Chapter 8

1162 Words
Pinagmasdan ni Patricia si Juan Kahl-el. He was such a good-looking man. Hindi ito tipikal na guwapo na mukhang modelo o artista. Hindi ito pang-matinee idol subalit may kakaiba sa charismang taglay nito. Siguro ay mas tamang sabihing malakas ang s*x appeal nito, s*x appeal na mayroong sopistikasyon. Everything about him was so fine, even the way he walked, gestured, and talked. At hindi siya pamilyar sa ganitong pakiramdam na parang matinding atraksiyon kaagad ang nadarama niya para dito. If you marry him, you're going to be a Gutierrez, finally... Oh, shut up! Get a grip, Patricia! Marry him? Ngayon mo pa lang siya nakilala! Gusto niyang mapailing sa itinatakbo ng isip niya. Mukhang labis na nga yata ang nadarama niyang inggit sa mga kaibigan niyang nagsipag-asawahan na kaya gusto na rin niyang lumagay sa tahimik. Waka naman sigurong masama roon dahil nasa edad na siya para lumagay sa tahimik. Wala na rin siyang pangarap na hindi pa nakakamit. Noong nakaraang buwan lamang ay natapos na niya ang movie na isa sa mga entry sa MMFF ngayong taon. Ngayon pa lang ay buhos na ang suporta ng kaniyang mga fans, ganoon siya kasikat bilang artista. Narating na niya ang iba't ibang lugar sa buobg bansa. Ang kagandahan ay kadalasang binabayaran pa siya para makapunta sa mga lugar na napuntahan na niya. Madalas kasi ay sa abroad o sa ibang malalayong lugar ginaganap ang kanilang mga shooting sa teleserye man o sa pelikula. Pero kahit nasa tamang edad na siya para mag-asawa ay hindi namang tamang maisip kaagad niya iyon, lalo na at ngayon lang niya nakilala ang lalaking naging puntirya kaagad ng pangarap niya. OA siya. Kung malalaman lang marahil ni Juan Kahl-el ang tumatakbo sa isip niya ay baka kabahan na ito sa kaniya. Akalain pang nababaliw na siya at baka nga iwasan pa kaagad siya nito. Kaapelyido ito ng kaniyang ama. Pinilit niyang halukayin sa isip kung ano nga ba ang pangalan ng ampon ng asawa ng kaniyang ama ngunit hindi niya iyon maalala. 'Juan' yata, pero hindi siya sigurado. Hindi din naman kasi madalas magkuwento sa kaniya ang kaniyang ama tungkol na iniwan nitong pamilya. Nauunawaan naman niya iyon. Panay pasakit lamang kasi ang pinagdaanan nito sa babeng pinakasalan nito. Hinawakan ito sa leeg ng babaeng iyon sa pamamagitan ng pananakot dito. Kung sakaling hindi nasakal ang kaniyang ama sa babaeng iyon sa loob ng mahabang panahon, sana ay hindi na kinailangan ng mommy niya na makisama sa daddy niya sa loob ng mahabang panahon. Sana ay hindi ito nagdusa. Sana ay malayang nakapagsama ang mga tunay niyang magulang. Nang pumanaw ang mommy niya ay hindi muna niya pinuntahan ang kaniyang tunay na ama. Alam niyang may pamilya ito kaya para siyang natakot. Ilang taon muna ang kaniyang pinalipas bago niya napagpasyahang maglakas loob na magpakilala rito. At nagsisi siyang noon lamang siya nagpakilala rito sapagkat napakainit ng ginawa nitong pagtanggap sa kaniya bilang tunay na anak nito. Hindi man lang ito nagduda sa sinabi niya, gaya ng unang hinala niya na maaaring maging reaksiton nito kapag nagpakilala na siya rito bagkus ay mahigpit siyang niyakap nito. Sa lumipas na ilang taon ay patago ang kanilang pagkikita. Noong una ay inunawa niya iyon. Siyempre nga naman, may pamilya ito. Ngunit nang umamin ito sa kaniya na pakiramdam daw nito ay sakal na sakal na ito sa relasyon nito sa asawa nito ay nagsisisi itong hindi nito nagawang makasama ang kaniyang ina noong nabubuhay pa iyon ay naisip niyang manghimasok na at gawan iyon ng paraan. Malaki ang kaniyang hinala na nananakot lang ang asawa ng kaniyang ama sa mga banta nitong pagpapakamatay, sapagkat sa dami ng pagkakataong 'nagtangka' ito ay bakit buhay pa ito hanggang sa ngayon? Isa lamang ang ibig sabihin niyon, paraan lamang nito iyon para manatili ang kaniyang ama sa piling nito. Hindi na bagosa kaniya ang ganoong balita--na nananakot ang isang kabaro niyang kikitilin ang sariling buhay upang hindi mawala ang lalaking gustong makasama. Alam niyang kadalasan ay kalokohan lamang ang mga ganoong pagbabanta. Sinabi niya iyon sa kaniyang ama pero hindi niya ito nakumbinsi. Hanggang isang araw ay nagsabi sa kaniya ang kaniyang ama na mayroon daw itong nakilalang babae at natutuwa ito roon. Alam niya, hindi man nito direktahang sabihin, ay parang nagpapaalam ito sa kaniya kung maaari itong makahanap ng iba. Siyempre ay sino siya para hadlangan ang kaligayahan ng kaniyang ama? Hindi niya tinutulan ang nais nito. Subalit iyon nga lamang, nasisiguro niyang hindi iyon magagawa ng kaniyang ama, lalo at naroon ang asawa nitong tila gagawin ang lahat matali lamang sa piling nito ang kaniyang ama. Kaya pinilit niyang gumawa ng paraan para wakasan ang kalokohan ng babaeng iyon. Masyado nang maraming tao ang nasasaktan, lalo na ang kaniyang ama. Ang sabi pa ng kaniyang ama, kaya lang naman daw nito pinakasalan si Imelda ay dahil na rin sa pananakot ng babae. Oo at naging magkasintahan ang dalawa at natuwa rin naman daw ang kaniyang ama sa babe noong una, subalit habang tumatagal daw ay nasasakal na ito. Ang gusto nito ay parating nagkikita ito at ang kaniyang ama bukod dito ay minomonitor ni Imelda ang lahat ng kailangan gawin o puntahan ng kaniyang ama. Nagpakasal na ang dalawa at noon natuklasan ng kaniyang ama na hindi maaaring magbuntis si Imelda. Makikipaghiwalay na raw ito nang mag-ampon ng isang bata ang babae. Napilitan ang kaniyang ama na mnatili sa tabi ng babae. At sa mga taong nagdaan ay muling nagkita ito at ang kaniyang ina, na siyang unang naging nobya nito. Nagkahiwalay lamang daw ang mga ito sapagkat kinailangang pakasalan ng kaniyang ina ang nakilala niyang amang si Alejandro. Mula noon ay nagkaroon muli ng relasyon ang mga ito. Tinangka muling makipaghiwalay ng tunay niyang ama kay Imelda ngunit gaya ng dati ay nagtangkang magpatiwakal ang babae. Hanggang sa tumagal na nang tumagal ang sitwasyon. Lahat ng hindi nakuha ng babaeng iyon sa santong paspasan at santong dasalan ay idinaan nito sa emotional blackmail. Lingid sa kaalaman ng kaniyang ama ay pinuntahan niya si Imelda at kinausap ito. Diniretsa niya ito. Sinabi niya ritong siya ang tunay na anak ng kaniyang amang si Alejandro na asawa nito. Nakiusap siya rito na kung maaari ay palayain na nito ang kaniyang ama. Iyak ito ng iyak. Nais na niyang mapikon dito noon. Alam niyang sa likod ng pag-iyak nitong iyon ay mayroon na naman itong pinaplanong kung ano, ngunit hindi na siya umimik. Hinayaan niya lang ito. Nauunawaan niya naman kahit papaano na masakit na masakit para dito ang ibinalita niya. Pero hindi siya nagpatinag bagkus ay nakipagmatigasan siya rito para sa ikabubuti ng kaniyang ama. Iyon ang isiniksik niya sa isip niya kaya mula noon ay hindi na muli pang nag-krus ang landas nilang dalawa ni Imelda. Inakala niyang nagmove on na ito sa kaniyang ama kapagkuwan kung kaya't matapos ang ilang attempts nitong pagkausap sa telepono sa kaniyang ama na hindi niya pinagbigayan ay hindi na ito muling nangulit pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD