WALA pa ring alam si Silver na buntis ako. Nag-iisip na rin ako ng way para sabihin sa kanya. May mga pagkakataon na muntikan ko nang masabi sa kanya pero kapag naaalala ko ang sinabi ni Marco na mas malaki ang chance na makakita ka ng reaksyon mula kay Silver kung surprise, pinanghahawakan kong surpresahin siya. May dala akong tray ng pagkain para kay Yvo. May nagdadala naman talaga ng pagkain para kay Yvo pero gusto kong puntahan siya nang wala si Silver. Gusto kong makausap si Yvo kahit na pakiramdam ko naman ay hindi siya mapapakiusapan. Ang gusto ko ngayon, masagot niya ang ilan sa tanong na ginugulo ako simula nang magsimula ang kaguluhang ito. Pinapasok ako ng mga guards na naririto. Nag-angat ng ulo si Yvo nang makita niya ako. Agad kong nakita ang nakakakilabot niyang pagngisi.