Tinungo ni Kahl-el ang silid na kinaroroonan ng kaniyang mama. Dahan-dahan niyang pinihit pabukas ang door knob ng pintuan sa pag-aakalang baka natutulog ang mama niya. Nang sandaling iwan niya kasi ito kanina ay nakadungaw lang ito sa bintana. Nadatnan niya ngayon na nakahiga ito sa kama habang yakap nito ang isang lukot-lukot na at lumang sulat na nahihinuha niyang isang love letter dahil sa pink hearts na napansin niyang disensyo ng lumang papel niyon. Parang madudurog ang puso niya na masaksihan ang ganoong kalagayan ng kaniyang ina. Alam niyang sa kaniyang ama lamang umikot ang mundo nito, sa pag-aalaga nito sa kaniyang ama, ninais ng kaniyang ina na maging maayos ang kanilang pamilya. Subalit ano ang isinukli ng magaling na asawa nito? Ilang beses nagawang ipagpalit sa ibang babae. Napakawalanghiya ng kaniyang ama para gawin iyon sa mommy niya.
"Mom...?" Mahinang pagtawag niya sa pansin nito. Dahan-dahan siyang lumapit sa kamang kinahihigaan nito.
Nagawa naman niyang pukawin ang pansin nito kaya napatingin ito sa gawi niya. "Alam mo ba ibinigay sa akin ito ng lalaking mahal na mahal ako."
"Really, mommy?" He asked her, but he doubted about it. Hindi ito kailanman nakatanggap ng love letter mula sa kaniyang ama. Iyon ay kung ang kaniyang daddy Alejandro nga ang tinutukoy nitong 'lalaking mahal na mahal ito.' Malamang ay ang mommy lang din niya ang gumawa ng love letter na iyon para sa kaniyang ama.
Tumango ito. "Sabi niya sa akin mahal na mahal n'ya ako at balak niya akong pakasalan. You know, I have not yet been married."
But you have, gusto sana niyang ipaalala rito, dahil naroon pa nga sa salas naka-display ang malaking litrato ng kasal nito at ng magaling na asawa nito.
Sinubukan ni Kahl-el na magtanong tungkol kay Agnes. "Mommy, do you know Agnes?"
"Of course, yes!" Nakangiti nitong tugon sa kaniya saka tumingin sa may gawi niya. "She helped me and gave me her baby boy. Do you know her?"
"No." Natigilan siya at napalunok. So it's true. Ampon lang siya nito. "H-how did she help you?"
"I already told you."
"Can you repeat it? I didn't hear it clearly." Parang may bumara sa kaniyang lalamunan.
"You're just like Alejandro, always not listening. Hmm..." Nakangiti pa rin ito subalit mayamaya lang ay lumuha na itong bigla. "Well, the doctors told me that I couldn't have a baby, therefore, I couldn't give Alejandro a child. That so sad. Agnes, she is the daughter of our maid back in Cebu. She got pregnant by some bastard whom eventually gone by sight. So I asked her to give me her baby. At first she refused. Pero sabi ng nanay niya, ibigay na raw sa akin ang bata dahil wala iyong kinabukasan sa kaniya. She was crying. But later on she agreed to give me her baby. It made Alejandro so happy!"
Napataas ang kilay niya sa isinalaysay ng kaniyang ina. "Really?" Pinigilan niya ang mapaluha sa harapan nito dahil nananatiling nakangiti ito. Ramdam niya ang pananakit ng kaniyang lalamunan. Alam niya sa sarili niya na kahit kailan ay hindi natuwa sa kaniya ang daddy niya.
"Oh, yes! He love our baby boy so much! Madalas kaming mamasyal na magkakasama. Mahal na mahal kami ni Alejandro. Mahal na mahal." Nagpatuloy ito sa pagkukuwento sa kaniya.
Pakiwari ni Kahl-el ay humahalo na sa realidad ang pantasya ng kaniyang mommy. Kahit kasi noong bata pa siya ay wala siyang matandaan na pagkakataong namasyal sila kasama ng kinilala niyang ama. Palagi itong abala sa negosyo. Hindi ito nag-eeffort na paglaanan sila ng oras nito. Hindi nga niya maunawaan noon pa kung paano natagalan ng kaniyang mommy ang ganoong set up nito sa kaniyang kinilalang ama.
Now he somewhat understood why his father acted the way he did towards him. Ngunit kailanman ay hindi naging tama iyon.
Ganoon na ba kahirap para dito na mahalin sila ng mommy niya?
He tried all his damn life just to please that bastard. Pero ni minsan ay hindi nito binigyang-halaga iyon. Ano man ang nangyari sa pagitan nito at ng kaniyang ina, hindi ba nito naisip na hindi siya dapat idamay sa problema ng mga ito? At higit sa lahat, hindi rin niya lubos na maisip kung bakit hindi nito nagawang mahalin o pag-ukulan man lang ng pansin ang kaniyang ina kahit katiting lang. Makailang beses tuloy niyang natanong sa kaniyang sarili kung bakit pa ito nagpakasal sa kaniyang ina gayong di pala ito masaya.
Look at what happened to his mother now. Kulang ang sabihing nakakaawa itong tingnan. Gulo-gulo ang buhok nito, mukhang tumanda nang ilang taon ang hitsura nito at napakarungis tingnan. Tawa ito nang tawa na tila ba nasa isang uri ito ng mundo kung saan ay minamahal ito ng lalaking pinag-alayan nito ng oras, buhay at pagmamahal nito.
"Mom--"
"Will you please stop calling me that?"
"Yeah, okay."
"You're not my son. My li'l boy is at school." Nang biglang parang may naalala ito. "Oh! I have to tell Manay Nids to prepare his favorite bacon sandwich." Akmang tatayo ito nang hawakan niya ang braso nito para pigilan. Nanariwa sa isipan ni Kahl-el na iisa lamang ang paborito niyang baon. Palaging iyon ang ipinapabaon nito sa kaniya sa eskwelahan sapagkat ayaw niya ng ibang palaman ng sandwich. Tanging bacon spread lamang ang nais niyang palaman sa kaniyang sandwich noon.
This was killing him. Hindi niya matagalan ang senaryong iyon sa kaniyang ina. Pinapatunayan lamang niyon kung gaano ito naging mabuti sa kaniya bilang ina.
"I-I already sent him his bacon sandwich." nauutal niyang sabi dito, labis ang pagpipigil na huwag maiyak sa harap nito.
"Oh, thank you! You're such an angel." Biglang lumamlam ang mga mata nito saka nagpatuloy. "You know, spoiled sa akin ang anak kong iyon. He's such a wonderful child!" At naging maningning ang mga mata nito nang sabihin iyon.
"And you're a wonderful mother to him. I am sure of that."
"You're just kidding me. Maybe I am not so bad a mother. But my JK, he deserves only praises. I love him like my own. He makes this world colorful. I would do everything just for my li'l boy!" Nasisiyahang patuloy pa nito.
"And your boy would do anything for you." He would make sure the bad people will pay... You can count on that, Mom... You can count on that." Pag-uulit pa niya sa huling litanya niya. Niyakap niya ito nang mahigpit habang tahimik lang ito.
Ngunit mayamaya ay muli itong nagsalita. "Alejandro is coming home. I need to prepare dinner for him... Ah, beef. He likes roasted beef. I will cook that for him. Hopefully, matuwa siya... Sana, matuwa siya sa akin. Alam mo kasi, mahal na mahal ko ang asawa kong 'yon. Gusto kong palagi siyang nalulugod para sa akin."
At muli ay parang may lumapirot sa kaniyang puso. Durog na durog iyon.