Matamang tumitig si Patricia kay Kahl-el saka marahang tumikhim at ngumiti. "I don't want to say it, Kahl-el, but you know what they say? That most men who give very expensive gifts are expecting a lot from the woman he gave those to." Sabi ni Patricia kay Kahl-el matapos nitong maisuot ang kwintas na ibinigay nito sa kaniya kasama ng isang puting rosas. Kasalukuyan silang nasa loob ng kotse nito. Sinundo siya nito dahil pupunta sila sa location site kung saan gaganapin ang shooting ng commercial ads niya para sa food supplement na ieendorso niyang produkto ng kompanya nito.
Bahagyang tumawa ito sa sinabi niyang iyon. "Relax. I don't keep a tally sheet that I would show you for you to put out."
Hanga siya sa pagiging direkta nito. Natawa siya. Nang makarating sila sa location ng pagshu-shootingan ay hinayaan na siya nitong kausapin ang direktor. Kahit sa set ay makikita ang pagiging galante nito. First-class ang food caterer na inarkila nito. Since familiar siya sa magagaling at mahuhusay na direktor dito sa Pilipinas dahil sa nature of work niya ay bumilib siya nang husto dahil ang isa sa mga iyon ang kinuha nitong direktor.
At hindi lang iyon, bigating doktor din ang siyang naroon na kumausap sa kaniya bago siya isalang sa pagshu-shoot. In-explain nitong mabuti sa kaniya ang mga benefits ng food supplement na produkto ng kompanya ni Kahl-el na kaniyang ie-endorso.
May kinuha ding assistant si Kahl-el na siyang nag-asikaso sa kaniya doon sa site. Wala siyang maipipintas sa klase ng VIP treatment na ipinamalas ng mga ito sa kaniya. Naroon din si Kahl-el na palaging nakaalalay sa kaniya kapag kinakailangan. Kaya naman nang matapos ang unang araw ng kanilang shooting ay ni hindi siya nakaramdam kahit katiting na pagod. Hanggang sa matapos ang shoot nang araw na iyon ay naroon ito. Kinabukasan, sa pagtatapos ng shoot ay naroon pa rin ito.
Noong hapon para sa dubbing ay naroon din ito sa studio. Saglit lang ay natapos na siya. It was four in the afternoon.
"Let us celebrate," ani Kahl-el sa kaniya.
Natawa siya. "Okay."
"Did you bring your passport?"
"I always carry it with me. Why?" nagtatakang tanong niya rito habang nakataas ang kaniyang kilay.
"I am in the mood for authentic dimsum. You want it, too?" nakangiting baling nito sa kaniya.
Napa-wow siya nang makuha ang nais nitong sabihin. At hindi ito nagbibiro lang, totoo ngang lilipad sila patungo sa Hong Kong para lamang kumain ng cravings nito na dimsum. Hindi pa rin siya makapaniwala habang lulan na sila ng eroplanong magdadala sa kanila patungo sa Hong Kong.
Noon lamang siya nakaranas ng ganoon. Kahit paano ay nabigla pa rin siya nang magtungo sila sa Hong Kong. As in on the spot. Walang preparation. Kahit hindi chartered ang eroplanong sinakyan nila ay parang ganoon na rin sapagkat sila lamang ang nasa first-class section niyon.
"If you're trying to impress me, you are doing a great job, Kahl-el." pag-amin niya rito. Kasalukuyan silang nasa himpapawid habang amazed na amazed siya sa mga pasorpresang pakulo ni Kahl-el.
"Am I?"
"Yes, you are."
And the last thing she knew, nasa harapan na sila ng isang authentic dimsum restaurant. Marahan siyang hinawakan sa kaniyang siko saka iginiya papasok roon. Pangiti-ngiti lang ito. Pagkalipas ng mahigit dalawang oras na byahe ay nasa loob na sila ng isang Chinese restaurant sa Hong Kong. Lalo pa siyang na-impress nang may nakareserba na ring mesa para sa kanila roon. Pinaghandaan talaga nito iyon. Hindi niya maiwasang hindi kiligin. At sa isang section niyon ay sila lamang talaga ang tao. Noon pa niya napapansin na mahilig ito sa mga bagay na ekslusibo lamang para dito.
"Do you hate crowds?" wala sa loob na naitanong niya rito ang kaniyang napapansin.
"Sometimes." tipid nitong sagot sa kaniya saka nagkibit-balikat.
"How are you going to watch my film shooting then?" taas-kilay niyang tanong, naa-amuse sa maaaring itugon nito.
"I can handle it, don't worry." Kinindatan pa siya nito nang sabihin iyon.
Natawa siya. "Alam mo, hula ko, lumaki kang ganito. That everything's always exclusively for you."
Hindi pa nila napag-uusapan ang tungkol sa kaniya-kaniyang pamilya. At interesado siya siyempre na malaman ang tungkol dito. Nagawa na niyang i-stalk ang website ng company nito ngunit wala siyang nabasang artikulo doon tungkol sa background nito, sa kaniyang pagkadismaya. Nag-try din siyang magsearch sa internet bakasakaling may articles patungkol dito ngunit wala talaga siyang nabasa kundi mga artikulo lamang iyon na may kinalaman sa negosyo nito. Walang background doon kung sino ang mga magulang nito. Wala siyang mabasa tungkol sa pamilya nito gayong CEO ito ng isang respetadong kompanya. Nakapagtataka man ay ipinagkibit-balikat na lamang niya ang bagay na iyon. Kaya heto ang pagkakaton nagawa niya itong tanungin ukol sa bagay na iyon na matagal na rin niyang nais malaman tungkol sa binata.
"No, you're wrong. I normally grew up, you can say that. My nanay, she made sure I grew up--"
"Nanay?" biglang nasambit niya napatutop pa siya sa kaniyang bibig sa pagkagulat. Iyon ang tawag nito sa ina nito? Ewan, pero nagulat talaga siya. Sa sobrang yayamanin ng personality nito, hindi siya makapaniwalang 'Nanay' pala ang itinatawag nito sa ina nito. She expect something that was different from it. Nagulat lng talaga siya, but she's not disappointed at all. Amused ang saktong reaksyon niya.
"Yes. My Nanay. Is that surprising?"
"Yeah... Ugh!" Itinirik niya ang kaniyang mga mata. "Who are your parents, anyway?"
"My nanay grew up in the province where she met my father. While my father passed away when I was a little. I don't think you know my mother."
"What about your company?"
"Well, it's a new company. Maybe you're aware of it. My grandfather is the one who founded it. He's a rich man. But he's a down-to-earth person."
Napatango siya. Nagkuwento pa ito tungkol sa pamilya nito. Marahil, bagaman may-kaya sa buhay ang mga ito ay hindi ang tipo ng mga ito ang namumuhay ng tulad ng sa mga kaliga ng mga ito sa sosyedad. Naiba lang marahil si Kahl-el dahil nagbabago na ang mundo. Sa panahon ngayon, kailangan ng isang negosyante ang social life para sa ikauunlad ng negosyo nito. Koneksyon ang kalimitang nagiging pundasyon ng isang negosyo. Or maybe this man just loved the finer things life had to offer.
O ganoon nga ba? Marahil ay simple lang din ito--hindi mahilig dumalo sa mga exclusive parties, hindi mahilig makipagsosyalan sa mga miyembro ng alta-sosyedad. Hindi niya sigurado sapagkat maging siya ay hindi kampante sa mundong iyon. Bagaman konektado ang mundo niya sa mundong iyon ay hindi siya namamangka sa dalawang lugar. Mas komportable siya sa mas simpleng pamumuhay. Bukod pa sa parati siyang naghahanap ng pahinga. Dahil ang buhay niya ay umiikot sa kaniyang trabaho, sa kaniyang career.
"I bet your mother is one smart woman for raising you well." kapagkuwan ay iyon ang nanulas sa kaniyang mga labi.
"She is."
Habang nakatingin siya sa mga mata ni Kahl-el na nakatitig sa kaniya ay may kung anong kaba siyang nadama sa kaniyang dibdib. Inignora lamang niya iyon. Marahil ay nag-aalala lang siya sa mabilis na pagkahulog ng loob niya sa lalaking ito.
Hindi niya napaghandaan subalit hindi niya rin magawang pigilan. Sa mabilis na panahon ay nahulog ang loob niya sa lalaking ito. Walang nagawa ang pagiging mapili niya pagdating sa lalaki. Kahl-el was undeniably attractive, who is she to resist?