Aiah and Jacob

2288 Words
“Manila, here I come, Luisiana, so long!” Humalo sa hangin ang matinis na sigaw ni Nina. Nakalabas sa bintana ng traysike ang nakadipa niyang kamay at mukha. Hindi mapuknat ang ngiti sa kanyang mga labi. One last time, pinasadahan niya ng tingin ang berdeng paligid na nararaanan. Kahit ang hangin ay sinamyo niya sa balat. Mami-miss niya ang lahat sa kanila. Ang mga talon, ang tahimik na paligid at higit sa lahat ang pamilya niya. Pansamatala niyang iiwan pero hindi maitago ang pananabik sa dibdib niya. Mag-aaral siya sa Maynila. “Ang saya mo, ha.” Napalingon siya sa nagtampururot niyang nanay. Panay ang pagsinghot nito hbang tila batang nakasima got. Napangiti siya. Kahit gaano man malukot ang mukha ng nanay niya, maganda pa rin talaga ito kaya naman ang tatay niya, baliw na baliw sa pagmamahal sa nanay niya. Umayos siya ng upo at sumandal sa balikat nito sabay yapos sa katawan nito. “Nay naman, sa Maynila lang ho ako pupunta. Malapit lang po iyon sabi mo. Hindi ho ako mag-aabroad.” Sinikap niyang langkapan ng tuwa ang boses pero hindi pa rin umubra. Sa lapit ng Laguna at Maynila, ni minsan ay hindi pa siya siya nakatungtong doon. May iilang beses nang nagtungo ang mga magulang niya roon pero ang madalas na isama ay si Jasper at ang bunsong si Jeremiah. “Mukhang atat na atat kang talagang iwanan kami rito. Ang saya-saya mong mapapalayo ka sa amin.” Mulagat ang mga mata niya sa sinabi ng ina. “Luh, si Nanay, tampururot kaagad.” Nakangisi niyang nilalambing ito. Niyakap niya ito nang mas mahigpit pa at pinaghahalikan sa pisngi nito. “Oi, Nanay, ngingiti na ‘yan.” Nakasimangot pa rin ang nanay niya pero gumanting yakap naman sa kanya at hinalikan siya sa noo. “Mami-miss ka lang ng nanay mo, anak.” Ngingiti-ngiti ang tatay niya pero halata namang may pangingislap din sa mga mata habang nakatutok sa daan ang atensyon. Ito ang nagmamaneho ng luma nilang traysikel. Ayaw nitong magpakita ng kahinaan kaya naisipian niyang tudyuin. “Eh, ikaw Tay, hindi mo ba ako mami-miss?” malakas niyang tanong dahil nasasapawan ng makina ng sasakyan ang mga boses nila. “Natutuwa pa kamo ako. Paano ba naman, eh, mababawasan ng isa ang sakit sa ulo ko.” “Echos talaga itong si Tatay. Kunwari pa, eh, naiiyak na nga.” “Magtigil ka!” Napapahagikgik na lang siya habang mas isiniksik ang sarili sa nagmamaktol pa ring ina. Ilang minuto pa ay nasa sakayan na sila ng bus kung saan sila magtatagpo ni Aling Edith. Dati nila itong kapitbahay na matagal na naninilbihan sa Maynila. Kinukuha na ito ng anak na nakapag-asawa ng Norwegian at siya ang papalit na magiging kasama ng amo nito. Narinig lang naman niyang minsang pinag-usapan ng nanay at ni Aling Edith at nagpresenta siya agad-agad. Taghirap din ang buhay nila, malaking tulong sa pamilya na mag-working student siya. At least, dalawa na lang ng aalalahanin ng mga magulang. Isa pa, malapit na siyang mag-college. Pangarap niya na makapagtapos naman sa isang magandang eskwelahan. Ito ang naiisip niyang paraan. Kapag nanatili siya sa kanila, malamang ay hindi niya matutupad ang mga nakalista sa notebook niya. Makapagtapos ng nursing. Maipagpatayo ng bahay ang mga magulang. Masuportahan ang mga kapatid sa pag-aaral. Matubos ang nakasanla nilang lupain sa tiyahin noong nagkasakit ang tatay niya sa bato. Puno siya ng mga pangarap hindi lang para sa sarili kundi para sa pamilya lalo pa. Mahirap ang malayo sa pamilya pero knakailangan. Hindi naman siya ganoon katalino at hindi siya kampante na makakapasa sa scholarship na kukunin niya pero susubok pa rin siya. Iilang taon lang naman na malalayo siya. Malapit lang naman ang sa kanila at maaari siyang umuwi kapag may pagkakataon. “Edith, itong panganay ko ha, ikaw na ang bahala.” “Oo naman, Eve.” Wala na, umiiyak na naman ang nanay niya habang inihahabilin siya sa kaibigan nito. Heavy drama talaga itong nanay niya. “Tingnan mo iyang nanay mo, kapag nandito ka binubungangaan ka at madalas sabihing kalian ka lalayas, ngayong aalis ka naman, hayan, at hindi maubus-ubos ang luha.” Inilubog niya ang mukha sa katawan ng Tatay Efren niya. “Hayaan ho ninyo, Tay. Pansamantala lang naman ito. Kailangan kong magsumikap. Kapag tapos na ako, matutubos na natin ang nakasanla nating lupain kay Tiya Lore at tutulungan ko kayong mapag-aral ang mga kapatid ko.” Itinaas ng tatay niya ang kanyang baba at tinitigan ng tuwid sa mga mata. “Hindi naman namin iniaasa ang lahat sa’yo, anak. Hayaan mo, mahahanapan din natin ng paraan para makuha ulit iyon.” Yumakap siya sa ama. “Tay, pamilya tayo. Kapag pamilya, dapat sama-sama kahit sa problema.” Humugot ng malalim na buntung-hininga ang tatay niya. Alam niyang sinisikap nitong huwag mag-breakdwon pero naiiyak na ito. “Mami-miss kita, anak.” “Mami-miss ko rin kayo, Tay.” Halos hindi matapos ang paalaman. Hanggang sa makaalis ang bus sa sakayan ay nanatili ang mga magulang niya. Hatid siya ng tanaw ng mga ito at sigurado siyang pagdating ng bahay, bubuhos na naman ang luha ng nanay niya. Napahawak siya sa maliit na sling bag na gawa sa pandan. Madalian iyong ginawa ng tatay niya para may bagay naman daw siyang mabibtbit na magpapaalala sa kanya sa pamilya niya. naninikip ang dibdib niya habang hinahaplos iyon. Kanina ngingiti-ngiti siya pero sa totoo lang natatakot siyang mapalayo. Lumingon siya sa likuran. Pilit niyang inaaninag ang imahe ng mga magulang na ngayon ay gabutil na lang sa liit. “Hamo, Nina, mabait ang magiging amo mo.” *** Nalula siya sa nakikita sa paligid. Ibang-iba sa Luisiana na pinanggalingan niya. Madalas naman siyang nakakapanood ng palabas sa TV pero iba pa rin talaga kapag personal na nakikita. Naiignorante siya sa mga matataas at modernong mga gusali. Hindi niya maiwasang huwag tumingla nang may pagkamangha sa mukha. “Dito tayo, Nina.” Si Aling Edith, tinupad talaga ang pangako sa nanay niya na hindi siya pababayaan. Kanina pa ito hawak nang hawak sa kanya, parang natatakot na mawala siya. Kung siya lang talagang mag-isa, malamang na nawala na siya. Ibang gubat ang kinaroroonan niya. Malayong-malayo sa nakalakhang isang sitio ng Luisiana. Pumara ng taxi si Aling Edith. “Hindi ba tayo magdyi-jeep, Aling Edith?” Natawa si Aling Edith. “May sapat na pamasahe na ibinigay si Ma’am Carla para sa pamasahe. Huwag kang mag-alala.” Ipinagpalagay niya ang loob at pinagkasyang tumitig sa labas ng bintana. Gusto niyang kabisaduhin ang bawat sulok na nararaanan nila. Dapat maging alerto at wais siya at wala siyang ibang kakilalang aasahan dito. Huminto ang sinasakyan sa tapat ng isang matayog na building na malaking bahagi ay gawa sa salamin. High-end condominium daw ang tawag dito. ‘Ilang palapag kaya ito?’ Ang liit-liit niya kumpara sa mataas na gusali. Nagbabayad si Aling Edith sa taxi habang nakatingala naman siya. Nasisilaw ang mga mata niya nang mapasagi ang mga mata sa bahaging nasisinagan ng araw. Napapikit siya at may nasagi sa kanyang tagiliran. Babae at lalaking halos magdikit na ang mga katawan sa sobrang lapit. Naghahalikan na halos. “Bax, you really can’t wait, you monster.” Napangiwi siya. Ang landi naman ng boses ng babae at halos litaw na ang kaluluwa nito sa suot. Mag-asawa? Grabe naman kasing PDA. ‘Yong matangkad na lalaki namang kasama ay hindi ba nahihiya na may mga nakatingin na sa mga ito? isa na nga siya roon. Certified marites lang ang peg niya. “Halika na, Nina.” Sa wakas, natapos din ang tsikahan nina Aling Edith at ng driver na kakilala pala nito. Habang humahakbang siya sa maputing malalapad na tiles ay hindi niya maiwasang mamangha. Ang gara naman ng tinitirhan ng magiging amo niya. Unang beses na makasakay siya ng elevator kaya ganoon na lang ang pagkalula niya. Hindi naman siya claustrophobic pero pakiramdam niya ay halos hindi siya makahinga. Nakakapanibago. Ang ginagawa niya na lang ay ang hawakan nang mariin ang handle ng travelling bag na bitbit. May pinindot si Aling Edith sa pader kung saan may iba’t-ibang keys. Ilang saglit pa ay umaangat na sila habang papalit-palit ang neon-colored numbers na nakikita niya. “Twenty-one na po?” manghang tanong niya na napalingon pa kay Aling Edith. “Oo, nasa ika twnty-five na palapag ang pupuntahan natin.” “Twenty-five?!” Namamanghang binilang-bilang niya ang mga daliri. Sa isip ay kinuwenta kung gaano kataas iyon. Mahilig siyang umakyat-akyat sa mga puno sa bukid nila at hindi iyon lumalampas sa daan-daang feet. Ilang feet ba mula sa lupa ang kinaroroonan? Naku! Parang nasusuka siya sa naiisip. Pagbukas ng elevator door ay halos hilahin pa siya ni Aling Edith palabas. Ang tahimik ng hallway na nilabasan nila. Bawat pintuang kanyang nakikita at may nakadikit na mga numero sa metallic na letra. Pati pintuan yata ay napakaganda at modern ng disenyo. “May kapitbahay nga, Aling Edith, hindi mo naman nakakausap at nakikita.” Natawa na lang si Aling Edith sa sinabi niya. “Iba sa atin, Nina.” Isang pintuan ang hinintuan nila. Ang gara at card lang ang ginamit ni Aling Edith para mabuksan iyon. Tumambad sa kanya ang magarang sala na tila yata walang umuupo o naglalagi. Kumpleto sa kagamitan sa loob. “Halika na, ihahatid kita sa silid mo.” Dinala siya ni Aling edith sa magiging silid niya, malapit iyon sa kusina at sa laundry. Maalwan ang silid at kutson ang higaan. Wala nga lang siyng view dahil pader ang nakapalibot sa kanya. May dalawang electric fans na nasa silid. May maayos na cabinet. “Ang CR ay nasa kusina na. dalawang silid lang dito ang may banyo.” Pagpapatuloy ni Aling Edith sa pagpapaliwanag. Nang matapos sila sa paglilipat ng mga gamit niya, lumabas na sila para hintayin daw ang amo niya. ilang sandali lang naman at may pumasok na dalawang babae. “So, this is Nina?” Mukhang mabait ang bukas ng mukha ng dalawang babae. Halatang sosyal pero mababait naman. Magalang niyang binati ang mga ito. “I am Carla and this is Karen, my sister.” Sinaulo niya ang mga pangalan. Dapat kabisado niya. Ipinaliwanag ni Ma’am Carla sa kanya ang mga gawain niya habang sina Aling Edith at Ma’am Karen ay abala sa paghahanda sa kusina. Para sa kanila pala ang meryendang inihanda ng mga ito. Pinagsaluhan nila ang carbonara. Pinilit niya nga lang kumain kahit hindi niya gusto. Nakakahiya sa mga amo. “I hope magtagal ka sa akin, Nina.” Talagang magtatagal siya. Ngayon pa lang kasi, love na love na niya ang mga ito. Lumipas ang ilang buwan at naging okay ang kalagayan niya. Hindi nagbago ng kabaitan si Ma’am Carla. Nalaman niyang isa itong accountant at ang asawa naman ay surgeon sa ibang bansa. Si Ma’am Carla ang mismong nag-enroll sa kanya sa pinakamalapit na public shool. Morning shift ang klase niya kaya madalas, sa hapon niya mas napagtutuunan ng pansin ang mga gawaing bahay. Konti lang naman ang mga gawain. Nakukulangan pa nga siya kaya madalas ay lagi niyang isinasali sa paglilinis ang labas ng unit nila. Tinatawanan na nga siya ng maintenance kapag naaabutan siya nitong naglilinis. “Hay! May upos na naman ng sigarilyo.” Parang nangangati ang utak niya kada makakita siya ng upos ng sigarilyo sa kapitbahay nila. Ilang beses na. Winalis niya iyon patungo sa hawak na dustpan. Pabalik na siya sa unit nang may maulinigang mga kaluskos. Napamulagat ang mga mata niya nang matanaw kung saan galing ang mga iyon. Ang may-ari ng katabing unit, may bitbit na namang babae. Ibang babae na naman. Naghahalikan nang walang habas kahit nasa hallway pa. “Mga eskandaloso talaga.” Sa loob ng apat na buwan na naging gamay niya ang lahat, kasama niyang nakasanayan ay ang makita ang paiba-ibang babae na dinadala ng kapitbahay nila. Hindi niya pa talaga tahasang nakikita ang hitsura ng lalaki pero, sa tingin niya, pogi ito. Nahuhumaling ang mga babae rito, eh. Pawang sexy at magaganda ang dinadala. Napanguso siya. Bakit naman niya pag-aaksayahan ng panahon ang mga iyon. Tuluyan siyang pumanhik sa unit at nagsimulang maghanda para sa hapunan. Kakaluto niya pa lang ng tinolang manok nang dumating naman si Ma’am Carla. Kaagad niya itong dinulutan ng kape. Parte na iyon ng kanyang routine na sa tuwina ay nakapagpapangiti rito. “Ma’am Carla, gusto ninyo po ng masahe?” “Thank you, Nina, but come here, take a seat.” Ginagap nito ang palad niya at tinitigan siya ng tuwid sa mga mata. Iba yata ang epekto ng biglaang pagiging ganito ng mabait na amo. Kinakabahan siya. Mukhang may masakit na sasabihin ang amo sa kanya. “I am so thankful that you are with me, Nina,” panimula ni Ma’am Carla mas nagpakaba sa kanya. “But my papers are already approved. Susunod na ako sa asawa ko sa US.” Parang nalaglag ang mga balikat niya sa narinig. Naiiyak siya hindi pa man. Problemado ang mukhang napatitig siya rito. “Isosoli mo na po ba ako sa amin, Ma’am Carla?” Hindi niya naitago ang lungkot at ang pangingilid ng mga luha. “No, no. Hinanapan ka namin ni Ate Karen mo ng magiging bago mong amo.” Bagong amo. Mag-a-adjust na naman siya. Baka mamaya, masasama ang mga ugali at maltratuhin siya. Pamilya ang turing sa kanya ni Ma’am Carla at kung papipiliin, dito niya gustong magtagal. “Gusto ko po dito sa inyo, Ma’am Carla.” Naiiyak na sumugod siya ng yakap sa mabait na amo. “Don’t you worry, Nina. Mababait ang mga magiging bago mong amo.” “Sino po ba sila?” “Jacob at Aiah. ‘Yon ang mga pangalan nila.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD