UMALIS si Silver. Kahit na noong nagmakaawa ako sa kanya na huwag na siyang tumuloy sa Italy, kinailangan niya pa ring umalis. Ayoko man siyang pigilan dahil alam kong kailangan niyang umalis, pinapangunahan ako ng kaba ko. Ang daming scenario ang napasok sa isipan ko dahil sa nangyari noon sa kanya o hindi kaya ay sa mga maaaring gustong saktan ang asawa ko. He promised me, though, na tatawag siya once mag-land ang eroplano sa kanilang destinasyon. Si Dante ang kasama niya. Hindi ko lang sigurado kung kasama niya rin si Rage. Naiwan muli sa akin si Marco at ilan pang tauhan ni Silver. Nang malaman ko kay Yvo ang nangyari sa kanilang ina ay itinanong ko agad iyon kay Silver. Base sa reaksyon ni Silver ay mukhang totoo ang sinabi ni Yvo sa akin. Mom—Tita Hyacinth died because of a shoot