"Ano ba ang trabaho na inalok sa 'yo ni Sir DJ?" tanong ni Jazzie kay Desiree habang lulan sila ng kotse nito para ihatid siya sa kanila.
"Model," tipid niyang sagot. Nanlalaki ang mga mata ni Jazzie na napatingin sa kaniya.
"Talaga?!" bulalas nito na hindi makapaniwala. Tumango-tango siya.
"Oo, iyon nga. Kaso tinanggihan ko dahil--" Pinutol na ni Jazzie ang iba pa niyang sasabihin.
"Ano?! Bakit mo tinanggihan?! Hindi mo ba alam na malaki ang kita sa pagiging modelo?! Hindi na kailangan ni tita na maglabada para sa pang-araw-araw na gastusin. Sa pagiging modelo mo palang mabubuhay na kayo," paliwanag nito na itinigil pa ang sasakyan sa gilid ng daan para makausap siya. Nagbaba siya ng tingin. Alam naman niya malaki ang kita sa pagiging modelo pero siya iyong tipo ng babae na conservative. Iyon siya at hindi niya babaguhin ang sarili para sa pera.
"Alam mo naman na konserbatibo akong tao, Jazzie. Ayaw ko," may diin niyang sabi. Napailing-iling na lang si Jazzie saka minaniobra na ang sasakyan patungo sa kanila.
"Ewan ko sa 'yo. Hindi ka naman maghuhubad, eh. Mamatay ka sa gutom kapag iyan ang pinairal mo," ani nito. Tumingin na lamang si labas si Desiree. Iyon siya ng makilala si DJ. Natatandaan pa niya ang sinabi ng yumaong kasintahan na ang isa ang nagustuhan nito ay ang pagiging konserbatibo niya at sana huwag siyang magbago. Hindi niya babaguhin iyon.
"Ate!" sigaw ng kaniyang kapatid na si Rohan ng makita siya na naglalakad palapit sa bahay nila. Nasa labas kasi ito at naglalaro. Agad niyang sinalubong ang kapatid.
"Hello. Kumain na ba kayo?" tanong niya. Tumango-tango ang bata.
"Oo ate. Nasa kusina po iyong pagkain po ninyo," sagot ni Rohan. Half-day lang kasi ito sa klase.
"Nasaan si nanay?" tanong niya.
"Nasa bayan po, ate. Bumili ng gamot ni itay," sagot nito.
"Sige, maglaro ka na," aniya saka nagtungo sa loob ng bahay. Binuksan niya ang food cover na nasa mesa at tiningnan ang laman niyon. Pritong itlog ang pananghalian nila. Napaupo siya sa upuan at naihilamos ang palad sa mukha. Napapikit siya ng mariin ng maalala ang mga sinabi ni Jazzie. Tama nga ito. Mamamatay sila sa gutom kung pride ang papairalin niya. Napapikit siya ng mariin.
"Sorry, DJ pero kailangan kong gawin ito para sa magulang at kapatid ko. Sana naiintindihan mo ako," piping sabi niya sa sarili. Nang mga sandaling iyon ay nakapagdesisyon na siya na tatanggapin ang alok ni DJ na maging modelo siya. Ikinuyom niya ang kamao.
"Para sa king magulang at sa aking kapatid. Gagawin ko ito!" determinado niyang sabi. Huminga siya ng malalim at nagsandok na ng kanin para mananghalian. Nang dumating ang kaniyang ina, sinabi niya ang trabahonog inaalok sa kaniya. Gusto nito na maging modelo siya lalo at kailangan na kailangan nil ng pera dahil hindi na araw-araw ang paglalabada niya. Nang mga sandaling iyon, napagtanto ni Desiree na tama lamang ang naging desisyon niya.
"Tatanggapin ko na ang alok ni DJ na maging modelo," wika ni Desiree ng malapit na sila sa kompanya ni DJ kung saan magsisimula siya bilang isang janitress. Naitakip niya ang kamay sa kaniyang taenga ng tumili ito.
"OMG! Tama lang ang desisyon mo! Mabuti naman at nakapag-isip-isip ka ng tama," sigaw nito. Humugot siya ng malalim na hininga.
"Kailangan, eh. Para sa pamilya," saad niya.
"Good desicion, be!" anito habang ipinapark sa parking area ang kotse nito. Pumasok na sila sa loob ng gusali at pumasok sa elevator. Naghiwalay lang sila ng bumukas ang elevatorsa floor kung saan naroon ang opisina ni Jazzie. Bago ito lumabas ay hinawakan nito ang kamay niya at bahagyang pinisil.
"Good luck. Kaya mo iyan," pagpapalakas-loob nito. Ngumiti lamag siya at tumango. Nang huminto ang elevator sa floor ng opisina ni DJ, huminga muna siya ng malalim bagop lumabas ng elevator. Nang maatapat siya sa desk ng sekretarya ni DJ, sinabi niya na maglilinis siya sa opisina nito. Sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Himala, nag-hire si sir ng maglilinis ng opisina niya," payam nitong sabi saka tumayo at binuksan ang pinto ng opisina nito.
"Mag-iingat ka. Ingatan mo mga vases at ibang babasagin na gamit ni sir. Naku kapag nabasag mo iyon tiyak na ipapabayad sa 'yo ni sir--" Naputol na ang sasabihin ng babae ng may baritonong tinig na nagsalita sa kanilang likuran.
"Jane, sino ang nagbigay sa 'yo ng karapatan na sabihan siya?" Napatingin sila ng Desiree at Jane sa nagsalita na walang iba kundi si DJ. Namula ang pisngi ni Jane ng makita ang madilim na mukha ng boss nito.
"Sir, sinasabihan ko lang siya. Ang hirap kumita ng pera ngayon," nahihintakutan na sabi ni Jane. Tiningnan siya ni DJ.
"Pumasok ka na," saad nito. Malumanay iyon hindi gaya kanina sa kung paano ito makipag-usap kay Jane. Tumango-tango siya at nagtungo na sa loob. Sumunod naman si DJ. Ibiigay nito sa kaniya ang mga gagamitin niyang panlinis. Samantala, naupo naman ang binata sa swivel chair nito.
Naglinis, nagwalis, at nagpunas ng mga display si Desiree ng halos dalawang oras. Hanggang sa makaramdam siya ng pagod. Naupo muna siya sa sofa at isinandal ang katawan roon at hindi namalayan na nakatulog na pala siya. Paggising niya, pakiramdam niya may mga matang nakatitig sa kaniya. Nang imulat niya ang mga mata, ganon na lang ang kaba sa kaniyang dibdib ng mga sandaling iyon. Baka pagalitan siya nito? Agad na tmayo si DJ.
"Pasensiya, nakatulog ako sa pagod," hinging-paumanhin niya.
"Okay lang iyon. Gusto mo ba magmeryenda?" tanong nito sabay tingin sa mesa kung saan may pagkain sa ibabaw niyon. Hindi niya tuloy maiwasan mapatitig sa binata. Bakit napakabait nito? Tumayo siya at dinampot ang mop na nasa gilid ng sofa.
"Okay lang po ako. Mag-lunch na lang po ako mamaya," aniya. Nguniti natigilan ng tumunog ang tiyan niya. Biscuit at kape lang kasi ang kinain niya kanina kaya ngayon ay nakakaramdam siya ng gutom. Natawa ng mahina si DJ. Namula tuloy ang pisgi niya dahil sa hiya.
"Mukhang napagod ka talaga. Kain muna tayo. Minsan lang ako mag-alok," anito habang nakangiti na nakatingin sa kan'ya. Wala siyang nagawa kundi ang tumango. Wala ng dahilan pa para tumanggi siya. Natigilan siya ng lumapit sa kaniya si DJ at hawakan ang kamay niya. Nakaramdam siya ng bolta-boltaheng kuryente sa pagkakadaiti ng kanilang balat. Ano ang nangyayari? Dahil ba sa pakiramdam niya ito si DJ? Ang namayapa niyang kasintahan? Ipinaghila pa siya nito na upuan. Nang makaupo siya, naupo na ito sa katapat niyang upuan. Ibinigay nito sa kaniya ang isang box na SULIT TIPID ng Jucylicious. Isang package sa isang fast food chain.
"Tara, kain na!" paanyaya nito. Binuksan na niya ang pagkain at nagsimula nang kumain. Napapikit siya. Kailan ba ng huli siyang makatikim ng ganito? Ah, oo! Noong kasintahan pa niya si DJ. Na-mi-miss na niya talaga ito.