"Cut!" Narinig niyang sigaw ng kanilang direktor. Kasabay niyon ay malakas na nagpalakpakan ang mga taong nakapaligid sa kanila na nanonood ng kanilang shooting.
Kasalukuyang nasa shooting ng kaniyang bagong teleserye si Patricia. Isa siya sa mga bidang babae. Kaeksena niya roon ang kaniyang leading man.
Kung noon ay sanay na sanay siya sa ganoong eksena sa kaniyang buhay subalit ngayon ay nanginginig siya sa kaba. Batid niyang nasa audience kanina si Kahl-el at pinapanood ang kaniyang pag-arte sa harap ng camera. Iyon ang unang pagkakataon na pinanood siya nito.
Paghayon niya sa crowd ay agad niyang nakita ito roon nakatayo at matamang nakatitig sa gawi niya. Nang mapansin nitong nakatingin siya rito ay matamis siya nitong nginitian saka kinawayan. Sa kapal ng mga taong naroon ay hindi naging mahirap para sa kaniya na makilala ito. Gumanti siya ng kaway rito. Hindi pa niya malapitan ito dahil siya na ang muling sasalang mayamaya, sasaglit lang ang kaniyang break.
Nate-tense siya na hindi niya mawari. Siguro ay dahil matindi ang kaniyang pagnanais na ma-impress sa kaniya si Kahl-el. Gusto niyang madama nito ang nadarama niyang paghanga rito. Gusto niyang maipakita rito ang talento niya. It was crazy. Ang akala niya ay lipas na siya sa estadong iyon. Halos lahat ng tao ay alam kung ano ang kaya niyang gawin. Kung tutuusin ay wala na siyang kailangan pang patunayan dahil matagal na rin siya sa industriya at ilang acting awards na rin ang nakamit niya.
Hay, sadyang kakaiba si Kahl-el. Habang tumatagal ay lalong nahuhulog ang loob niya rito. Kung noong una ay para siyang kinakabahan, tila lalo na ngayon sapagkat hindi nila napag-uusapan ni Kahl-el ang real score tungkol sa kanila. Noon ay hindi niya ikinababahala ang mga ganoong bagay. Sanay na siya sa modernong pagtingin ng dalawang indibidwal sa isang relasyon.
Pero iba si Kahl-el, ayaw niyang mapabilang sila sa mga ganoong pareha na walang label. Ang gusto niya ay maging sigurado siya, ang marinig mula rito ang plano nito. Kung mayroon man ay magpapatuloy siya, siyempre, at kung wala naman, habang maaga pa ay ititigil na niya ang posibleng pagyabong pa ng kaniyang nararamdaman para dito, sapagkat ito ang klase ng lalaking mahirap na hindi makahulugan ng loob.
She was falling for him more and more everyday. She adores him that much.
Nang matapos ang pagsalang niya sa huling kinuhanang eksena ay nagpaalam kaagad siya sa mga kasamahan niya pati na sa kaniyang manager at direktor. Nagtaka man ang mga ito ay inignora niya na lamang iyon. Hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nababanggit sa mga ito si Kahl-el. Siguro ay dahil naging mapamahiin na siya pagdating sa kanila ni Kahl-el. Ayaw niyang isugal. Alam niyang isang kahibangan, pero paano kung may epekto nga? Na sa tuwing nagbabanggit siya sa mga kaibigan niya ng tungkol sa isang lalaki ay nasisira ang magandang pagtingin niya rito.
Ayaw niyang mangyari ang ganoon sa kanila ni Kahl-el. Kaya naman nag-iingat siyang huwag munang banggitin sa mga ito ang tungkol sa lalaki.
Pinauna na niya ang kaniyang PA. Nagmamadali niyang pinuntahan si Kahl-el na naroon na sa parking area at hinihintay siya. Isang regalo ang iniabot nito sa kaniya nang hustong nakalapit na siya rito.
"For the best actress in the world," anito.
Hindi na niya nagawang awatin ang sarili, sinugod niya ng yakap si Kahl-el sa labis na kasiyahang nadarama niya nang mga sandaling iyon. Halatang humahanga ito sa kaniya. She felt herself blush. OA yata ang kaniyang reaksiyon. Siguro ay dahil anxious siya sa maaaring maging komento nito o sa kawalan nito niyon o ang mabasa niya na binobola lang siy nito sa pagpuri sa kaniya. But it seemed his admiration was genuine.
"Oops, sorry. I just got carried away. To be completely honest, I was wondering what you were going to say."
Ang lakas ng halakhak nito. Gustong-gusto niya kapag naririnig niya ang halakhak nito sapagkat musika iyon sa kaniyang pandinig. Punong-puno iyon ng buhay. Niyakap siya nito saka masuyong hinagkan siya sa pisngi.
"Don't you doubt how good you are, Patricia."
"Thank you so much. You're so sweet."
Ngumiti lang ito bilang tugon. Pagkatapos ay sumakay na sila sa kotse nito. Ang isang kasama nito ang nagmaneho ng kaniyang kotse. Dinala siya nito sa isang Korean restaurant. Para tuloy nawala ang pagog niya dahil kapag ito ang kaniyang kasa-kasama ay punung-puno siya ng enerhiya. At madalas ay naiinis siya sa mabilis na takbo ng oras kapag silang dalawa ang magkasama. Nitong mga nakaraang linggo ay kasi ay naging madalang ang pagkikita nila sapagkat naging abala siya sa paghahanda para nga sa nalalapit nilang teleserye. Sumailalim sila sa script reading at photo shoot para sa magiging poster niyon na gagamitin bilang promosyon.
"Did you miss me?" tanong nito kapagkuwan.
"Shut up." tugon niya rito, saka inirapan ito.
"I missed you."
Parang may humaplos na mainit na palad sa kaniyang puso dahil sa tinuran nito. Tuwang-tuwang siya kapag nagpapahayag ito ng damdamin na parang wala sa bokabularyo nito. It made him seem a little bit vulnerable. Maisip pa lamang niyang sa kaniya lang ito nagiging ganoon ay may kung anong hatid na kasiyahan sa kaniya.
Ang tanging hiling lang niya, sana ay mag-usap na sila ng mas seryosong bagay tungkol sa estado ng kung anong namamagitan sa kanila dahil hanggang ngayon ay nangangapa pa rin siya sa label nilang dalawa ni Kahl-el. Siguro, kapag dumating na ang puntong iyon ay maaari na niyang ipakilala ito sa PA at manager niya, lalong-lalo na sa mga malalapit na kaibigan niya. Nasasabik na rin siyang ipakilala ito. Kung magtataka man ito kung bakit hindi pa niya ipinapakilala ito sa mga kaibigan niya ay walang ipinapahiwatig ito o ipinaparinig man lang. Malaki ang hinala niyang hindi naman ito bothered para sa ganoong kaliit na bagay. No, not him.
"You have a shooting again tomorrow, right?"
Tumango siya. "You're coming?"
"Of course. I wouldn't miss it for the world."
"Why are you doing this?" Nakagat niya ang labi nang lumabas ang tanong na iyon. Parang masyado namang childish iyon. Alam naman niya ang sagot. Nais lang niyang malaman kung hanggang saan ang abot ng damdamin nito para sa kaniya.
"What do you think?"
Huminga siya nang malalim. Naroon na sila sa puntong iyon, mas maganda sigurong sagarin na niya ang pagtatanong. Tutal ay halatang nasa mood ito ngayon. "Hmm... It's obvious that you like me, Kahl-el.The only question, I guess is, 'how much?'."
"Very much."
"W-What do you mean by that?"
"Meaning I'm going to keep doing this because I want to be with." Bumuntong-hininga ito. "You know, Patricia, it's strange, because to be completely honest with you, this is the very first time I felt this strongly for a woman. Sometimes, I find myself wondering what to do next. I am taking baby steps, hoping soon I would be able to walk."
Oh my God... Parang gusto tuloy niyang maluha dahil sa naging deklarasyon nito. She was touched. Inabot niya ang kamay nito saka pinisil iyon. Laman na niyon ang lahat ng gusto niyang iparating dito. Sana ay maunawaan nito. Kung maliliit na hakbang pa lamang ang ginagawa nito ngayon para sa kaniy, lalo siyang nasabik kapag nakagamayan na nito ang paghakbang.