Chapter 11

1228 Words
Ayaw man ni Patricia na ma-excite kay Kahl-el ay hindi niya magawa. Ito ang palaging laman ng kaniyang isip araw at gabi. Halos ilang gabi na siyang hindi makatulog nang maayos sa kakaisip tungkol dito. Muling nabuhay ang isip niyang matagal na nabakante sa pagpapantasya dahil sa isang lalaki. Pakiwari niya ay nagising ang isang bahagi ng kaniyang p********e mula nang makilala niya si Kahl-el. Kahl-el was very good for her. Dahil dito ay na-inspire siyang magpinta. Isa iyon sa kaniyang mga hobby kapag ganoong wala silang shooting. Karamihan sa mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz ay mga nagsipag-asawa na. Noong peak ng kaniyang kasikatan ay madalas silang nagtu-tour sa kung saan-saang lupalop ng mundo. Ilang bansa na ang kaniyang napuntahan. Nakakapagod din pala ang ganoon. Dati ay iba ang kaniyang excitement nararamdaman sa tuwing nagta-travel sila. Siguro ay part na rin iyon ng kaniyang adulting. Isa pa, mas gusto niyang maglagi roon sa Pilipinas kaysa sa ibang bansa. Kaya ngayon na medyo maluwag ang kaniyang schedule ay naglalaan siya ng oras sa pagpipintang muli. Iyon ang kaniyang hobby bukod sa pag-arte. Malamang, kapag nagpatuloy pa ang magandang samahan nila ni Kahl-el ay puwede na siyang magpa-exhibit ng mga obra niya! Hindi pa niya binabanggit sa mga kaibigan niya ang tungkol dito. She did not want to jinx it. Ayaw niyang maunsyami pa ang kung anumang namamagitan sa kanilang dalawa ng binata. Nais niyang sarilinin muna iyon. Masaya siya kapag kasama niya ang lalaki. Hindi niya magugustuhan na mauwi iyon sa wala. Ilang beses na kasi siyang nagkuwento noon sa mga ito tungkol sa mga lalaking na-link sa kaniya, na akala niya ay natagpuan na niya ang lalaking hinahanap niya, para lang muling sabihin sa mga itong nagkamali siya ng inakala. Hanggang sa napagod na siyang hanapin ang kaniyang 'the one', not until nang makilala niya si Kahl-el. Muli siyang nabuhayan ng pag-asa. Dati ay paarati siyang may nakikitang hindi niya gusto sa isang lalaki. Mapunahin siya pagdating sa ganoon. Kahit kaliit-liitang flaws sa mga iyon ay hindi niya napalalampas. Siguro ay dahil nag-iingat lang siya na ang matagpuan niya ay isang tulad ng kaniyang daddy. Ayaw niyang tumulad sa mommy njya sa pagiging martyr nito. Noon pa man ay ipinangako na niya sa sarili na kung mag-aasawa siya ay sisiguraduhin niyang makakasundo niya ang lalaking iyon. Malayo man si Kahl-el sa kaniyang 'ideal man' ay mukhang makakasundo naman niya ito. Mahilig kasi siya sa mga 'nice' na lalaki. Classy, CEOs with type-A personalities were not exactly her type. Mas gusto niya iyong good conversationalist, tipong hindi siya makakaramdam ng pagkaburyong kapag kausap niya. And Kahl-el was a good converationalist. Napatunayan niya iyon noong unang date nila. Napakagaling nitong magdala ng usapan, ni hindi man lang siya nakaramdam ng pagkainip habang kasama niya ito. Hindi ito nauubusan ng topic na kalimitan ay may sense talaga, na gugustuhin mong makinig sa bawat salitang sinasabi nito. At dahil doon ay lalong tumindi ang paghanga niya rito. Hindi pa man ay alam na niyang nakasuporta ito sa kaniya. Gusto raw nitong pumasyal kapag may shooting siya. Nakapahinga kasi siya ng two months bago muling magsimula ang shooting soap opera na kinabibilangan niya na i-shu-shoot nila around Manila, ang alam niya ay sa isang old mansion iyon na matatagpuan sa Pililla, Rizal. Sinasamantala rin naman niya ang pagkakataong iyon upang makalabas-labas siya. May dalawang linggo na rin silang parating magkasama ni Kahl-el. Consistent ang pagiging galante nito. Pero dapat lamang siguro. Hindi naman ito magiging presidente ng isang kompanya para sa wala. Ngunit ang pinakagusto niya rito ay ang kakaibang pakiramdam na nakukuha nitong ipadama sa kaniya kahit sa simpleng tingin lang nito. Noon lamang siya nakakilala ng isang tulad ni Kahl-el kung kaya't naninibago siya. He was larger-than-life. Minsan ay nao-overwhelm siya sa katotohanang iyon. Minsan ay hindi niya maiwasang isipin kung bakit siya ang napili nitong parating i-date. Hindi sa dahil wala siyang kompiyansa sa kaniyang sarili, pero sa tingin naman niya ay tipikal na nagugustuhan ng mga tulad ni Kahl-el ay yaong mga nasa linya rin nito o yaong mga babaeng may vision malapit sa vision nito pagdating sa negosyo--career woman ika nga ng iba. Kasi siya, kahit ano pang gawin niya pakiwari niya ay hindi siya mag-e-enjoy sa pagnenegosyo. Iyon ang dahilan kung kaya't hindi siya pumasok sa negosyong kailangan ng matinding supervision. Sapat na sa kaniya na mayroon siyang ilang bonds at pinauupahang gusali. Doon niya in-invest ang lahat ng savings niya sa ilang taong pag-aartista. Sa ngayon ay may ilang gusali siyang pinauupahan sa Metro Manila. Katatapos lang maitayo ng mga iyon at pinagsabay-sabay na niya. Said man ang bank accounts niya, sa palagay niya ay naging matalino siya sa pagpapasya sa kaniyang pinansyal. Iyon ang natutunan niya sa kaniyang tunay na ama. Wala raw lugi sa ganoong negosyo. Maaaring hindi kasinlaki ng kita roon kompara sa mas ma-trabahong negosyo, ngunit ano't anuman, basta insure ang gusali, habang-buhay na iyon sa isang tao. Ah, she missed her father. Her biological father. Lahat ng pagkukulang ng inakala niyang ama sa loob ng mahabang panahon ay ito na ang nagpuno. Nang dumating ito sa kaniyang buhay ay nadama niya kung paano ang magkaroon ng isang ama. Ibang-iba pala talaga. Naitanong tuloy niya sa isip niya kung ano kaya ang magiging komento nito kay Kahl-el kung sakaling nabubuhay pa ito. Matutuwa kaya ito? Siguro. Sa palagay niya ay magkakasundo ang mga ito. Tiyak na botong-boto ang kaniyang ama kay Kahl-el para sa kaniya. Napaigtad pa siya nang biglang mag-ring ang kaniyang cell phone. Si Kahl-el ang tumatawag. Agad naman niya iyong sinagot. Hinihintay na raw siya nito. Isinukbit na niya sa kaniyang balikat ang carry-all bag niya. Ngayong araw ang simula ng photo shoot niya para sa TV ads ng food supplement na produkto ng kompanya nito na ie-endorso niya. Paglabas niya at makita ito ay awtomatikong napangiti siya. Nakasandal ito sa kotse nito na may ngiti sa mga labi. Hindi niya alam kung bakit tila parating nanunudyo ang ngiti nito sa tuwing magkikita sila. "Are you ready?" tanong nito. "I thought you're at the site." "How can I let you go there alone. Ayaw mo ba akong maging escort mo?" Natawa siya. Paano'y palagi nitong kasa-kasama ang mga bodyguards nito. Dalawa lang naman iyon at kadalasang naka-convoy rito ang mga iyon. Minsan ay mayroon itong driver, minsan naman ay wala. Naisip tuloy niyang daig pa siya nito. Siya kasi kapag ganoong bakasyon ay hindi na nangangailangan pa ng PA. Bihirang-bihira siyang kumuha ng alalay, minsan lang kapag may mga shooting sila gaya ng sa teleserye o movie. Mahirap din kasi para sa isang tulad niya kapag ganoong wala siyang kasama. Ngunit ngayon, dahil photo shoot lang naman iyon ay minabuti na niyang huwag kumuha ng alalay. Kapagdaka ay lumakad na sila. Nagulat pa siya nang bigyan siya nito ng isang long-stemmed white rose. "I didn't think you're the type--" "Something on the back comes with that flower." Awtomatikong napalingon siya sa backseat. Nakita niya ang isang kahon doon. Inabot nito iyon saka ibinigay sa kaniya. Dahan-dahan niya iyong binuksan saka tumambad sa kaniyang paningin ang isang alahas. Ibig niyang mapangiti. Wala kasi talaga sa hitsura nito ang magbibigay ng bulaklak lang. Wala sa personalidad nito iyon. Hindi maalis-alis ang ngiti sa mga labi niya nang mga sandaling iyon. Lubhang nalulugod siya sa atensiyong ibinibigay sa kaniya ni Kahl-el.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD