpasalamat. Magaling talaga ito magpayo kaya ito ang pinaka-paborito niya. Hinila ito ang kamay niya.
"Halika na nga! Baka naghihintay na ang apple of the eye mo," ani nito habang natatawa. Napailing-iling na lang siya sa kapilyuhan nito.
"Nakapili ka na ba?" tanong ni Denise kay Desiree pagpasok nila sa loob ng opisina n pinsan niya. Kitang-kita ni DJ ang pamumula ng pisngi nito. Tumango ito sabay pakita ng catalouge kay Denise.
"Wow, ang ganda!" bulalas ni Denise. Tiningnan siya nito. "Tingnan mo if gusto mo," sabi ni Denise sabay pakita sa kaniya. Oo, maganda ang napili ni Desiree. Isa itong black one piece bikini na halter syle sa upper part at may butas sa magkabilang gilid esposing the waist of the user and also a v-shaped cut sa likod. Nasa catalouge kasi ang design ng mga bikini. Tiningnan niya si Desiree na ngayon ay nakayuko. Base sa ikinikilos nito alam ni DJ na conservative ang dalaga. Birhen pa kaya ito o baka naman may nangyari na sa kanila ng namayapang bf nito. Posible na hindi nito maibigay ang sarili sa lalaking minamahal nito.
"Ang lalim ng iniisip huh habang nakatingin kay Desiree," tudyong bulong sa kaniya ni Denise. Nilingon niya ito at binigyan ng masamang tingin. Ngumisi lamang ito. So ano? Agree ka sa one piece na napili ni Desiree?" tanong nito. Tumango siya at tiningnan si Desiree na ngayon ay nakatingin sa kaniya. "Agree ako at tiyak na magiging successful ang product," aniya at ngumiti ng matamis ay Desiree. Halos malaglag ang puso niya ng ngumiti rin ito. Ano ba itong ginagawa mo sa 'kin, Desiree? Hindi niya napigilang itanong sa sarili.
"So kailan niyo balak mag-shoot?" tanong ni Denise.
"Okay lang ba bukas tayo magshoot?" tanong niya kay Desiree.
"Sige. Sino pala ang photographer natin? Sana makilala ko siya para hindi ako mailang bukas," sabi nito. Bago pa man siya makapagsalita, nagsalita na si Denise sabay akbay sa kaniya.
"Aba! Magaling kaya ang pinsan kong ito. Alam mo ba na passion niya ang photography? Hindi naman niya na-pursue iyon dahil kailangan niyang pamahalaan ang La Gran Winery," madaldal na tugon ni Denise. Kung lalaki lang talaga ito baka kanina pa niya nabatukan. Nanlalaki ang mga mata at napaawang ang labi ni Desiree ng sabihin iyon ni Denise.
"Ang galing naman. Alam mo ba na hinahangaan ko ang mga taong magaling sa photography? Art kasi iyon, eh," sabi naman nito. Parang may paro-paro na nagliparan sa kaniyang tiyan sa sinabing iyon ng dalaga. So ibig sabihin ay hinahangaan siya nito?
"Thank you,"
"You're welcome," matamis na tugon naman ni Desiree. Tumayo na siya. "Kukunin namin iyan bukas. Ready to use naman na iyan 'di ba?" tanong niya.
"Oo naman. Iyong p*****t sa bank account ko na lang," sabi nito. Napabuntong-hininga na lang siya.
"Okay," nakasimangot niyang tugon. Tiningnan niya si Desiree na nahuli niyang nakangiti. Ang ganda talaga nito kapag ngumingiti. Kahit simple lang ito ay lumilitaw pa rin ang angkin nitong kagandahan.
"Tara na, ihahatid na kita sa inyo," sabi niya. Nagpaalam na sila kay Denise at bago siya tuluyang mkalabas ay bumulong ito ng "good luck". Napatango-tango na lamang siya. Iginiya niya ang dlaaga sa kaniyang kotse at binuksan ang passenger's seat. Nagtatakang tiningnan siya nito.
"Kailangan mo ba talagang gawin iyon?" Ngumiti siya.
"Oo naman," tuugon niya.
"Sa susunod huwag na. Kaya ko naman buksan, eh. Nakakahiya kasi boss kita tapos pinagbubuksan mo ako ng pinto," pagtutol nito.
"Okay lang iyon. Isipin mo na lang na we're business partners. Ginagawa natin 'to dahil pareh tayong magbebenefit. So I'm not you're boss anymore. We're business partners. Okay ba iyon sa 'yo?" tanong niya. Huminga ito ng malalim.
"Okay. Hindi tuloy kita kayang hindian dahil mabait ka sa 'kin," nakasimangot nitong sabi na ikinatawa niya.
"So let's go? Pasok na," utos niya. Pumasok naman na ito. Nakangiting umikot siya sa driver's seat at sumakay.
"Gusto mo bang dumaan muna tayo sa restaurant para magtake-out?" tanong ni DJ ng nasa daan na sila. Liningon niya ito.
"Hm, huwag na. Tiyak na may pagkain na sa bahay o baka nagluluto na sila," tugon niya. Huminto ito sa isang restaurant.
"No bibili ako para may psalubonga ako sa magulang at sa mga kapatid mo," tugon nito. Bago pa man siya makatutol ay nakalabas na ito at nagtungo na sa loob ng restaurant. Napabuntong-hininga siya. Parang pakiramdam niya nagkakagusto na siya kay DJ. Natigilan siya sa isiping iyon. Hindi dapat siya magkagusto sa binata! Ang pangako niya kay DJ ay tutuparin niya habang siya ay nabubuhay! Kailangan niyang pigilan ang sarili.
"Ang puso ko ay pagmamay-ari lamang ni DJ," may paninindigan niyang sabi. Ilang sandali lamang ang lumipas ay bumalik na si DJ bitbit ang tatlong malalaking box. Natigilan si DJ ng makita ang itsura niya na para bang balisa.
Agad na inilagay nito ang box sa ibaba at pumasok saka siya pinakatitigan.
"Okay ka lang?" nag-aalala nitong tanong. Ngumiti siya at umiling.
"Wala. Ang dami mo namang binili." Tumango-tano ito at hindi na nagtanong pa.
"Ayos lang iyan. Maliit na bagay. So tara na?" tanong nito.
"Sure," sagot niya. Pinausad na ni DJ ang sasakyan. Napatingin siya rito. Siguro kaya malambot ang puso niya sa binata ay dahil naaalala niya ang kasintahan na si DJ. Iyon ang rason lalo at hindi lang sila magkapangaln kundi parehas pa sila ng passion. Yes, passion ni DJ ang photography.