10: Doña Matilde

1451 Words
TAHIMIK na pinagmasdan lang ni Arkin ang pag-ri-ring ng cellphone niya. Tumatawag sa kaniya si Doña Matilde. Tumatawag na 'to at aaminin niyang kinakabahan din naman siya sa gagawin na pagsisinungaling. Hay, na-master niya na dapat ang pagsisinungaling dahil sa kabilaan na babae na niloko niya pero dahil kay Reema ay parang tinubuan siya bigla ng konsensya. Tinawanan nga siya ni Knight nang sabihin niya 'yon dito, kung may konsolasyon lang siya sa gagawin na panibagong kalokohan ay 'yon ang hindi niya pagpapabaya kay Baby Reemo. Si Baby Reemo na sa wakas ay napatulog na niya rin. Kaninang mga five ng umaga ay umiyak 'to, pinadede naman niya pero wala pa rin tigil ang baby sa pag-iyak. Idinuyan na nga niya. Kaya nga natutulog 'to ngayon sa electric rocking chair na binili nila ni Reema. Kung sakali na hindi niya napatahan 'to ay handa na sana siyang takbuhin ang kapitbahay sa kabila kaya salamat naman at tumahan na rin at ngayon ngang alas siete na ng umaga ay himbing na ang tulog nito. Alas siete pa lamang ng umaga, napakaaga naman na tumatawag ng lola niyang si Doña Matilde. Tsk, iniisip niya talaga kung ano ang ibubungad nito sa kaniya at kung ano rin ang ibubungad niya rito. Nang umingit si Baby Reemo dahil sa tunog ng phone niya ay napilitan na niyang sagutin 'yon. It was not a simple call, video call 'yon. "Hey, good morning, Granny!" "What's good in this morning, Arquino?" "The sun is up, the birds is—" "Ako'y tigilan mo sa kalokohan mo nga, punyeta!" Napangiwi siya sa tunog ng french word na pinakawalan nito. Napangiwi siya at alam niyang nakita nito 'yon kaya pinakita rin niya sa doña na naingayan siya sa pamamagitan ng pangkuskos sa tainga niya gamit ang libre niyang palad. "Hay, ang aga mo namang nagmumura. Magigising ang baby ko, Granny," pakiyeme na aniya rito. Testing the water even if the water is boiling... "Taran— 'yan, 'yan ang itinawag ko sa 'yo ng ganito kaaga, damuho ka! Ano 'tong nabalitaan ko na may asawa at anak ka na?! May ka-live in ka na? Kailan pa?!" malakas ang boses na sunod-sunod nitong tanong sa kaniya. "Granny, opo. Kailan ko lang din nalaman, wala pang four days? Oo yata." "At naku, hayan, baby, baby nga!" namamangha na sambit ni Doña Matilde nang mamataan na nito si Baby Reemo na nasa rocking chair sa gawing likod niya. "Oo nga, Granny M, kaya puwede po ba na hinaan natin ang boses natin?" "Santisima kang bata ka!" "Hay, Granny naman... ito naman ang gusto mo hindi ba? Ang gusto niyo ni Granpops, ang mag-asawa na 'ko." "Oo pero hindi namin sinabi sa 'yo na makipag-live in ka na lang basta. Gosh, imagine kung gaano ka kaimoral talaga." Parang narinig ko na rin si Reema, oo. "Granny, relax. Magpapakasal naman po kami ni Reema pero hindi pa po ngayon. Family oriented po kasi 'yon," at oo, ang kapal talaga ng mukha niyang sambitin 'yon nang hindi man lang siya nauutal. "Yeah, I see, okay, and where's your partner? Bakit ikaw lang ang mag-isa na nariyan sa bahay mo?" "H—Ha, ah..." Handa na sana siyang magkunwari na na-choppy, matakasan niya lang ang tanong na 'yon ng lola niya pero siyang dating naman ni Reema. "Hello po!" masiglang bati ni Reema sa lola niya, kumaway pa! "San Pedro! Totoo nga!" "Granny, totoo na nga 'to, okay? Kalma lang po." "Puntahan mo 'ko ngayon din, Arquino. Dito tayo mag-usap," masungit na utos nito sa kaniya pagkatapos, parang nakahuma na sa nalaman. "Yes, Granny. Kung hindi ngayon ay baka bukas na lang siguro, may pasok kasi 'tong si Reema. Isahan kami sa pagbabantay kay baby." Kilala niya ang lola niya, ipipilit nito ang DNA test sa baby kaya might as well, i-delay niya 'yon hangga't kaya niyang i-delay. Naglaho na 'to sa linya. Ni walang bye, basta binabaan siya ng phone. "Mabait pala ang lola mo." Bumuntonghininga siya. "Sobra." "Hindi ako papasok, wala na 'kong trabaho." "Ha?" "Wala na 'kong trabaho. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Regular naman na 'ko sa supermarket na pinagtatrabahuhan ko, nakatanggap ako ng email from them ngayong umaga na may reklamo raw ang customer sa 'kin." "And you don't have any idea what is it?" She shrugged her shoulders. Hindi na nagsalita. Sobrang relax lang nito nga na para bang simpleng balita lang ang sinabi sa kaniya. "Okay lang, at least, mas mababantayan ko si Baby Reemo muna. Baka 'yon na rin ang sign ni God para sabihin sa 'kin na mag-alaga muna ako ng baby dahil after nito ay asawa naman ang ibibigay Niya sa 'kin." Lukot ang ilong na hindi siya makapaniwalang pinagmasdan ang babaeng ngayon lang niya napuna na gulo-gulo ang buhok at parang hindi pa naghihilamos! "Are you serious? Okay lang sa 'yo na mawalan ng trabaho?" hindi makapaniwalang tanong niya rito. Tinatamad na tinapunan siya nito ng tingin. "Okay nga lang. Saka ikaw, alam mo, tsismoso ka e, iniisip mo siguro ang pamilya na sinusuportahan ko 'no? Kaya mas affected ka pa sa 'kin?" Napaatras siya at umiling-iling. "N—Nah, I mean..." "Hayaan mo na 'yon sila." Okay, nagulat siya sa mahinang pagkakasambit ni Reema niyon. Parang sa pagkakasabi kasi nito niyon ay pagod na pagod 'to. Pagod na at talagang wala na ngang pakialam sa mga ''yon'. But then again, sabi nga niya kagabi ay sino ba naman siya para ungkatin ang tungkol dito at sa pamilya nito. "Nagkape ka na ba?" alok na lang niya, hindi pa rin naman siya nagkakape. "Hilamos nga hindi ko pa nagawa, kape pa ba." Napabuntonghininga na naman siya. Paano ay nagsasalita 'to at sumasagot sa kaniya pero nakatulala naman sa natutulog na si Baby Reemo. Ewan ba niya, something inside him stirred up by looking at her. Gayong hindi naman sila close nito at napunta lang naman sila sa sitwasyon na pareho silang walang magagawa upang hindi tanggapin. "Ahm, anyway, as you can see, alam na ni Granny, ang dapat na iwasan ko na lang ay ang pagpipilit niyang ipa-DNA si Reemo. Lola ko siya kaya kilala ko siya." Nabanggit lang naman niya rito dahil dapat niyang banggitin 'yon o baka dahil ninanais din naman niyang malihis ang topic nila o gusto niyang umayos na 'to, umayos na hindi rin niya alam kung ano ba ang ibig niyang sabihin. "Hmn, given naman na gawin niya 'yon." At least, sinasagot siya nito. Kinakausap. Mas kakabahan siguro siya kung hindi. Kung saan galing ang salitang kaba, ewan na rin niya. Para kasing sa loob ng isang araw ay may baby na nagbuklod sa kanila. Parang sa loob ng isang araw na 'yon ay isang taon na ang katumbas sa kaniya kaya gano'n na lang ang concern niya rito ngayon. Matagal na naman niya 'tong kapitbahay, matagal na niyang kilala. Si Baby Reemo nga lang ang naging rason para magkalapit sila kaya yata gano'n na lang siya bigla rito. Mahirap analisahin, basta na lang. O sadyang good news lang na may puso pa rin naman siya sa kapwa. "I hope you're okay, you know," hindi na niya napigilan na sabihin dito. Mahirap ang mawalan ng trabaho. Naranasan niya 'yon noong ipasara ang firm niya dahil sa aksidenteng nangyari. Aaminin niyang kung hindi lang malakas ang apelyido niya, matatagalan ang pagsasara ng negosyo niya o kung mamalasin, hindi na magbukas. Dahil Knight is right, naging pabaya siya. Siya ang may pagkukulang sa aksidenteng nangyari. "I hope this baby is okay." Kunot ang kilay na sinulyapan niya ang babaeng weird habang hinahalo niya na ang kape nila. "Huh? Of course, okay na okay 'yang si Baby Reemo." "Talaga?" sabi pa rin nito, still not looking at him. "Then why the gloves, mister?" She glanced at him, finally. Hawak nito ang disposable gloves na naiwan niya sa sofa kanina. Wow lang, ang tindi rin ng mga mata kahit tulala. Napakamot siya sa sariling kilay. "Er, ano kasi, pa—papalitan ko ang diaper niya..." Oo, nautal talaga siya at nahiya siyang aminin 'yon dito. "Papalitan? Meaning, hindi mo pa napapalitan?" Ah, hayun na ang usual na amasona tone na ginagamit nito sa kaniya. "H—Hindi pa—" "Baliw ka talagang hudyo ka, pa-gloves-gloves ka pa tapos wala rin, hindi mo rin pala napalitan ang diaper!" bulalas nito, hindi makapaniwala, nanlalaki ang butas ng mga ilong at ang mga mata. "Hindi pa nga— sorry—" "Ito pa ang diaper na suot niya kagabing maghiwalay tayo?!" Nakakahiya man aminin, tumango pa rin siya. "Y—Yeah, uhm, paano ba kasi ulit magpalit ng diaper?" "Santisima! San Jose!" Bakit ngayon lang niya napuna na iisa ang expressions nito at ng lola niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD