NANG akala ko ay mag-isa na lamang ako sa buhay, hindi ko akalain sobrang lapit lang pala ng kapatid ko sa akin. Never kong naisip na isa sa mga dating pomoprotekta sa akin ay siyang kapatid ko. “Luigi? Bakit? Paano?” Ang dami kong katanungan. Ang sabi niya sa akin noon ay kaya may takip ang kanyang mukha dahil sa nangyari sa kanya. Hindi ko akalain na kaya niya ito tinatakpan ay dahil ayaw niyang makilala ko siya. “Kailangan kong makapasok sa mga Montecalvo noon kaya kinailangan kong itago ang tunay na katauhan ko at magpanggap sa pamamagitan ng katauhan ni Luigi.” Bumuntonghininga ang kapatid ko. Parang lumulutang ang isipan ko dahil sa mga sinabi niya. “P-Pero sabi ni Silver, si Luigi ay matagal na sa pamilya nila. Sabay silang lumaki at—” “Matapos kong maka-recover dahil sa akside