Nang matapos silang makapag-tanghalian, nagpaalam na si DJ na uuwi na. Kaya tumayo na siya para ihatid ang binata sa sasakyan nito. Habang naglalakad, walang nag-iimikan sa kanila. Alam ni Desiree na baka galit si DJ dahil hindi naman ito ganito. Hanggang sa makarating sila sa kotse nito. Akmang bubuksan na ni DJ ang driver's seat ng magsalita siya.
"Sorry kung inilihim ko ang totoong pangalan ng yumao kong kasintahan," paghingi niya ng paumanhin. Natigil si DJ sa akmang pagbukas ng pintuan. Lumingon ito sa kaniya saka bumuntong-hininga.
"Wala iyon, Desiree. Hindi mo naman obligasyon na sabihin ag pangalan niya. Imbes na nakakalimot ka, naaalala mo siya dahil kapangalan ko pala siya," malungkot na sabi ni DJ. Mararamdaman sa boses nito ang sinseridad sa mga sinabi nito. Hinawakan niya ang braso nito. Napatingin doon si DJ ngunit hindi niya inalis ang kamay niya at muling itinuon ang tingin sa kaniya.
"Salamat," tugon niya. Ngumiti ito.
"Walang anuman," wika nito habang titig na titig sa kaniya. Hindi na lang niya binigyang malisya ang titig nito. Tumikhim siya.
"Kailan tayo magsisimula?" tanong niya ukol sa photo shoot. Biglang nagliwanag ang mukha nito.
"Bukas, susunduin kita. Isuot mo na lang iyong one piece sa opisina ni Denise," sabi nito. Napatango-tango siya.
"Sige," Ngumiti ito at nagpaalam na. Pumasok sa loob ng sasakyan at pinasibad iyon paalis. Nang hindi na niya matanaw ang kotse nito. Napabuntong-hininga siya. Hindi mhirap magustuhan si DJ pero may mga bagay na kailangan pigilan. Siya iyong tipo ng babae na marunong tumupad ng pangako at ang pangako niya kay DJ ang kailanman ang hindi niya babaliin. Tumalikod na siya at naglakad patungo sa kanilang bahay.
"Saan ang punta?" tanong ni Josie ng madatnan si Desiree sa kuwarto nito na abalng nag-aayos sa sarili. Inilapag niya sa papag nito ang nakatuping damit. Nilingon ni Desiree ang ina at tiningnan ang ang tinupi nitong damit.
"Ngayon na po ang photo shoot ko para sa La Gran Winery na pag-aari ni DJ, nay. Salamat po pala sa pagtupi ng damit ko," sabi niya. Ngumiti ang ginang.
"Wala iyon." Lumapit si Josie sa anak at hinawakan ang balikat nito. Abala na sa paglalagay n lipstick si Desiree habang nakaupo at nakaharap sa vanity mirror na regalo pa ni DJ, ang yumaong kasintahan. "May gusto ka ba kay DJ?" Walang alinlangan na tanong ng kaniyang ina. Umiling siya.
"Wala po 'nay. Trabaho lang po," tugon niya. Umalis sa likuran niya si Josie samantala tumayo naman si Desiree. Kinuha ang bag at isusukbit na sana iyon ng magsalita ang kaniyang ina.
"Anak. Siguro panahon na para kalimutan mo na si DJ. Subukan mong magmahal ulit. Alam ko at ramdam ko na may gusto sa 'yo si DJ. Be practical, anak. Natututunan naman ang pag-ibig. Gawin mo ito para sa 'min ng iyong itay at mga kapatid," pakiusap ni Josie habang malamlam na nakatingin kay Desiree. Lumambot ang puso ni Desiree sa sinabi ng kaniyang ina pero buo ang desisyon niya na panindigan ang pangako kay DJ. Huminga siya ng malalim.
"Nay, ginagawa ko na po ang lahat para sa pamilya natin. Pinasok ko na ang bagay na hindi ko naman ginagawa para sa inyo. Hindi pa ba iyon sapat 'nay? Ayaw kong gumamit ng tao para lamang yumaman. I have to go. Hintayin ko na lang sa labas si DJ. Tutal on the way aman na siya," sambit niya saka tuluyan ng lumabas ng silid. Walang nagawa si Josie kundi titigan ang likuran ni Desiree na ngayon ay palabas na ng silid.
Nang marating ni DJ ang bahay nina Desiree, lumabas siya ng kotse at halos mapanganga ng makitang papalapit si Desiree sa kaniya na may ngiti sa mga labi. Pinasadahan niya ito ng tingin mula uo hanggang paa. Bagay na bagay rito ang suot na maong shorts na hanggang hita ang haba at sleeveless tank top.
"Good morning," bati nito ng makalapit sa kaniya. Ngumiti siya.
"Good moring din. Ready?" tanong nito. Tumango-tango ito.
"Yes. I'm ready!" masigla nitong sabi. Bigla naalala niya ang magulang nito.
"Wait. Magpaalam muna ako kina tita at tito," sabi niya. Sakto naman na papalabas si Josie. Napatingin si DJ sa ginang. Kumway siya.
"Magandang umaga po. Mauna na po kami!" sigaw niya.
"Mag-iingt kayo!" gating-sigaw ni Josie. Tumingin siya kay Desiree.
"Let's go?" tanong niya.
"Sure!" Pinagbuksan niya ito ng pintuan. Matapos makapagpasalamat ni Desiree, umikot na siya patungo sa driver's seat. Nang makapasok, nilingon niya ang back seat ung saan naroon ang isang hindi-kalakihang basket.
"Nagdala ako ng lunch natin. Doon na tayo mag-lunch. Nagdala ka ba ng spare clothes mo?" tanong niya. Hinawakan ni Desiree ang damit nito.
"Ito na lang. Pagkarating naman natin sa kung saan tayo mag-pho-photo shoot tatanggalin ko naman na itong suot ko," tugon nito. Tumango-tango siya.
"Sige. Punta muna tayo sa shop ni Denise para kunin iyong one-piece bikini." Tumango lamang si Desiree at itinuon na ang atensiyon sa daan. Siya naman ay minaniobra na ang sasakyan paalis sa lugar na iyon at binagtas ang daan patungo sa shop ng pinsang si Denise. Nang marating nila ang Den's Shop na pag-aari ni Denise, inihinto ni DJ ang sasakyan sa gilid.
"Ako na lang ang kukuha, Des. Hintayin mo na lang ako rito," sabi niya. Tumango lamang ang dalaga. Lumabas na siya at pumasok sa loob. May mangilan-ngilan na ring costumer si Denise. Maya-maya ay dadagsain ito. Hindi maipagkakaila na sikat ang pinsan dahil negosyante ang magulang nito. Abala ito sa pagkausap sa isang costumer habang hawak ang brochure. Napatingin si Denise sa kaniya.
"Pinsan!" sigaw nito. Bumalik ang tingin nito sa kausap at may sinabi. Mukhang magpapaalam ito saka ibinigay rito ang brochure. Umalis ito sa harapan ng may edad ng babae at naglakad palapit sa kaniya. Nakipag-beso-beso ito sa kaniya.
"Good morning pinsan," bati nito.
"Good morning din," ganting bati niya. "Kunin ko sana iyon order ko sa 'yo," sabi niya.
"Wait! Kukunin ko lang sa office," tugon nito saka tumalikod at naglakad patungo sa office nito. ILang minuto lamang ang hinintay niya ng lumabas na ito at bitbit ang isang paper bag. Iniabot nito sa kaniya ang paper bag ng makalapit si Denise sa kaniya. Ngumiti ito.
"Good luck, pinsan. Pagkakataon mo na ito para masolo siya," pilyong sabi ng pinsan.
"Oo naman. Gagawn ko ang lahat maakuha lang ang loob niya," determinado niyang sabi.
"Umalis ka na nga! Istorbo ka eh!" tatawa-tawa nitong sabi. Umiling na lamang siya saka lumabas na ng shop. Pumasok na siya sa kotse at iniabot kay Desiree ang paper bag.
"Di ba isusuot ko na ito?" tanong ni Desiree.
"Sh*t! Oo nga pala. Nakalimutan ko," hinging-paumanhin nito. Natawa ito.
"Sino ba kasi ang nasa isip mo at nakalimutan mo?" tanong ni Desiree habang tumatawa. Napatitig siya rito.
"Paano kung sabihin ko na ikaw?" tanong niya. Nag-iwas ito ng tingin.
"Ahm. Punta na ako sa shop," sabi nito at dali-daling lumabas ng sasakyan.
Napabuntong-hininga si Desiree ng makalabas ng kotse ni DJ. Hindi niya alam pro bakit biglang bumilis ang t***k ng puso niya ng titigan siya nito kanina. No! Kailangan niyang pigilan ang sarili. Mali ito! Naglakad na siya papasok ng shop. Iginala niya ang paningin para hanapin si Denise.
"Desiree!" ang matinis na sigaw na iyon ni Denise ang umalingawngaw sa buong shop. Napalingon siya rito na kalalabas lang mula sa stock room. Alam niya dahil may nakalagay na "STOCK ROOM" sa itaas ng pinto.
"Bakit?" tanong nito ng makalapit sa kaniya.
"Puwede ba ako magpalit rito?"
"Sure!" Iginiya siya nito sa opisina. Nang makapasok ay iniwan na siya nito. Tinanggal niya na ang kaniyang mga damit at isinuot ang one piece bikini. Napatitig siya sa repleksiyon sa salamin ng makitang bumagay sa kaniya ang suot.
"Magugustuhan kaya ni DJ?" Nanlaki ang mga mata niya sa tinatakbo ng kaniyang isipan. Napailing-iling siya. "No. Ginagawa ko ito para sa pamilya ko at hindi para ma-impress si DJ," sabi niya sa sarili. Huminga siya ng malalim at muling isinuot ang damit para matakpan ang suot saka lumabas ng office.
"Thank you, Denise!" sabi niya ng makita si Denise.
"You're always welcome. Good luck," puno ng sinseridad itong sabi na may ngiti sa labi. Ginantihan niya iyon ng isang matamis na ngiti at lumabas na ng shop.