Prologue

839 Words
“You should not be in there!” Halos hindi na makikilala ang boses ni Baxter dala nang magkahalong emosyon na naghahari sa dibdib nito. Nagngangalit ang mga bagang nito at mariin ang pagkakahawak sa braso niya. Halos kaladkarin na siya nito palabas ng arena. Nasa estado siyang nalilito at naguguluhan sa inaasal nito. Ano ba ang pinupunto nito? Naghahanap-buhay lang naman siya. “Bakit kailangang sa iba mo pa ibilad ang katawan mo, Nina? Bakit hindi na lang sa akin?” That’s it. Iba ang kinagagalit nito. Napipingasan ang ego na mas nauna pa ang matandang kasama niya na mahawakan ang kamay niya. Namuo ang yamot sa dibdib niya. Pinapahiya lang naman siya nito kanina nang parang bata siyang kaladkarin palayo sa trabaho niya. Ano pa man ang uri ng kabuhayan niya ngayon, kailangan niyang respetuhin ang oras na napagkasunduan. “Bitiwan mo nga ako,” mariing angil niya. Sinubukan niyang ipiksi ang mga kamay nito pero parang bakal na nakakapit sa kanya ang mga iyon. Pakiwari niya, isa siyang preso na nahuli ng opisyal. Hawak siya haggang sa makalulan sila ng elevator. Bumitaw lang ito nang tuluyang makarating sa hotel room nito. Halos mabuwal siya nang pabalandra siya nitong bitiwan. Kung hindi pa siya nakahawak sa mesa sa malapit ay baka tuluyan na siyang sumadsad sa carpeted na sahig. “Ano ba ang problema mo ha?!” bulyaw niya kay Baxter. Sa tindi ng damdamin, nakaligtaan na niyang titigan kung gaano kaganda ang silid na kinaroronan. Humakbang ito palapit sa glass wall. Hinilamos sa mukha ang dalawang palad at pinaraanan ng daliri ang makapal nitong buhok. Mukha itong problemado. Ayaw niyang isiping siya ang pinuproblema nito. Hindi naman sila magkamag-anak. Lipas na sila sa pagiging magkaibigan at higit sa lahat, wala silang relasyon. Kung makaakto ito, daig pa ang nagseselos na nobyo. "So, ano?" Wala rin lang itong kasagutan, minabuti niyang humakbang palapit sa pintuan. Ngunit nakadalawang hakbang pa lang, maagap nang naakaharang ang malapad na katawan ni Baxter sa kanyang daraanan. Nasa madilim na anyo nito at matitiim na mga titig ang katatagan na ayaw siyang palabasin sa silid nito. Naririndi na siya rito. Kinailangan niyang kumita ng pera. Bawat segundong lumilipas ay nanghihinayang siya. “Not too fast, Nina.” “May trabaho ako.” Ngumising-aso ang loko, tila ba inaaba ang ginagawa niya. Segundo lang yata ang lumipas nang napalitan naman ng kaseryosohan ang anyo nito. “Bakit, magkano ba ang kaya niyang ibigay sa’yo?” Humakbang ito, isang beses, napatras naman siya ng dalawa. “Wala ka na doon. Eh, kung ikaw sana ang manager ko, hindi ako mangingiming sabihin sa’yo.” Sinasabi niyang nagtatapang-tapangan kahit na sa totoo lang ay nakakapanghina ng kalamnan at nakakayelo ng buto ang presensya nito. Gaya pa rin ng dati na kapag nasa malapit ito, binubundol siya nang hindi mawaring kaba at nagiging aligaga ang puso niya. Lumulukso na tila ayaw magpaawat pa. Nevertheless, kailangan niyang ibulsa ang lahat ng nararamdaman. “Really?” Naging mas mabalasik ang anyo nito, Ang ngiting naglalaro sa gwapong mukha nito ay nakakatakot at literal na ginapangan siya ng kaba. Ano man ang naisin nito ay kayang-kaya nitong isakatuparan. “Palabasin mo na ako rito?!” hindi niya mapigilang sumigaw. “Nagtatrabaho lang naman ako…bakit…bakit…” hindi niya maituloy-tuloy ang sasabihin. Bawat salita niya kasi ay napipigilan dahil sa ginagawang pagsulong nito palapit sa kanya. Kada hakbang nito, umuurong naman siya hanggang sa humantong siya sa paanan ng kama. Wala na siyang maatrasan pa. Ang tanging nagawa niya ay ang titigan ang nagbabaga nitong mga mata. Baxter was an inch apart from her. Bago pa man tuluyang mapigtas ang pagitan nila, nagawa na niyang itukod ang dalawang palad sa dibdib nito. Para siyang napapaso sa bilis ng t***k ng puso nito. Tila ba may karera sa kaloob-looban nito at maling magkalapit sila ng ganito. Pansamantalang nawala sa isip niya ang yamot sa lalaki. Paano ay parang dinuduyan siya sa ritmong hatid ng pintig ng puso nito. Ganito rin sila kalapit noon. Noong muntikan na siyang makalimot at halos isuko ang lahat dito. Masyadong nahibang ang diwa at puso noya, namalayan niya na lang na nakayapos na sa kanyang baywang ang dalawang matitipunong bisig ni Baxter. “Nina…” paos at pabulong nitong wika. May kung ano sa boses nito, tila may pangangailangan, may pangungulila. Kanina lang ay galit ito pero ngayon ay tinutupok siya ng kakaibang pagsuyo sa mga mata. Na ni hindi niya magawang mag-iwas ng paningin nang dahan-dahang bumaba sa kanya ang mukha nito. Pumaypay ang init nito sa kanya. Sa huli natagpuan niya ang sariling sinasagot ang bawat hagod ng bibig nito. The kiss still felt the same. Ang tanging nagbago lang ay kung paano siya nito tingan ngayon. Kinakapos ang hininga niya nang bumitaw ito sa halikan. He rested his forehead against hers. “Ako na lang, Nina. Akin ka na lang.” Kung sana totoong pagmamahal ang nakikita niya pero hindi. “Be my bed warmer and I‘ll give you everything you want.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD