MATAPOS tumungga sa bote ng kaniyang alak ay dinala rin agad ni Hunter sa kaniyang bibig ang sigarilyong nakaipit sa gitna ng mga daliri niya; kasabay ng pagpapakawala sa ere ng usok ng sigarilyo ay ang malalim niyang buntong-hininga. Tumingala pa ito sa madilim na kalangitan.
"Sana noon pa ay bumalik na ako rito sa Pilipinas... to find you and tell you how I really feel for you, Pipay." aniya sa hangin. "How can I move on from you? I don't know what to do right now, Pipay."
Nangunot ang noo ni Maybel nang pagkatayo niya sa gitna ng pinto ng rooftop ay nakarinig siya ng boses ng isang lalake. Hindi niya malaman kung umiiyak ba ito o ano dahil mukhang basag ang tinig nito. Malamig na simoy ng pang gabing hangin ang sumalubong sa kaniya nang ipinagpatuloy niya ang pag hakbang palabas sa pinto ng rooftop, habang sinusuyod niya ng tingin ang buong paligid. Mayamaya, sa bandang gilid; naaninag niya ang bulto ng lalake na nakaupo sa semento. Maging ang usok ng sigarilyo na hawak nito.
"I can't stop myself from loving you, kahit alam ko naman na hindi na puwede. What should I do?"
Mas lalong nangunot ang noo ni Maybel nang muli niyang marinig ang mga sinabi ng lalake. "A, nag e-emot!" bulong niya sa sarili pagkuwa'y pumuwesto na rin siya sa isang sulok. Kagaya sa lalake ay umupo siya sa malamig na semento; ilang dipa ang layo niya mula rito. Wala sana siyang balak na umakyat sa rooftop na iyon. Pero dahil naiinitan at nahihilo pa rin siya dala sa alak na ininom kanina ay nag pasiya na muna siyang mag pahangin doon. Mamaya na lamang niya hahanapin ang kaniyang amo na hindi niya malaman kung saan nag tago.
"Hector is so lucky to have you, Pipay." tumawa pa ng pagak si Hunter.
Nahihilo man at hindi maaninag ang hitsura ng lalake ay muling napatingin si Maybel sa direksyon nito. Nangunot pa ang noo nito at napailing. "Broken hearted ata! Nag e-emot mag-isa e!" aniya sa sarili. "Hay!" muli itong napabuntong-hininga ng malalim at isinandal ang likod sa pader. "Mukhang natamaan nga talaga ako dahil sa alak na `yon! Ang sakit ng ulo ko." reklamo nito at hinilot-hilot pa ang kaniyang sintido. "Kung bakit kasi binayaran pa `yon ni ms. Jhez! Baka bukas hindi ako makapasok sa trabaho ko. Well, kung sabagay... binigay naman na niya ang sahod ko. Puwede na siguro ako mag day-off bukas." napahagikhik pa ito. "Bahala na!" saad pa niya sa sarili. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at nag relax ng sa ganoon ay mabawasan manlang ang pagkahilong nararamdaman niya. Mayamaya ay muli siyang nag mulat ng mga mata nang marinig niyang muling nagsalita ang lalake. Muli niya itong tinapunan ng tingin. Nakatayo na ito mula sa pagkakaupo sa semento. Naglakad ito palapit sa gilid ng rooftop, pagkuwa'y idinipa ang mga braso. Nagpakawala rin ito ng malalim na buntong-hininga.
"Pipay! What should I do para tuluyan na kitang makalimutan? Tell me!"
Nahihilo man dala pa rin sa tama ng alak sa kaniya; pilit na tumayo ang dalaga sa kaniyang puwesto. Umiiling pa itong naglakad palapit sa binata. "Alam mo sir..."
"Jesus!" gulat na sambit ni Hunter at biglang napalingon sa babae. Muntikan pa siyang matumba sa labis na pagkagulat niya. Masamang tingin ang kaagad na ipinukol niya sa babaeng ngayon ay nakatayo na sa harapan niya. Abot-abot pa ang kaba sa kaniyang dibdib. Paano bang nakapunta ito roon na hindi niya manlang namamalayan? Kanina pa ba ito roon? Narinig siguro nito ang pag e-emot niya kanina. "Who are you? Why are you here?" naiinis at magkasunod na tanong niya sa babae.
Ngumiti naman si Maybel at muling ipinagpatuloy ang paglalakad palapit sa kinaroroonan ni Hunter. "Sorry kung nagulat kita." aniya.
"I'm asking you who are you and why are you here? Don't you know that this rooftop is a private place? You shouldn't be here." masungit na saad nito habang hindi pa rin inaalis ang masamang paningin sa dalaga. Magkasalubong pa rin ang mga kilay nito.
"Bawal ba? E, wala naman akong nakitang sulat diyan sa hagdan na nagsasabing bawal umakyat dito." baliwalang sagot naman nito.
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Hunter dahil sa pamimilosopo sa kaniya ng babae. Nagpakawala siyang muli ng malalim na buntong-hininga `tsaka nag iwas dito ng tingin. "You can leave now ms."
"Mamaya bababa rin ako." iwinasiwas pa nito sa tapat ng mukha ang isang palad. "Gusto ko lang magpahangin kasi medyo may tama pa rin ako sa alak na ininom ko kanina. Nahihilo pa rin ako." anito at naglakad palapit sa upuang gawa sa semento. Doon ito pumuwesto habang nakatingin sa malayo. "Huwag kang mag-alala, hindi ko naman kilala ang Pipay na sinasabi mo kanina kaya hindi kita maisusumbong sa kaniya na nag e-emot ka rito dahil sa kaniya." napahagikhik pa ito.
"What did you say?" muling nangunot ang noo ni Hunter nang balingan niya ng tingin ang babae. "You heard everything?" tanong pa niya. Damn it! Sa isip-isip niya. Kanina pa pala rito ang babaeng ito? Narinig nito ang mga sinabi niya.
"Okay lang `yon kung narinig ko ang pag e-emot mo kanina. At least nailabas mo ang nararamdaman ng puso mo ngayon 'di ba?" nakangiti pa ring saad ng dalaga. "Hindi kasi maganda kung nag kikimkim tayo. Kung iniipon lang natin ang masasama at masasakit na nararamdaman ng puso natin. Nakakabaliw `yon! Baka sumabog ka pa!" dagdag pa nito at muling nag baling ng paningin sa binata.
Mabilis na nag tiim-bagang si Hunter dahil sa sinabi ng babae sa kaniya. Bakit ba nangingialam ito sa buhay niya? E pakialam ba nito kung nag e-emot siya roon?
"At isa pa, nakakatuwa ka naman!" muling saad ni Maybel at mas lalo pang lumapad ang ngiti sa mga labi. "Ngayon lang kasi ako naka-encounter ng lalakeng broken hearted at nag e-emot dahil sa isang babae."
"Stop it! Hindi ako nag e-emot." inis na saad ni Hunter sa babae. "Puwede ba ms, umalis ka na rito." aniya.
Sa halip na muling magsalita at sagutin ang lalake ay ipinikit ni Maybel ang kaniyang mga mata kasabay ng pagpapakawala ng malalim na buntong-hininga. Ngayong nakalanghap na siya ng sariwang hangin, kahit papaano ay naibsan ang sakit ng kaniyang ulo. Pero nahihilo pa rin siya dala sa pagkalasing niya. At mukhang nararamdaman niyang may lalabas na naman sa lalamunan niya.
"You should go home. Minors are not allowed to drink alcohol."
Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ni Maybel nang mag mulat siya ng kaniyang mga mata at tapunan ng tingin ang lalake. "Excuse me! Hindi na ako minor." aniya. "Twenty seven na ako. Hindi lang halata kasi baby face ako." inismiran niya ang lalake. Guwapo ka sana, pero grabe ka naman mang-judge! Anang isipan niya.
Tiim-bagang na napapailing na lamang na tumalikod si Hunter at binalikan ang kaniyang alak. "You need to leave kung ayaw mong tumawag pa ako ng security para ipababa kita rito." turan niya.
"Damot mo naman." bulong ni Maybel at muling napaismid. "Guwapo mo sana, kaso ang sungit mo."
"What are you murmuring?" kunot ang noo na tanong ni Hunter nang muli niyang harapin ang babae.
"Wala! A-ang sabi ko, bababa na po ako." aniya at tumayo na sa kaniyang puwesto. Napatutop pa siya sa kaniyang bibig nang muli siyang makaramdam ng pagkasuka. Kung bakit kasi napakahina niya pagdating sa alak! Kung sabagay ay minsan lang naman siya kung uminom. Tapos puro Beer pa.
"Hurry up!"
"Ito na nga oh! Excited lang?" aniya. Pero mayamaya ay bigla siyang napahinto sa paglalakad at hindi na napigilang ilabas ang sama ng kaniyang lalamunan.
"f**k! Seriously?" galit na tanong ni Hunter nang pati ang kaniyang sapatos ay naabot ng alak na isinuka nito. "Jesus!" nag titimping saad pa nito.
"S-sorry! Sorry sir. Hindi ko na napigilan e!" hinging paumanhin niya.
Isang matalim na tingin lamang ang ibinigay ng binata sa dalaga nang mag taas ito ng mukha pagkuwa'y tumalikod na at naunang bumaba sa rooftop.
"WHERE have you been, Maybel? Kanina pa kita hinahanap." anang Jhez nang sa wakas ay makita na nito ang dalaga na papalapit sa puwesto nila kanina.
"Sorry ms. Jhez! Nagpahangin lang ako. Nahihilo kasi ako e!" aniya.
"Ganoon ba? Are you okay now?" nasa mukha pa nito ang pag-aalala para sa dalaga.
"Hindi!" aniya.
"E 'di umuwi na tayo kung hindi mo na kaya at—"
"Ibig kong sabihin, hindi ako okay dahil sa lalakeng nakasabay ko sa rooftop." putol niya sa iba pang sasabihin ng dalaga sa kaniya.
Nangunot ang noo nito. "Who? Why? What happened?" tanong pa nito.
Umupo si Maybel sa couch. "Paano, ang lawak-lawak ng rooftop tapos ang damot naman nang lalakeng nakasabay ko roon! Guwapo sana kaso ang sungit." aniya.
"Did you go up there?" tanong nitong muli.
"Kakasabi ko lang."
"Didn't I tell you na bawal umakyat doon?"
Nagkibit ng mga balikat niya si Maybel. "Nope!"
"Sorry! Baka ang may-ari or isa sa mga kaibigan niya ang nakakita sa `yo roon kaya nagalit sa `yo." anito. "Bawal kasing umakyat doon kung customer ka lang dito at hindi ka related sa may-ari nitong bar. Or you're not a close friend. Private place na raw kasi roon." pagpapaliwanag nito.
"E, hindi ko naman alam na bawal pala kaya nag punta ako roon. Tapos nasukahan ko pa ang sapatos ni Dodong." nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga.
"D-dodong? Who's dodong?" nangunot ang noo nito.
"Yong lalake ngang nakasabay ko sa rooftop! Ano ba naman `yan ms Jhez! Akala ko ako ang lasing, e ikaw naman itong hindi agad maka-get's." pagbibiro pang saad nito. "Waiter!" nang dumaan ang lalake sa lamesa nila.
"Cocktail drinks ma'am!" anang waiter at inilapit sa tapat ni Maybel ang dala nitong Tray.
"Ano'ng tawag sa mga `to?" tanong niya sa lalake.
"This is Tequila Sunrise ma'am. Mojito. Margarita. Piña colada. Bloody Mary. s*x on the beach and—"
"Teka, ano?" gulat na tanong ni Maybel at napatitig pa sa waiter.
"S-s*x on the beach ma'am." tila ang lalake pa ata ang biglang nahiya dahil sa binanggit nitong pangalan ng alak.
Bigla namang humagalpak ng tawa ang dalaga. Binalingan nito ng tingin si Jhez na nasa tabi niya. "s*x on the beach daw ms. Jhez?" anito. "Grabe! Pati ang pangalan ng alak bastos na rin?" tumatawa pa ring saad nito.
Pilit na ngumiti naman si Jhez sa waiter. "Sorry! She's drunk. And its her first time." aniya.
"No. I'm not drunk!" mabilis na saad nito at kinuha ang maliit na baso na nasa tray na hawak ng waiter. "Sa akin na `to! Titikman ko lang kung ano ang lasa ng s*x sa beach." humagikhik pa ito bago inisang lagok ang alak. "Pak!" napalakas pa ang sigaw nito pagkatapos. "Okay na sir!" nag thumbs up pa ito sa lalake. "Thank you!"
"T-thank you ma'am."
"Let's go! We should go home. Lasing ka na." anang Jhez nang tingnan nito ang hitsura ni Maybel. Pulang-pula na naman ang mukha nito. Lasing na nga ang babaeng ito. Sa isip-isip niya.
"Hindi pa ako tapos uminom ms. Jhez! Teka lang!"
"You're drunk, Maybel." anito. "Dapat nga ako ang mag lalasing ngayon not you." dagdag pa nito.
"Kaya nga! Huwag muna tayong umuwi kasi hindi ka pa lasing. Tara inom pa tayo." anito at kahit nahihilo ay tumayo ito sa kaniyang puwesto. Nang pumailanlang ang malakas na tugtog sa loob ng bar na iyon ay kaagad niyang hinila ang dalaga patayo at iginiya sa pagsasayaw. "Woaw! Party!" sumigaw pa ito at umindayog na rin sa pagsasayaw. Nagpaikot-ikot ito habang tumatalon. Hanggang sa bigla siyang bumangga sa bulto ng lalake. Dala sa kalasingan ay bigla siyang nawalan ng balanse sa katawan. Mabuti na lamang at mabilis na nakakilos ang lalake; bago pa siya bumagsak sa marmol na sahig nahuli na nito ang kaniyang baywang.