05

2179 Words
Chapter 5 Irie Marquess's POV; Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang inaantay na matapos ang klase. Ilang araw na din ang lumipas matapos ko makilala si Ayen. Hindi na ako gaanong binubully pero anduon pa din ang death threats at palala iyon ng palala. Wala naman akong pakialam as long as hindi ako nasasaktan pero hindi ko maiwasan isipin na ang dahilan lang ay dahil nagkakaroon ako ng koneksyon sa Jeya dahil kay Ayen. Napabuga ako ng hangin dahil sa idea na baka ipasalvage na talaga ako ng mga estudyante na nandito pag nalaman nila na tuwing gabi inaakyat ng isa sa Jeya ang balcony ko. 'Hindi talaga ako makapaniwala.' ani ko sa sarili matapos pumasok sa isip ko si Evan. Kahit wala akong gaanong alam sa mate at sinasabi ni Ayen. Aware ako sa lifestyle ng isang alpha. May needs sila at kagabi nakapag labas ako ng sobrang pheromones pero wala siyang ginawa na kahit ano. Matapos niya magkape walang salita na umalis si Evan at tumalon mula sa balcony. Hinabol ko siya kaya nakita ko na nag dark red ang pheromones ni Evan ng makalayo ito sa building. 'Piniglan niya ang sarili niya. ' "Irie!" "Ahh! " Sigaw ko matapos may bumangga sa akin na dahilan para bumagsak kami sa sahig kasabay ng ilang gamit ko na nasa lamesa. "Ayen! Anak ng tokwa ang sakit bakit---. " "Waah! Irie! Sinigawan ako ni Agasse tapos pinaalis niya ako sa kwarto namin huk." Iyak ni Ayen habang nakapatong sa akin at umiiyak. Nanlaki ang mata ko bago pilit na bumangon habang hawak ang likod ng ulo ko. Dahil sa naririnig kong bulungan hinila ko pa tayo si Ayen at kinuha ang mga gamit ko. Hindi ko na inabalang ayusin ang upuan ko at hinila palabas si Ayen. Sa sobrang lutang ko yata hindi ko na napansin na tapos na ang klase namin at hindi ko napansin ang pagdating ni Ayen na ngayon ay parang bata na umiiyak. "Pupunta tayo sa tahimik na lugar, wag ka muna gaanong umiyak dahil nakakaagaw tayo ng pansin. " -- Nang medyo kumalma na si Ayen makalipas ang ilang minuto namin na pananatili sa bench. Binigyan ko ng tubig si Ayen na agad niya naman ininom habang sinisinok. 'Sana lahat maganda pa din kahit umiiyak. ' "Ano ba kasi nangyari? " tanong ko kay Ayen bago umupo sa tabi niya at tumingin sa mga estudyante na nasa field. "K-Kasi huk sinigawan ako ni Agasse tapos huk pinaalis niya ako ng dorm." umiiyak na sambit ni Agasse na kinatingin ko. "Bakit ka sinigawan? " "K-Kasi anniversary namin ngayon tapos gusto ko siya ipagluto ng breakfast. Nasunog ang kusina namin dahil hindi naman talaga ako marunong magluto huk. Mas mahal niya pa ang kusina niya kaysa sa akin. " "Hindi kaya nag ooverthink ka lang? " "Hindi! Sinigawan niya talaga ako huk gusto ko lang naman siya ipagluto. " "How about kausapin mo siya? " "Ayoko! Hindi ko siya kakausapin. Galit ako sa kanya. " umiiyak na sambit ni Ayen na kinakamot ko sa ulo. "Wait diba sabi mo anniversary niyo? Naghahanap ka ba ng panregalo? Marunong ako gumawa ng wood sculpture pwede kita turuan. Since hindi naman din ako marunong magluto." "Hindi ko na siya bibigyan ng gift! Ayoko na mag effort. " humihikbi na sambit ni Ayen. Hindi ako umimik dahil mukhang nasaktan talaga si Ayen sa pagsigaw sa kanya ng boyfriend niya. "Pero sa tingin mo magugustuhan niya iyon? " ani ni Ayen bago ako inosenteng tiningnan at pinupunasan ang pisngi. Natawa ako ng mahina bago tiningnan si Ayen. "Hindi ko alam kung magugustuhan iyon ng boyfriend mo pero siguro pag ikaw ang gumawa magugustuhan niya. " nakangiti na sambit ko. 3rd Person's POV; Kalahating araw hindi pumasok si Ayen at Irie nanatili sila sa art room. "Ang hirap naman ng wood crafting. " reklamo ni Ayen habang hinihilot ang palad at daliri. "First time mo kasi kaya talagang mahirap." ani ni Irie bago tiningnan si Ayen. Natawa ang binata sa idea na ilang beses na ito nagreklamo pero hindi pa din ito tumigil sa pag gawa. Tahimik lang ang dalawa habang nag ka cut at inuukit ang mga hawak na kahoy. Habang nagawa nakangiti na pinakita ni Irie ang nagawa niya na aso kay Ayen. "Wow! Ang ganda. Pero pamilyar sa akin 'yung eyes niya. " Matapos kasi ukitin iyon ni Irie agad itong kinulayan ng binata. "Gusto mo tulungan na kita diyan? " tanong ni Irie habang pinapatuyo ang ulo ng aso. "Kaya ko na ito," humahagikhik na sambit ni Ayen habang gumagawa ng mini version ng boyfriend niya. "Janus kanina ka pa namin hinahanap, " ani ni Eros matapos makita ang binata na nasa likod na bahagi ng art club. "Nakita mo na ba si Ayen? Mabaliw-baliw na kahahanap si Agasse. " ani ni Eros. Hindi umimik si Janus bago binigyan ng pansin ang mga tao na nasa loob. Kumunot ang noo ni Eros dahil sa curiousity sumilip ito sa bintana at nakita ang dalawa na omega. "Nakita mo na sila pero hindi mo sinabi kay Agasse. " bulong ni Eros. "Hindi mo naman siguro balak istorbohin ang ginagawang effort ni Ayen diba? " bored na sambit ni Janus na kinakamot ng binata sa ulo. Matapos tumayo ng ayos ni Eros napabuga ito ng hangin bago humakbang paalis. "Ikaw muna sa dalawa na iyan. Tutulungan ko lang si Yamir na pigilan si Agasse na lumabas ng private room. " Hindi gugustuhin ni Eros na sirain ang surprise ni Ayen lalo na at sa unang pagkakataon nakita niya ang batang omega na desidido. Inabot ng ilang oras sina Irie at Ayen hanggang sa makaabot sila ng gabi. Tuwang tuwa na tinaas ni Ayen ang ginawa niya na mini version ng kasintahan. "Gosh! Irie nagawa ko! " tuwang-tuwa na sambit ni Ayen matapos tumayo at nagtatalon habang yakap ang pinaghirapan niya na regalo para sa kasintahan. "Hindi na masama para sa first time. " ani ni Irie bago tumayo at sinilip ang ginawa ni Ayen. "Pero sa tingin mo magugustuhan niya? " "Wala akong naging boyfriend/ Girlfriend kaya wala akong idea kung paano nag ro-roll ang relationship pero pag mahal mo ang gumawa at nag effort kahit bigyan mo lang siya ng bato sigurado na matutuwa ang pagbibigyan mo." "Mukha naman tao 'yang ginawa mo medyo kailangan lang natin ipolish ang mukha ng mini version ng boyfriend mo." "Sa susunod tuturuan kita kung paano pero sa ngayon puntahan mo na ang boyfriend mo dahil gabi na. " ani ni Irie na kinalaki ng mata ni Ayen. "Ohmygod! Gabi na! Anong oras na sigurado mas lalong magagalit sa akin si Agasse. " taranta na sambit ni Ayen bago kinuha ang bag at tiningnan ang phone. "Shoot! 8pm na. " ani ni Ayen bago nanghihina na napaupo sa sahig. "Maiintindihan ka naman niya siguro pag sinabi mo na nasa art room ka. " "Paano? Pag galit iyon hindi siya nakikinig sa akin. " sagot ni Ayen bago tingnan si Irie. "Pwede mo ba ako samahan? Pag pinaalis niya ulit ako sa dorm mo muna ako matutulog. " nangingilid ang luha na sambit ni Ayen. "Ano ka ba? Sasamahan naman talaga kita. Ang kayo ng building mo dito at nag aalala din ako sa iyo. " "Tara na. " ani ni Irie bago inalalayan si Ayen. Para niya ng kapatid ang binata at hindi niya ito pagbabayaan mag isa. Dahil sa wala ng klase iilan na lang ang mga nasa labas para siguro bumili ng dinner. Hindi nagsasalita si Ayen at nanlalamig habang hawak si Irie. "Ayen sinasaktan ka ba ng boyfriend mo pag galit siya? " nag aalala na tanong ni Irie matapos maramdaman ang malamig na kamay ni Ayen sa mga braso niya. Umiling si Ayen na kinabuga ng hangin ni Irie. "Yu'ng totoo Ayen? Sinasaktan ka ba niya? " ani ni Irie na kinayuko ni Ayen. "Mas gusto ko pa na saktan niya ako pag galit na galit siya, actually. " sagot ni Ayen na kinakunot noo ni Irie. "Hindi maiiwasan sa relasyon ang pag aaway, hindi ito ang unang pagkakataon na sinigawan niya ako. Mild pa lang ang galit niya pero pag sobra na ang galit niya mas gusto ko na suntukin niya na lang ako. " "Hindi ko maintindihan, hindi ka niya sinasaktan pero parang takot na takot ka. " Hindi umimik si Ayen kaya tumihamik na lang din si Irie. Matapos malaman na halos kalahating araw na pala siya wala sa tabi ng boyfriend niya nawala ang Ayen na masayahin na laging kumukulit sa kanya. Habang naglalakad hindi maiwasan humanga ni Irie matapos siya makarating sa building na hanggang 3rd floor lang malayo sa iba pang bulding. Pumasok sila duon at umakyat sa hagdan. Gawa sa mwebles ang bawat parte ng building at sa pagkawari ni Irie mga bigating estudyante ang mga nag sstay sa building. Matapos nila makarating ng 3rd floor puno ng kaba na binuksan ni Ayen ang pinto. Parang napako si Irie sa kinatatayuan matapos makita na daig pa tinamaan ng bagyo ang malawak na kwarto. Basag na mga gamit at sirang mga upuan, bukas ang lahat ng bintana at kung hindi bukas iyon tapos binuksan nila ang pinto bumagsak na si Irie at Ayen dahil sa pheromones na nagkalat sa paligid. "Ayen! " Irie Marquess's POV; Hindi ko alam kung anong irereact ko matapos may lumapit na gwapong lalaki at niyakap si Ayen. 'Anong kinakatakot ni Ayen? O nag overthink na naman siya kaya siya natatakot kanina. ' "Patawarin mo ako Ayen. " Nagulat ako ng umiyak ang alpha ni Ayen at lumuhod sa harap ni Ayen habang umiiyak. "Agasse! Sabi ko sayo diba?! Wag mo ito gagawin! Hindi mo kailangan lumuhod at umiyak. " basag na sambit ni Ayen bago niyakap ang nang ngangalang Agasse. 'Dominant Alpha? Sa ilang taon na existance ko sa mundong ito. Ito ang unang beses na nakakita ako ng umiiyak na alpha. ' Madalas ang ganitong scenario sa classroom pero ang mga alpha nanatili silang mapagmataas kahit nasasaksihan ko ang ginagawa nilang pang dodown sa mga omega at hindi dun excemptend ang mga beta. "Patawarin mo ako kung nasigawan kita at pinaalis sa unit. Frustrated lang ako dahil lagi mo na lang ako pinag aalala at pinaalis kita dahil kulong ang unit natin. Mausok isama mo pa na hindi ko ma control ang pheromones ko. " "Wag mo na ulit ito gagawin Ayen. Mababaliw ako pag nawala ka hindi ko kaya. " "Iniisip ko na iniwan mo na ako at hindi kana---. " "Hindi naman mangyayari iyon. Sorry, kasi nag overthink ako. Pinaalis mo ako ng kwarto. " "Mukhang gulat na gulat ka. " Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Evan mula sa hallway. Hindi ko napansin na nasa pinto pala ako at hindi gumagalaw dahil sa eksena na nakita ko kanina. "A-Anong gulat? " ani ko bago umiwas ng tingin at tiningnan sina Ayen. Nakaupo na ang dalawa sa sofa habang nag uusap ng masinsinan. Hindi siguro talaga lahat ng alpha katulad ng iniisip ko. "Mababa na ba ang tingin mo sa aming mga alpha dahil sa nakita mo kanina? " "Saan mo naman nakuha ang idea na 'yan? " kunot noo na sambit ko bago tingnan si Evan. "Expression mo. " "Sabi nila ang dominant alpha ang pinaka mataas na uri ng nilalang sa mundong ito. Nagulat lang ako kanina kasi nakakita ako ng dominant alpha na lumuhod at umiyak dahil sa isang omega. " sagot ko habang nakatingin kina Ayen. 3rd Person's POV; "Tinuruan ako ni Irie gumawa sa art room at ako ang gumawa 'nan. " sinsinok na sambit ni Ayen dahil siguro sa pag iyak. "Ang ganda. " ani ni Agasse habang hindi alam kung ano ang irereact matapos makita ang inukit ng kasintahan para sa kanya. Dahil sa mukhang may sarili ng mundo sina Ayen at Agasse napag pasyahan na ni Irie umalis at sinundan siya ni Janus. "Hanggang kailan mo ako susundan? " "Wag kang mag alala hanggang labas lang ako ng building mo. " sagot ni Janus. Hindi umimok si Irie dahil sa idea na wala siya sa mood na makipagtalo sa binata lalo na at ang daming gumugulo sa kanya. Tahimik lang siya na naglalakad hanggang sa makarating sila sa building ni Irie. Katulad ng sinabi ni Janus hanggang duon lang siya at hindi na nagtangka pa sumunod sa binata pataas. Aalis na si Janus nang---. "Evan. " tawag ni Irie na kinalingon ng binata. Tumihik muna si Irie bago kinuha ang bagay na nasa bulsa at binato iyon sa binata na agad nasalo. "If you don't mind pwede ka pumunta sa unit ko. May ginagawa ako na bagong flavor ng kape. " ani ni Irie matapos umiwas ng tingin at namumula na tumalikod para bumalik sa loob. Bahagya napatigil si Janus matapos makita ang bagay na nasalo. Maliit iyon na aso na nakakabit sa isang key chain na mukhang susi ng dorm ng binata. Gumuhit ang ngiti sa labi ng binata matapos makita iyon at mapansin na ang mata ng aso katulad ng mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD