“ANG sakit ng ulo ko!” Nakarinig ako ng boses ng lalaki na umaagal dahil sa sakit ng ulo niya matapos naming umalis sa basement kung nasaan ngayon si Yvo. Kanina pa ako ginugulo ng mga sinabi niya at ngayon lamang nawala ang mga iyon sa aking isipan nang marinig ko ang pamilyar na boses. Mabilis akong naglakad patungo sa sala at hindi ako nagkamali nang makita ko na gising na si Marco. Ang sabi nina Dante, hindi naman daw poison ang ibinigay kina Marco. Sleeping pills lamang ang pinainom sa kanila nang sa ganoon ay mawalan sila ng malay. Yvo might be heartless, but I still think he recognizes those people who are loyal to them at hindi niya ito gugustuhing saktan. He still has a sense of camaraderie. “Marco!” sigaw ko. Kahit lagi ko siyang nakikita noong ako pa si Eura ay parang ang