Chapter 2

1463 Words
“WHAT are you so very excited about, Mommy?” Hindi naiwasan ni Juan Kahl-el aka 'JK' ang mapangiti nang makita ang kaniyang ina sa kusina at abalang-abala sa kung anong inihahanda nito. Noong nakaraang linggo ay nasa kama lamang ito at pinahihirapan ng trangkaso nito. Pero ngayon ay mukhang maayos na ang kalagayan nito. Masigla na ulit ito. Kulang ang sabihing hindi siya napagkatulog noong may sakit ito. Hindi kasi ito madalas makaranas ng karamdaman. Matibay ito sa mga ganoong bagay. Matatag sa anuman pagsubok sa buhay. Siya ang hindi mapakali, lalo na at wala sa kanila ang kaniyang ama. Ang sabi ng mommy niya ay nagtungo raw ang daddy niya sa kung saang business conference nito. Parating wala sa kanila ang kaniyang ama. Mula pa noong magkaisip siya ay madalas nang wala ito sa bahay nila. Bihira ding nasa bahay nila ito sa mga espesyal na okasyon. Parating mas inuuna nito ang negosyo. Ganoon ang kaniyang nakalakhan kaya di hamak na mas malapit siya sa kaniyang ina kaysa sa daddy niya. Sa totoo lang ay mayroon siyang matinding sama ng loob dito sapagkat lumaki siyang parating sumusubok sa matuwa ito sa kaniya. He wanted to please the old man and he did his best to do so. Ngunit parang malayo ang loob nito sa kaniya, maging sa kaniyang ina. Parang may sariling mundo ito at sa mundong iyon ay wala silang lulugarang mag-ina kahit ano pa ang gawin nila. But to be completely fair to his old man, he was a nice fellow. Hindi ito ang tipo na naninigaw o nananakit, o ginagawa ang anumang gustuhin nito kapag hindi nasunod ang gusto nito. Parang yelo sa lamig ang pakikitungo nito sa kanila ng kaniyang moomy na tila napakahirap tunawin. Kapag may nagawa siyang maganda ay ngingiti lamang ito at tatapikin siya sa likod, ngunit sa puso nito ay tila hindi ito natutuwa nang lubos sa nagawa niya. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na may hinahanap ito na hindi nila maibigay rito na mag-ina. Kung anuman iyon ay tila madamot din ang kaniyang ama na ipaalam iyon sa kanilang mag-ina. Kung sasabihin lang nito, sana ay mas masaya ngayon ang kaniyang ina. Madalas kasing nakikita niya itong nalulungkot. Ngumingiti lang ito kapag naroon siya, tila pilit lang na itinatago ang kung anumang nadaramang sama ng loob sa lalaking pinakasalan nito. Minsan ay gusto niyang ipaalala sa kaniyang ama ang sinumpaan nito sa harap ng altar nang pakasalan nito ang mommy niya. Hindi ba’t nangako itong aalagaan at pasasayahin ang kaniyang ina? Bakit hindi nito magawa iyon? Bakit parang estranghero ang mga ito sa isa't-isa? “Well, it’s our anniversary, dear.” “Anniversary?” “Yes! Your father’s going to come home to a surprise!” Ngumiti lang siya sa kaniyang ina, pero hindi pa man ay nanghihina na siya. Paano kung hindi kaagad umuwi ang daddy niya? Tahimik na namang luluha ang mommy niya? Sasama na naman ang kalooban nito? Natitiyak niyang magkukulong na naman ito sa kuwarto nito pag nagkataon. Paulit-ulit na lamang ang ganoong senaryo sa tuwing sasama ang loob ng kaniyang mommy sa kaniya ama. At ang kaniya namang magaling na ama, naki walang pakialam sa nararamdaman ng kaniyang mommy. Napailing-iling siya. Hindi niya maaatim na makitang ganoon ang kaniyang ina. Nagpasya siyang hanapin niya ang kaniyang ama at sisiguruhing uuwi ito, kahit pa nga parang hindi tamang iselebra pa ang isang malamig na samahan, ang isang pamilyang daig pa ang mga estranghero sa isa’t isa. Mahal na mahal niya ang kaniyang mommy. Ayaw na ayaw niyang sasama ang loob nito. Nagpasya siyang tumawag sa opisina ng daddy niya. Ayon sa nakasagot sa kaniya ay umalis na raw ito. Sinubukan niyang padalhan ito ng text message sa cell phone nito ngunit hindi ito tumawag sa kaniya, gaya ng sabi niya. Pagkalipas ng isang oras na paghihintay sa tawag nito ay nagpasya siyang puntahan na ito sa condo unit na pahingahan nito malapit sa opisina nito. Baka sakaling naroon ito, bagaman duda siya sapagkat nakatawag na rin siya roon. Nang makarating siya sa condo nito ay nakita niyang nakasara iyon. Ibig sabihin ay walang tao. He waited in a nearby coffee shop. Nanlulumo na siya. Parang nahuhulaan na niyang wala na namang mangyayari sa paghahanda ng kaniyang mommy. Hindi pa man ay nanlulumo na siya para sa kaniyang ina. Paalis na sana siya para umuwi upang kahit paano ay pagaanin ang kalooban ng mommy niya nang makita niyang humimpil sa tapat ng condominium building ang sasakyan ng daddy niya. Hindi pa man siya nakakalapit ay umibis na ito mula sa sasakyan at sa pagkagulat niya ay hindi ito nag-iisa. May kasamang babae ito. Hindi siya nakakilos, lalo na at nakita niyang mukhang masayang-masaya ang mga ito. Iyon ang uri ng kaligayahan na hindi niya nakikita sa kaniyang ama kapag sila ng mommy niya ang kasama nito. Para tuloy siyang sinikmuraan sa nasaksihan niya. Pumasok na sa condominium building ang mga ito. Agad niyang tinawagan sa cell phone ang kaniyang ama. “Hello?” “Dad, it’s your anniversary today.” “Oh… I forgot. Tell your mother we’ll have dinner tomorrow night—“ “No, you have to go home. Mommy cooked for you.” “But I can’t. I’m busy.” “Busy with your mistress?” sarkastikong sabi niya rito. Hindi kaagad ito nakatugon. “Ano ba ang sinasabi mo, Juan?” Iyon ang tawag nito sa kaniya. Ni hindi nito magawang tawagin siya sa palayaw niya. Ang lahat ng mga taong malapit sa kaniya ay ‘JK’ ang tawag sa kaniya, maliban sa sarili niyang ama na marahil ay naiilang doon. Bakit nga naman tatawagin nito sa palayaw ang isang taong hindi maituturing na malapit dito? “I am right here, in front of your condominium, and I saw you with other woman. Hindi ka ba naaawa man lang kay Mommy? How could you?! Hanggang kailan mo siya balak lokohin? If you are too unhappy with her, then set her free!” halos bulyaw na niya. Kaunti na lamang ay mawawalan na siya ng respeto rito. Galit na galit siya sa kaniyang ama. How dare this old man to cheat on his mother. “I will go home later, Juan.” kapagkuwan ay sabi nito. “You better.” Tiim-bagang niyang sabi saka tinapos na niya ang tawag at naghintay pa rin sa paglabas nito. Hindi siya aalis roon hangga’t hindi niya nakikitang lumalabas ng building ang kaniyang ama. Marahil ay hindi nito napansin ang sasakyan niyang ipinarada niya sa may di-kalayuan sa kinaroroonan ng condominium building. Mayamaya ay nakita niyang umalis na ito. Naghintay pa rin siya. Hindi kasi niya namukhaan kanina kung sino ang babaeng kasama nito. Nagbakasakali siyang baka kilala niya iyon. Pagkalipas ng may kalahating oras ay lumabas na rin ang babae mula sa condominium. Hindi niya kilala ito. Sa tingin niya ay kasing-edad ito ng kaniyang mommy. Maganda ito, mukhang sopistikada. Nang sumakay ito ng taxi ay sinundan niya ito. Natuklasan niya kung saan ito nakatira. And then he headed for home. Eksaktong papasok siya sa bahay ay siya namang paglabas ng kaniyang ama. Bahagya lang siyang sinulyapan nito at nagtuloy na sa kotse nito. Pinuntahan kaagad niya ang kaniyang ina. Nakakandado ang silid nito. Nang kumatok siya, ang sabi nito ay hayaan daw muna niya ito. Nahimigan niya sa tinig nitong umiiyak ito. Na naman. Galit na galit siya sa kaniyang ama. Why did that sick bastard make his mother cry on that day? Napakasamang tao talaga nito. Hindi man lang isinaalang-alang nito ang petsa. Ipinaghanda pa ito ng masarap na hapunan. Marahil ay may regalo pa rito ang kaniyang ina, ngunit ano ang ginawa nito? Umalis. Kundi ba naman napakawalanghiya talaga. Paano nito naatim na gawin iyon sa kaniyang ina? Today is their wedding anniversary, for Pete's sake! Hinayaan muna niya ang mommy niya. Pagkalipas ng isang oras ay kinatok ulit niya ito. Hindi ito sumasagot. Muli siyang kumatok, mas malakas sa pagkakataong iyon. Kinabahan na siya nang wala pa ring sumasagot. Ipinakuha niya sa kawaksi ang duplicate key ng silid. Nang mabuksan niya ang pinto niyon ay nadatnan niyang nakahandusay sa sahig ang kaniyang ina. Sa tabi nito ay ang wala nang lamang bote ng sleeping pills. Dali-dali siyang lumapit dito. He had never felt so scared in his whole life. Hiling niya na sana ay kaiinom lang nito sa mga pildoras na iyon. Isinugod niya kaagad ito sa pinakamalapit na hospital. Salamat sa Diyos at nakaligtas ito. Nang magising ito ay nanlata siya nang ang unang hanapin nito ay ang kaniyang ama. “He’s coming.” Pagsisinungaling niya. Tinawagan niya ang kaniyang ama at sinabi rito ang balita. “You better come to the hospital or, help me God, I would--” “Which hospital?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD