The only man
AiTenshi
Part 3
"Sorry sa sinabi ni tatay, nahihiya tuloy ako sa iyo," ang wika ni Gio habang nakahiga kaming dalawa.
Nagbitiw ako ng isang malalim nabuntong hininga, "ayos lang iyon, lasing ‘yung tatay mo kaya't ganoon ang kanyang sinabi. Saka ramdam ko naman na medyo disappointed siya lalo't sa isang lalaki ka kinasal at hindi sa babae. Siyempre hindi naman agad agad maipagmamalaki ng tatay mo ‘yung uri ng relasyon na mayroon tayo. Ang dapat naman talaga dito ay sikreto lang at hindi ibinubulgar kung saan saan. Don't worry, I understand."
Yumakap siya sa akin ng mahigpit, "im sorry Jao, hayaan mo kakausapin ko si tatay tungkol dito," ang wika niya.
"No, its alright. Ano ka ba? Magkakaproblema pa kayo ng tatay mo at ako pa ang magiging sanhi nito. Tapos na iyon, hayaan na lang natin para walang gulo at walang samaan ng loob, tahimik naman tayo, ‘di ba? At masaya tayong dalawa," ang tugon ko sabay yakap rin sa kanya.
Kinabukasan, hindi ko naiwasang ikwento kay Tar ang pangyayari kagabi habang abala kami sa pag-aayos ng kanyang collections. "Eh, sira ulo naman pala iyang biyenan mo, kapag nalalasing ay hindi napipigil ang bibig. Alam mo kung sa akin ginawa iyon? Baka sinigawan ko silang lahat doon at makita nila ‘yung galit ko. Parang lumalabas na binili mo si Gio ah. At parang gumamit ka lang ng pera para mapapayag ‘yung isa," ang gigil na wika ni Tar.
"Sad, iyan rin ang pakiramdam ko. Ayoko na ngang isipin dahil tiyak na stress lang ang aabutin ko," ang sagot ko naman.
"O, ano naman ang reaksyon ng asawa mo?" tanong niya sa akin.
"Nagalit at sinabi nuya hindu na mula kami babalik doon," sagot ko.
"Maniwala ka naman doon, bukas lang nasa puder na iyon ng nanay niyang look a like ni Susan Africa," ang hirit ni Tar.
Tawanan kami.
"Teka, Tar, sure ka ba na "Tar" lang ang gusto mong gamitin sa brand name ng collections mo? Tar clothes? Tar summer collection?" tanong ko.
"Oo nga friend, Tar lang talaga. Sibukan ko na ‘yun Tar Z katulad ng suggestions mo last day pero nagmumukhang Tarsier habang binigkas. So okay na iyan tapos ikasa na natin next week dyan mismo sa lobby ng mall," ang wika nito.
"Nice, napapayag na rin pala si Gio, nakausap ko na siya kagabi."
"Wow talaga? Ayos! Salamat friend, teka baka naman mahal ang talent fee ng husband mo?" tanong niya dahilan para matawa ako. "Don't worry, he'll do it for free, para mas marami kang makuhang models."
"E ikaw ba friend? Ayaw mo ba? Sige na kahit hindi ka naman magpakita ng body. Saka maganda naman ‘yung katawan mo kahit wala abs. Para ka lang talagang isang masarap na bottom pero ang gwapo gwapo mo e, palong palo sa mukha. Please? Kahit sa iyo na itong tar floral outfit," ang pupumilit niya.
"Fine, kapag kulang ang line up at kailangan pa ay ako ang magpupuno," ang sagot ko sabay tingin ng mga list of names ng kanyang modelo. "Mayroon kana palang 7 lalaki at 12 na babae, nag-try kana ba kumuha ng mga nanalo sa male pageants, o kahit ‘yung hindi nanalo ay pwede naman?" tanong ko.
"Yes friend, as of now mayroon na tayong 4 na lalaking nakuha ko lang sa mga pa-contest ng Mr. Barangay. At mayroon diyan ay nanalo siya sa isang bikini open na pageant dito sa kabilang city noong nag-judge ako last night. Ang name niya ay si Brix Manalo, mukha siyang korean, tapos makinis, mabuti, bongga din sa abs. Ayun kalook alike niya ‘yung korean actor na si Nam De Reum, siguro iyon ang nagpanalo sa kanya nung gabi na iyon. Boplax sa Q and A best, napaka-shunga ng lolo mo. Ako pa nagtanong sa kanya ah, "ano ‘yung pinakamahalagang lesson na ituro sa iyo ng tatay mo?"
Aba sumagot ang gago, "Maging isang tunay na lalaki po."
Ang ending ay binully siya doon at nagtawanan ang mga tao. Biniro ko pa nga e, "Bakit binabae ka ba before?"
"Bakit naman kasi ginanon mo pa? Kawawa naman ‘‘yung tao," ang tugon ko naman.
"Anyway, balik tayo sa Brix na iyan, 24 years old siya graduate ng architecture at nagwo-work sa isang maliit na opisina, nagde-design lang siya ng anik-anik na bahay at landscape doon. So far, mukha lang naman ang talent fee niya kaya kinuha ko na bago pa pumasok sa showbiz ito at sumikat."
"Believe me, mahirap sumikat sa showbiz. 3 years na mahigit si Gio sa paligid ng mga network. Ginawa lang siyang double ni Rayver Cruz."
"Wala tayong magagawa kahit yummy at super astig ng hubby mo ay hindi meant to be sa kanya ‘‘yung maging actor," ang tugon ni Tar at maya maya ay nahinto ito sa pagsasalita at napatingin sa aming tinted na window kung saan kita ang parking lot ng mall.
"Ayos ka lang?" tanong ko noong napansin kong sumeryoso bigla ang kanyang mukha, kanina ay masaya siya pero ngayon ay hindi na ito maipinta. "Are you okay?" dagdag ko pa sabay tingin sa direksyon kung saan siya nakatingin. "Hindi ba si Inton iyon?" tanong ko.
"Oo, putanginang Inton iyan! Harapan nang panloloko ang ginagawa sa akin ng gago! Tingnan mo kasama nanaman ‘yung kachat niya!" ang wika nito na parang iiyak sa galit.
"Teka, baka naman magkaibigan lang silang dalawa," ang wika ko naman habang pinagmamasdan si Inton at ‘yung lalaking kasama niya na parehong astig kumilos.
"Yun din akala ko e, ang akala ko kasama lang niya iyang adik sa videokarera. Wala akong idea na pagkatapos nila ‘yung tumaya sa kabayo ay sasakyan naman nila ang isa't isa! Ang gagong Inton na iyan! Matapos akong utangan at gatasan ay bigla na lang manlalamig sa akin at ibabasura ako! Wala kang ideya na gusto ko silang puntahan ngayon, gusto ko silang sugurin at ihampas sa mga mukha nila ang flower base na ito!" ang singhal nito.
"Huwag kang gagawa ng scene dito dahil baka maapektuhan ‘yung launching ng collection mo next week. Mag-usap na lang kayo ng private ni Inton," ang sagot ko sa kanya at inabutan ko ito ng tubig pampakalma.
"Iyan ang harsh reality Jao, ayaw ni Inton sa mga halata at malambot na katulad ko kaya naghanap iyan ng no trace! Kaya ikaw huwag kang lalambot kung ayaw mong maghanap din ng iba yang asawa mo. Alam mo pareho sila ng tabas ni Inton dahil magkaibigan silang dalawa. More or less baka pareho rin sila ng likaw ng bituka," ang umiiyak na wika nito.
"Huwag mo na nga idamay si Gio sa galit mo. Magkakilala lang sila ni Inton pero hindi sila ganoon ka close. Umayos kana marami pa tayong gagawin," ang wika ko naman habang nakatawan sa labas kung saan naroon si Into na kapareha ni Tar, nakangiti silang dalawa ng kasama niya, naglalambingan pa bago sumakay sa sasakyan. "Ayan, pagkatapos mag-shopping, sa motel na ang bagsak ng dalawang iyan! Doon sila maghahappy happy! Kaya ikaw kapag may umagaw diyan sa partner mo lumaban ka at magpaka b***h ka! Huwag kang magpapatalo sa mga hinayupak na iyon! Tang inang mga mang-aagaw iyan! May araw rin sila!" ang umiiyak na salita nito na may halong hinagpis at galit.
Noong mga sandaling iyon ay natahimik ako at napatingin na lang sa sasakyan paalis sa parking lot. Naaawa ako kay Tar ngunit sadyang immune na lang ako sa ganitong pangyayari simula noong harapang lokohin at pagkataksilan ni papa si mama. Marahil kaya pinili ko na lang din na mag-asawa ng lalaki dahil natatakot akong magaya kay mama at papa na nagkasakitan ng emosyonal at mental dahil sa pagtalikod sa pangako nila sa isa't isa. Umaasa ako na hindi ko sasapitin ang ganoong kabigat na bagay kung same s*x ang aking pipiliin, atleast walang involve na anak, walang mata-trauma at walang masasaktan katulad ng dinanas ko habang pinagmamasdan kong nagfo-fall apart ang kanilang relasyon.
"Marahil ay totoo nga ‘yung kasabihan na kapag swerte daw sa career ay malas sa pag-ibig. Halos ganyan din ‘yung nangyari kay mama noong makita kong umalis si papa dala lahat ng kanyang mga gamit. Hindi ko alam kung saan ang kulang ang aking ina at kung bakit siya iniwan ng aking ama. Kahit paulit ulit kong tinatanong si Mama tungkol doon ay hindi rin niya alam ang dahilan," ang wika ko kay Tar noong kumalma ito.
"Masyado kasing perfect si Tita Cora, para siyang si Kris Aquino, matalino, mapera, nag-spend ng 1million pesos sa isang set ng sabon. Para ikaw, napaka-perfect mo at napakaprinsipe mong kumilos," ang sagot niya sa akin dahilan para mangiwi ako.
"Si Mama iyon, alam mo naman iyon laging nakasubsob sa work kaya deserve niya kahit ilang milyon pa ang waldasin niya. At inamin rin niya sa akin na binigyan niya ng puhunan si Tito Nilo para sa negosyo nito," ang sagot ko.
"Yan naman kasing si Tita Cora ay "give my all" ang peg. Pero anyway maging happy na lang tayo para sa kanya. At iyang sinabi ko sa iyo Jao kung isang araw ay may umahas dyan sa asawa mo, ipakita mo na mas demonyo ka sa kanila!" ang wika niya sabay lukot sa mga papel sa kanyang harapan at muli namaman itong umiyak.
"Huwag kana umiyak, wala na rin naman tayong magagawa diyan kay Inton. The last time na nakipag away ka sa kanya ay binasag niya ‘yung cellphone mo at saka ka inupakan ka mabuti na lang at nakaiwas ka kaya't sa halip na sa ilong ka tamaan ay sa nguso na lang," ang wika ko naman.
"Walang hiyang Inton yan, sumigaw lang naman ako ng Intonnnn! Ganoon kay Kris Aquino sa pelikulang Feng shui, tapos sinuntok niya ako, isa siyang fake na action star! Kapag nalalasing anong kinakanta niya? Hopelessly devoted to you, Regine Velasquez? Celine Dion? Sarah Geronimo? Sobrang fake niya! Im sure kaya humanap iyan ng iba ay sawa na siyang maging top sa akin, gusto na niyang maging bortang bottom!" ang galit na wika ni Tar.
Nasa ganoong posisyon kami noong pumasok si Gio sa aming opisina. "O, bakit nagsisisigaw itong si Tar? Nag aaway ba kayo?" tanong nito, lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa labi.
"Hindi, itong si Tar at si Iton ay nagkaroon ng kaunting pagtatalo at hindi pagkakaunawaan," ang wika ko naman.
"Kaunti? Hello, nanloko ‘yung tao at winasak niya ‘yung kung ano ‘yung mayroon kaming dalawa. At ikaw Jao ha, kanina ko pa sinasabi sa iyo, ingatan mo yang asawa mo dahil later on may aaligid diyan at wawasakin niya ang relasyon n’yo!" ang wika nito sabay walk out.
Napakamot ng ulo ni Gio at sinundan ng tingin si Tar, "malaking nang problema ng kaibigan mo, i think dapat bigyan mo siya ng rest dahil baka depresyon na iyan, 24 7 siya sa work kaya masyado na siyang stress. Bigyan mo siya break."
"Lahat naman ng break ay ibinigay ko sa kanya, sadyang may pinagdadaanan lang siya."
"Ayusin mo na iyang mga gamit mo kasi may dinner tayo ni Mama ngayon."
"Bakit may dinner?" tanong ko.
"Wala, nag-aya lang si Mama kasi lagi daw tayong busy at pansin mo ba hindi na tayo nagkakaabot-abot sa bahay," ang wika niya sabay kuha sa aking mga gamit at saka niya ako inakay palabas sa opisina. Samantalang nakatingin naman sa kanya ‘yung mga empleyado namin, ang iba ay kinikilig pa dahil mukha daw talaga itong artista sa personal.
Habang nakasakay kami ni Gio sa sasakyan ay hawak ko ang kanyang kamay ng mahigpit. Noong mga sandaling ay sumasagi sa aking isipan ‘yung mga sakit na pinagdaanan ni Mama noon, pati ang sakit na pinagdadaanan ni Tar ngayon. Ang sumpa ay palala ng palala at ramdam ko ang kabog ng aking dibdib.
Ewan, hindi ko maunawaan ang pakiramdam, basta ang alam ko lang ay dapat kong ingatan ang bagay na mayroon ako ngayon. Ang lahat ng saya, at perpektong sandali ng aming buhay ay pilit kong itinatatak sa aking puso't isipan upang sa gayon ay hindi ito mawala at maglaho
.
"Are you okay?" tanong ni Gio sa akin.
Kumapit ako sa kanyang bilugang braso at ngumiti, "Ayos lang ako, siguro ay pagod lang ito," ang tugon ko sabay bitiw ng malalim na buntonghininga.
Itutuloy…