Chapter 1

1422 Words
ABALA si Patricia sa pagkakabisa ng kaniyang script para sa nalalapit nilang theatre presentation na gaganapin sa kanilang school. Siya ang gaganap na ‘Juliet’ sa kanilang play. Nais niyang maging maganda ang kaniyang pagpe-present niyon, because she wanted to please her mother so. Ito na lang kasi ang natitirang pinaka-mahalagang tao sa kaniyang buhay. Patuloy siya sa kaniyang ginagawa nang biglang may malakas na kumatok sa pinto ng kaniyang kuwarto. Mukhang nainip ito na kaniyang pagbuksan kaya pabalibag nito iyong binuksan upang makapasok sa loob. Her father gave her a sinister smile. Nakaramdam siya ng galit dahil sa inasal nitong iyon. Mula nang magkaisip siya ay wala nang ginawa ito kundi ang pasakitan siya. Hindi lang siya kundi maging ang kaniyang ina. Ilang ulit na niyang sinabi sa mommy niya na makipaghiwalay na sa daddy niya ngunit ayaw pa rin nito. Masaya na ang mommy niya sa pagpapalamig sa tuwing napag-iinitan ito ng kaniyang ama. Magpapaalam na lang ito sa kaniya at sasabihing magtutungo ito kung saang lugar, at doon ay magpapahinga ito. Sa tingin niya ay hindi pagpapahinga ang dahilan nito kundi pagpapagamot. Bagaman wala siyang nakikitang pasa o sugat sa kaniyang ina ay alam niyang napagbubuhatan ito ng kamay ng kaniyang ama. Makailang ulit na rin siyang sumilip sa mga ito at nakita niyang sinasaktan ng kaniyang ama ang kaniyang ina. Mahilig manakit ang daddy niya. Sa katawan ito nanununtok at naninipa nang sa ganoon ay walang makikita ang mga tao sa markang iniiwan ng malulupit nitong mga kamay. Pero subukan lang nitong saktan siya at talagang lalaban siya rito. Hindi siya makapapayag na saktan siya nito. Naniniwala siyang wala siyang utang na loob dito, gaya ng sinasabi ng mommy niya. Utang na loob ba ang pagpapaaral nito sa kaniya? Hindi. Responsibilidad nito iyon. Kung hindi nito ginustong magkaroon ng anak na pag-aaralin, dapat ay hindi nito binuntis ang mommy niya. Sa sama ng loob ay iyon ang parating naiisip niya. Hindi utang na loob ang lahat ng ginagawa nito—ang pagtatrabaho para sa kanila, ang paninigurong nakakapag-aral siya sa magandang eskwelahan, ang pagbili nito ng mga pangangailangan niya. Ang lahat ng iyon ay obligasyon nito. At ano naman ang obligasyon niya rito na hindi niya nagagawa? Wala. Mataas ang mga marka niya sa eskwelahan, hindi siya tumutulad sa ibang kaklase niya na grade seven pa lamang ay mayroon ng nobyo. Sa katunayan ay isa siya sa mga nangunguna sa kanilang klase. Ang mga kaibigan naman niya ay mula rin sa matitinong pamilya. Kung tutuusin, ang daddy niya pa ang may utang na loob sa kaniya. Magpasalamat ito na hindi niya ginagantihan ito para sa lahat ng ginagawa nito sa kaniyang ina. Kung gugustuhin lang niya ay madali na para sa kaniya ang lumaban dito. Grade five pa lang siya ay black belter na siya sa taek won do. She could definitely take down this short, pudgy man. Hindi lang niya magawang lumaban sa daddy niya dahil natitiyak niyang magtatampo sa kaniya ang mommy niya. Kung nabiyayaan lamang sana ito ng lakas ng loob, sana ay matagal na silang nakaalis sa pamamahay na iyon. Hindi tahanan iyon kundi isa lamang bahay. At sa bahay na iyon ay isang malupit na tao ang hari. Walang ginusto ito na hindi nito nakuha. Kapag hindi nito nakuha ang bagay na iyon sa pamamagitan ng sigaw ay nakukuha nito iyon sa pamamagitan ng pananakit sa kaniyang ina. “Why do you have to be so awful, Daddy?” aniya rito. Tumaas ang isang sulok ng labi nito, bagaman iniba ang usapan. “Where’s your mother?” “She’s gone shopping.” “That’s the only thing she does.” “And I don’t see anything wrong with it. She wanted to put up a boutique shop, you wouldn’t let her.” “That’s because she’s an idiot. Sasayangin lang niya ang pera ko.” “You’re the idiot one!” Hindi na siya nakatiis. Matagal na niyang sinisikil ang galit niya rito. Pero may mga bagay na sensitibo sa kaniya, lalo na ang kaniyang ina. At para hantarang pintasan nito ang isang taong walang alam gawin kundi ang kabutihan ay labis-labis na talaga. Magalit na ito, magalit na ang kaniyang ina, ngunit hindi siya basta mananahimik na lamang. Lalaban siya kung kinakailangan. “You better watch your mouth,” banta sa kaniya ng daddy niya. “No, you watch your mouth!” asik niya rito. Tumaas ang isang kamay nito. Siya naman ay naghandang depensahan ang sarili. Noon niya narinig ang sigaw ng kaniyang ina. “What’s going on here? No, anak!” Lumayo na lamang siya sa daddy niya. Ang mommy niya ay sumenyas na lumabas na lang muna siya ng silid. Napilitan siyang sumunod dito. Bigla siyang nagsisi sa kaniyang nagawa. Tiyak na ang mommy niya ang makakatikim ng galit ng daddy niya. Hindi yata niya mapapayagan iyon. Nanatili siya sa labas ng nakapinid na pintuan ng kaniyang silid. Inaasahan niyang maririnig niya ang pagmamakaawa ng kaniyang ina ngunit hindi ganoon ang nangyari. “Kumusta na ang lalaki mo?” tanong dito ng kaniyang ama. “Hindi ko alam ang sinasabi mo, Roger.” “Matagal mo na akong niloloko at alam nating pareho iyan. Mula simula, Juvy, niloloko mo na ako.” “H-hindi totoo ang sinasabi mo, Roger.” Tumawa ang kaniyang ama. Siya naman ay hindi malaman kung ano ang iisipin. Mayroong iba ang mommy niya? Mahirap para sa kaniyang paniwalaan iyon lalo na at nakikita niya ang dedikasyon nito sa kaniyang ama. Marahil ay isa na naman iyon sa mga imbentong kuwento ng kaniyang ama. Roger loved playing mind games. It was one of the sick things that her father loved doing for fun. “Ano kaya ang sasabihin ng papa mo kung nabubuhay pa siya at nakikita kang ganito, Juvy? Ano kaya ang gagawin niya? Siguro’y magmamakaawa siya sa akin na patawarin kita at bigyan ka pa ng isa pang pagkakaton. At bibigyan kita ng isa pang pagkakataon, Juvy. Kapag umulit ka pa, alam mo na ang mangyayari sa anak mo.” Kahihimigan ng pagbabanta ang boses ng kaniyang daddy nang sabihin iyon sa mommy niya. “No, huwag, nakikiusap ako sa ‘yo, Roger.” Narinig niyang pakiusap ng kaniyang ina sa daddy niya. “Sawang-sawa na akong marinig ang pakiusap mo!” “Ako na lang ang pag-initan mo, huwag na si Patricia.” “We’ll see.” Pagbabanta na naman dito ng kaniyang daddy. Tumalilis na siya papunta sa salas bago pa siya maabutan ng kaniyang ama na nakikinig sa labas ng silid. Nakiramdam siya. Nang sa tingin niya ay nag-iisa na lang sa silid ang mommy niya ay pumasok siya roon. Mukhang hindi nito naramdaman na naroon siya. May kausap ito sa cell phone nang madatnan niya. “Kailangan na nating itigil ang kabaliwang ito, Alejandro…” Noon ito lumingon sa kaniya at nabitiwan nito ang cell phone na hawak. Natutop nito ang dibdib. “Diyos ko, Patricia. Akala ko kung sino na.” “Mommy, who is Alejandro?” “No one, P-Patricia.” “I heard you and Daddy arguing.” Mapait na ngumiti ito. “You never should eavesdrop, sweetie.” “Is it true though what he accused you of?” usisa niya pa sa ina. “Yes.” Kinapa niya ang damdamin niya para dito. Sa kabila ng nalaman niya ay hindi bumaba ang respeto niya para sa kaniyang ina. Sa edad niyang labing-apat ay mulat na siya sa katotohanang hindi lahat ng mga asawa ay nananatiling tapat sa kapareha nito. Marami sa mga kaklase niya ang may ina na tulad ng sa kaniya. Nalaman niya iyon noong retreat nila kung saan ang lahat ay nagbukas ng personal na usapan kaya lumabas ang sekreto ng lahat. Nauunawaan niya kung bakit nagawa iyon ng mommy niya. Sino ba namang babae ang matutuwa sa kaniyang daddy? Parati na lamang nananakit ito. Emosyonal man o pisikal man. Naaawa na din siya sa mommy niya. Siguro ay hindi na ito mahal ng kaniyang mommy. Hindi niya din masisisi ang kaniyang ina kung magkaganoon pa man. “So, are you going to leave him now?” Umiling ito. “No.” “Why not? You’re obviously not happy with him anymore.” “He takes care of us.” Hindi siya makapaniwala sa dahilan nito. Umiiyak na nakiusap ito sa kaniya. Sana raw ay huwag na niyang ulitin ang ginawa niyang pagsagot sa kaniyang ama. At hindi niya natiis na hindi ito pagbigyan. Napaluha na lamang din siya at awang-awa rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD