"Where have you been, Jake?"
"Why do you want to know?" tugon ni Kahl-el saka tumayo na mula sa kama. Dumiretso siya sa nightstand at kinuha doon ang nakapatong na sigarilyo niya. Nagsindi siya ng isa, saka nilingon ang babaeng kanina lamang ay humahaling habang nakalapat ang mga tuhod at palad nito sa kama habang ginagawa niya ang 'trabaho' niya.
It was the worst s*x he had ever had.
"Where have you been? No, I just want to know." muling tanong nito sa kaniya.
"Of course, I'm in my office. You know that I'm always there."
"Then why'd you not take my calls?" Nakairap pang tanong ng babae sa kaniya.
"I was busy." Walang ganang sagot niya.
Naupo siya sa silyang katabi ng coffee table. Nakangisi na ito sa kaniya nang balingan niya. He forgot her name. It was Maricel, Liezel, Marielle, or something that sound like that. Lumapit ito sa kaniya at lumuhod sa harap niya.
"I know you did't come." pilyang sabi nito sa kaniya nang nasa harapan na niya ito.
"I'm just tired."
"I want to return the favor."
Hindi siya umimik, hinayaan na lang niyang gawin nito ang gusto nito. His mind was elsewhere. Kapiling niya sa isip niya si Patricia Antioquia. Pumikit siya. Nang magmulat siya ay ngumisi sa kaniya ang babae... Sinubukan njyang hagilapin sa isip niya kung ano ang pangalan nito.
"You're good, Michelle."
"It's Lychelle."
"What did I say?"
Nagkibit-balikat lang ito at muling nahiga sa kama. Wala itong pakialam sa kahubdan nito at bakit nga naman? Napakaganda ng katawan nitong iyon. Alaga iyon sa kung anu-anong surgeries na siya ang nagbayad. Regalo niya iyon dito. May ilang panahon na rin silang magkakilala ng babaeng hindi niya matandaan ang pangalan.
Theirs was only a give-and-take relationship. Kahit hindi sabihin ay nauunawaan na nila sa kama nagsisimula at nagtatapos ang relasyon nilang iyon. Mukhang may kailangan ito sa kaniya.
"Why were you calling me up?"
"Summer's approaching and I heard summers in Greece are the best."
"I'll take care ot it."
Ang ganda ng pagkakangiti nito. Nagsuot siya ng bath robe at hinagisan ito ng isa pa. Hudyat iyon na magbihis na ito. Agad naman itong tumalima saka inayos nito ang sarili. Mayamaya pa ay lumabas na ito ng apartment. Sumilip siya sa bintana. Tanaw mula roon ang gusali ng kanilang kompanya. Ang apartment na inookupa niya ay pahingahan niya tuwing kailangan niya iyon. He was going to take Patricia there one time. He will make sure of it.
Mientras na nakikilala niya si Patricia ay lalong sumisiklabo ang galit niyang nararamdaman para dito. Siguro ay kasalanan niya na naghanap siya ng guilt dito, kahit katiting man lang, subalit wala siyang nakitang anumang indikasyon na may nararamdaman itong ganoon. Sa katunayan ay mukhang masayang-masaya pa ito sa buhay nito. And why not? She was having a ball.
"b***h!" wala sa loob na nasambit niya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa pambihirang pagkakataon na hindi siya kilala ni Patricia at wala man lang indikasyon na gusto nitong alamin kung sino talaga siya bukod sa pakilala niya rito. Lalo siyang nakakaramdam ng galit gayong kung tutuusin ay pabor iyon para sa kaniyang pinaplano laban dito.
Hindi kailangang sabihing hindi kailanman nito natandaan ang pangalan niya, o kung hindi man ay hindi nito kailanman naitanong sa kaniyang ama ang tungkol sa kaniya. Parang nakikinita na niyang kalmado ito noon, masayang-masaya habang kasama ang kaniyang ama, kaya marahil ay mabilis na naiwaksi nito sa isipan ang mga taong nasasagasaan nito.
Naramdaman niya ang pagtatagis ng kaniyang bagang sa galit na nararamdaman.
What the hell was the matter with her? She had it all. Marahil noong panahong iyon ay hindi pa masasabing ganoon kaganda ang career nito, kinailangan pa nito ng isang sugar daddy, pero sa palagay niya, noon pa man ay malaki na ang potensiyal nito. Ang personalidad nito ay nagsasabi sa kaniyang malaki ang kompiyansa nito sa sarili na nabuo lamang dala ng nangyari sa buhay nito o ng pagtatagumpay nito sa larangan nito. It was innate.
Sinamantala niya ang pagkakataon nang matuklasan niyang hindi siya kilala nito. Iniba na niya nang tuluyan ang pagkatao niya, ang background niya. May ilan pa ring katotohanan sa sinabi niya ngunit sa palagay niya ay nailigaw na niya sa isip nito ang family background niya.
Sa tingin niya ay masyadong kompiyansa ito na hindi man lamang nito naisip na maaaring konektado siya kay Roger Gutierrez. Kunsabagay, siya man siguro ang mamuhay nang walang inaalalang konsekwensiya ng gagawin niya ay magiging kampante rin siya. It was the kind of confidence brought about by one's ability or sheer luck to breeze through things all her life.
Estupida rin ito na masyadong nagtiwala ito. Marahil ay hindi nito masyadong pinahahalagahan ang sarili sa aspetong iyon. Dapat ay inasahan na niya iyon. Nagawa nga nitong pumatol sa isang lalaking higit na matanda kaysa rito at may asawa pa, bakit pa niya aasahan na magiging labis ang pag-iingat nito sa sariling kapakanan?
Lalong hindi niya matanggap ang pagiging matagumpay nito, hinahangaan ng marami, mahusay sa napili nitong karera. Tuwing naaalala niya ang babaeng nag-alaga sa kaniya na ngayon ay madalas na tahimik lang dahil sa mga gamot nitong pampakalma ay nabubuhay ang galit niya.
Minsan nang nagkuwento sa kaniya si Patricia tungkol sa pamilya nito. Walang out of ordinary sa kuwento nito. Sinungaling ito. O marahil ay ibig nitong pagtakpan ang mga ginawa ng ina nito, at maging nito na rin. Malamang ay nahihiya itong sabihin sa kaniya na isang kabit ang ina nito. Hindi siya naniniwalang hindi nito alam iyon.
Ang kuwento nito ay mabait daw ang mga magulang nito. Dati raw ay isang online seller ang ina nito at walang kasimbait. Ang ama naman daw nito ay isang mahusay na negosyante. Napakabait din daw niyon. Mga ganoon ang kuwento nito sa kaniya na kung hindi niya alam ang totoong kuwento, marahil ay mailarawan niya ang isang uri ng pamilyang gugustuhin niyang magkaroon.
Ngayon ay sigurado na siya sa kaniyang gagawing paghihiganti kay Patricia. Ipaparanas niya rito ang lahat ng ipinaranas nito sa nakilala niyang ina. Sisiguruhin niyang naroon siya kapag naunawaan na nito ang lahat ng ginawa nito, kung gaano kasakit iyon. Handa siyang magsakripisyo para lamang maisampal dito ang lahat ng iyon.
At habang naroon siya, bakit hindi niya aalisin ang mga bagay na mahalaga rito? Sapagkat walang pusong inalis nito ang katangi-tanging tao sa buhay ng kaniyang ina na lubos nitong pinahalagahan. Titiyakin niyang madarama ni Patricia ang lahat ng iyon...
Napabuntong-hininga siya. Nakakapagod din pala ang ginagawa niya ngunit handa siya roon. Ano, hahayaan na lamang niya si Patricia nang ganoon lang? Ipapaubaya na lang niya sa tadhana ang lahat? Hindi siya naniniwala sa ganoon. Paano siya matatahimik habang nag-aabang lang siya? Some people were born lucky, too lucky, as a matter of fact. At kabilang sa mga taong iyon si Patricia. He had a feeling she could get away with destiny's karma. So he was there to make sure her luck would run out this time.
At sa isang banda ay nauunawaan niya kung ano ang nakita rito ng kaniyang ama. Ang mga taong hindi nakakaalam ng tunay na personalidad ni Patricia ay tiyak na matutuwa rito. Idagdag pa ang magandang mukha at katawan nito. Hell, he even desired her. As a matter of fact, he couldn't wait to screw her.
It was going to be his bonus. Tiyak naman niyang hindi iindahin iyon ng babae. She had been around.