KUNOT ang noo at tahimik lamang na tinitingnan ni Azmon si Maybel habang kausap nito ang waiter ng restaurant na pinasukan nila na nasa loob lang din ng Imperial Palace. “Ang mahal naman ng mga pagkain dito.” tila nahihiya pang saad niya pagkuwa‘y tinapunan ng tingin ang binata. “Don‘t mind the price. Just order what you want.” anito. “Sabi mo ‘yan huh!” sabi niya at ngumiti pa bago muling tiningnan ang waiter. “Bigyan mo ako nito sir.” aniya at nagsimula ng mag turo sa mga pagkaing pangalan pa lang ay mukhang masarap na para sa kaniya. “Pati ito! At ito rin! Ito rin mukhang masarap. Mmm! Ito! Ito! Ito! Ito! Ito rin!” aniya. Nag kukumahog naman ang waiter na ilista ang mga tinuro niyang pagkain. “Pati itong Dessert na rin. Ito! Ito! Tapos ito. ‘Yon lang, nakakahiya na kasi sa kaniya.” a