SIMULA nang marinig ko ang mga salitang iyon kay Silver, na ako ang pipiliin niya kahit bumalik si Aneesa, gumaan ang nararamdaman ko. Hindi na ako namamalikmata at iniisip na nagpapakita sa akin ang multo ni Aneesa o baka maaaring buhay siya. Ngunit naandito pa rin iyong pakiramdam ko na may nanunuod sa bawat kilos ko. Hindi ko pa ito nababanggit kay Silver dahil hindi naman ako sigurado. Baka ina-assume ko lamang na may nanunuod sa lahat ng kilos ko dahil sa rami ng threats sa buhay ko. Ngayon naman ay may family dinner kaming pupuntahan. Inimbitahan kami ni Aiselle sa bahay nila. Noong una ay excited ako, pero nang marinig ko na hindi lamang pala kami nina Silver ang pupunta ay bigla akong kinabahan. “S-Sinong pupunta roon?” tanong ko kay Silver. Ilang beses ko na itong tinanong pero