07

2254 Words
Chapter 07 3rd Person's POV; Napabuga ng hangin si Irie matapos walang saplot na lumapit sa full size mirror na nasa bathroom. Inangat nito ang buhok na nakaharang sa mukha at natatawa iyon na binaba bago dinikit ang noo sa salamin. "Marami akong ayaw sa mundong ito at isa na duon ang sarili ko." bulong ni Irie bago Pumikit ng madiin at umupo sa sahig. 'Nemesis.' 'Wake up, Nemesis time to breakfast. ' 'Nemesis. ' Nahila ng binata ang hininga matapos makatulog sa loob ng bathroom habang nakababad sa bathub. "Sino 'yan? " tanong ni Irie bago tumayo mula sa pagkakababad at kinuha ang bathrobe. "Ahh! " sigaw ni Irie ng bumukas ang pinto at---. "E-Evan. " ani ni Irie matapos pumasok ang binata na humahangos. Kasalukuyang yakap ni Irie ang katawan dahil sa hindi niya pa naitatali ng maayos ang bathrobe na kinatigil bahagya ni Janus. "Bakit bigla kana lang pumasok dito?! " bulyaw ni Irie matapos maka get over. "Evan! " sigaw ni Irie ng mapaluhod si Janus dahil sa pag aalala tumalon pababa si Irie at---. "Damn! " mura ni Janus ng bumangga siya sa bathtub matapos niya tumakbo para saluhin ang katawan ni Irie na hahampas sa buthtub. "E-Evan. " ani ni Irie bago tinulak ang sarili na bumangon matapos siya bumagsak sa katawan ni Janus. "Evan! Ayos ka lang ba?" puno ng pag aalala na sambit ni Irie at hahawakan nito ang lalaki ng mabilis na lumayo si Janus habang hinahabol ang hininga. "M-Magbihis kana. " malalim ang boses ni Janus bago tumayo at mabilis na tumakbo palabas. "Evan! " sigaw ni Irie bago tumayo at dinampot ang phone na nahulog ni Janus. "Kuya Irie! Anong nangyayari at humahangos ka? " tanong ni Ayen matapos makita na tumakbo na lumapit sa kanila ang binata. Tiningnan muna nito si Yamir at Agasse bago bahagyang sumilip sa likuran ng dalawa at tiningnan si Ayen. "Nakita niyo ba si Evan? " "Evan? " ulit ni Agasse. "Second name 'yun ni Janus, gago. " mura ni Yamir bago nakapamulsahan na tiningnan si Irie. "Kung nandito ka at wala si Janus nakakapanibago. " "Hindi pumasok si Janus, " sagot ni Ayen. "How about i-check natin siya sa next class namin. " sagot ni Ayen bago niyakap ang braso ni Irie. "Ayos lang ba na nandito siya sa oras ng klase? " tanong ni Agasse kay Ayen. "Aalis din ako, may kukumpirmahin lang ako. " awkward na sagot ni Irie habang pilit na dinidedma ang tingin ng mga estudyante na parang kakainin siya ng buhay anytime. Habang naglalakad hindi maiwasan ni Irie igala ang paningin sa building kung saan nag kaklase si Janus na malayo sa building nila. Mas malinis iyon at mukhang may mga manners ang mga estudyante. Bukod sa bigyan siya ng deathglare at ismiran walang nagtangka na lumapit sa kanila. "Hindi ako makapaniwala na madaming omega dito. " ani ni Irie matapos makita ang mga babaeng omega na kulang na lang mag hugis puso ang mata matapos makita sina Agasse. "Sa building na ito hindi basta mga small time ang mga omega. Papalit-palit sila ng alpha at kung may magka mate 'man dito dahil lang iyon sa business. " sagot ni Ayen. "Siyempre iba kami ni Agasse hihi, kung hindi lagi nakabuntot sa akin si Agasse sigurado na hinati na nila ang katawan ko tapos tinapon sa labas. " "Ibang klase nasasabi mo ang bagay na 'yan na parang wala lang." "Naman, pero kahit anong gawin nila tapon 'man nila ako, as if makukuha nila si Agasse." humahagikhik na sambit ni Ayen bago sila tumigil sa harap ng isang kwarto. "Janus! May bisit---." Nabitin sa ere ang sasabihin ni Ayen ng pagbukas niya ng pinto nakita nito si Janus na nakaupo sa sariling upuan habang may napakagandang babae na nakaupo sa hita. "S-Sherline." ani ni Ayen matapos makita ang babae. "Long time no see, Jeya." "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Yamir na nasa likuran nina Ayen. "Anong ginagawa ko dito? Anong klaseng tanong 'yan?" "Andito ang boyfriend ko diba dapat lang na sundan ko siya?" "Boyfriend? " ulit ni Irie habang nakayuko at yukom ang mga kamao. "Uh oh. " ani ni Ayen bago tinulak sina Agasse palabas ng classroom. "Kuya Irie! Calm down! " sigaw ni Ayen matapos mapaluhod ang lahat ng nilalang na nasa loob at kinatayo ni Janus. Napahawak sa dibdib ang binata ng lumakas ang t***k ng puso niya at magwala ang nilalang na nasa kalooban niya iba ang epekto sa mga nilalang na nanduon. "Ohmygod! Kuya! Mapapatay mo si Janus! " sigaw ni Ayen ng magbago ang mata ng binata bago mapaluhod. "Great, siya pala ang mate mo. " nakangisi na sambit ng babae na hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan. "Irie! Lalaki si Sherline! At kapatid ni Janus si Sherline! " sigaw ni Ayen bago hinila palabas si Irie matapos tumigil ang paglabas ng pheromones ng binata. "f**k!" mura ni Agasse matapos lumapit sa railing at magsuka. "Paano ako naapektuhan ng omega pheromones, tangna. " mura ni Yamir habang hawak ang dibdib. "Kuya Irie. " ani ni Ayen matapos mapaupo ng binata sa sahig. "Irie. " Napatingin si Ayen nang lumabas si Janus at nanghihina na lumapit sa binata. Bahagya lumayo si Ayen ng harapin ni Janus si Irie matapos umupo sa sahig. "B-Bitawan mo ako! " sigaw ni Irie na nagsisimulang umiyak habang hawak ang dibdib. "Sorry." bulong ni Janus na kinaangat ng tingin ni Irie. "Hindi ko naitulak si Shiro dahil sa kamay ko." kalmado na sambit ni Janus na kinatigil ni Irie. Mabilis na tumayo si Irie ng marealize ang ginawa niya at ang nangyari kanina. "A-Anong b-bakit ko ginawa 'yun? Dahil ba mate kita?! Bakit ako nagagalit? " naguguluhan na sigaw ni Irie bago umatras at hinawakan ang ulo. "Kuya kumalma ka, hindi---. " "Naguguluhan na ako! Ayoko ng ganito! Hindi pwede, hindi maari! Ayoko mangyari sa akin ang nangyari kay mommy! Hindi dapat ganito. " sigaw ni Irie at tatakbo ito ng hawakan siya ni Janus. "Bitawan mo ako! Hindi ko kailangan ng alpha!" sigaw ni Irie bago kumawala sa pagkakahawak ni Janus na kinaingit ng binata. Mabilis na tumakbo si Irie at hindi nilingon ang binata. "Janus! Ang braso mo. " ani ni Ayen matapos makita ang bahagyang pag stiff ni Janus ng mapahawak ito sa braso niya. "Mukhang masama ang lagay ng braso mo ngayon ah. " komento ng lalaki na nakasandal sa pintuan na kinatingin sa kanya ng masama ni Janus. "Aha! Relax kapatid, i just playing around you know?" ani ng binata bago tinanggal ang wig na suot at ngumisi. "Hindi ako makapaniwala na ganu'n kalakas ang pheromones ng omega mo." "Hindi ka naapektuhan ng pheromones ni Kuya Irie, it's means hindi ka alpha? Anong klaseng nilalang ka? " ani ni Ayen na kinatawa ng binata. "Alpha, beta at omega lahat nasa loob ng kwarto na iyon. Sa tingin mo ano ako kung tayong tatlo lang naman ang nakatayo sa loob ng kwarto. " "Mabuti pa pumunta na tayo sa private room, napasama yata ang epekto ng pheromones ng omega na iyon kay Janus. " "Duhh! Ikaw may kasalanan kung bakit nagalit si Irie. " "Ow, Irie pala ang name niya. " "Ilang minuto ka lang nawala sa paningin ko gumawa kana ng gulo. " Napatingin si Ayen sa likuran nila ng marinig silang boses at may makita duon na maliit na babae. "Ohmy! Ang cute! Kapatid mo ba yan? Sherline!" natutuwa na sambit ni Ayen matapos lapitan ang inaakalang babae. "Mukha lang siyang highschool student. Ang cute. " ani ni Ayen at hahawakan nito ang ang binata ng harangan siya ng kasintahan. "Agasse, bakit---. " "Hindi yan omega at mas lalong hindi yan babae, Ayen. " may diin na sambit ni Agasse na kinalaki ng mata ni Ayen at---. "What?! " "Aalis na ako. " ani ni Janus bago tumayo matapos mabendahan ang kamay niya. Mabilis itong tumakbo palabas ng private room at sinara ang pinto. "Tangna, hindi man lang nag hi and hello ang putanginang 'yun lumayas na agad. " mura ng binata matapos bitawan ang benda at pinatong sa likod ng sofa kung saan nakasandal ang isa pang binata na parang bata na kumakain. "Ano ba talaga ginagawa mo dito, Shiro? Don't tell me kaya nandito para ibalik si Janus. " "Nandito kami para mag relax. " nakangiti na sambit ng alpha ni Shiro na kinatikhim ni Yamir. "Ayoko talaga sa mga cute na bagay, nakakatakot. " "Kyaah! Ang cute Regan! Akin kana lang cutiepie." natutuwa na sambit ni Ayen at susunggaban nito ang binata nang hablutin ni Agasse ang bewang niya at iupo sa mga hita niya. "Pipiliin mo pa ba na makatabi si Regan kaysa sa akin." seryoso na sambit ni Ayen na kinatigil ng binata. "Kyaah! Babe! Bakit ang gwapo mo?! Pakiss! " Napasapo sa noo si Yamir ng mapunta sa intimidate kiss ang dapat kiss lang. "Get a room, Agasse wag kayo dito. " sita ni Yamir habang hinihilot ang sentido. Hindi nagsalita si Agasse at binuhat ang kasintahan ng hindi man lang bumibitaw sa mga labi ng binata. "Sweety tama na ang sweet, gusto mo ba ng tubig?" tanong ni Shiro sa kasintahan na agad tumigil sa pagkain. "Mas gusto ko ang juice. " pagpapacute ng binata na kinapula ng pisngi ni Shiro bago tumayo at agad umalis. "Hindi ako makapaniwala na mabibitbit ka ni Shiro dito." ani ni Yamir sa binata. Matapos makalayo ni Shiro nagbago ang expression ng binata at walang emosyon na tiningnan si Yamir. "Hindi ko ineexpect na may cute side ka pala, Regan. Sigurado na matutuwa sina daddy pag nalaman nila na ang anak nilang rascal nagiging tao na ngayon at---. " "Will you shut up? Wala akong kinalaman sa pamilya mo." Imbis pansinin ang binata natatawa ito na tumabi sa lalaki at ginulo ang buhok. "Wag ka nga masyadong rude sa kapatid mo. Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita ganyan ka pa. " "Hindi mo alam kung gaano ako nag alala sayo matapos ka umalis sa mansyon ng walang paalam. " ani ni Regan na kinatigil ni Yamir. "Regan ito na ang juice mo. " ani ni Shiro bago binaba ang baso sa harap ng binata at tingnan si Yamir. "Mabuti pa magpahinga na kayo. May isa pang kwarto dito pwede niyo gamitin. " ani ni Yamir bago tumayo at naglakad palabas. "Ayos ka lang? " tanong ni Shiro matapos umupo at tiningnan ang kasintahan na umiinom ng juice. "Gusto ko bumalik sa dati ang relasyon namin na dalawa. Pero paano? Kung lagi niyang dinodown ang sarili niya dahil sa akin. " -- Habang nakasandal sa poste ng isang building tahimik lang na humihithit ng sigarilyo si Yamir. Hindi nito ininda ang lamig ng gabi kahit ang mga ingag ng kuliglig sa paligid. "Darn, " mura ni Yamir bago binato sa sahig ang hawak na sigarilyo at bahagya na sinapo ang noo habang nakayuko. "Aha, nagkita tayo ulit. Sa tingin mo palalampasin ko ang ginawa mo sa akin. " Hindi umimik si Yamir na kinayukom ng kamao ng lalaki bago marahas na Hinablot ang kwelyo ng binata. "Ano?! Magsalita ka! Matapang ka lang naman pag nandiyan ang mga kaibigan mo na alpha diba?!" bulyaw ng lalaki hanggang sa napatigil ito ng makita ang expression ng binata. "Tama ka, ngayon wala sila. Makakaganti kana. " walang buhay na sambit ni Yamir na kinagusot ng binata. "Nagkamali yata ako ng dinampot. " ani ng binata bago tinulak ang lalaki na agad napaupo sa sahig. Aalis ito ng magsalita si Yamir. "Gusto mo gumanti diba? Pagkakataon mo na. Hindi ako matapang, hindi din ako malakas. Mahina akong nilalang, kung hindi dahil kina Janus wala akong lakas. " "Wala sila ngayon, kaya pagkakataon mo na. " nakayuko na sambit ni Yamir. Hindi umimik ang lalaki at naglakad na lang paalis. Naiyukom ni Yamir ang kamao bago sumandal sa poste at natatawa sa sarili na tumingala para tingnan nag ilaw na nagbibigay liwanag sa pwesto niya. "Ano bang maganda sa pagiging Dominant Beta? Hindi ako pwede magkapamilya, hindi din ako pwede maging tagapag mana. Wala akong lakas katulad nina Janus, wala akong maprotektahan. " "Hindi ko gusto ang pheromones na nilalabas mo ngayon, nakakairita. " Napatigil si Yamir at napatingin sa harapan ng makita ulit ang lalaki. Nang magtama ang mata nila umupo ang binata sa harapan niya at inabot ang hawak nito na beer. "Imbis magreklamo ka bakit hindi kana lang magpasalamat kung anong meron ka. " irita na sambit ng binata matapos kuhanin ni Yamir ang inaabot niya. "Wala kang alam kaya kung ayaw mo madagdagan ang sugat sa maganda mong mukha manahimik ka. " "Ikaw ang manahimik! Ikaw itong nagdadrama diba? " asar na sambit ng binata bago inismiran ang lalaki at ininom ang hawak nito. "Ayoko sa iyo at wala din akong pakialam sa problema mo," "Pareho lang tayo. Ayoko din sayo. " walang pagdadalawang isip na sagot ni Yamir na kinagusot ng mukha ng alpha. Tumahimik ng ilang minuto ang dalawa bago napagpasyahan ng binata na tumayo. Tumalikod ang lalaki na kinatingin ni Yamir. Bago pa makalabas sa liwanag ang binatang alpha tumigil ito sandali at nilingon si Yamir. "Gusto ko lang ipaalala sayo na kung hindi dahil sa pheromones meron ka, sasabog ang grupo niyo lalo na at binubuo ang Jeya ng mga dominant alpha. I found it interesting lalo na at mas mabango ang pheromones na meron ka." Napahawak ng mahigpit si Yamir sa lata na hawak nang mapatigil ito sandali dahil sa sinabi ng binata bago ito umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD