"LINTIK ang alak na `to ms Jhez! Sumisipa sa lalamunan." anang Maybel sa kasama nang bigla niyang inumin ang unang shot niya sa alak. Halos maduwal pa siya nang gumuhit sa lalamunan niya ang kakaibang lasa ng likido. "Eww!" sambit pa nito at mabilis na ininom ang juice na nasa isang baso niya.
"I told you hard drink `yan!"
"E you didn't told me naman na ganito pala katapang `to!" anang Maybel na maluha-luha pa dahil sa lasa ng alak na nakadikit pa rin sa lalamunan niya.
"Huwag mo ng inumin `yan kung hindi mo kaya." saad ng babae.
"Sayang ang 10k."
Napangiti naman si Jhez nang biglang kinuha ni Maybel sa lamesa ang bote ng alak at niyakap iyon.
"Ibebenta na lang kita sa kapit-bahay namin para naman makabayad ako sa ibang utang ko." bulong pa nito sa bote.
"You are really funny, Maybel. That's why I like you!" nakangiti ng malapad na saad ni Jhez.
Mayamaya ay napatingin si Maybel sa dalaga. "Speaking of... nandito na ba ms. Jhez ang crush mo?" pag-iiba niya ng tanong.
Mabilis namang iginala ni Jhez ang paningin sa buong paligid ng bar. Dahil sa dami ng taong nagkakasiyahan sa Dance Floor; hindi ito sigurado kung naroon na ba ang lalakeng kaniyang laging hinihintay at inaabangan sa tuwing nagpupunta siya sa bar na iyon. Ang lalakeng bumihag sa puso niya dalawang buwan na ang nakalilipas simula nang dumating siya sa Pilipinas galing Canada. Mayamaya ay biglang nanlaki ang mga mata nito kasabay ng pagsilay ng matamis at malapad na ngiti sa mga labi nito.
"So, nandiyan na siya?" kunot ang noo na tanong ni Maybel nang mapansin niya ang kakaibang ngiti sa mga labi ng dalaga. Humaba pa ang kaniyang leeg upang sundan ng tanaw ang paningin nito.
Mabilis at sunod-sunod na tango naman ang ginawa ni Jhez habang hindi pa rin nito inaalis ang paningin sa Bar Counter.
Mas lalong nangunot ang noo ni Maybel. "Tatlong lalake ang nasa counter. Hindi ko alam kung sino diyan si labidabs mo." aniya.
"White long sleeve." anang Jhez na nagpakawala pa ng banayad na paghinga pagkuwa'y humalukipkip ito sa bakal na hamba na nasa tabi niya. "He's so handsome." tila nag niningning pa ang mga mata nito.
Mas lalong nangunot ang noo ni Maybel na binalingan ng tingin ang dalaga. "Huh? E nakatalikod naman siya. Hindi ko makita ang hitsura niya. Ano ang handsome sa kaniya? Ang batok niya?" anito at muling nag salin ng alak sa baso niya. Kahit nangingilabot sa lasa ng alak ay uminom pa rin siya. Medyo masarap na pala sa pangalawang lagok.
"Maybel, hindi ka ba marunong tumingin ng guwapo at hindi guwapo?" tanong ni Jhez na hindi manlang nag abalang tapunan ng tingin ang kasama. Abala pa rin kasi ang mga mata niyang titigan ang iniirog niya mula sa malayo.
"E sa hindi ko nga makita ang mukha niya. Siyempre ayoko namang mag rate agad kung hindi ko pa naman siya nakikita ng mabuti." sagot nito.
"Hay! Ewan ko nga sa `yo! Basta... for me, he's so handsome. He looks like Christian Hogue. His face was handsome. Pointed nose. Kissable lips. Broad and wide chest. Masculine. Tall. Moreno." Jhez even described the man's appearance.
"Perfect siya ganoon?" baliwalang tanong ni Maybel nang muli niyang tapunan ng tingin ang lalakeng naka-white long sleeve na nasa bar counter pa rin.
"Exactly." walang kagatul-gatol na sagot nito. "He's perfect."
"So ano? Lalapitan ba natin?" mayamaya ay tanong niya matapos muling lumagok sa basong hawak niya.
Nag baling naman ng tingin sa kaniya si Jhez. Muli itong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "Actually, nahihiya ako e!" anito.
"Huh? Ba't ka naman mahihiya?" tanong niya. Hindi naman umimik ang dalaga. "Ganito na lang, lalapitan ko `yang labidabs mo tapos sasabihin ko sa kaniya na crush mo siya." suhestyon niya pa.
Napapailing na ngumiti naman si Jhez. "That's too childish, Maybel. Hindi naman na kami bata."
"Exactly! Hindi na kayo bata. Hindi ka na bata, pero bakit nahihiya ka pang sabihin sa kaniya na crush mo siya?" aniya habang seryoso na itong nakatingin sa kasama.
Mayamaya ay humarap sa kaniya ang dalaga. "You know what, Maybel. May sasabihin akong favor sa `yo!"
"Ano `yon?" tanong niya.
Muling nilingon ni Jhez ang direksyon ng Bar para tingnang muli ang lalakeng gusto niya. Napangiti pa ito.
"HEY! What's up?"
Saglit na nilingon ni Hunter ang bagong dating na kaibigan na si Azmon bago muli niyang itinuon ang paningin sa ibaba ng rooftop ng Bar na kinaroroonan nila ngayon. Kanina pa siyang nahihintay doon sa pagdating nito. Ang buong akala pa niya ay hindi na ito susunod sa kaniya at nilamon na ito ng bowl sa banyo kasama nang babaeng kalaro nito.
"I was waiting for you!" seryosong saad nito.
"You know I'm busy earlier. Kita mo naman." nakangiti pa ito ng nakakaloko. Nang makita nitong hindi nag bago ang ekspresyon sa mukha ni Hunter ay nawala na rin bigla ang ngiti nito sa mga labi. "Okay!" aniya. "You know what bro... you should enjoy your life. Hindi `yong puro ka na lang trabaho." dagdag pang saad ni Azmon nang makalapit na ito ng tuluyan sa kaibigan. Kaagad din nitong kinuha ang isang bote ng alak na nakapatong sa upuang gawa sa semento.. "And you should move on from Pipay! It's been six months bro. And you know that she's happy with Hector."
"I know! Hindi mo na kailangang ipaalala sa `kin." tiim-bagang na saad nito. Muli nitong dinala sa tapat ng kaniyang bibig ang bote ng alak at tumungga roon.
"I'm just saying. Mukha kasing wala kang balak na mag move on sa kaniya." anito na ngumiti pa ng nakakaloko. "I told you before, huwag mong seryosohin ang mga babaeng `yan. You can have open relationship. Hindi mo kailangang mag stick sa isang babae. Because sooner or later magsasawa ka rin sa kanila. So if I were you, enjoy! There are lots of girls out there, bro. You just need to get out from your comfort zone. At mag girl hunting ka. More girls, more choices. Kapag nag sawa ka sa isa may reserba ka." turan pa nito.
Mas lalong nangunot ang noo ni Hunter nang muli niyang balingan ng tingin ang kaibigan. Knowing Azmon, he's a womanizer. Parang laging mauubusan ng babae. Kung gaano ito kabilis mag palit ng medyas, ganoon din ito kabilis mag palit ng girlfriend. "And you want me to be like you?" tanong niya.
"Well..." nag kibit ito ng mga balikat. "...mas masarap kasi ang buhay ng happy-go-lucky. Open relationship. And besides, my girlfriends know my rules. Hindi sila puwedeng mag demand ng gusto nila." anito at tumungga sa boteng hawak nito. "It's always my rules."
"You're just a womanizer, Az. Uhaw ka lang talaga sa babae."
Tumawa lamang ng pagak ang binata. "What do you need from me, by the way?" pag-iiba nito sa kanilang usapan mayamaya.
"Well, it doesn't matter. I just want to drink." saad nito. Muli itong humugot ng malalim na paghinga `tsaka iyon pinakawalan sa ere.
"Alright!" anang Azmon matapos ang ilang segundong katahimikan sa pagitan nila ng kaibigan. "I really don't know what you feel right now. Dahil hindi ko pa naman na experience ang masaktan... but bro, you really need to move on from Pipay!" anito at katulad ni Hunter ay itinuon din ang paningin nito sa ibaba ng bar. Pinagmamasdan nila ang mga nagpaparoo't paritong mga tao sa ibaba. "She loves Hector. And Hector loves her so much. And besides, hindi ba't ikaw na mismo ang naghatid kay Hector sa Amsterdam dati para magkita at magka-usap na sila ni Pipay? You even attended their wedding." saad nito na nagpakawala rin ng malalim na buntong-hininga. "Masiyado mo lang sinasaktan ang sarili mo dahil diyan sa ginagawa mo. Pipay is not your destiny kahit pa sabihing mas nauna mo siyang makilala kaysa kay Hector."
"I just can’t stop myself from continuing my love for her, Az. Kahit alam ko namang hindi na puwede." malungkot na saad nito at muling tumungga sa bote niya.
Napapailing na lamang na napangiwi ang huli. Damn it! Sa isip-isip nito. He just couldn't believe na darating siya sa puntong ito ng buhay niya na pati ang problema sa love life ng kaibigan niya ay idadaing din sa kaniya. Kaya nga ayaw niyang pumasok sa seryosong relasyon dahil ito ang pinakaunang ayaw niyang mangyari sa kaniya. Ang mamoblema sa babae. Ang mamoblema sa relasyon. "So, what are you gonna do now?" tanong na lamang nito.
"I don't know." he shrugged. "Maybe I'll just go back to Washington."
"Better idea bro." mabilis pa sa alas kuwatrong pag sang-ayon nito sa sinabi ni Hunter. "Mas mabilis kang makakalimot kapag nasa malayo ka na."
Isang malalim na buntong-hininga lamang ang pinakawalan ni Hunter sa ere at nanahimik na.
"So, you have nothing important to say. I'm gonna go." anito nang tingnan muli ang kaibigan. "Inisturbo mo pa ang trabaho ko."
Napapailing na lamang si Hunter nang makita niya ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Azmon. "If Judas finds out you're making his cubicle a motel—"
"Don't worry! He's not around." mabilis na saad nito dahilan upang maputol sa pagsasalita ang una. "He's in Madrid right now with his wife." dagdag pa nito pagkuwa'y tinapik sa braso ang kaibigan. "I'll go downstairs. My girlfriends are waiting for me."
Tumango lamang si Hunter bilang tugon.
"NASAAN na kaya ang babaeng `yon?" tanong ni Maybel sa kaniyang sarili habang hinahagilap ng kaniyang paningin ang kaniyang amo. Saglit lang siyang tumalikod kanina para sana lapitan ang crush nito na nasa bar counter, tapos bigla naman itong naglaho na parang bula. Marahil ay nahihiya nga talaga ito kaya biglang nag tago. "Ahh!" malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere pagkuwa'y muling umupo sa iniwan niyang puwesto kanina. Medyo nahihilo na rin siya. Limang shoots pa lang naman ang nauubos niya pero parang pakiramdam niya umiikot na ang paningin niya. "Kung bakit kasi naisipan ko pang sabihin sa kaniya na mag iinom ako? Hayst! Tanga mo talaga, Maybel." napapailing pang saad nito sa sarili. "Pzztt!" sinutsutan niya ang waiter na dumaan sa tapat ng lamesa nila ni Jhez.
"Yes ma'am?"
"N-nakita mo `yong k-kasama ko kanina?"
"A, si ma'am Jhez po?"
"Oo! N-nakita mo siya?" napatutop pa siya sa kaniyang bibig nang pakiramdam niya ay nasusuka.
"Yes ma'am! Nasa cr po siya."
"Ah! Sige—sige salamat!" aniya at kaagad na tumayo sa kaniyang puwesto. Nahihilo man at medyo nag iiba na ang kaniyang paningin ay nagmamadali pa rin ang mga hakbang niya papunta sa cr. Anumang sandali ay masusuka na siya. "Sorry! Sorry!" hinging paumanhin niya sa babaeng nakabangga niya sa labas ng cr.
"Tumingin naman kasi sa dadaanan." mataray na saad ng babae.
"Sorry na nga 'di ba?" naiinis ding saad ni Maybel. Inirapan pa niya ang babae nang tumalikod na ito sa kaniya. "Kala mo maganda." aniya at binuksan ang pinto ng cr. Nagmamadali siyang pumasok sa isang cubicle para doon ilabas ang sama ng lalamunan niya. "Promise, hindi na ako uulit." aniya sa sarili. Matapos i-flash ang bowl. "Ang mahal-mahal ng alak tapos isusuka lang din pala!" saad pa niya nang lumabas ulit siya roon at naglakad palapit sa lababo. Nag hilamos siya para kahit papaano ay mabawasan ang pagkahilo niya. Pagkatapos patuyuin ang mukha ay kaagad din siyang lumabas sa banyo para muling hagilapin ang amo niya. Isa pa `yong problema niya. Kung bakit bigla-bigla na lamang itong nawala? "Aray ko naman!" daing niya nang bigla siyang bumunggo sa isang bulto ng lalake na nakasalubong niya sa labas ng banyo. "Alam mo namang kapre ang katawan mo, paharang-harang ka pa sa daan." naiinis na saad niya `tsaka nag taas ng mukha upang tingnan ang lalake.
"I'm sorry ms beautiful." anang lalake na malapad pa ang pagkakangiti.
Bigla namang natigilan si Maybel nang matitigan niya ng mabuti ang mukha ng lalake. "s**t!" wala sa sariling sambit niya.
Nangunot ang noo ng lalake habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Why?" tanong nito.
"A—" hindi alam kung ano ang kaniyang sasabihin. Para bang bigla siyang nahipnotismo dahil sa magaganda nitong mga mata na nakatitig sa kaniya.
Natawa ng pagak ang lalake pagkuwa'y umangat ang isang kamay at isinara ang bumukang bibig ng dalaga. "Ms, tutulo na laway mo." anito.
Bigla namang nabalik sa huwesyo niya si Maybel. Dahil sa pagkapahiya sa guwapong lalake at sa sinabi nito; mabilis niya itong inismiran. "Sabi ko tabi. Dadaan ako." aniya at sinadya pang banggain ang braso ng lalake nang umalis siya sa harapan nito.
Napapailing na lamang na sinundan ng tingin ng lalake ang babae.