“Mom, you know I don’t really want to go. So if you asked me not to, gagawin ko. Hindi na ako tutuloy, sabihin mo lang.”
“But you have to, son.” giit sa kaniya ng kaniyang ina.
Napailing at napabuntung-hininga na lamang si Khal-el. Maka-ilang beses na siyang nag-dalawang isip sa pag-alis niyang iyon. Mag-aaral siya sa Australia. Doon na niya ipagpapatuloy ang kaniyang kurso. Balak din niyang magtake ng masteral doon once makatapos na siya.
Sa totoo lang ay ayaw sana niyang iwan ang kaniyang mommy. Labag sa kalooban niyang iwan ito ngunit ang sabi nito sa kaniya ay huwag daw siyang mag-alala rito. Baka kasi kapag wala na siya roon, ay kung anu-anong sakit ng kalooban na naman ang maranasan nito mula sa kaniyang ama. Iba pa rin kapag naroon siya ay nagagawa niyang kalmahin ang kalooban ng kaniyang ina sa tuwing binibigyan ito ng sama ng loob ng papa niya.
Subalit mapilit ang kaniyang ina na sa ibang bansa na niya ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. Siguro nga ay kailangan na niyang ilagay sa isip na maayos na ang kalagayan nito ngayon. Kailangan niyang ikampante ang kaniyang isip dahil kailangan niya ring mag-focus sa kaniyang pag-aaral sa ibang bansa.
Mula rin nang uminom ito ng sleeping pills ay hindi na uli niya nakita ang kaniyang ama na kasa-kasama ang babae nito. Sinabi niya sa kaniyang sarili na kapag nakita uli niya itong may kasamang babae ay hindi puwedeng hindi siya aaksiyon. Tinitiyak niyang hindi magugustuhan ninoman ang maaari niyang magawa pag dumating muli ang bagay na iyon. Hindi puwedeng tatahimik na lamang siya habang nasasaktan at naghihirap ang kaniyang mama at ang kaniya namang ama ay nagpapakasarap sa piling ng iba.
Kailangan niyang pumunta sa Australia. Dahil sooner or later ay siya na ang mamamahala ng malaking emperyo nila. Iyon ang kabilin-bilinan ng kaniyang Lola sa mother side bago ito pumanaw. Hindi man nila napag-usapan iyon na mag-ama ay parang may kasunduan na silang kapag nagretiro ito ay awtomatikong siya ang mag-mamanage ng kanilang negosyo. Natural. Sino pa ba ang maaaring humawak noon, gayong nag-iisang anak siya nito at ng kaniyang mama? Walng iba, kundi siya lamang.
Bata pa siya ay sinabi na ng lola niya na mag-aaral siya sa Australia, sa unibersidad na pinagtapusan nito ng pag-aaral nito nang kapanahunan nito. Malaking tulong daw sa kaniya ang pag-aaral doon oras na siya na ang mamamahala sa kanilang kompanya. Managing that company was something he must do. Sooner. He was born to do that.
“You know my number there, Mommy. So please call me up anytime, okay? Kahit dis-oras pa ng gabi, umaga man o madaling araw tawagan mo ako basta kailangan mo ako.”
“Of course, hijo.” Tumawa pa ito. “How many times do you have to tell me that?” Taas-kilay pa nitong sabi sa kaniya.
“I just want to make sure you do it, Mom.” Ngumiti na rin si Khal-el sa ina.
“Sige na. Kailangan mo pang i-empake ang ilang gamit mo, anak. Bilisan mo na at maya-maya lang, paalis ka na.”
Agad naman niyang sinunod ang sinabi ng ina. Nang matapos siya sa pag-eempake ng kaniyang mga gamit ay bumaba na siya. Nadatnan niyang may babae doong kausap ang kaniyang ina. Nakatalikod sa kaniya ang babae. Ang nakaharap sa kaniya ay ang kaniyang ina. Nabanaag niya ang pag-aalala sa mukha nito kaya agad niyang nilapitan ang kaniyang mama.
“Is there something wrong, Mom?” Tumingin siya sa naabutan niyang babaeng kausap nito. Noon lamang niya nakita ito. Marahil ay kasing-edad ito ng kaniyang Mama Imelda.
“N-nothing’s wrong, hijo. Khal-el, ito nga pala si Agnes… K-kakilala ko.”
Parang ayaw niyang maniwala sapagkat ang Agnes na ito ay wala ni anumang pagkakatulad sa sinuman sa mga kaibigan ng kaniyang mama. Simple lang ito, na siyang taliwas sa pagiging sopistikada ng kaniyang mama. Hindi sa pagiging judgemental subalit nahuhulaan na niyang hindi ito nabibilang sa alta sosyedad sa kasimplehan ng hitsura nito ngayon. May naramdaman siyang kung anong kakaiba na mahirap para sa kaniya na ipaliawanag nang makaharap niya ito.
“Magandang tanghali ho,” bati niya kay Agnes.
Hindi maunawaan ni Kahl-el kung bakit tila malungkot na parang paiyak na ang babae. Lumapit iyo sa kaniya. “J-Jake?”
Iyon ang palayaw niya noong maliit pa siya. Tumango siya. “Kumusta po?”
Tumaas ang mga kamay nito, parang yayakapin siya. Nagtaka siya sa nais sana nitong gawin sa kaniya. Ngunit bago pa man nito magawang yakapin siya sy nakalapit na sa kanila ang kaniyang Mama Imelda.
“Anak, hindi ka pa ba aalis? Male-late ka na sa flight mo,” paalala sa kaniya ng mama niya.
“Flight?” ani Agnes. “A-Aalis ka, Jake?”
“Opo. Excuse me po.” Akmang tatalikod na sana siya ang muli itong magtanong.
“Saan ka pupunta, hijo?”
“Australia.” Bahagya siyang lumingon dito. Kitang-kita niya sa hitsura nito na maiiyak na ito. Nagtataka nang talaga si Kahl-el sa puntong iyon. Nang bigla naman siyang inilayo rito nang mama Imelda niya nang mapansin marahil nito ang pagtataka sa kaniyang mukha. Dinala siya nito sa kusina.
“Mom, who is she? Why is she crying?” naguguluhang tanong niya sa mommy niya nang sila na lang dalawa.
“Anak, pasensiya ka na sa babaeng ‘yon. Nangungutang kasi sa akin. Sabi pa niya, kahit raw maging alalay siya ng anak ko ay okay lang sa kaniya basta mabigyan ko lang siya ng trabaho. Kaya nang marinig niyang aalis ka na, siguro ay nalungkot dahil wala na siyang pag-asang mabigyan ng trabaho. Ayoko namang pautangin dahil hindi siya marunong magbayad, minsan na siyang nakautang sa akin noon,” paliwanag nito sa kaniya subalit hindi magawang tingnan siya nito sa kaniyang mga mata. Hindi na lang iyon pinansin ni Kahl-el.
“I see… But how did you know her, Mom?”
“W-Well, anak siya ng dating labandera ng Lolo mo.”
“Sa Cebu?” Doon nagmula ang pamilya ng kaniyang mama. Mula sa malaking hacienda ng pamilya ay nakapagtayo ang lolo niya ng isang food company. At mula sa kompaniyang iyon ay nagsanga-sanga na ang mga negosyo ng pamilya. “Pumunta pa siya rito sa Manila para lang mangutang sa iyo ng pera?”
“Of course not. Matagal na raw siyang lumipat dito sa Maynila. Teka, b-bakit ba natin siya pinag-uusapan? Ang mga gamit mo ba ay maayos nang naka-empake?” Halatang iniiba lang nito ang usapan.
“Mom, is there something wrong? You’re acting strange.”
“Ano ka ba anak, siyempre wala. Masakit lang ang ulo ko. Ang sabi ko kung tapos ka na bang mag-empake?”
“Yup, tapos na.”
“Lumakad ka na. Ano pa ang hinihintay mo, anak?” Ngumiti ito at tinapik ang kaniyang pisngi. “Paano ba iyan, hindi na kita maihahatid sa airport dahil masakit talaga ang aking ulo. Don’t worry, tatawagan kita agad.”
Tumango na lamang si Kahl-el. Nag-utos ito sa mga kawaksi na dalhin na sa van ang mga bagaheng dadalhin niya. Hinalikan na siya sa pisngi ang kaniyang mommy. Dumaan uli siya sa sala upang makita muli si Agnes. Namumula na ang mga mata nito tanda na umiyak ito. Lihim na napabuntong-hininga si Kahl-el saka binalingan ang kaniyang mommy.
“Mom, why don’t you just lend her some money? Mukhang kailangan niya talaga, oh.”
“Okay, I w-will, anak. O siya, lumakad ka na at baka ma-late ka pa sa flight mo.”
“Mauna na po ako sa inyo,” paalam niya kay Agnes.
Tumayo ito at niyakap siya. “M-maliit ka pa noong huli kitang makita. N-Ngayon, ang laki-laki mo na. Napaka-guwapo mo. Balita ko, napakatalino mo raw. Manang-mana ka sa—”
“Agnes, kailangan nang umalis ng anak ko,” singit ng kaniyang mommy sa dapat ay sasabihin pa nito. “Go ahead, anak.”
Tila ibig pahiwatig ng kaniyang mommy na umalis na siya. Marahil ay naiilang ito sa ginagawa ni Agnes. Dapat yata ay mailang din siya ngunit kakatwang wala siyang madamang ganoong pakiramdam. Sa katunayan ay natutuwa pa siya sa babae. Marahil noong maliit pa siya ay naalagan din siya nito. Ang alam niya kasi ay makaisang taon na siya nang iluwas siya ng kaniyang mga magulang patungo sa Maynila. He was born in the province.”
“Sige po, Mommy. Goodbye.” Ginawaran niya pa ng halik ang kaniyang ina bago siya lumabas na.
Naisip ni Kahl-el na kaya siguro parang napakabigat sa kalooban niya ang pag-alis ay dahil hindi siya sanay na hindi inaasikaso ang katangi-tanging miyembro ng pamilya na umakto ng bahagi nito. Because his mother always acted like the ideal mother. And his father? Ni hindi nito naalala kaninang pag-alis nito patungo sa opisina na iyon ang araw ng kaniyang flight patungo sa Australia.
Bago siya tuluyang sumakay sa kanilang van na maghahatid sa kaniya sa NAIA airport ay tinanguan niya si Manay Nida. Dito siya nagbilin na anuman ang mangyayari sa tahanang iyon ay itawag at ipaalam kaagad nito sa kaniya.