Chapter 6- Bagong Simula

1141 Words
Kanina pa nakaupo si DJ sa swivel chair sa kaniyang opisina sa La Gran Winery. Hinihintay ang pagdating ni Desiree. Nag-iisip ng mga puwedeng itanong sa babae. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Akmang tatayo na siya para magtungo sa despenser at uminom ng tubog ng may kumatok sa pintuan. Nagtungo siya sa pinto at binuksan iyon. Natigilan siya ng makita si Jazzie kasama ang babae. Ang babaeng humalik sa kaniya at ang babaeng may magandang mukha na kinunan ng litrato ng kaniyang photographer. "Hi, sir! Good morning! Kasama ko na po pala si Desiree," ani Jazzie saka tiningnan si Desiree. Kiming ngumiti ang dalaga. "Good morning, sir, DJ," mahinhin nitong sabi. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pintuan. "Pasok" paanyaya niya. Pumasok naman ang dalawa. Naupo sa sofa si Desiree habang iginagala ang paningin sa buong opisina. Hindi niya maiwasang mapatingin sa mapuputi nitong hita na nalantad dahil sa suot nitong black skirt. Bigla niyang naisip ang nangyari noong isang araw, ang halikan na namagitan sa kanila. Baka bigla itong sabihin ni Jazzie! Ayaw niyang mahiya o mailang sa kaniya ang dalaga. Kaya naman ng akmang uupo na si Jazzie ay tinawag na niya ito. "Jazzie," tawag niya. Napatingin sa kaniya si Desiree pero pinilit niyang ituon ang atensiyon kay Jazzie. "Yes, sir?" tanong nito at tumayo. "Puwede ba tayo mag-usap?" Tumango-tango ito. "Sure," masigla nitonng tugon. Nilingon niya si Desiree at nahuli niya itong nakatingin sa kaniya. Naguguwapuuhan ba ito sa kaniya? Sana man lang makaguwapuhan man lang ito para hindi siya mahirapan na kunin ang loob nito. Lalabas lang kami ni Jazzie. May sasabihin lang ako sa kaniya," nakangiti iyang sabi. Tumango-tango ito. "Sige po sir. Tae your time po," Nilingon na niya si Jazzie. Nauna na siyang naglakad palabas ng opisina habang nakasunod si Jazzie sa aniya. Nang makalabas sila ay bahagya niyang isinara ang pinto. "Sir, may nagawa ba akog mali?" natatarantang tanong nito. Umiling siya. "Wala. Sa katunayan good performance ka ngayon." Napapalakpak ito. "Naku. Thank you, sir!" "May pabor lang sana ako na hihilingin sa 'yo," pakiusap niya. Never pa siyang humingi ng pabor! Ngayon lang! Dahil lang sa isang babae! "Puwede bang huwag mong sasabihin kay Desiree na nagkita na kami sa bar? Mukhang hindi niya ata iyon natatandaan. Ayaw kong amhiya o mailang siya sa 'kin," sabi niya. Agad na tumango ito. "Oo naman sir. Kailangan na kailangan niya kasi ng trabaho ngayon. May sakit ang kaniyang ama. Labandera naman ang kaniyang ina at may dalawa pa siyang kapatid na pinapaaral," malungkot na sabi ni Jazzie. Makikita sa mukha nito ang labis na pag-aalala sa kaibigan. Tinapik niya ito sa balikat. "Tutulungan ko siya. Iwan mo muna kami para makapag-usap kami ng sarilinan. Tawagan kita kapag tapos na," Kitang-kita sa mukha ni Jazzie ang pag-aalinlangan na iwanan ang kaibigan. "Jazzie," madiin niyang sabi rito. "Wala akong gagawing masama sa kaniya. Kaya huwag ka ng mag-alala. Parang hindi mo ako kilala," paniniguro niya. Huminga ito ng malalim. "Okay, sir. Sa 'yo ko na ipagkakatiwala ag kaibigan ko. Ikaw na ang bahala sa kaniya," ani nito saka tumalikod at umalis. Humugot siya ng malalim na hininga at nglakad patugo sa pinto saka dahan-dahan iyon binuksan. Hindi maiwasan na mainis ni Desiree dahil kaiangan pa talaga na lumabas ni DJ para makausap si Jazzie. Biglang kumirot ang puso niya ng maalala ang namayapang kasintahan. Nami-miss na niya ito. Sobra! Napatingin siya sa pintuan ng bumukas iyon at pumasok si DJ. Hidi niya maiwasang humanga sa kauwapuhan nito pero kaagad din niyang kinastigo ang sarili. Si DJ lang ang guwapo para sa kaniya! Umupo ang binata sa katapat niyang sofa at tinitigan siya. Tumikhim siya. "Sinabi ni Jazzie na kailangan mo raw ng sekretary pansamantala. Puwede ba ako? Kaso hindi ako nakapagtapos ng Kolehiyo. Pero puwede akong maging janitress! Kahit anong trabaho ang ialok mo sa 'kin go ako! Kailangan na kailangan ko lang kasi ng trabaho para sa mga kapatid ko, nanay at nagmamaintenance pa ng gamot ang tatay ko," pakiusap niya. Nakatitig lamang ang binata sa kaniya. Bigla tuloy siyang na-concious. Baka may dumi siya sa mukha o may nasabi siya na hindi maganda. Bumuntong-hininga ang lalaki saka pnasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "I want you to be my model in my company. I like your body. Gusto mo ba?" tanong nito. Nanlaki ang mga mata niya. Siya? Magmomodelo? Conservative siyang babae at parang nakakahiya na ibalandra ang katawan niya sa mga tao. Nagyuko siya ng ulo. "Pag-iisipan ko sir. Hindi po kasi ako sanay na mag-suot ng bra at panty. Pinalaki po kasi akong konserbatibo," saad niya. Nang mag-angat siya ng tingin. Nakatitig p rin sa kaniya ang binata at parang may kung anong emosyon sa mukha nito na hindi niya mabasa pero bigla din iyon nawala. Napatango-tango ito. "Okay. Habang pinag-iisipan mo. Puwede ka muna maging janitress ko dito sa opisina. Half day ka lang para makauwi ka sa bahay ninyo at maasikaso mo mga kapatid at tatay mo," wika nito. Napaawang ang labi niya. Bakit ang bait nito sa kaniya? "Salamat po, sir. Tatanawin ko pong utang na loob ito sa inyo," puno ng sinseridad niyang sabi. Ngmiti ito na naging dahilan para lumabas ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin. Model ba ito ng toothpaste. "Walang anuman. Makakauwi ka na," wika nito. "Sandali, tatawagan ko lang si Jazzie para sunduin ka niya," ani nito saka nag-dial na sa cellphone. Makalipas lamang ang ilang minuto ay may kumatok sa pintuan at bumukas iyon. Tumambad ang mukha ng kaibigan niyang si Jazzie. "Ihatid mo na siya sa kanila. Magmula ngayon susunduin mo na siya sa kanila at ihahatid pauwi. Maging janitress ko siya dito sa opisina magmula bukas," maawtoridad na sabi ni DJ. "Masusunod po sir!" Lumabas na sila ng opisina ni Jazzie. Habang naglalakad sila papuntang elavator ay nagsalita na naman itong muli. "Uuuyyy, type ka ni boss," saad nito. Natigilan siya sa sinabi nito at napatingin sa kaibigan na tumigil rin.Hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ni Jassie. Pinagluluko talaga siya nito. "Huwag mo nga ako pinagloloko Jazzie! Hindi ako magugustuhan ng isang kagaya niya na CEO. At saka kahit gustuhin man niya ako, hindi ko siya kailanman magugustuuhan dahil nangako na ako kay DJ na siya lang ang mamahalin ko at wlaa ng iba," pagmamatigas niya. Napabuga ng hiniga si Jazzie. "Ewan ko sa 'yo, Des! Ang tigas niyang puso mo! Patay na iyong tao! Kailangan mo ng pakawalan ang sarili mo! Ikaw ang kawawa kapag nagkataon!" malditang sabi ni Jazzie. Umiling siya. "Tinutupad ko lang ang pangako ko sa kaniya. Tara na! Para makauwi na rin ako para ay katulong si inay sa bahay at masabi ko na rin na magkakaroon na ako ng trabaho," saad niya at nagpatiuna ng maglakad. Napailing-iling na lang si Jazzie habang nakasunod sa kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD