I AM WAITING FOR A REACTION. Kabang-kaba ako habang pinagmamasdan si Silver na magbigay ng reaksyon niya sa balita ko. Kinuha ni Silver ang sonogram at pinagmasdan itong mabuti. Nang akala ko ay wala siyang sasabihin o magiging reaksyon, bumagsak ang kahon sa lupa at naramdaman ko na lamang na binuhat ako ni Silver sa ere. I shriek pero nauwi rin sa pagtawa. Ngumiti ako kay Silver while my tears are cascading down my cheeks. Ibinaba niya ako at may kung anong kinang sa kanyang mga mata. “You’re pregnant?” tanong niya na akala mo ay hindi pa rumerehistro sa kanyang isipan ang balita ko. Hinawakan ko ang kanyang kamay at inilapat ang palad nito sa aking tiyan. “I’m pregnant. I am carrying our child—” Hindi na niya ako pinatapos sa aking sinasabi dahil hinila na ako ni Silver papala