Part 2

2095 Words
The only man AiTenshi   Part 2   "I do," ang sagot ko habang nakangiti. Isinuot ko kay Gio ang singsing na sumisimbol sa aking pagmamahal para sa kanya. "I give you this ring as a symbol of my love with the pledge to love you today, tomorrow, always and forever."   "Giovanni and Jao, before theses witnesses you have pledge to be joined in marriage. You have sealed this pledge with your wedding rings. You may now seal this ceremony with a kiss." Hinawakan ni Gio ang aking pisngi at isang halik sa labi ang iginawad niya sa akin. Isang simpleng dampi ngunit punong puno ng kabuluhan at walang kapantay na pagmamahal.   Palakpakan ang lahat. At ang mga sandaling iyon ay itinala ko bilang isa sa pinakamasayang sandali sa aking buhay.   Isang taon palang kaming kasal ni Gio, pero matagal rin kaming naging magkasintahan, ilang taon rin halos ang inabot. At dumaan rin kami sa ilang mabibigat na pagsubok katulad na lang ng minsan pagsisinungaling niya, pagloloko at pag-inom gabi gabi kasama ng kanyang mga kaibigan na madalas naming pag-away. Pero wala namang perpektong relasyon. Tanggap ko na ang lahat ay dumaraan sa butas ng karayom para maging masaya.   Pero ang pinakamalaking pagsubok sa aming relasyon ay ang kanyang pamilya. Gwapo si Gio, maputi, makinis, maganda ang katawan, ang akala ko talaga noon ay mayaman siya, o kung di man mayaman ay may kaya dahil never niya akong pinagastos sa date naming dalawa. Nalaman ko lang ang estado ng kanyang buhay noong dumalaw kami sa kanila at ipakilala niya ako sa kanya mga magulang.   Simple lang ang kanilang pamumuhay, mayroon siyang 5 kapatid na tinutulungan niya sa pag-aaral. Mabait ang kanyang ina at gayon rin ang kanyang ama. Sa isang maliit na bukid sila umaasa tuwing anihan. Noong mga sandaling inamin ni Gio sa kanila ang aming relasyon ay sumuporta ang kanyang pamilya ngunit batid kong nalungkot ang mga ito dahil marami siyang sinusuportahan. Sadyang madiskarte at maabilidad lang siya buhay.   Naisip ko na baka sumasagi sa utak nila na nakikihati pa ako sa expenses ni Gio na sana ay ibibigay na lamang sa kanila. Pero ito ay nasa isip ko lamang, minsan kasi ay OA din ako kung mag-isip ng kung anuman.   Tinanggap ko ng buo si Giovanni at kaya noong dumating ang araw na nagpropose siya sa akin, inilevel up lang niya ang aming relasyon. At dahil may kakayahan namin kami ni mama ay mas inilevel up ko pa ito noong ayain ko na siya sa Amerika upang opisyal kaming magpakasal. Isang mahabang proseso iyon pero naging successful naman sa huli. Pag uwi naman dito ay inimbatahan namin ang pamilya niya para sa isang malaking selebrasyon ng aming kasal. Nangako rin ako na tutulong ako sa kanila sa abot ng aking makakaya dahil ngayon magkaisang dibdib na kami si Gio ay magkahati na rin kami sa responsibilidad.   Paminsan minsan ay nagmomodelo pa rin si Gio, pero kung minsan ay walang raket kaya nandito lang siya sa bahay o kaya ay nasa gym. At kahit undergraduate siya ay binigyan siya ni mama ng trabaho sa opisina. Kahit taga-encode ng mga information sa sales ay ibinigay sa kanya upang mayroon siyang mapagkabahalahan. Kaysa naman umaasa siya sa mga raket na dalawa o tatlong beses lang sa isang buwan. Sa company ni mama ay maaari siyang kumita buwan buwan para masuportahan ang kanyang pamilya.   Ibinigay rin si mama ang lumang kotse niya kay Gio para may service ito at hindi na pumapara ng taxi papasok ng work. At para maipagdrive na rin ako sa aking mga lakad. Pero kadalasan ay pareho kaming busy kaya't kay Tar lang ako nakasakay.   Sa kasalukuyang panahon ay ineenjoy namin ni Gio ang buhay ng magkasama at pagiging magkabiyak. Sa araw araw na magkasama kami ay ibayong saya ang aming nararamdaman. At sa tingin ko ay walang papantay dito.   "O tapos kana mag flash back? Mukha lahat ng memories ay binabalikan mo habang nag-aayos ng mga larawan sa album ng kasal n’yo?" ang wika ng bestfriend ko si Tar.   "Masarap lang alalahanin ‘yung roller coaster na event at emotion sa pagitan namin ni Gio nitong mga nakakaraang taon," ang wika ko naman.   "At swerte si Gio sa iyo. Kasi nagkaroon siya ng stable job at stable na life noong maging kayo," tugon niya sabay pakita ng aming malaking kwardo ng larawan noong kasal. "Gusto ng mama mo ay sala ito inalagay. Pero bakit dito sa kwarto?" tanong ko niya na may halong pagkakataka. Kinuha ko ang kwadro at inilagay ito sa isang malaking pader sa paanan ng aming higaan. "Para kapag gigising ako ay ito agad ang aking makikita. Ito ang mag-papaalala sa akin na mayroon akong responsibildad bilang isang asawa at mayroon akong inspirasyon," ang tugon ko habang isinasabit ang kwadro.   "At excited ka naman na ayusin lahat ng document mo na idugtong ang apeliyido ni Gio? Dapat kung sino ang mas may pera sa kanyang surname ang mananaig. Bakit sa kanya ang ginamit? Dapat ay ‘yung last name n’yong Gagarin ang ginamit niya no. Lalo tuloy humaba ang pantalan mo. Jao Alexander Gagarin De Plata," ang natatawang hirit.   "Pero wala pa ring tatalo sa pangalan mong Tarzan Villa Sibat," ang pang-aasar ko.   Tawanan kaming dalawa.   Si Tarzan o kung tawagin ko siya ay Tar, kaklase ko siya noong college at kaibigan ko na simula pa noong highschool. Galing rin sa mayamang pamilya at mayroon siyang malaking invest sa aking negosyo kaya tinutulungan niya ako para mapatakbuhin ito. Kapag busy ako ay siya ang nasa pwesto at alam kong nag-eenjoy siya dito. Suportive si Tar, lahat ay sinasabi ko sa kanya ultimo ang maliit na detalye sa buhay ko. Silang dalawa ni mama ang nakaunawa sa akin higit pa sa lahat ng bagay.   Alas 5 ng hapon noong makauwi si Gio sa bahay, sa sala palang ay agad ko na siyang sinalubong. Isang halik sa labi ang iginawad niya sa akin, pagod na pagod ito at mukhang nastress ng todo sa trabaho. "Hon, bakit di ka pa nakagayak?" tanong niya sa akin.   "Bakit may ano ba?" tanong ko naman dahilan para matawa siya. "Birthday ni nanay ngayon, naghanda ng kaunti sa bahay at sinabi kong darating tayo," ang wika niya sabay lingkis ng kamay sa aking likuran.   "Ow, sorry I forgot. Gagayak lang ako, ano bang dapat kong dalhin doon? I mean ‘yung regalo? Gusto mo dumaan muna tayo sa mall para mamili?" tanong ko.   "Hindi na, may binili na ako kanina. Okay na iyon, tara na?"   "Sandali, magbibihis lang ako," ang papaalam ko naman.   "Ano ka ba, okay na iyan. Sandali lang naman tayo doon," ang wika niya sabay hila sa akin. Nakangiti ito at inakbayan ako. Bago lumabas ng pinto ay agad kong kinuha ang aking bag saka sumakay sa sasakyan.   "Kumusta ang trabaho mo?" tanong ko sa kanya habang nagda-drive ito.   "Okay naman, maghapon akong nakaharap sa computer para mag-encode ng mga information ng mga customers."   "Siguro kailangan mo ng salamin sa mata, pamproteksyon lang dahil baka maagang lumabo iyan. Next week ay magla-launch daw si Tar ng summer collection niya na ititinda sa pwesto doon sa mall. Naisip niya na kuhanin kang model, kung may time ka," ang wika ko naman.   "Pwede naman, teka bakit hindi na lang ikaw? Gwapo ka rin naman, matangkad at makinis, kaya nga gigil ako sa iyo," ang pilyo niyang sagot.   "Wala akong guts rumampa ng nakahubad, at wala akong abs na ioffer sa mga tao. Ikaw na lang baka magtampo pa si Tar kapag tumanggi ka. At libre iyon ha, huwag ka na manghingi ng talent fee," ang dagdag ko pa habang nakangiti.   Natawa rin siya. "So kailangan mo akong gawing model para lang mapakinabangan ito abs ko?"   "Pwede rin," tugon ko.   Tawanan kami.   Alas 7 noong makarating kami sa bahay nila Gio, dito ay agad kaming pumasok sa loob. Tapos na ang pagdiriwang, kaunti na lang din ang mga taong natitira. Kitang kita ko ang saya sa mga kapatid niya noon makita kaming bumaba sa sasakyan. Hawak namin ang dalawang paper bag ng regalo at ilang plastic ng pasalubong. Mukhang pinaghandaan ni Gio ang araw na ito sa dami ng gamit na binili para sa ina.   "O, bakit ginabi naman kayo?" tanong ni nanay sa amin.   "Sorry nay, nag-over time kasi ako sa work. Tapos medyo trapik pa doon sa siyudad kanina," ang wika ni Gio sabay halik sa ina. "Happy Birthday nay."   Lumapit rin ako at buong galang binati ito, "happy birthday po nay."   "Salamat hijo, o halika na kayo sa loob at kumain muna kayong dalawa. Sobrang daming tao kanina parang fiesta dito sa atin. At hinahanap ka ng mga pinsan mo, gusto nilang makilala si Jao, kaso ay kinailangan na nilang umalis kaya hindi na kayo nag-abot abot," ang wika ng ina niya habang pumapasok kami sa loob ng bahay.   Agad rin akong binati ng mga kapatid ni Gio, mula sa pinakabata na 8 years old hanggang sa sumunod sa kanya na 24 anyos. Lahat naman sila ay mabait at itinuturing akong espesyal kapag dumadalaw ako dito sa kanilang bahay.   "Bakit napapadalang yata ang pagdalaw n’yo? Dati tuwing weekend ay nandito kayong dalawa," ang pagtataka ni nanay.   "Si Giovanni po kasi ay busy sa trabaho sa opisina, kaya ‘yung weekend na walang pasok at itunutulog na lang niya para makapagpahinga ng husto," ang wika ko naman.   "Kuya Jao, may mga sale ba doon sa pwesto mo? Baka naman pwede mo akong bigyan ng discount, para makabili ako ng magandang pantalon at branded na damit," ang wika ni Glen, ‘yung sumunod kay Gio.   "Hoy, diyan na lang kayo bumili ng damit sa ukay ukay o sa palengke, pabranded branded pa kayo. Lulugihin n’yo pa ang kuya Jao n’yo," ang suway ni Gio.   "Okay lang, ano ka ba? Masyado kang pikon sa mga kapatid mo," ang bulong ko naman sabay hawak sa kanyang kamay. "Yes mayroon, ibibilin kita kay Tar paglibot mo doon," nakangiti kong sagot.   "Ini-spoiled mo ‘yung mga kapatid ko," ang bulong niya   "Hayaan mo na, once in a blue moon lang naman sila magtanong," ang nakangiti kong tugon. Maya maya inilapag nanay ang maraming styro pagkain, "mga puto at suman ang laman nito, ibigay mo sa mama mo para makatikim siya ng luto ko. ‘Yang mama mo masyadong putla at pihikan sa pagkain," ang wika ni nanay dahilan para matawa kami. "Salamat po, paborito ni Mama ang suman at puto."   Alas 9 ng gabi noong magpasya kaming umuwi ni Gio, bago lumabas sa bahay ay nilapitan ko pa si nanay at muli binati. Patahimik ko siyang inabutan ng sobreng may pera bilang regalo, wala kasi akong naibigay sa kanya. "Akala ko dito kayo matutulog?"   "Nay, trabaho pa po kami ni Gio bukas. Dadalaw na lang kami sa susunod na araw," ang nakangiti kong sagot.   "O sige, mag-iingat kayo, nandiyan ‘yung tatay n’yo sa labas nakikipag-inuman, magpaalam man lang kayo sa kanya," ang wika ni nay kaya iyon nga ang aming ginawa.   "Tay, aalis na kami." ang wika ni Gio sa ama na noon ay lasing na at nakikipagtawanan sa mga kaibigan.   "Ingat kayo," sagot nito sabay tingin sa akin. "Mauna na po kami tay," ang tugon ko na lang.   "Mga pare siya ‘yung sinasabi ko sa inyong mayamang bakla na pinakasalan ‘yung anak ko." ang wika nito at nagtawanan sila.   Natahimik ako at medyo na offend sa kanyang sinabi. "Magkano bang binayad sa iyo ni tokla para magpakasal ka sa kanya?" tanong ng tito ni Gio na lasing na rin.   Tawanan ulit.   "Tay! Ano bang sinasabi mo?! Bakit ginaganyan mo ‘yung asawa ko? Nakakahiya ka tay! Yang alak pinambili ng alak na tinutungga n’yo ay galing sa kanya!" ang sigaw ni Gio.   "Boyet ano ba yang sinasabi mo? Nakakahiya kay Jao, ang laki ng tulong niya sa atin!" ang nahihiyang wika ng nanay nila.   Pilit ko namang itago ang aking emosyon. Para yatang lumalabas na binili ko lang si Gio dahil may pera ako. Para akong isang deperadong tao na naghanap ng kabiyak gamit ang pera. "Ayos lang, tayo na Gio," ang wika ko naman.   "Hindi na muna kami babalik dito! Saka na lang kapag natutunan n’yo nang irespeto ang kabiyak ko," ang pagtatanggol niya sabay hatak sa akin papasok ng sasakyan.   Noong gabing iyon ay tahimik lang at nakatanaw sa labas ng bintana. Naramdaman ko ang kanyang kamay humawak sa akin. Ang haplos na iyon ay pinipilit na pagaanin ang aking loob bagamat tila hindi ito ganoon kadali.   Itutuloy.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD