Napakasakit ng ulo niya nang magising kinabukasan.
Naalala niya ang panaginip niya kagabi. Hinawakan niya ang kanyang mga labi. Parabg totoo talaga ang panaginip niya kagabi na naghahalikan sila ni DJ. She misses him bigtime.
"Hay naku batang 'to oh! Ba' t naglasing ka kagabi!" sambit ng nanay niya nang bumaba siya upang magtimpla ng kape.
"Nay... Naimbitahan lang naman po ni Jazzie. Minsan lang naman. " sagot niya
" Ano na pala ang balita sa paghahanap mo ng trabaho anak?"
Natigilan siya sa tanong ng kanyang nanay. Ba't ba kasi ang hirap maghanap ng trabaho ngayon.
"Itutuloy ko ang paghahanap ngayon nay."
" O s'ya kumain ka na... Wala na pala tayong bigas para sa hapunan.!"
"Manghiram na lang muna tayo nay kina Aling Marita!"
"O s'ya sige.. Aalis din pala ako. Tumanggap ako ng labada diyan kina Lucy. Para may pangkain naman tayo at gamot ng tatay mo!"
Mahirap talagang maging mahirap. Naaawa siya sa pamilya kaya pinangako niya sa sarili niya na mamaya pag-uwi niya ay may trabaho na siya.
Bago siya lumuwas sa bayan ay dumalaw na muna siya sa pungtog ni DJ.
-------------
Mag-aalas dos na ng hapon pero wala talagang bakanteng trabaho ang lahat ng establishimentong pinag-applayan niya.
"Napakamalas nga naman." sambit niya sa sarili.
Paano na ang pamilya niya? Hindi pa talaga siya nakakahanap ng trabaho. Ano na lang ang kakainin nila sa susunod pang mga araw?
Naisipan niyang tawagan si Jazzie. Baka naman may bakante sa farm ng boss nito kahit anong trabaho na lang basta't may sweldo. Kahit na taga-ayos o taga laba lamang siya ng mga gamit sa pagmomodelo roon ay kakagatin na niya.
"Oh bakla? Kumusta ka na? Gusto mo pa bang uminom mamaya baka nabitin ka kagabi girl?!" tukso nito sa kabilang linya.
" Hype ka talaga Jayson!"
"Hayyyy, jusko lord! Patay na si Jayson girl. Nandidiri ako sa pangalang 'yan. Enekeve!!"
Natawa naman siya sa reaksyon nito. "Ano ba kasi ang kailangan mo ha?"
"Kailangan ko ng trabaho girl! Baka naghahanap kayo! Desperada na' ko Jazzie. Isang linggo na'kong naghahanap pero waley pa rin!" saad niya. Sanay na rin siya sa gay lingo ng kaibigan dati pa.
" Hay pangit ka kasi!" sabi nito sabay tawa ng pagkalakas sa kabilang linya.
" Tulungan mo naman ako Jazzie oh! "
" Gusto mo bang maging tagapulot ng mga bulok na grapes? Trabaho 'yun.. Huwag choosy!"
"S-sge"
"Bwahahah, sunga ka talaga noh?"
"Seryoso ako Jazzie!"
"Oo na tamang tama pala naghahanap si boss ng sekretary niya pero pansamantala lang. Okay?"
"Huh? Sige Jaz..salamat talaga!"
"Oh sige.. Tawagan kita mamaya ha? Kausapin ko muna siya! "
Napasigaw siya sa tuwa sa sinabi ni Jazzie. Okay na rin kahit pansamantala lamang ang trabaho niya atleast may sweldo siya kahit paano at saka na niya iisipin kung paano maghanap ulit ng pagtatrabahuhan.
--------------
DYLAN JADE
" Josh let me see the pictures!" seryoso niyang sambit.
Ibinigay naman ng photographer camera sa kanya. Kuha 'yon ng mga models na nakapose sa iba' t ibang anggulo at sa iba't ibang lugar sa farm habang dala-dala ang bottle ng La Gran Wine.
Napakunot ang noo niya nang makita ang isang picture ng isang pamilyar na babae.
"I'm sorry po sir, hindi ko lang mapigilang kunan siya ng litrato!" paliwanag ni Josh.
"girlfriend mo ba 'to?"
"Nope sir, kakilala ni Jazzie yan eh!"
"So, siya na nga!"
"Po?" tanong ni Josh.
"I want you to find this lady....I want her to be one of our models. Go and find Jazzie!"
"Yes boss give me a minute!"
Nakaalis na si Josh pero tinititigan pa rin niya ang litrato ng babae na nakaupo sa malaking bato.
Stolen shots lamang ang lahat ng kuha ni Josh pero talagang maganda ang kinalabasan.
May close shots din kung saan nakatingala ang babae sa kalangitan.
Bakit malungkot ang mata nito? Hindi rin niya maiwasang humanga sa ganda nito. Morena beauty. Matangos ang ilong na nababagay sa hugis puso nitong mukha. Mga mapupulang labi na nang-aakit.
Napabuntonghininga siya nang isipin ang halik na namamagitan sa kanila. Hindi niya maiwasang ngumiti sa sarili.
"You will be mine lady!" bulong niua sa sarili habang hindi pa rin binibitawan ang kamerang hawak niya.
---------------
"Ay putek!" Hindi niya maiwasang mapahiyaw nang tumalsik ang putik sa damit niya.
Paano ba naman. Kailangan niyang maglakad pauwi sa bahay nila dahil wala pala siyang pamasahe.
Hindi niya maiwasang mainis sa dumaang kotse. "Hayssst buhay nga naman kapag sinuswerte ka naman oh! "
Halos kalahating oras siyang naglakad pauwi sa bahay nila. At hindi birong pagod na pagod talaga siya.
"Ate... Okay ka lang?" Tanong ni Reyna nang makita ang itsura niyang daig pa ang taong grasa.
"Oo bunso okay lang ang ate. Si nanay?" tanong niya rito.
"Hindi pa umuuwi 'te! Pero nagwaing na' ko. Nanghiram lang ako ng bigas kay Aling Marita!"
Hindi niya maiwasang maawa sa kapatid.
"Kumain na ba kayo?" tanong ulit niya.
"Opo 'te. Pati si tatay kumain na rin! Wala tayong ulam' te. Mantika at toyo lang."
"S-sge Reyna. Bukas may trabaho na si Ate kaya makakakain na rin tayo ng masarap!"
"Yehey!!!! Kuya Archie, may trabaho na raw si Ate!" tumalon pa ito sa tuwa.
"Wow naman. Ate ilibre mo kami sa Jolibee ah!" wika naman ni Archie. Si Archie ay nasa Grade 7 na.
"Ate, tsinelas ko ah baka makalimutan mo!" wika pa ni Reyna.
"Oo... Paano ko ba naman kayo makakalimutan eh love na love kayo ni Ate!"
Nagyakapan naman silang tatlo.
Kahit na mahirap lamang sila ay masaya sila.
"Mas masaya sana kung buhay ka pa DJ!" sambit niya sa isipan.
"Kain ka na 'te! Ipaghahanda na kita ah!"
Tumango siya sa bunso.
Isusubo na sana niya ang kanin nang tumunog ang kanyang cellphone.
"Hoy pangit!" boses ni Jazzie sa kabilang linya.
"Jayson?" tukso niya rito. Narinig niya ang tawa nito sa kabilang linya.
"Pektusan kaya kita sa matris!"
"Oo na.. May balita ka na ba para bukas?"
"Tatawag ba'ko kung wala? Shunga ka talaga noh? Hoy bruha, susunduin kita bukas diyan. Alas siete ha? Malinaw pa 'yan sa tigyawat mo ha!"
"Ayieeee.. Salamat talaga bessy ah."
"Ang swerte mo nga naman no? Kahit pangit ka ay pinili ka pa rin ni boss DJ!" saad nito.
"Ano? Pakiulit nga?"
"Hay naku! Bungol? Dapat sexy ka bukas ha? Wear your best outfit okay? Huwag 'yung parang maglalaba ka lang sa ilog!" pang-aasar nito sa kanya.
"Grabe naman to'. Oo na ikaw na ang maganda Jayson! Bye...." pang-aasar rin niya sa kaibigan.
Sir DJ? Tama nga ba ang narinig niya mula kay Jazzie. Parang kinakabahan na siya narinig pa lang ang pangalang 'yon.