KABANATA 5

2346 Words
KANINA ko pa tinitingnan at hinahawakan ang singsing na ibinigay ni Silver sa akin. It’s so perfect on my finger that I want to think this is…for me. Ngunit mabilis din akong sinasampal ng katotohanan na hindi ito para sa akin kung hindi kay Aneesa. Hindi ito ang buhay para sa akin, I am just here dahil pinagkakamalan ako ni Silver na asawa niya. Bumuntonghininga ako at hinayaan ang sarili na bumagsak sa kama. Hindi ko makalimutan ang mga mata ni Silver kanina. The gentleness in his eyes na hindi mo makikita kapag kaharap niya’y ibang tao. Heck, I didn’t know that man was capable of showing expression like that until earlier. Kinagat ko ang labi ko habang ipinatong ang braso ko sa noo ko. I can’t deny that I am starting to envy Aneesa’s life. She has this luxurious life, a husband that has a personality of a devil but is actually caring towards his wife, and…I don’t know, maybe everything that I don’t have. Pero ano nga kayang nangyari sa kanila? Bakit…sinabi ni Silver noon na pagbabayaran ni Aneesa ang pangangaliwa nito? Iyon din ang narinig ko sa mga babaeng pinag-uusapan siya noong lamay niya. May ibang lalaki raw si Aneesa at maaaring nahuli ni Silver kaya pinatay o nagpakamatay. Napabangon ako. Maaari kayang si Silver ang pumatay sa asawa at hindi niya lamang matanggap na nagawa niya iyon sa asawa niya kaya nang makita niya ako ay pilit niya akong ginagawang Aneesa? Hinilot ko ang ulo ko. Sumasakit ito dahil sa kakaisip ng mga bagay-bagay tungkol sa mag-asawa. Mas mabuti pang alamin ko na kung nasaan ang floor plan ng buong estate nang sa ganoon malaman ko kung may daan akong matatakasan sa gubat. Lumabas ako ng kuwarto matapos kong makapagpalit ng damit. Dahil alam ko na nga ang bawat sulok ng bahay kung saan may camera, alam ko na rin kung paano ako kikilos. Halos isang linggo na simula nang dakipin ako ni Silver dito at nakakamangha mang nagawa kong alamin ang takbo ng security sa buong bahay ay nagawa ko. I memorize it because my freedom depends on it. But come to think of it, mabilis ko nga itong nakabisado. Nakarating ako sa opisina ni Silver na walang nakakasalubong. Umalis ata sina Dante kanina at si Silver naman ay may meeting at nakapwesto sa likod ng bahay. Nananalangin ako na sana ay bukas ang pinto at nang pihitin ko ito ay halos tumalon ako sa tuwa dahil hindi naka-lock. Mabilis akong pumasok sa loob. Kampante ako dahil alam ko na walang security cameras sa loob. Hindi gusto ni Silver iyon kaya sa labas lang ng opisina niya mayroon. Nabanggit ni Marco ito sa akin isang beses noong nagkausap kami. Mabuti na lang din at napalapit sa akin si Marco. Kapag dinadaldal ko siya ay sinasagot niya naman ang mga tanong ko at minsan ay may sinasabi pang karagdagang impormasyon sa akin. Nilibot ko ang bawat sulok ng kanyang opisina. Madalas sa mga cabinets at drawers ay accessible lamang ng fingerprints ni Silver o hindi kaya ay passcode na siguro ay siya lamang ang nakakaalam. Bumagsak ang aking balikat, bahagyang nawawalan na ng pag-asa. Pumunta ako sa bookshelves dahil mukhang iyon lamang ang matitingnan ko. Hinihigit ko ang mga libro para tingnan kung mayroon akong makikita roon kahit mukhang wala naman. Malapit na akong mawalan ng pag-asa nang may makita akong nakasingit sa isang librong nakuha ko. Tiningnan ko iyon at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko na floor plan ang naroroon! I hit the jackpot! Tinanggal ko ang pagkakatupi nito at mabilis kong hinanap ang gusto kong makita. Sinaulo ko lahat ng kailangan kong alamin. Kinakabahan ako at namamawis ang aking kamay kahit malamig ang paligid. Panay rin ang pagtingin ko sa may pinto, inaasahan na may bigla na lamang papasok doon. Nang makuha ko ang mga impormasyong kailangan ko ay mabilis akong lumabas. Totoong back gate kapag nalagpasan mo ang kagubatan. Ganoon man, maraming pasikot-sikot na kung hindi mo alam ang tamang daan ay maliligaw ka at maaaring hindi na makalabas pa sa gubat, kaya naman inalala ko ang lahat ng kailangan kong alalahaning detalye para hindi ako maligaw. Muntikan ko nang makasalubong si Luigi kaya pumasok ako sa ibang silid upang makapagtago. Mabilis ang pagtibok ng aking puso dahil sa kaba. Nang masigurado ko na wala na si Luigi ay tumakbo ako pabalik sa kuwarto. “Where did you go?” I froze in my position when I heard that dark and deep voice. Nilingon ko si Silver at nakita ko na nakatayo siya sa side table namin. May tinitingnan siya roon at napansin ko na iyon ang kwintas kong sa tingin ko ay siyang naiwang alaala ng mga magulang ko. Hindi mo na makikita sa kanya iyong ekspresyong ipinakita niya sa akin nang isuot niya ang singsing sa aking daliri. Mabilis akong lumapit sa kanya at inagaw ang kwintas. Hindi ko ba alam, hindi ko gustong hinahawakan niya iyon. Wala siyang ipinakitang emosyon nang agawin ko sa kanya ang kwintas ko. Umatras agad ako because I don’t want to be inside his immediate vicinity. Nasasakal ako and his intimidating presence is enough to make me feel asphyxiated. “Diyan lang sa labas. Naglibot lang ako. I get bored.” Tumaas ang isang kilay niya pero wala siyang sinasabi. “Paalis ako mamaya. I have to meet someone tonight.” My face lightens up. Hindi ko alam kung napansin niya ba iyon pero sana ay hindi. “S-Saan ka pupunta? Matatagalan ka ba?” I tried myself not to sound so happy about the news. Baka mamaya ay makahalata siya na may binabalak ako. Kung wala si Silver mamayang gabi, ibig sabihin magagawa ko ang plano ko. Nakahanda na naman iyon, ‘yong floor plan na lamang ang kinailangan ko at ngayong nakita ko na ang pasikot-sikot sa gubat, nakakasigurado akong magtatagumpay ako sa pagtakas ko mamaya. “You don’t have to know. Matatagalan ako, but it still depends.” Hindi na ako masyadong nag-usisa. Kahit isang oras lang ay magiging sapat na para makatakas ako. Kumain kami ng dinner ni Silver. Minsan ko lang siyang makasamang kumain sa hapag pero masaya ako ngayon. Masaya ako na aalis siya mamaya. Mas nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko na kasama niya ang tatlong pinakapinagkakatiwalaan niyang guards: Si Dante, Luigi, at Marco. Mukhang importante ang pupuntahan nila kung kasama niya ang mga ito. Hinintay ko lamang na umalis sila at naghanda nang masiguradong wala na sila sa bahay. Maagang nagpatay ng ilaw ang mga kasambahay dahil inaakala nila na nagpapahinga na ako sa kwarto. Hindi ko balak dumaan sa mismong bahay. Kapag doon ako dumaan, malaki ang chance na may makasalubong akong guard. Inihanda ko ang ginawa kong tali para sa balkonahe ako makadaan. Ilang araw ko rin itong pinag-isipan kaya alam ko na matibay ang taling nilikha ko. Itinali ko lamang ito sa railings ng balkonahe ng kuwarto namin at dahan-dahan na bumaba gamit iyon. Napansin ko na may malapait na guard kaya tumalon ako kahit na may ilang sentimetro pang agwat ang kinaroroonan ko sa mismong sahig. Hindi maganda ang naging bagsak ko at nanakit ang aking ankle pero hindi ko na iyon ininda. Nagtungo ako sa gubat nang hindi na muling tumitingin pa ulit sa main house. May kung anong bigat akong nararamdaman habang lumalayo sa bahay. Masakit ang aking paa dahil sa masamang pagkakabagsak ko pero hindi iyon ang dahilan ng bigat ng pakiramdam ko ngayon. What the hell is this? Bakit parang hindi ako masaya na tatakas ako ngayong gabi? I brushed those thoughts away, and although the pain in my ankle is being a hindrance, hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin. Kailangan kong makaalis ngayon dahil ngayon lamang ang chance na makatakas ako. Nakakalito ang gubat pero wala ngang masyadong security rito dahil ang mismong gubat ang nagbibigay seguridad sa mga Montecalvo. Mabuti na lamang at inalam kong mabuti ang pasikot-sikot. Isang maling hakbang mo sa maling daan ay hindi ka na makakalabas dito. It feels like a maze, to be honest. Hinahapo ako nang makita ko ang matayog na gate sa harapan ko. Nakalabas na ako sa gubat at binati ako ng isang gate. Vines are spiraled around the gates. Nakakatakot ito at idagdag mo pa dilim ng kapaligiran. May lock doon kaya inihanda ko ang gagamitin ko para matanggal ang pagkaka-lock nito. The chains and lock are both rusty. Halatang hindi talaga madalas na ginagamit ang gate na ito. While the front gate is grandiose and have tight security, hindi ang back gate. Nang mabuksan ko iyon ay maliit na awang lamang ang kinailangan ko para makalabas. Gubat pa rin ang nasa likod ng gate pero hindi na ito kasing lawak ng gubat sa loob. Tinakbo ko lamang iyon hanggang sa makakita ako ng daan. Halos maluha ako sa tuwa nang makita ko ang daan. Naglakad ako sa gilid nito. Umaasa ako na may makikita akong mga sasakyan pero wala. Binalak ko na lamang na maglakad. Kahit gaano pa kalayo ay kaya kong magtiis. Ang mahalaga ngayon ay hindi na ako nakakulong sa bahay ni Silver. Hindi ko na makikita si Silver. Nawala ang ngiti ko nang sumagi iyon sa isipan ko. Naandito na naman iyong bigat ng nararamdaman ko kanina. Iniling ko ang aking ulo. What the hell, Eura?! Huwag mong sabihin sa iilang araw na magkakilala kayong dalawa at nakasama mo siya ay na-attach ka sa isang kagaya ni Silver? Nakakaloka! Parang imposible naman iyon. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Mas nararamdaman ko ang pagsakit ng paa ko dahil nawala na ang adrenaline rush sa katawan ko. Ouch, mukhang napasama talaga ang pagkakatalon ko kanina. Sa gitna ng paglalakad ko. Nakakita ako ng tila kumislap sa taas ng isang puno. Napakunot ang noo ko hanggang sa makarinig ako ng putok ng baril. “Watch out!” May humawak sa ulo ko at mabilis akong itinulak para bumagsak ang katawan ko sa lupa at hindi ako matamaan ng bala ng baril. “A-Anong nangyayari—” Naputol ang aking sasabihin nang muling may magpaputok ng baril. Hinila ako ng babaeng tumulong sa akin para makaalis ako sa kinaroroonan ko. Nagtago kami sa likod ng isang puno para hindi ako matamaan ng bala. Kinuha niya ang kanyang baril at nang may mamataan siya ay agad niya iyong binaril. Nakakita ako sa hindi kalayuan ng isang katawan na bumabagsak mula sa sanga na tinutungtungan ng kanyang mga paa. “Lie down!” Ngunit huli na bago pa rumehistro sa akin ang isinigaw niya. Nang akala ko ay mababaril na ako ng bala ng baril, may tumulak sa akin at binaril kung sino iyong bumabaril sa akin. “Find them all!” Tiningnan ko naman ang lalaking tumulak sa akin para hindi ako matamaan ng bala nang makita ko ang lalaking kanina lamang ay iniisip ko. Na kahit noong tumatakas ako, the thought that I might not see him again makes me so damn miserable. Silver. Hindi ko alam kung bakit naandito siya ganoong ang sinabi niya ay may pupuntahan siya. Kasunod ng utos niya, sunod-sunod na putukan ng baril ang aking nariring. Napatakip ako sa tainga ko. I hate that sound. Natatakot ako sa putok ng baril. “Chiara,” pagbanggit niya sa pangalan ng babae. Tinawag niya pala iyong babaeng unang tumulong sa akin kanina. Not even looking at us he said, “get out of here and make sure my wife is safe. Get inside the estate.” “Yes, Sir,” sabi naman ng babae. Inalalayan niya ako at mabilis akong hinila papaalis doon. Kapag may makikita siyang threat sa amin ay binabaril niya kahit hindi ko man lang napansin na may tao roon. Wow! I am in dazed habang hila-hila ako ng babae. Nakakapagtaka nga na hindi ako nadapa kakatulala sa babae dahil sa paghanga ko sa kanya. Nakapasok kami sa loob ng estate gamit ang back gate na dinaanan ko kanina. “Ang daan—” Hindi niya ako pinansin at diretso lang na naglakad. Alam niya ang pasikot-sikot sa gubat. I was surprised ganoong ang sabi ni Marco sa akin ay sina Silver at ang kapatid lamang nito ang nakakaalam ng daan. Nang makalabas kami sa gubat ay sinalubong kami ng ibang mga tauhan nina Silver na nasa loob ng estate. One man asked Chiara in Italian at sinagot naman ni Chiara iyon. Tumingin siya sa akin. Nabigla ako nang magkasalubong ang paningin namin. Her eyes are dull, lifeless even. Sa unang kita ay iisipin mong wala itong buhay. “Please assist Ma’am Aneesa to the main house. She injured her ankle.” Tumango ang isang lalaki at akmang hahawakan na ako nang pigilan siya ng isang lalaki. “Papatayin ka ni Boss kapag hinawakan mo si Ma’am.” Parang doon lamang napagtanto ng lalaki ang gagawin niya kaya kumuha sila ng wheelchair at doon ako pinaupo. Mabilis akong inasikaso nang makarating kami sa bahay. Si Chiara ang nag-uutos sa ibang tauhan ni Silver na siya namang sinusunod ng mga ito. “Chiara, right?” tanong ko sa babae. Tumingin siya sa akin at kahit walang emosyon ang mga mata at akala mo’y robot, ngumiti ako sa kanya. “Thank you for saving my life.” Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin pero wala siyang sinabi. Sa huli ay isang pagtango lamang ang iginawad niya. “S-Sina Silver. Hindi ba nila kailangan ng backup? Baka kung ano na ang mangyari sa kanya—” “Even a battalion of snipers or mercenaries wouldn’t be enough to kill someone like Sir Silver. Be at ease that he’s still alive, Aneesa—I mean, Ma’am.” Bumuntong-hininga ako. Magsasalita pa sana ako nang nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Nang tumingin ako roon, nakita ko na naglalakad na sina Silver. “Silver—” Agad naiwan sa ere ang aking sasabihin nang makita ko ang ekspresyon ng mukha niya. His expression is close-off, but the way he looks at me is enough to make me cower in fear. Oh, he’s mad—no, he’s livid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD