06

2478 Words
Chapter 6 3rd Person's POV; "Wahh! Sorry Irie! Nawala ka sa isip ko kagabi nakalimutan ko na kasama kita. " bungad ni Ayen bago niyakap ang binata matapos makalabas ang lalaki sa classroom. "Ayos lang iyon. Anniversary niyo kagabi. " sagot ni Irie habang naglalakad. "Hahabulin sana kita kagabi pero sabi ni Agasse kasama mo daw si Janus hihi kaya hindi na kita hinanap. " ani ni Ayen bago niyakap ang braso ng binata. "Hihi kamusta kayo ni Janus? Any improvement? " "What's that face, Ayen. Hindi ka naman siguro nag eexpect na may kababalaghan na mangyayari diba? " "Kyaah! Ohmygod Irie! Hindi ganu'n improvement ang iniisip ko hehe. " awkward na sambit ni Ayen habang kinakamot ang pisngi. "Mahaba pa yata ang pila sa cafeteria mag antay muna tayo sandali para mabawas- bawasan ang tao. " pag iiba ni Irie. "Ihh iniiba mo ang topic, paanong wala diba pumupunta sa dorm mo si Janus? " bulong ni Ayen nang makarating sila sa tambayan nila. "Pumupunta lang siya du'n para magkape. " balewala na sagot ni Irie na kinatingin ni Ayen. "Kailan pa nahilig sa kape si Janus? " nagtataka na tanong ni Ayen. Kasalukuyan nag uusap ang dalawa nang may dalawang alpha at omega ang lumapit sa kanila. "Hi Ayen. " Napaangat ng tingin ang dalawang omega nang may mag abot sa binata na lunch box at bulaklak. "Alam namin na hindi ka pa nag lulunch kaya binilhan ka namin sa cafeteria. " "Ow, no thanks actually papunta na kami duon para bumili ng sa amin. " ani ni Ayen bago kinuha ang mga gamit at hawakan si Irie. "Teka lang kabastusan naman yata na hindi mo 'man lang kuhanin ang binibigay ko na bulaklak. " "Bonded na si Ayen kaya tigilan niyo na siya. " asar na sambit ni Irie bago inalis ang kamay ng isa sa mga alpha na nakahawak sa kamay ng kaibigan. "Wag ka nga mangialam dito! As if naman magkakainteres kami sa iyo. " "Patawa ka ba? Kahit ganito ang tyura ko kay taste ako. Ayoko sa mababahong aso na katulad niyo." "Gosh. " react ni Ayen bago proud na pumalakpak habang nasa likod ni Irie. "Aba't putangina ka pala eh! Ang tapang mo! Omega ka lang naman na walang pheromones! " Hindi nakaimik si Irie lalo na at dumami na ang mga estudyante sa paligid na natatawa dahil sa ginawang panlalait ng mga kilalang alpha sa engineering department. "Wala kang karapat na sabihin iyan! Hindi mo kilala ang---. " Tinakpan ni Irie ang bibig ni Ayen bago bahagyang umatras at umiling. "Kung tapos na kayo aalis na kami. " paalam ni Irie bago hinawakan si Ayen. "Anyway, may pheromones ako. Hindi lang nagrereact sa mga aso na alam lang ay tumahol. " ani ni Irie na kinatahimik ng lahat. "Anong sabi mo?! " sigaw ng alpha bago hinabol si Irie at iniharap sa kanya. "Irie! Bitawan niyo siya! " sigaw ni Ayen ng hawakan si Irie ng dalawang lalaki. "Ayoko talaga sa mabababang uri na katulad mo. Mas mababa ka pa sa omega pero ang talas ng tabas ng dila mo. " ani ng lalaki na sinabunutan si Irie at inangat ang mukha. "Oh my, hindi ko iniexpect na may maamo kang mukha na nakatago. " "Arghh! " sigaw ng lalaki matapos iuntog ni Irie ang ulo sa nguso ng binata. "Alam ko iyon pero hindi ako papayag na dapuan ng madumi mong kamay ang mukha ko. " "Irie! " sigaw ni Ayen bago hinampas ng baseball bat ang isa sa may hawak kay Irie na nadampot niya kung saan. "Ohmygod!" react ni Ayen matapos masira ang baseball bat at hindi 'man lang nagalusan ang hinampas niya. "Oh uh. " ani ni Ayen ng makita ang sobrang sama ng tingin ng tatlong estudyante. Nagsimula na din lumayo ang mga nakikiusyoso na mga estudyante dahil sa maaring mangyari once na maglabas ng pheromones ang tatlo. "Ayen! " sigaw ni Irie at tatakbo sila ng harangan sila ng isa sa tatlo. "Mga omega lang kayo pero ang tapang niyo. Para kayong mga kuneho na nasa teritoryo ng mga lobo pero imbis tumakbo nagawa niyo pang makipaglaro. " "Nakukuha mo na ang interes ko alam mo ba? " "Irie! " sigaw ni Ayen ng hablutin ng lalaki ang panga ng kaibigan na pilit siyang tinatago sa likuran. "Hey beautiful dito ka sa akin. " "Bitawan niyo ang kaibigan ko! " sigaw ni Irie hanggang sa napatigil ito ng maramdaman ang pheromones ng lalaking nasa harapan. Nawalan ng kulay si Irie dahil sa bahagyang pagbaliktad ng sikmura ng lalaki dahil sa pheromones. "Oy. " Napatigil ang mga estudyante na nakikiusyoso at ang tatlong lalaki ng may apat na lalaki ang dumating. "Mukhang maling mga kuneho 'yata ang nahuli niyo. " ani ni Eros habang natatawa na tinuro ang dalawang omega. "Hindi ako makapaniwala na may mga putangina pa lang nag eexist na tao ang hahawak sa pag mamay ari ko. " ani ni Agasse bago nakapamulsahan na tumigil at nag angat ng tingin. "Alam mo ba na ang lalaking hinahawakan mo lang na parang pusa ay hinintay ko ng mahabang panahon at tinuring kong reyana. Ni hindi ko 'yan napagbuhatan ng kamay tapos hahawakan niyo lang na parang humihila kayo ng basura. " "H-Holyshit ang Jeya. " "Sa paanong paraan niyo gusto mamatay?" tanong ni Janus na kinaputla ng lahat lalo na ng mag angat ng tingin si Janus at tumawa. Sa nangyari na iyon nagtakbuhan paalis lahat ng estudyante kahit ang ilang teachers na lalapit dapat sa field. "Uh oh. " ani ni Eros habang nakatakip ang bibig at pekeng nag aalala. "Great, wala na akong magagawa diyan. " kibit balikat na sambit ni Yamir dahil sa reality na wala na siyang magagawa matapos mag iba ang Timpla ng dalawang dominant alpha. Napaatras ang tatlong lalaki at lalapit sina Janus ng humarang si Irie habang nakatakip ang ilong gamit ang likod ng palad. "M-Malakas ang pheromones niyo." ani ni Irie matapos tingnan si Evan na bahagyang niyukom ang kamao at pumikit ng madiin. Napigilan ni Evan ang pheromones at lumapit kina Ayen pero bago pa makatakbo ang tatlo. Bumagsak si Irie ng may pisilin si Janus sa leeg ng binata. Magsasalita si Ayen ng ganu'n din ang ginawa ni Agasse nang mawala sa kanya ang pansin ng kasintahan. "Pasensya na pero hindi ito ang uri ng kasalanan na dapat pinalalampas. " walang emosyon na sambit ni Janus matapos makita ang dugo sa gilid ng labi ni Irie. Pinunasan iyon ng lalaki gamit ang daliri bago bahagyang dinilaan at tiningnan ang mga lalaki na hinarangan nina Eros. Naglabas ng pheromones ang tatlong alpha pero natawa lang si Janus at tiningnan ang tatlong lalaki. Napaluhod ang tatlo at napahawak sa ulo ng may kung anong malakas na pwersa ang bumalot sa field. "Tama na Janus, alam kong hindi mo gugustuhin na bumalik pa sa Australia lalo na at nahanap mo na ang mate mo. " pigil ni Yamir matapos tapikin ng mahina si Janus na nakaluhod sa sahig at sa nga bisig niya ang binata na kasalukuyang natutulog. Sunod-sunod napaubo ang tatlo at napadapa sa sahig ng mawala ang pwersa. Matapos tumayo ni Janus buhat ang lalaki naglakad na ito palayo kasunod si Agasse na buhat din ang kasintahan. "Ano ng gagawin natin sa tatlo na ito? " tanong ni Eros bago ituro ang tatlo na nakasalampak sa sahig. "Dating gawi. Magdadala tayo ng mga tuta sa basement. " nakangisi na sambit ni Yamir matapos humakbang palapit sa tatlong lalaki na nanduon at inangat ang mukha ng binata na pilit na bumabangon. "Except sa lalaking ito. " nakangising sambit ni Yamir. "F-f**k off. " nahihirapan na sambit ng binata bago dinuruan sa mukha si Yamir. "Whoa, mukhang matigas ang aso na iyan. Hindi man lang nawalan ng malay matapos ang ginawa ni Janus dinuruan ka pa. " may pang aasar na sambit ni Eros na kinangisi ni Yamir. "Interesting huh? " ani ni Yamir bago pinunasan ang pisngi gamit ang likod ng palad. "Ikaw na bahala diyan sa alaga mo. " ani ni Eros bago hinawakan ang kwelyo ng dalawang lalaki at kinaladkad. "Hindi mo ba naalala ang warning ko sayo last time?" ani ni Yamir bago yumuko at hinawakan ang buhok ng lalaki. "Pag nagkita tayo ulit hindi kana makakaalis. " "P-Putangina k-ka sa tingin m-mo natatakot a-ako sa iyo. " nanghihina na bulong ng binata matapos iangat ni Yamir ang mukha niya. "Ginagawa mo lang kumplikado ang lahat sa buhay mo. " "Alam mo ba na sobra ang ganda mo para maging alpha?" "Arghh! " daing ng lalaki ng hilahin pa ng binata ang buhok niya. Mumurahin niya ulit ang lalaki ng parang nilipad sa hangin ang sasabihin ng binata matapos siya halikan ng marahas ni Yamir. -- "Arghh! " daing ni Irie matapos siya magising sa isang kwarto. Matapos bumangon hinawakan nito ang sariling ulo at hinilot. "Anong nangyari? " tanong ni Ayen matapos magising sa tabi ni Irie at nagtataka na ginala ang paningin sa paligid. "Binago pala ulit nina Yamir ang theme ng private room. " "Seriously? Iyan pa talaga ang naisip mo? Hindi mo ba naalala kanina? Hinarang tayo ng mga alpha at nawalan tayo ng malay. " "As far as i know dumating sina Agasse. Kaya hindi mo na kailangan mag alala. " ani ni Ayen bago humiga at tumagilid para harapin si Irie na hinihilot ang sentido. "Sana kasing tapang mo din ako." ani ni Ayen na kinatingin ng binata. "What do you mean? " "Hindi ka natatakot sa mga alpha," "Omega ako at alam mo na imposible na magkaroon ako ng laban sa kanila." "In reality yeah, pero para sa isang omega napakatapang mo talaga." "Buong buhay ko dinadown ako dahil sa isa akong walang silbi na omega. Kung hindi ako lalaban at itutulak ang sarili ko para bumangon hindi ako aabot ng 20 years sa ganitong mundo." "Hindi ako matapang, wala lang talaga ako pagpipilian. " ani ni Irie bago ngumiti. "Natatakot din ako, pero wala akong malapitan para sabihin na natatakot ako. " "Wag ka ng malungkot Irie. " ani ni Ayen bago bumangon at hinawakan ang kamay ni Irie. "Hindi kana nag iisa okay? Mula ngayon magkapatid na tayong dalawa. Siyempre mas matanda ka at kuya na kita. " ani ni Ayen na kinangiti ni Irie bago ginulo ang buhok ni Ayen. "Salamat pala, nakita kita. Akala ko kanina umalis kana." "Hindi 'yung mangyayari. Hindi kita iiwan, kahit wala naman talaga ako ginawa. Hindi naman yata nasaktan 'yung lalaki 'nung hinampas ko siya ng baseball bat. " Parehong natawa ang dalawang omega ng marealize na masyado na silang takaw sa gulo at nagagawa nilang makipag away sa mga alpha ng University. "Anong ginagawa niyo diyan na dalawa? " tanong ni Eros ng makita si Janus at Agasse na nakatayo lang sa labas ng pinto ng kwarto. "Bad influence masyado ang mate ni Janus, iniisip ko lang kung paano palalayuin si Ayen kay Irie. " ani ni Agasse na may pagkadisgusto sa boses. "Patawa ka Agasse, para ka din naman si Ayen. Nag sstick ka rin naman kay Janus diba?" ani ni Eros na kinagusot ng mukha ni Agasse. Dahil sa reality na nakikita niya nga ang relationship nina Irie at Ayen sa kanilang dalawa ni Janus. "Hmm, mukhang kailangan ko ng sanayin ang sarili ko para tawagin kang kuya. " "Kuya? Hindi na masama. Pero hindi talaga tayo mapagkakamalan na magkapatid." "At bakit naman? " "Hindi ka ba tumitingin sa salamin? Ang ganda mo. " "Maganda ba talaga ako? " "Ha? May pagdududa ka pa sa lagay na iyan? " "Siguro hindi na ako magdududa pag sinabihan na ako ni Agasse na maganda. " "Halos lahat sinasabi ng kilala ko, sinasabi na maganda ako. They all praising my beauty what i have. Kahit sina Eros sinabi maganda daw ako except kay Agasse. " "Kung alam mo lang 'nung unang pagkikita namin sinabihan niya ako ng panget. " "Whoa totoo 'yun Agasse? " hindi makapaniwala na bulong ni Eros na kinatikhim ng binata. "Sinabihan ka din ni Evan ng maganda? " tanong ni Irie na kinatingin ni Ayen. "Waah kuya! Ang point dito sinabihan ako ng panget ni Agasse pero bakit nasama ang pangalan ni Janus. " "Na curious lang ako. " akward na sambit ni Irie habang kinakamot ang pisngi at nakatingin kung saan. "Hihi joke lang kuya, " ani ni Ayane bago nilagay ang kamay sa baba niya at bahagyang nag iisip. "Let me guess, inismiran niya ako 'nung first encounter namin." "Hindi 'yun basta na aattract sa magagandang omega. Duhh sa mukha ng kupal na 'yun kung sa ganda lang yun naa attract siguradong marami ng girlfriend 'yun. " "Yeah, halata naman. Sila yung tipong hindi mo akalain na pihikan." ani ni Irie na kinatawa ni Ayen. "Kuya sa tingin ko talaga may tinatago kang ganda, tinatago mo lang diyan sa buhok mo. Imean ang pangit ng hairstyle and fashion sense mo. " "Konti na lang talaga aakalain ko ng nasa likod ang mukha mo." ani ni Ayen na kinatawa ni Irie. "Hihi Kuya imake over kaya kita sigurad---. " "Yan ang wag mong gagawin. Magagalit talaga ako sayo. " ani ni Irie na kinasimangot ni Ayen. "Fine hindi na, gusto ko lang naman patunayan na maganda ka din naman. " "Hindi ko kailangan 'nan. " "Duhh kailangan mo 'yun specially nag eexist na ang mate mo. Sa physical feature ni Janus kailangan mo ng confident, kung alam mo lang kung ilang beta at omega ang umaaligid sa kanya. Kailangan mo din makipagsabayan. " "Tss wala akong pakialam kung ilang beta at omega ang maghabol sa kanya. " sagot ni Irie. "Eros magluto kana nagugutom na ako. " walang buhay na sambit ni Janus bago umalis duon at umupo sa pang isahan na sofa. "Teka bakit ako? Toka mo ngayon diba? " apila ni Eros. "Ayos lang naman siguro kung mawala ang kalahati sa floor natin na ito diba?" tanong ni Janus na kinasapo ni Eros sa noo. "Fine, fine ako na magluluto. " "Putangina, single ako pero nawawala din ako sa mood." bubulong-bulong na sambit ni Eros hanggang sa napatigil ito ng maalala ang nakitang sanggol sa hospital. "Agasse. " tawag ni Eros bago sumilip sa hospital. "May balita na ba about duon sa baby na napulot natin sa studio? " tanong ni Eros kay Agasse. "Wala pa," "Pupunta pala ako mamaya ng ospital nagpaalam na ako sa dea---. " "Ako na ang pupunta! Kukuha ng suppressant para kina Janus diba? " mabilis na putol ni Eros na kinatingin ni Agasse. "Bahala ka, inform mo lang ang dean kung kailan ka pupunta. " "Hindi din naman maganda ang idea na iiwan ko si Ayen dito. " pokerface na sambit ni Agasse matapos ang nangyari kanina. Wala pang ilang sampung minuto nawawala ang kasintahan sa paningin niya nakagawa na agad ng gulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD