Khal-el was finally meeting Patricia Antioquia in the flesh. Matagal niyang hinintay ang pagkakataon na iyon na makaharap ang babaeng ito. He's excited not because isa itong sikat na personalidad sa larangan ng showbiz kundi isang uri iyon ng pananabik na pabagsakin ito sa pedestal na kinaroroonan nito ngayon. All he had for Patricia was purely hatred. Kinamumuhian ko nang labis ang babaeng ito.
Sa kaniyang pagkabigla, natuklasan niyang anak pala ito ni Juvy Antioquia, ang babaeng unang naging kerida ng kaniyang ama. Bago siya nagplano patungkol dito ay nag-imbestiga muna siya sa background nito. Sa kaniyang pag-iimbestiga ay nalaman niyang namatay na ang babaeng iyon at ngayon ay si Patricia naman pumalit para pumatol din sa kaniyang ama. He was disgusted by the thought of it. Ni hindi man lang ito kinilabutan sa ginawa nito. Her relationship with his father was very hush-hush. Siguro ay natural lamang iyon kung ganoong sikat ang babae. Magaling itong magtago ng maitim nitong lihim. At nasasabik na siyang pabagsakin ito sa kasikatang tinatamasa nito ngayon.
Maybe the woman was looking for a father figure and she saw that in his father. Natural lang siguro sa isang babae ang maghanap ng ganoon, lalo na at pumanaw na pala ang ama ni Patricia bago pa pumanaw ang ina nito. Ang hindi lang niya maunawaan ay kung bakit at paano nito nagawang sugurin ang kaniyang mommy noon gayong ito na nga ang nanghiram ng asawa ng may asawa. Kundi ba naman napakakapal ng mukha ng babaeng ito.
Pakiwari niya ay mas agresibo pa ito kaysa sa ina nito. Sa pagkakatanda niya ay ni minsan hindi nagtangka o naglakas-loob ang ina nito na tumawag sa kanilang bahay. Samantalang ang Patricia na ito ay makailang ulit na raw tumawag roon para hanapin ang kaniyang ama ayon kay Manay Nida.
Kulang ang sabihing makapal ang mukha ng babaeng ito. She was disgusting. Hindi man lamang ito kinilabutan, parang ama na nito ang kaniyang ama.
At siyempre nga naman, sa part ng kaniyang ama na kahit matanda na kung tutuusin ay papasa na itong dirty old man. Kung ganoong ang isang babae ay nagkakandarapa rito at handang ipagtanggol at ipaglaban ito ay trophy iyon para dito, marahil ay labis na lumobo ego ng matanda simula ng ma-link ito kay Patricia na batam-bata pa.
It was so sick. Isipin pa lang ay nanririmarim na siya.
Patricia played the fire and the one who's burnt with it was his mother. Hindi ito marunong maawa man lang sa kapwa nito bagkus sarili lang iniisip nito.
Natuklasan din niyang may isang taon mahigit nang namayapa ang kaniyang ama due to a car accident. Kaya galit siya sa babae, napakasama ni Patricia na hindi man lang ito gumawa ng paraan upang maiparating sa kanila ng mama niya ang lahat. Oo at lumipat na sila ng bahay na mag-ina--kahit ang pangalan ng kanilang kompanya na minsang pinamahalaan ng kaniyang ama ay binago niya rin ang pangalan niyon--ngunit hindi iyon dahilan para sabihin niyon na mahirap silang hanapin. Napakaraming paraan na kung tutuusin pa nga ay madali lang pero hindi nga ginawa ng Patricia na iyon.
Dahil likas na yatang maramot ang babaeng iyon. Kaya hanggang sa huling sandali ng kaniyang ama ay hindi man lang nito ibinahagi sa kanila ng kaniyang mama. Kahit man lang sana pabalat-bunga lang ay ginawa nito ngunit hindi naging matigas si Patricia. Wala itong pakialam kesehodang nananatiling asawa pa rin ng kanyang ama ang kaniyang mama dahil hindi naman nagtangka ang kaniyang ama na makipaghiwalay pa ng tuluyan sa kaniyang ina. Napatiim-bagang siya. Obvious naman ang dahilan ni Patricia, maaari nga namang makarating iyon sa press at tiyak na pagpipiyestahan ang pangalan nito na na-link ito sa kaniyang ama na isa ng dirty old man para dito. Kapag nangyrai iyon, Patricia might get implicated. And he would be losing so much. Dahil nang simulang ihandle na niya ang kanilang kompanya ay naglabas kaagad siya ng puhunan upang lalong lumago iyon.
Hindi na niya naisip pang tangkaing tawagan ang kaniyang ama. Katwiran niya ay mas maganda pang hindi na nito malaman pa ang nangyari sa kaniyang ina nang sa ganoon ay khit paano ay maibangon ng kaniyang ina ang pride nito na ninakaw ni Patricia. His mother was better off without a philandering husband and his young concubine.
And he would be better off without them at his back, while he was planning to destroy them both.
Pero hayun nga at naunahan na siya ng kaniyang ama, pumanaw na ito hindi pa man siya nakakapaghiganti dito. At nalaman lamang niya ang tungkol sa pagkamatay nito nang minsang mabasa niya sa obituary sa diyaryo kung kailan nailibing na ito. Walang kasinsama si Patricia. She was an evil b***h who deserved only the worst kind of punishment.
Hindi siya matatahimik hangga't hindi niya nakikitang nagdusurusa ito. He was going to do to her what she did to his mother. Ang lahat ng mahalaga rito ay kukunin niya nang walang pag-aalinlangan. She would beg and beg and he would ignore her. Sapagkat iyon ang ginawa nito sa kaniyang ina. Ibabalik lang niya kung ano ang ginawa ng Patricia na iyon sa kaniyang ina.
Nasa bahay pa rin nila ang kaniyang ina at hindi pa rin magaling. Ang sabi ng doktor nito ay hindi raw masisigurong gagaling pa ito. May mga gamot ito s ngayon. Para tuloy siyang nawawalan ng pag-asa. Wala siyang nakikitang pagbabago rito, sa tingin pa niya ay parang lumala pa ito sapagkat hindi na nito nababanggit pa ang pangalan ng kaniyang ama. Sa tuwing kausap niya ito ay parang hindi na ito makaalala ng mga pangalan. Parang wala nang naaalala ito sa nakalipas nito. Paano nangyaring bumubuti ito? Ilang ulit na siya naghanap ng eksperto sa sakit nito, nakakuha naman siya, subalit wala ang resultang inaasahan niya. Hindi tuloy niya maiwasang manlumo.
May isang maasahang tao na nag-aalaga rito, ang kaniyang tunay na ina--si Agnes. Sa ngayon ay hindi na ito nakikilala ng kaniyang Mommy Imelda, maging siya.
Ipinagtapat sa kaniya ng kaniyang tunay na in ang lahat at mabilis niyang napatawad ito. Mukhang tanggap naman nitong mahal na mahal niya ang kinilala niyang ina. Alam daw nitong hindi rin ito nagkamali sa pagpapaampon sa kaniya sa mommy niya sapagkat narating niya ang ganoong estado sa buhay na siguradong hindi niya mararating kung dito siya lumaki.
Karaniwang kuwento ng isang mapusok na kabataan ang kuwento ng kaniyang tunay na ina. Nabuntis ito ng isang lalaking inakala nitong nagmamahal dito, isang lalaking dayo sa bayan na pinagmulan nito. At nang malaman ng lalaki na buntis ito ay ibig niyong ipalaglag siya kaipala'y may asawa na ito na nasa ibang bayan lamang nakatira.
Hindi na tinangka pa ni Kahl-el na puntahan o hanapin pa ang kaniyang tunay na ama kahit pa alam na niya ang pangalan nito. Katwiran niya ay bakit pa? Masyado na siyang maraming magulang. Ayaw na niyang madagdagan pa. Masalimuot na ang buhay nila. At hindi na niya kailangan ng isa pang tao, lalo na't isang taong walanghiya at manloloko rin.
Buti na lamang at mabait ang tunay niyang ina. Napakamaunawain nito sa kaniya. Nauunawaan nito kung bakit labis siyang naapektuhan sa nangyari sa kaniyang mommy Imelda. Kahit ito ay nagalit nang ilahad niya rito ang kuwento.
"Parang may pinaplano ka, Jake?" anito sa kaniya, nasanay na siyang 'Jake' ang tawag nito sa kaniya dahil sa initial ng kaniyang pangalan na JK.
Hindi siya umimik.
"B-baka naman ikaw rin ang mapahamak riyan." hindi maiwang pag-papaalala nito sa kaniya kapagkuwan.
"Huwag ho kayong mag-alala, 'Nay." Iyon ang tawag niya rito.
Hindi na muli ito kumibo, bagaman mukhang tutol ito sa gagawin niya kahit pa hindi nito alam kung ano iyon. Hindi naman siya pinagsasabihan nito kundi pinaaalalahanan lamang. Marahil ay hindi nito magawa iyon dahil sa tagal nilang hindi nagkasama at nahihiya pa.
Ipinangako naman niya sa kaniyang sarili na aayusin niya ang samahan nila ng kaniyang tunay na ina, ibig niyang maging mas malapit pa sila, sapagkat nais din niyang maranasan nito ang magandang buhay na kaniyang nararanasan, pero saka na kapag natapos na niya ang kaniya misyon sa Patricia Antioquia na ito. Ang mas mahalaga sa ngayon ay ang matahimik siya. Hindi niya mapapayagan na walang konsekwensiya kay Patricia ang ginawa nito sa kanilang pamilya. Sisiguraduhin niyang pagbabayaran nito ang lahat ng iyon.
"Sir, Miss Antioquia is outside," wika ng sekretarya niyang si Ysa. Mukhang nasasabik ito. Napansin na niya noon pa na maraming tao ang tila sabik na sabik kay Patricia. Napailing siya sa disgusto.
"Send her in." Sabi niya sa kaniyang sekretarya na agad namang tumalima.
Mayamaya ay bumukas na ang pinto ng kaniyang opisina at nagpanagpo ang kanilang mga mata. His plan was to act normal around her, pretend that he didn't know her. Pero siya ang nabigla nang makita niyang walang indikasyon na kilala siya nito. Sa katunayan ay nakangiti pa ito sa kaniya ng pumasok na nang tuluyan sa kaniyang opisina.
"So, you are Mr. Juan Kahl-el Gutierrez. 'Nice to finally meet you." Matamis itong nakangiti sa kaniya nang sabihin iyon.
Natagpuan ni Kahl-el na napakahirap palang ngitian ito pero nagawa niya. Gusto niya tuloy bumilib sa kinilala niyang ama. Kung paano nito nagawang paibigin ang isang tulad ni Patricia ay hindi niya alam. Andrea was so beautiful. Her skin was flawless, she was stucked.
Ngunit ang higit na kataka-taka para sa kaniya ay mukhang hindi man lang ito nagtaka sa pangalan niya. Hindi ba nabanggit dito ng kaniyang ama ang pangalan niya? Maaari. Kung sakaling nabanggit man dito, marahil ay hindi na nito naaalala pa. Gayong walang rekognisyon mula dito nang banggitin nito kanina ang buong pangalan niya.
Marahil ay hindi rin sumagi sa isip nito ang kompanyang iyon, kung nabubuhay pa ang daddy niya, ay isa sa mga pag-aari nito. Iniba na niya kasi ang pangalan ng kanilang kompanya. He decided on a complete overhaul. Hindi inaasahang nagkaroon kasi ng kaunting problema ang isang pabrika nila. Nabahiran tuloy ng masama ang pangalan nila dahil sa kalokohan ng ilang empleyado.
"I have been offered food supplement endorsements before," imporma nito sa kaniya na hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nito. "But I refused them all."
"We are very lucky then." You really are a b***h!
"You can say that. Plus your offer is so good it's hard to resist." May kasamang tunog ang tawa nito. Ewan niya, pero parang musika iyon sa kaniyang pandinig. Lihim niyang sinaway ang kaniyang sarili dahil doon.
He offered her a lot of money. He knew she couldn't resist it. Hindi siya lugi rito kahit aspetong negosyo ang pag-uusapan. "Thank you."
"Juan Kahl-e Gutierrez... Do you happen to know a certain Alejandro Gutierrez?"
Noon siya biglang naalarma. Saglit na tinantiya niya si Patricia, saka siya umiling.
Nagkibit-balikat ito. "Oh, well. Gutierrez is a common surname, anyway."
Nanatiling nakapagkit ang matamis na ngiti nito sa mga labi nito. He smiled back.