KUMALAS ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Tiningnan kong mabuti si Silver, like this is the first time I am seeing him. “Paano mo nalaman na naandito ako? Akala ko ba ay nasa ibang bansa ka?” Pinawi niya ang luha ko sa pisngi at hinawi ang buhok kong sumasabog sa aking mukha. “I know when something’s wrong with my wife,” he answered but he didn’t say anything else. Alam ko na may tinatago siya o ayaw niya lamang sabihin sa akin ang plano niya. Binabagabag pa ako ng mga sinabi ni Yvo pero Silver’s presence is actually helping me to relax. “I’m really sorry for everything, Silver. I don’t know what to say to you. Hindi ko alam paano ako magsisimula. Hindi ko rin ginusto ang mga nangyari—” “Hush…” Hinalikan ako ni Silver sa may mata ko kaya napapikit ako. Tumigil na rin ako sa pag-iyak