Gustong matawa ni Patricia sa kaniyang sarili. Paano ba naman ay kanina pa siya nakaharap sa salamin at hindi magkamayaw sa pagpili ng damit na susuotin niya. Makailang ulit na siyang papalit-palit ng damit pero wala pa rin siyang mapili ni isa sa mga iyon. Hindi siya makapag-decide sa kung ano ang kaniyang susuotin.
How do I say 'I'm game but not exactly'?
Iyon ang statement na nais niyang iparating kay Juan Kahl-el sa kanilang date mamaya. Bilang rule ay hindi niya ugaling magsuot ng masyadong sexy na damit sa isang date lalo na kung first date pa nila iyon. Iba kasi ang naiisip ng mga lalaki kapag ganoon ang suot ng isang babae. Because she knew it. She had dated a lot of pigs so she knew. Napabuga siya ng hangin saka kagat-labing muling tiningnan ang kaniyang repleksiyon sa harap ng salamin. Isang ideya ang biglang sumalit sa kaniyang isipan.
Ngunit sa pagkakataong iyon ay nais niyang maipakita kay Kahl-el na sexy siya. Madalas kasi siyang mailarawan na 'buff' or 'toned', at sa gabing iyon, gusto niyang itanim sa isip ni Kahl-el ang salitang 'sexy'. Ewan ba niya, pero ayaw naman niyang maisip nitong masyado siyang game. Baka imbis na maganda na ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa ay mauwi pa iyon kung saan. At ayaw niyang masira pa ang kung anumang magandang namamagitan sa kanilang dalawa ng binata.
Kahit na kung saan-saang liberated na bansa na siya nakarating tuwing may shooting sila abroad ay nanatili sa kaniya ang pagiging dalagang Pilipina. Hindi siya komporme sa casual s*x. Hindi siya naniniwala sa bentaheng lifestyle ng ibang bansa. She always believed that every woman was special and deserved only one partner. How sad it was to have multiple partners, not caring deeply for each one. Kinalakhan niya ang ganoong prinsipyo bilang babae.
Ayaw niya ng ganoon at hindi niya kaya ang ganoong lifestyle.
Isang bestida na kulay black ang napili niyang suotin bandang huli matapos ang makailang beses niyang pagsusukat. It was made of lace and had a slit on the side just to show some skin of her falwless legs. Boots na hanggang tuhod ang kaniyang itinerno roon. It was feminine yet funky at the same time. She put some make up on her face. Nang masiguro na maganda na ang kaniyang hitsura ay excited na siyang lumakad kapagkuwan.
Sumakay na siya sa kaniyang kotse saka maingat na nagmaneho papunta sa tagpuan nila ng lalaki. Makalipas ang kulang kalahating oras ay narating na niya ang nasabing establisimyento. Marahan niyang ipinarada ang kaniyang sasakyan sa parking lot ng restaurant. Isang sulyap pa sa salamin ang kaniyang ginawa at saka tahimik na umibis na siya ng sasakyan nang masigurong maayos naman ang kaniyang hitsura.
I just hope that my excitement doesn't show, piping hiling niya sa sarili.
Sinadya niyang magpa-late ng may sampung minuto bago siya pumasok sa restaurant na pagkikitaan nila ni Juan Kahl-el. Actually, it was her favorite restaurant. Hindi niya alam kung binasa ni Kahl-el ang isang magazine na kung saan ay may artikulo doon tungkol sa kaniya, nakalagay roon ang paborito niyang restaurant. Ewan niya pero nakaramdam siya ng pinong kilig sa isiping nag-effort itong basahin ang tungkol sa kaniya. Kung nais nitong magpa-impress sa kaniya ay welcome na welcome ito.
Nang tuluyan na siyang makapasok sa loob ng restaurant ay iginiya agad siya ng maître d' patungo sa mesa na kinaroroonan ni Kahl-el. She was stunned upon looking at him sitting there relaxingly. He really looked so cool sitting on that chair, with his fingers at the side of his face as he was looking at her. Nabanaag niya ang relaxed na paghanga mula sa mukha nito. She wondered how he was able to do that, tell her with his stare that he found her pretty without seeming eager to have her. He was just so... cool and sophisticated.
Pakiwari tuloy ni Patricia ay hindi sanay makipag-date ang puso niya dahil animo sumirko kaagad iyon pagkakitang-pagkakita niya sa binata. Pakiramdam niya ay may mga paru-parong nagliliparan sa sikmura niya. My God... Kung nalalaman lang ng mga taong nakakakilala sa akin na ganito akong kiligin at maturete sa lalaking ito, malamang na mababawasan ang bilang ng aking mga fans! Kinuha na yatang lahat ni Kahl-el ang cool factor ko. Pansumandaling naipaling niya ang kaniyang ulo upang ibalik sa katinuan ang kaniyang sarili dahil sa samu't-saring isipin na biglang sumalit sa kaniyang isipan pagkakita niya kay Kahl-el.
Ngumiti siya rito nang tuluyang makalapit na siya. Kaswal na tumayo ito upang hagkan siya sa pisngi. Bahagya tuloy siyang napapitlag dahil sa pagdampi ng labi nito sa kaniyang pisngi kahit pa sabihing sanay siya na kung sinu-sino ang bumebeso sa kaniya. Ramdam niya ang tila pagkakuryente ng kaniyang balat nang bahagyang dumampi ang labi nito sa kaniyang pisngi.
Hindi sinasadyang naamoy niya ang pabango nito. Ewan niya pero parang nanuot iyon sa kaniyang ilong. Mahilig siya sa pabango ngunit hindi niya maisip kung ano ang amoy na iyon--mabining-mabini, lalaking-lalaki. Amoy nakaka-addict.
Kapagkuwan ay ipinaghila siya ni Kahl-el ng upuan. "How are you?" anito malapit sa kaniyang tainga. Saka siya iginaya paupo sa kaniyang upuan.
Ramdam na ramdam ni Patricia ang pagtatayuan ng kaniyang mga balahibo sa katawan. Lihim siyang naalarma sa iginawi nito. Paano'y ekspertong-eksperto ang lalaking ito at baka hindi siya makasabay. She knew instantly, this man could be the first to break her heart because he definitely knew the right moves to make her feel vulnerable... and that was when he wasn't doing anything big yet.
Paano kaya kung magustuhan talaga siya nito at magsimula itong manuyo sa kaniya? Tatanggapin niya ba agad ito? Ano kaya ang mangyayari? Magpapakipot ba siya o susunggaban niya agad ito? Napailing-iling tuloy siya sa itinatakbo ng kaniyang isip.
Ah, nag-i-imagine ka, Patricia. Ni hindi mo pa kilala ang lalaking iyan. Maybe, he's a good guy disguised under that suave, laid-back heartbreaker air about him. Find out. Tutal, nandiyan ka na.
"Well, I am great, Kahl-el. How about you?" Mas bagay rito ang palayaw na iyon kaysa sa 'Juan'. Idagdag pang iyon ay mas madulas sambitin sa dila.
"Perfect."
Pansumandaling naputol ang kanilang pag-uusap nang lumapit ang waiter sa table na kinaroroonan nila at tanungin kung ano ang kanilang mga order. Saglit silang iniwan nito para kunin ang kanilang mga ini-order. Hindi nagtagal at bumalik na agad ang waiter dala ang mga pagkaing inorder nila ni Kahl-el. Nang isa-isang maisilbi ang mga pagkain sa harapan nila ay saka niya sinabi ritong paboritong restaurant niya ang lugar na iyon.
"I know. I knew you'd be pleased here. And that's what I really want, Patricia, to please you. You deserve it." Nakatitig pa ito sa kaniya nang sabihin iyon.
May kung anong kilig siyang nadama sa sinabi nito. Kakaiba ang init na lumukob sa kaniyang pagkatao sa maikling linyang iyon. Ewan niya, pero pakiwari niya ay nahuhulog na siya rito. Mukha namang wala itong kaalam-alam sa nangyayari sa kaniya.
Ang lakas ng epekto sa kaniya ng lalaking kaharap niya ngayon. Hula niya, wala itong ideya kung gaano kalakas ng impact nito sa kaniya. Pinili niyang ituon ang pansin sa pagkaing nasa harapan niya subalit sadya yatang destructed na siya gawa ng presensiya ni Kahl-el. Masaya silang nagkuwentuhan sa pagitan ng pagkain. At ikinatuwa niya iyon dahil naisantabi ang kanina'y pagkailang na kaniyang nararamdaman dahil sa presensiya ng lalaki. Hindi na niya namalayan ang oras. Natabunan na iyon ng matinding paghanga niya para dito. Amazed na amazed siya habang nagsasalita ito. Hindi niya ito nakitaan ng dahilan para ika-turn off niya bagkus ay lalo pa yatang tumindi ang atraksyong kaniyang nararamdaman para sa lalaki.
Huli na para pigilan pa ang kaniyang sarili. Hulog na hulog na ang loob niya kay Kahl-el sa sandaling nakikilala niya ito.