CHAPTER 5

2876 Words
“ALING LITA. Pasensya na po kayo kay nanay huh!” saad niya sa matanda nang dumaan siya sa tindahan nito para bayaran ang utang ng kaniyang nanay. “Okay lang naman ‘yon sa ‘kin Maybel. Pero ang problema lang kasi sa nanay mo... kapag sinisingil ko na, siya pa ang nagagalit sa ‘kin.” reklamo ng matandang babae. Pilit na lamang siyang ngumiti rito. “Pasensya na po talaga.” saad niya. “E, magkano po ba ang utang niya rito sa inyo?” “Three hundred na ‘yang utang niya at puro alak at sigarilyo pa. Nako! Maybel, dapat pinagbabawalan mo na ‘yang nanay mo na mag inom. Lalo pa at tumatanda na siya. Hindi na iyan makakabuti sa kalusugan niya.” suhesyon pa nito sa kaniya. “Ayoko na nga ‘yang pautangin dito sa tindahan ko, kaso ang kulit at nagagalit pa sa akin.” Iniabot niya ang five hundred sa matanda. “Pinagsasabihan ko naman po siya aling Lita. Pero wala naman pong nangyayari. Hindi naman po siya nakikinig sa ‘kin. Kapag naman po pinilit siya e, siya naman po itong nagagalit sa amin. Bayaan na raw namin siya.” “Siguro nga‘y masiyado pa rin siyang nalulungkot sa pagkawala ng tatay ninyo.” “Ganoon na nga po aling Lita.” “Kawawang Corazon!” napapailing na lamang na saad ng matanda. “Ito ang sukli mo hija.” “Salamat po.” “Siya nga pala, naghahanap ka ba ng trabaho ngayon?” mayamaya ay tanong pa nito. “Bakit po? May mairerekomenda po ba kayo sa ‘kin?” “Iyon na nga! E, itong anak kong si Emy, hindi ba‘t nag t-trabaho siya sa isang hotel? Ang sabi sa ‘kin ay hiring daw sila ngayon ng Room Attendant. E, ang sabi ko naman sa kaniya sasabihan kita. Hindi ba‘t HRM ka naman dati nang kolehiyo ka pa?” tanong nito. Pakiramdam niya ay bigla siyang nabuhayan ng loob dahil sa magandang balitang iyon. “Opo aling Lita. ‘Tsaka may NC2 po ako diyan ng House Keeping ko po dati.” aniya. “Pakisabi naman po kay Emy na kung puwede i-back up niya ako para makapasok ako roon. E, kailangan ko po talaga ng trabaho ngayon kasi ‘yong amo ko po ngayon e, uuwi na ng Canada. Kailangan ko pong mag hanap ulit ng bagong trabaho.” saad niya sa matanda. “Teka at may ibinigay siya sa ‘king cellphone number. Tawagan mo na lang siya ngayon para magkausap kayo.” “Sige po! Salamat po aling Lita. Nako! Hulog po talaga kayo ng langit ngayon! E, kanina pa po ako nag-iisip kung saan ako puwedeng mag hanap ng trabaho. Mabuti na lang po at nabanggit ninyo sa ‘kin ang tungkol diyan.” aniya na hindi na natanggal ang ngiti sa kaniyang mga labi. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya ngayon. Hindi niya na kailangang mamroblema mamaya kung saan siya puwedeng mag apply ng bagong trabaho. Kanina pagkalabas niya pa lamang sa condo ni Jhez ay naghanap na rin agad siya sa online ng mga puwede niyang apply-an. Balak niya rin sanang umalis bukas ng maaga pa para marami siyang mabigyan ng Resume niya. More Resume, more Chances na matawagan for interview. Iyon ang motto niya kapag naghahanap ng trabaho. “Ito hija. Kausapin mo na lang ang anak ko.” anang matanda nang bumalik ito sa tindahan at iabot sa kaniya ang kapirasong papel. “Salamat po ulit aling Lita.” “Walang-anuman ‘yon hija. Magkakapit-bahay tayo kaya dapat lang na nag tutulungan tayo.” Ngumiti pa siya ng matamis. “Sige po at mauuna na ho ako. Maraming salamat po ulit.” aniya bago tuluyang umalis at nagtuloy na ng uwi sa kanilang bahay. Pagkapasok pa lamang niya sa kanilang bahay ay nadatnan niya ang kaniyang ina na nakaupo sa lumang sofa nila. Hindi na siguro mahihiwalay sa nanay niya ang bote ng alak. Mapa-umaga, tanghali at gabi ay lagi itong may hawak na bote at sigarilyo. Dinaig pa nito ang mga tambay sa kanto nila. Lihim na lamang siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga bago siya naglakad palapit sa ina. Kinuha niya ang kamay nito at nag mano. “Kumain na po ba kayo ‘nay?” tanong niya nang mailapag ang bag sa upuan. Mayamaya ay naglakad siya papasok sa kusina. “Hindi ako nagugutom.” Napatingin naman siya sa wall clock nila. Pasado alas dos na ng hapon. May pagkain ding nakahanda sa lamesa, pero hindi naman iyon nabawasan. Nasa iskuwelahan pa rin ngayon ang tatlo niyang kapatid. Muli siyang bumalik sa sala para kunin ang kaniyang bag ‘tsaka pumasok na sa kaniyang kuwarto. KINABUKASAN ay maaga pa lamang nang umalis siya sa kanila. Nakausap niya sa nagdaang gabi ang anak ni Aling Lita. Ang sabi sa kaniya ni Emyrose na kababata niya ay agahan niyang mag punta dahil marami raw ang nag a-apply doon. Wala pa mang alas sais ay umalis na siya. Panigurado niya rin kasing bukod sa mahihirapan siyang sumakay ng jeep ay traffic pa ngayon. Limang minuto bago mag alas otso nang makarating siya sa Hotel na pinagtatrabahuhan nito. Ang Imperial Palace. “Maybel.” “Emyrose.” aniya nang makita niya ang dalaga. Naglakad siya palapit dito. “Pasensya ka na medyo ma-traffic e!” saad niya sa babae. “Okay lang ‘yon! Hindi pa naman maraming tao sa loob. Halika at sasamahan na kita.” anito. “Salamat.” “Basta, galingan mo na lang sa loob mamaya. Sigurado akong isa ka sa makukuha nila ngayon. Kailangan kasi talaga nila ng trabahante e!” saad pa nito habang magkaagapay silang naglalakad sa path way patungong HR Department. “Kinakabahan nga ako e!” pilit pa siyang ngumiti sa babae. “Huwag kang kabahan. Alam kong matatanggap ka ngayon!” saad nito. “Sana nga.” “Heto pala ang pila papuntang HR. Dito na lang kita iiwan kasi duty na rin ako ngayon.” “Sige! Sige! Salamat ulit huh!” “Wala ‘yon! Basta galingan mo. Fighting lang tayo!” nakangiti pang turan nito. Isang tango at ngiti lamang ang isinagot niya sa babae bago ito tuluyang umalis at iwan siya roon kasama ang ibang mga aplikante. May iilang mas nauna na rin doon. “MAYBEL ALFANTA?” Kaagad siyang napatuwid sa pagkakaupo niya nang lumabas sa pinto ang isang babae at tinawag ang kaniyang pangalan. Kaagad din naman siyang tumayo. “Ako po ‘yon ma‘am.” nakangiting saad niya. “Sa loob po tayo ma‘am!” anang babae. Kaagad siyang tumalima upang sumunod sa babae. “Good morning ma‘am!” nakangiting bati niya sa babaeng medyo may edad na. Ito siguro ang mag i-interview sa kaniya. “Please have a sit!” nakangiti at maaliwalas din ang mukha na saad ng babae. “So, you are Ms. Maybel Alfanta!” “Yes po ma‘am.” sagot niya. Kabadong nakatingin siya sa babae habang binabasa nito ang kaniyang resumé. “Maybel Alfanta. Twenty Seven. You‘re from Cebu?” “Yes po ma‘am! Pero dito na po kami nakatira sampong taon na po.” hindi pa rin nawawala ang malapad na ngiti sa mga labi niya. “I see!” anito at muling tinapunan ng tingin ang hawak nitong papel. “Maganda ang background mo hija! Marami kang work experiences.” “I‘m a breed winner po ma‘am actually kaya kailangan po talagang maging masipag sa trabaho.” aniya. “I like that attitude. Iyan ang isa sa mga hinahanap ng employer namin. But the only problem is...” Kinabahan; palihim na nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. “You have Housekeeping NC2, but you don‘t have experience in this kind of field.” “Yes po ma‘am!” aniya. “Hindi na po ako nagkaroon ng time na makapag-OJT noon dahil mas kailangan ko pong kumita ng pera para po sa pamilya ko.” muli siyang nagpakawala ng banayad na buntong-hininga bago nagsalitang muli. “Alam ko pong hindi lang po ako ang gumamit sa linyang ito... pero kung bibigyan n‘yo naman po ako ng chance na makapagtrabaho rito sa inyo, hindi po kayo magsisisi na naging part po ako ng team ninyo.” Ngumiti ang medyo may edad ng babae ‘tsaka nito muling binasa ang papel na hawak nito. Marami rin itong tinanong sa kaniya na wala sa resumé niya. “Okay!” saad nito mayamaya. “We‘ll send you a message tomorrow to let you know kung ano ang resulta sa interview mo ngayon hija.” anito. Banayad na buntong-hininga ang muli niyang pinakawalan sa ere bago tumayo sa kaniyang puwesto. Pilit siyang ngumiti sa babae kahit sa loob-loob niya ay alam niyang hindi siya qualified sa interview na iyon. Paano, ilang libong beses niya ng narinig ang linyang iyon sa ibang mga pinag-apply-an niya noon, pero pumuti na lamang ang buhok ng mga kapitbahay nilang lasengero at chismosa pero ni isa wala naman siyang natanggap na message mula sa mga ito. “Thank you po ma‘am.” saad niya. “Thank you Maybel.” LAGLAG ang mga balikat na lumabas siya ng silid na iyon. Ang buong akala pa naman niya ay makakatanggap siya ng good news ngayon sa pinag-apply-an niya... pero mukhang hindi pa ito ang araw niya. “Huwag kang mawawalan ng pag-asa Maybel. Ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob? Sa dami na nang pinagdaanan mong pagsubok sa buhay? Nako! Sisiw lang ito.” kausap niya sa sarili habang naglalakad siya palabas na ng Hotel. “Keep fighting! Iyon ang motto mo ‘di ba? Habang may buhay, mag pag-asa.” dagdag pa niya. “So, it‘s you again.” Bigla siyang natigilan sa paglalakad nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Kunot ang noo na napalingon siya sa kaniyang tabi. Dahil sa abala siyang kausapin ang kaniyang sarili kanina, hindi na niya namalayan na nasa tabi na pala niya ang lalakeng ito. “Ikaw na naman?” aniya. Mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Bigla rin siyang napairap. “Kaya naman pala malas ang araw ko ngayon kasi magkikita na naman tayo.” dagdag pa niya pagkuwa‘y inayos sa kaniyang balikat ang kaniyang bag at muling ipinagpatuloy ang paglalakad. Bigla ring nangunot ang noo ng binata kasabay ng pagtawa nito ng pagak dahil sa sinabi niya. “You‘re so funny!” anito. “Alam mo bang pangalawa ka ng nagsabi niyan sa ‘kin?” naiinis na saad niya. “Bakit, mukha ba akong clown?” tanong pa niya. “Well actually, you don‘t look like a clown...” anito. “...because you are a clown.” ngumisi pa ito. Muli siyang napaismid dahil sa sinabi ng binata sa kaniya. “Huwag kang mag joke sa ‘kin kasi hindi tayo close.” saad niya. “Ang sungit mo naman!” anito habang sinasabayan pa rin sa paglalakad ang dalaga. “So, you are Maybel right?” tanong nito mayamaya. “Paano mo nalaman na ‘yon ang pangalan ko?” balik na tanong niya. “Well, you were talking to yourself earlier kaya narinig kita.” “Narinig mo naman pala, bakit ka pa nagtatanong?” “I‘m just asking.” kibit-balikat na saad nito. Hindi naman siya umimik, sa halip ay ipinagpatuloy lamang niya ang paglalakad hanggang sa makalabas na siya ng hotel. “Saan ka ba papunta mister?” naiinis na tanong niya sa binata. Paano ba naman kasi, nakalabas na siya ng Hotel na iyon; nasa gilid na siya ng kalsada naglalakad pero nakabuntot pa rin ito sa kaniya. “I would like to invite you to have lunch with me.” saad nito. Magkasalubong na naman ang mga kilay niya na nilingon niya ang lalake. Huminto siya sa paglalakad. “Sir, kung anuman po ang trip ninyo sa buhay... huwag n‘yo na po akong idamay diyan. Busy po akong tao. Hindi n‘yo po ba nakikita ang ayos ko?” tanong niya rito. Mabilis naman siyang pinasadahan ng tingin ng binata. Napahawak pa ito sa baba nito habang magkasalubong ang mga kilay. She‘s wearing black pencil cut skirt habang naka-tacked in naman ang puting blouse niya. “You looked... fine.” saad nito at ngumiti na naman. Nakakainis talaga ang ngiti niya. Ang guwapo! Sa loob-loob niya. Pero naiinis pa rin siya rito dahil sa kapreskuhan nito. “Galing po ako sa HR Department ng Hotel na ‘yan!” aniya pagkuwa‘y itinuro pa ang mataas na gusali na nilabasan nila kanina. “Nag apply ako ng trabaho simply because I need work. Oh! English na ‘yon huh! Para ma-get‘s mo.” napapairap pang saad niya ‘tsaka muling naglakad para tumawid sa kabilang kalsada. Sumunod pa rin sa kaniya ang binata. “Hindi po ako nagpunta rito para lang sumama sa estranghero na kumain ng lunch. And FYI po, hindi ako gutom.” dagdag pa niya. “And lemme guess, hindi ka natanggap sa trabahong in-apply-an mo diyan sa Hotel kaya mainit ang ulo mo! Am I right?” bale-walang tanong ng binata sa kabila ng pagsusungit niya rito. Muli siyang napabuntong-hininga ng malalim at tumigil sa paglalakad niya. Muli niyang hinarap ang binata. “Okay! How about... join me for lunch, and then I will help you get a job.” suhestyon nito sa kaniya. “I know the owner of that Hotel. I can help you.” Bigla naman siyang natigilan at napatitig ng mataman sa binata. Nako! Maybel, sinasabi ko sa ‘yo... huwag kang maniniwala sa lalakeng ‘yan! Ganiyan ang modus ng mga lalakeng maniac. Kunwari may iaalok sa ‘yong trabaho pero ang ending niyan... oh! No! Anang kaniyang isipan. Huwag kang sasama sa kaniya, Maybel. “What‘s that face?” kunot ang noo at nagtatakang tanong ng binata nang makita nito ang pag-iba-iba ng ekspresyon sa mukha niya. “Ayoko!” tipid na sagot niya rito ‘tsaka tinalikuran ito. “Come on! Lunch lang naman and I‘ll help you—” “Okay sige!” sagot niya mayamaya nang mabilis siyang muling tumigil sa paglalakad. Hinarap niyang muli ang binata. “Pero may tanong ako.” aniya. “Ask me anything!” kibit-balikat na saad nito. “Paano ako makakasiguro na hindi ka modus?” Mabilis namang nagsalubong ang mga kilay ng binata. “Modus? What do you mean?” naguguluhang tanong nito. “What I mean is, paano ako makakasiguro na hindi ka maniac, masamang tao at may hindi magandang binabalak sa ‘kin kapag pumayag ako sa gusto mo?” nakataas ang kilay na tanong niya. Mayamaya ay biglang natawa ang binata dahil sa mga sinabi niya. “Seriously? You thought I‘m such a person?” balik na tanong nito. “Hindi kita kilala ano‘ng malay ko?” inismiran niya pa ito. Napailing-iling na lamang ang binata pagkuwa‘y namaywang sa harap niya. “I‘m not a bad person. I just wanted to help you to get a job.” anito. Mayamaya ay dinukot din nito sa bulsa ng pantalon ang wallet nito. “Here‘s my Card. You can search my name para malaman mong hindi ako masamang tao.” saad nito nang maiabot sa dalaga ang isang ID nito. Tinanggap niya naman iyon at seryosong binasa. “Theo Azmon Mondejar.” aniya. Nag taas siya ng mukha upang muling tingnan ang binata. “Mukhang mayaman at matino naman ang pangalan mo.” saad niya. “Pero hindi pa rin ako kumbensido. Wala ka bang Barangay ID? Or NBI? Para malaman kong wala ka ngang bad record.” tanong pa niya nang isuli sa binata ang ID nito. “What?” kunot ang noo na tanong nito. Mas lalo itong naguluhan dahil sa mga sinabi niya. “Okay sige! Kung hindi ka masamang tao, ano ka? Recruiter? Nagtatrabaho ka ba sa isang Recruitment Agency? O Networking?” sa halip ay muli niyang tanong sa naguguluhang binata. “You‘re so unbelievable.” mayamaya ay hindi makapaniwalang sambit ng binata. Parang matutuyuan ata ito ng utak dahil sa makulit na babae. Ang dami nitong tanong. “Of course I‘m not.” pag tanggi pa nito. “E bakit mo ako tutulungan na magkaroon ng trabaho?” “You‘re asking too much miss. Just say yes kung sasama ka sa ‘kin mag lunch. It‘s my treat and—” “Libre mo?” putol na tanong niya. “Yeah!” “E ‘di halika na! Ang tagal naman.” aniya at tumalikod na. “Kung sana kanina mo pang sinabi na libre mo... sana kanina pa ako pumayag at sumama sa ‘yo.” aniya. “Tara doon tayo.” Natatawa at umiiling na napasunod na lamang ang binata kay Maybel. Kakaiba talaga ang babaeng ito. Sa isip-isip nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD