Teaser
Ayoko sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Kapag nakatalikod ako lagi ko siyang nahuhuling ninanakawan ako ng sulyap. Bata pa ako, oo, pero batid kong may hatid na kilabot ang bawat dantay ng kanyang mga mata sa akin.
Noong una, inakala kong normal lang ngunit kalaunan ay nakaramdam na ako ng kakaiba.
'Di ko man eksaktong maipaliwanag pero naiinis ako na kinakabahan sa bawat beses na tinitigan niya ako. Pakiwari ko ay nag-iisang kumpas ang mga balahibo ko. Alam na alam kung paano tumindig oras na paraanan ng matitiim na titig ng magagandang pares ng mga matang iyon.
Oo, maganda ang mga mata niya. Ayoko mang aminin pero ang sarap lang na titigan. Sabi ng kaklase ko, hazel daw ang kulay niyon.
Inignora ko siya na parang hangin, sa abot ng aking makakaya.
Kung may something man siya sa akin, masyado akong bata para sa kanya. Seventeen ako, twenty-nine siya. Masyado akong makapal para isipin iyon pero wala akong ibang maapuhap na sagot sa mga kakatwang kilos niya kapag nasa malapit ako. Ang kabilang brain hemisphere ko, sinasabing kabaliwan ang naiisip kong konklusyon. Ang labong magustuhan ako ng isang matured na lalaki.
Kaya naman, nagpakaiwas-iwas ako. Kapag nasa bahay siya ay malamig ang pakikitungo ko sa kanya. Lagi ko siyang binabara. Iyon ang mga paraan ko para harapin ang pagkailang na nararamdan ko kapag nandiyan siya.
Pero isang araw, kinailangan ko ng tulong at iisa lang ang taong naroroon para aking matakbuhan.
Wala akong ibang choice.
Walang kaibigan na naroroon.
Iyon ang simula ng pagiging kumplikado ng lahat. Sa pagpasok niya nang tuluyan sa buhay ko, animo bagyo siyang niyanig ang simpleng mundo ko. Ang dating patag kong buhay ay nagkaroon ng ibang kulay, ng ibang dimensyon…