KUMIKIROT ang sintido ni Maybel nang maalimpungatan siya dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kaniyang kuwarto. Pakiramdam niya ay binibiyak ang kaniyang ulo sa tindi ng sakit niyon nang kumilos siya. Napadaing pa siya pagkuwa‘y banayad na minasahe ang kaniyang noo at sintido.
“Ate, gising ka na raw sabi ni nanay!”
Napalingon siya sa may pinto ng kaniyang kuwarto nang bumukas iyon at iniluwa roon ang kaniyang kapatid na babae.
“Ano‘ng ingay ba ‘yan MJ?” inaantok at namamaos ang boses na tanong niya sa nakababatang kapatid.
“Ayon, nag sasagutan na naman si nanay at aling Lita.” sagot ng dalagita.
Bigla namang nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “Huh? Bakit na naman ba? Ang aga-aga e!” aniya bago pinilit na bumangon sa kaniyang higaan. “Bakit daw?” tanong pa niya.
“E, naniningil ng utang ni nanay. Ang sabi ko naman mamaya nalang kasi tulog ka pa!”
Napabuntong-hininga na lamang siya ng malalim. Kahit nahihilo pa rin dala sa hang over, tumayo na rin siya sa kaniyang higaan. Saglit na inayos ang nagusot niyang damit na suot niya pa nang nag daang gabi ng mag party sila ni Jhez sa bar. Naglakad siya palabas ng kaniyang kuwarto. Saktong nasa maliit na sala nila ang kaniyang nanay! Usual, may hawak na naman itong bote ng alak at nakaipit sa gitna ng mga daliri nito ang isang stick ng sigarilyo.
“Nay!” tawag niya sa kaniyang ina. “Ano na naman po ba ‘yang ingay na ‘yan?” napapakamot sa kaniyang batok at reklamo niyang tanong.
“E, itong si Lita kasi. Ang aga-aga naniningil na ng utang. E alam naman niyang wala akong trabaho at pera. Ano naman ang ibabayad ko sa kaniya?” pagalit pang sagot nito.
Muli siyang napabuga ng malalim na buntong-hininga. Ito talaga ang problema niya araw-araw kapag gigising siya sa umaga. Ang pera. Ang pamilya nila. Maybel was only eighteen nang pumanaw ang kaniyang tatay dahil sa aksidenteng nangyari sa Taxi na minamaneho nito. Simula noon ay siya na ang nag t-trabaho para buhayin ang kaniyang ina at tatlong nakababatang kapatid. Dahil breed winner at wala naman ibang puwedeng asahan para mag bigay ng tulong sa kanila, pagkatapos niya ng second year college ay hindi na siya nag-aral. Sa halip ay naghanap na siya ng trabaho para matustusan ang pangangailangan nila araw-araw. Lalo na ang gamot ng kaniyang isang kapatid na may sakit sa puso. No choice naman siya kahit pa gusto talaga niyang makapagtapos sa kursong kinuha niya dati. Kasama siya sa mga scholar ng public school na pinapasukan niya noon; pero dahil hindi rin naman kasya ang kinikitang sahod sa part time job niya, kahit masakit sa loob niyang huminto sa pag-aaral niya wala rin siyang nagawa. Isinantabi niya na muna ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng koleheyo at makahanap ng mas magandang trabaho. Kaysa naman pare-pareho silang magutom at walang makain. Isa pang problema niya ay ang kanilang nanay. Malaki na nga ang kanilang problema, dumagdag pa ito sa alalahanin niya. Hindi naman ganoon ang kanilang ina noong nabubuhay pa ang kanilang tatay. Pero dala sa labis na depression, hayon, nalulong na ito sa bisyo. Puro alak ang inaatupag nito kahit umaga pa lang. Kahit ano ang sabihin niya sa kaniyang ina ay hindi rin ito nakikinig sa kaniya.
“Ano na naman po kasi ang inutang ninyo sa tindahan ni aling Lita, ‘nay?” tanong pa niya sa ina.
Tumingin lamang ang kaniyang nanay sa kaniya ‘tsaka humithit sa sigarilyong nakaipit sa gitna ng daliri nito. Mayamaya ay tahimik itong umalis.
“Alak na naman, ate.” sagot ni MJ na nakasunod na pala sa sala.
Pabagsak siyang umupo sa lumang sofa at napatitig sa marmol na sahig. Muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
“Ate, ako na ang humihingi ng pasensya sa inyo para kay nanay!” anang dalagita at naglakad palapit sa puwesto niya. “Sinasabihan ko rin naman ‘yan kung minsan, pero ayaw naman makinig.” turan pa nito.
“Hayaan na natin siya MJ. Wala rin naman tayong magagawa.” aniya.
“E, nag-aalala lang din kasi ako sa kaniya ate. Paano kung magkasakit siya?” tanong pa nito.
Saglit siyang nanatiling tahimik. “Wala na ba ang gamot ni Ken?” mayamaya ay tanong niya.
“Last na rin pala ‘yon kagabi.”
“Sige, bibili na lang ako mamaya!” aniya at tumayo sa kaniyang puwesto. Naglakad siya papasok sa kanilang kusina para mag timpla ng kaniyang kape.
“Ate... paano po ‘yong sa exam ko?” tanong ni MJ nang sumunod ulit ito sa kaniya papasok sa kusina.
“Huwag mo ng problemahin ‘yon! Maligo ka na roon at baka ma-late ka pa. Bago ka umalis tawagin mo ako at ibibigay ko sa ‘yo ang pera.” saad niya sa kapatid.
Bigla namang lumiwanag ang mukha ng dalagita. Tila biglang nag laho ang malungkot na awra nito kanina. “M-may pera ka na ate?” tanong pa nito.
“Kailan ba nawalan ng pera ang ate mo?” sa halip ay pabirong tanong niya at ngumiti pa habang nag titimpla ng kaniyang kape.
“Salamat ate huh! Nakakahiya na talaga sa ‘yo.” anito. “Hayaan mo, makakabawi rin ako sa ‘yo! Kapag natanggap ako roon sa in-apply-an kong trabaho, baka next school year titigil na muna ako para matulungan naman kita sa mga gastusin dito—”
Nangunot ang kaniyang noo nang tingnan niya ang kaniyang kapatid. “Iyon ang huwag na huwag mong gagawin Mary Joy!” pinutol niya ang pagsasalita nito. “Hindi ka mag t-trabaho at isasakripisyo ang pag-aaral mo! Hindi naman kita inuobliga na tulungan ako sa mga gastusin dito sa bahay a! Ang gusto kong gawin mo, mag-aral kang mabuti. Iyon lang ang maibabayad mo sa ‘kin sa lahat ng ginagawa ko ngayon para sa inyo. ‘Tsaka... isang taon na lang g-graduate ka na ng college tapos ngayon ka pa hihinto!” magkasalubong ang mga kilay na saad niya sa kapatid.
“E, nakikita ko kasing mas lalo kang nahihirapan ngayon ate. Kaya gusto lang kitang tulungan na—”
“Ang pag-aaral mo ng mabuti at makapagtapos ka sa susunod na taon, iyon ang malaking maitutulong mo sa ‘kin.” aniya nang muli niyang putulin sa pagsasalita ang kapatid. “Hindi ka mag t-trabaho. Sa halip ay mag-aaral kang mabuti para hindi mapunta sa wala ang mga sakripisyo at pagod ko para sa ‘yo. Para sa mga kapatid mo.”
Ngumiti ng matamis ang dalagita. “Huwag kang mag-alala ate. Promise ko sa ‘yo... hindi lang ako magtatapos ng college na maganda ang grades ko. Tatanggap ako ng award ko na kasama ka sa stage. Pati si nanay.”
“Iyon ang gusto kong marinig. At aasahan ko ‘yan!”
“I promise ate. Thank you ulit!”
“Sige na. Maligo ka na roon at baka ma-late ka pa.” pagtataboy niya sa kapatid. Nako! Ang aga-aga mag d-dramahan pa sila sa kusina. Siya pa naman ang tipo ng tao na walang kadramahan sa katawan.
Pumuwesto siya sa isang silya; nakapatong ang isang paa niya sa upuan habang humihigop sa kaniyang kape. Ramdam pa rin niya ang kirot sa kaniyang sintido. Lintik talaga ang alak na ‘yon! Grabe ang tama niya. Ni hindi nga niya maalala kung ano‘ng oras at paano siyang nakauwi sa kanila. Sino ang naghatid sa kaniya? Basta ang huling naalala niya lang ay nasa dance floor na sila ng bar na iyon at nakikisabay ng indak sa ibang naroon.
“HI! HANG OVER?” tanong ni Jhez nang pagkabukas nito ng pinto sa condo nito ay naroon si Maybel at nakasandal sa gilid ng hamba.
“Grabe ms. Jhez! Hanggang ngayon ramdam ko pa ring binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit.” reklamo niya. “Ayoko nga sanang pumasok ngayon e! Kasi natatamad at inaantok pa rin ako.” dagdag pa niya.
“E sana hindi ka na muna pumasok. Wala naman akong lakad today e!” anang dalaga. Matapos isarado ang pintuan ay naglakad ito papunta sa kusina. Kumuha ito ng malamig na tubig sa refrigerator. Nagsalin sa dalawang baso at ibinigay kay Maybel ang isa.
“Nakakahiya naman kasi sa ‘yo kung hindi ako papasok ngayon tapos may sahod pa rin ako.” nakangiting saad niya.
Nakangiting napairap naman ang dalaga. “Maybel, I told you okay lang ‘yon! It‘s just a money. And you‘re my friend now kaya walang problema.” saad nito.
“Naks naman! Beshy na ba tayo ms. Jhez?”
Napangiti ng malapad ang babae. “Beshy!” anito at inilahad ang kamay sa kaniya.
Mabilis naman niya iyong tinanggap. “Seryoso ka?”
“From now on, just call me Jhez. Without ms.”
“Jhez without ms. Noted.” napahagikhik pa siya pagkatapos ay muling uminom sa tubig niya.
Naglakad si Jhez palabas ng kusina. Kaagad naman siyang sumunod dito.
“By the way, do you still remember what we talked about last night?” tanong nito. Bago umupo sa sofa ay kinuha pa nito ang maliit na unan na naroon at inilagay iyon sa kandungan nito.
Nangunot naman ang kaniyang noo at napatitig sa dalaga. Saglit na inalala ang mga napag-usapan nila sa nag daang gabi. Umiling siya mayamaya. “W-wala akong maalala.” aniya. “May napag-usapan ba tayong importante?” tanong din niya.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Jhez sa ere pagkuwa‘y sumandal sa sofa. “Just forget about it. Akala ko kasi naalala mo pa.” saad nito.
“Bakit ano ba ‘yon? Sabihin mo na lang ulit sa ‘kin para maalala ko.” aniya. “Nalasing talaga ako ng sobra kagabi kaya wala akong maalala.” dagdag pa niya.
“Huwag na! Mabuti na lang din na hindi mo naalala kasi nakakahiya.”
Mas lalong nangunot ang kaniyang noo habang seryoso pa ring nakatingin sa kausap. Pilit niya pa ring inialala kung ano ang napag-usapan nila kagabi na importante. Mayamaya ay napapikit na lamang siya ng mariin nang mas lalong kumirot ang kaniyang sintido. Wala talaga siyang maalala sa mga napag-usapan nila kagabi.
“Friends na tayo ‘di ba? E ‘di huwag ka ng mahiya sa ‘kin. Sabihin mo na lang ulit para at least maalala ko ‘di ba?”
“Wala ‘yon! Forget about it.” saad pa nito.
Malalim na buntong-hininga na lang din ang kaniyang pinakawalan sa ere.
“By the way Maybel. Maybe next week I‘ll be back to Canada.” mayamaya ay pag-iiba nito sa usapan nila.
“Huh? Babalik ka na sa Canada?” ulit na tanong niya. Tumango naman ang huli bilang sagot. “E, paano ‘yon? Akala ko isang buwan ka pa rito? Matagal ba bago ka bumalik ulit dito?” tanong pa niya.
“I don‘t know kung kailan ulit ako makakabalik dito. I should be on this vacation for three months, kaso may biglaang work ulit kaya need kong bumalik doon next week.” saad nito.
Nangalumbaba siya sa armchair ng single couch na inuupuan niya. “Sayang naman! Akala ko pa naman marami pa tayong bonding moments ngayong beshy na tayo.”
Napangiti ang dalaga. “Don‘t worry! May next vacation pa naman ako. And I promise you na mas marami pa tayong bonding moments next time.”
“Talaga?”
“Promise.” saad nito na at nag pinky swear pa. “Or if you want, you can visit me in Canada.” turan pa nito. “You haven‘t been abroad yet, have you?” tanong nito.
Bigla namang nanglaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ni Jhez. “Seryoso?”
“Yeah! I‘ll treat you. Sagot ko ang ticket mo back and fort.”
“Seryoso ms. Jhez? Este, Jhez?”
“Yeah why not?” natatawa pang saad ng dalaga dahil sa nakakatuwang reaksyon niya.
“Pero sayang!” mayamaya ay saad niya at biglang nalaglag ang mga balikat. Muli siyang napasandal sa sofa.
“Why?”
“E, bukod sa nakakahiya sa ‘yo na ikaw ang gagastos sa ticket ko... wala akong passport.”
“E ‘di kumuha ka na ngayon pa lang. Para kapag free na ako sa work ko anytime puwede ka ng lumipad papuntang Canada.”
“E, hindi ko rin basta-basta maiiwan sina nanay. Alam mo naman ang sitwasyon ng ermat ko. Tapos may sakit pa ang kapatid ko.” saad niya.
“Nandiyan naman ang dalawa mong kapatid.” anito. “I know you, Maybel. For more than two months na magkasama tayo everyday, I haven‘t seen you take a day off from your work. I mean, deserve mo rin naman ang mag unwind kahit saglit lang. You work hard for your family. Kaya kahit saglit lang, magpahinga ka rin. Mahirap na kapag ikaw naman ang magkasakit dahil sa tuloy-tuloy na trabaho mo.” suhesyon pa nito sa kaniya.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere. Saglit siyang napaisip sa mga sinabi ng dalaga. Yeah! Jhez is right! Simula nang mag trabaho siya rito bilang Temporary Assistant nito, ni hindi niya pa nagagawang mag day-off manlang. Well, para sa kaniya mas mainam na ‘yong nag tatrabaho kasi siguradong may kikitain sa isang araw. Kaysa naman mag d-day-off siya. Nakahilata lang naman siya buong mag hapon.
“Just think about it, Maybel.”
“Sige! Pag-iisipan ko.” aniya sa dalaga na ngumiti pa. “At isa pa, kailangan ko ring mag hanap muna ng bagong trabaho kung aalis ka na next week. Siyempre, wala na akong sasahurin.”
“Tomorrow, huwag ka na munang pumasok. Mag hanap ka na muna ng ibang work mo. Wala naman akong lakad bukas e!” anang Jhez.
“Hindi ba nakakahiya sa mommy mo?”
Napairap ang dalaga. “Hindi naman si mommy ang boss mo. At hindi si mommy ang nagpapasahod sa ‘yo.” saad pa nito. “Just take a day off tomorrow at gamitin mo ang araw na ‘yon para mag apply ng ibang work. Okay lang naman sa ‘kin.”
“Ang bait mo talaga ano?” sa halip ay saad niya sa kaibigan.
Napangiti naman ang dalaga. “Of course, maganda tayo e!”
“Sabi ko na nga ba e! Kaya hindi ako mabait kasi hindi ako maganda.”
“And who told you that you‘re not pretty? Sasapakin ko.” anito. “Ang ganda-ganda mo kaya Maybel.”
“Nako! May hang over ka nga.” natatawang saad na lamang niya at tumayo sa kaniyang puwesto. “Magluluto ako ng almusal mo. Ano ba‘ng gusto mong kainin?”
“ARAY naman!” reklamo niya nang pagkalabas niya sa elevator ay bigla siyang bumangga sa lalakeng nakatayo sa labas niyon. Kunot ang noo na nag taas siya ng mukha para tingnan ang lalakeng nakaharang sa daraanan niya. “I-ikaw na naman?” sambit niya nang mamukhaan niya ang lalake. Ito ang lalakeng nakabangga niya rin kagabi sa bar.
“Hi miss beautiful.” malawak pa ang ngiti nito sa mga labi.
“Alam mo sir, kalaki-laki mong tao ang hilig-hilig mong humarang sa daanan.” sa halip ay reklamo niya sa lalake at namaywang pa. “Puwede ka namang tumayo sa gilid.” napapailing pang saad niya ‘tsaka nilagpasan ito.
“Excuse me—”
“’Yan! Ganiyan dapat! Nag e-excuse ka at—”
“I mean, excuse me I‘m talking to you.” anang lalake at pinigilan siya sa kaniyang braso, dahilan upang maputol siya sa pagsasalita at mapaharap muli rito.
“Aray ko naman!” muling reklamo niya. “Puwede namang tawagin mo na lang ako, at ako na ang lilingon sa ‘yo ‘di ba? Makahila ka naman diyan, close tayo?” sarkastikong tanong niya.
Muling napangiti ng malapad ang lalake. Naaaliw lang talaga ito sa dalaga. Simula kagabi nang unang beses na magkabangga sila sa labas ng banyo ng bar; hindi na nawala sa paningin nito ang dalaga habang nagsasayaw ito sa dance floor. It seemed she get his attention just so easily. Parang pakiramdam nito ay may kakaiba sa dalaga.
“I‘m Azmon.” pagpapakilala nito.
“Tinanong ko ba kung sino ka?” sa halip ay prakang tanong niya sa lalake nang ilahad nito ang kamay sa kaniya. Inismiran niya pa ito pagkuwa‘y.
“Nope! But I just want to introduce myself to you.”
“Ah!” tumango-tango pa siya. “Bakit? Para makipagkilala rin ako sa ‘yo? Para maging magkaibigan tayo? Pagkatapos, sasabihin mo sa ‘kin na gusto mo ako. Tapos maiin-love ka sa ‘kin. Ako naman itong maiin-love rin sa ‘yo tapos sa huli masasaktan lang pala ako nang dahil sa ‘yo kasi—”
Mabilis na tumaas ang isang kamay ng binata at pinitik siya nito sa noo, dahilan upang matigilan siya sa pagsasalita. Kunot ang noo; masamang tingin ang ipinukol niya sa lalake habang nakahawak siya sa kaniyang noo. “Ano ba! Sabing hindi tayo close e! Maka-pitik ka riyan.” napaismid na naman siya.
“Ang advance mo kasing mag-isip!” natatawang saad nito.
“Sinasabi ko lang naman kasi sa ‘yo ang nakikita ko sa third eye ko sir.” aniya at hinimas-himas ang nasaktan niyang noo. “Kilala ko na ang likaw ng bituka ninyong mga mayayaman at mga pogi. Hindi uubra sa ‘kin ang style n‘yong babaero.” saad pa niya at inirapan ito.
Muling natawa ng pagak ang binata habang umiiling pa ito. She‘s really funny! Sa isip-isip nito. “I like you!” anito.
“Nako! Nalintikan na. Sabi ko na nga ba e!” aniya na napailing na rin. “Pero sorry sir huh! Alam ko naman pong hindi ako kagandahan, pero... hindi po kayo ang type ko.” aniya at inayos ang bag sa balikat niya. “Sige adios na at may lakad pa ako. Baka mamaya sasabihin mo na ring na love at first sight ka sa ‘kin.” saad niya at muling tinalikuran ang binata. Walang lingon-lingon at nagtuloy lamang siya sa paglalakad kahit tinatawag siya ng lalake na nagpakilala sa kaniya na Azmon.