04

2196 Words
Chapter 4 3rd Person's POV; Habol hininga na nakarating si Irie sa tapat ng isang stock room. Matapos buksan iyon bumungad sa kanya ang kadiliman. Dahan-dahan pumasok duon ang lalaki at sumiksik sa pinakasulok bago niyakap ang katawan para magtago. "Irie. " Napatigil ang binata matapos bumukas ang pintuan at makita ang bulto ng lalaking omega. "Anong ginagawa mo dito? " may takot na tanong ng binata. "Wag kang mag alala hindi ko sila kasama. " sagot ni Ayen bago binuksan ang ilaw ng hawak na phone at naglakad palapit sa binata. "Takot ka ba sa mga alpha? " tanong ni Ayen matapos umupo sa tabi ng binata. "Alpha, beta at omega. Pare-pareho lang sila na gusto akong saktan. " "Pero hindi ako. Pwede mo ako maging kaibigan. " "Hindi mo naiintindihan, ayoko magkaroon ng kaibigan. Gusto lang mag is---. " "Hindi ka galit alam ko. Kasi kung galit ka hindi mo ako tutulungan kahit isa ako sa mga omega na sinasabi mo. " putol ni Ayen na kinatahimik ni Irie. "Pandidirihan mo din ako, aayawan mo din ako dahil abnormal ako. Hindi ako nakakaabsorb ng pheromones. " "Ohmygod! So? Tama ang hinala ko! " tili ni Ayen na kinatingin ni Irie. "Anong sinasab---. " "Pareho tayo Irie! Hindi ako nag iisa! Dalawa tayo! " Napakurap si Irie matapos natutuwa siyang niyakap ni Ayen. "Irie hindi ka abnormal dominant tayo sa hanay ng mga omega at dalawa tayo na nag eexist. " natutuwa na sambit ni Ayen na kinatigil ni Irie. "D-Dominant? " hindi makapaniwala na ulit ni Irie habang inaabsorb ang sinabi ni Ayen. "Konti na lang tayo kasi 95% sa mga dominant omega namamatay bago sila mag 23 dahil hindi nila natatagpuan ang mate nila. Kailangan nila ng heat galing sa mate nila. " "Mate? " "Bawat isa sa atin may mate, iisa lang sila sa mundo. Pero compare sa mga recessive omega sobrang halaga sa ating mga dominant na mahanap ang perfect mate pa mabuhay tayo. " "Si Janus naabsorb mo ang pheromones niya dahil mate mo siya." "H-Hindi. " ani ni Irie bago hinawakan ang ulo at sumubsob sa mga tuhod. "Ayoko, hindi ako papayag. Isa siya sa mga dominant alpha. Hindi ako papayag na siya ang mate ko. " nangingilid ang luha na sambit ni Irie na kinatahimik ni Ayen. -- "Sa lagay na 'yun wala akong maitutulong." ani ni Ayen matapos sabihin sa Jeya ang napag usapan nila ni Irie at reaction nito matapos malaman na dominant si Janus. "Anong problema niya sa mga dominant? " nagtatakha na tanong ni Yamir. "Dunno, ayaw niya sabihin pero mukhang takot na takot talaga siya. Hindi ko na siya naka usap after nu'n kaya iniba ko ang topic at kinuha ko na lang ang loob niya bilang kaibigan." sagot ni Ayen habang nginunguya ang sinubo sa kanya ni Agasse. Lumipas ang mga araw lagi na magkasama sina Irie at Ayen. Laging kinukulit ni Ayen si Irie kaya mas naging komportable na ito sa binata. Hindi hinahayaan ni Ayen mag isa si Irie lalo na at maraming alpha ang gusto lagi na binubully ang binata kahit pa nasa paligid lang si Ayen dahil dito kumplikado 'man sa side ng Jeya kinailangan nilang palihim na bantayan ang dalawang omega. 'Irie! Tingnan mo! Nagawa ko makapag shoot ng bola. ' tuwang-tuwa na sambit ni Ayen matapos maibato ang bola at pumasok iyon sa ring. "Saan ka natuto maglaro? I mean hindi ikaw iyong tipo na sa tingin ko naglalaro ng ganito na sport. " tanong ni Irie habang nagkakamot sa ulo nang maalala kung ilang beses ito madapa habang dala ang bola. "Ow, actually lagi ko nakikita ang boyfriend ko na naglalaro ng ganito then tinuturuan niya ako magpasok ng bola. So? Ayu'n nga marunong ako mag shoot pero hindi magdala kasi hindi ako marunong. " ani ni Ayen bago tumawa matapos damputin ang bola at tingnan si Irie. "Isa ba ang boyfriend mo sa apat na nakita natin last time? " "Yes, naalala mo 'yung lalaking humarang sayo 'nung hinila mo ako palabas sana ng classroom. " "Ang gwapo niya noh? Hihi, " kinikilig na sambit ni Ayen bago nagdribble at iaangat niya ulit ang bola ng---. "Mahal ka ba ng alpha mo? " tanong ni Irie dahilan para mabitaan ni Ayen ang hawak na bola at mapatingin ulit kay Irie. "Mahal? " "Hehe sorry, recessive alpha yata ang boyfriend m---. " "Dominant alpha ang boyfriend ko. " putol ni Ayen na kinatigil ni Irie. "At kung mahal niya ako? Hindi mapapantayan ng word na 'yun kung ano anong meron kaming dalawa. " natatawa na sambit ni Ayen bago naka cross arm na tiningnan si Irie. "Posible ba mag mahal ng iisang tao ang dominant alpha. " "Hindi pwedeng magmahal ng iba ang isang dominant alpha specially pag nahanap nila ang perfect mate para sakanila." "A-Ano?" "Gosh! Anong expression 'yan? Don't tell me hindi mo alam. " "Once na ang dominant alpha nahanap ang perfect mate nila 0% ang chance na magawa nila iyon palitan o makahanap pa ng ibang omega . Katulad ng 0% chance na umabot tayo ng 28 years old ng wala tayong alpha. " "Paano pag hindi nila nagawa na mahabap ang mate nila? Gagamit sila ng maraming omega? Magpapalit-palit. Tapos tayong mga dominant omega, mamatay. " may inis na sambit ni Irie na kinabuga ng hangin ni Ayen. "Wala naman kasing fair sa mundo pero naiintindihan kita since ganyan din ang pagtingin ko dati sa mundo matapos ko malaman na dominant omega ako at sabihin ng doctor na hindi ako aabot ng 25 years old. " "Sabi ng doctor ko maari daw na pheromones lang daw ng dominant alpha ang naabsorb ng katawan ko pero imposible kasi sabi dominant ang boyfriend mo at siya ang nagpabagsak sakin 'nung nasa classroom tayo. " "Again, ang pheromones mo magrereact lang pag naglabas ng pheromones ang mate mo. In short kahit palibutan ka ng mga dominant alpha na alam ko na walang magandang mangyayari. No used hindi ka mabubuhay. Kailangan mo si Janus." "Para ano? Maging parausan niya? No way katulad lang siya ng ibang alpha. " "Laki talaga ng galit mo sa mga alpha noh?" "Hindi ko ito sinasabi para kumbinsihin ka ah. Desisyon mo pa din kung bibigyan mo ng chance si Janus na malaki naman ang advantage sa'yo. " "Hindi gumagalaw ng omega si Janus at hindi maganda ang epekto nu'n sa stability ng rut stage niya." "Kung ganu'n bakit ko pa siya bibigyan ng chance? Hindi nga siya nag effort na puntahan ako diba?" ani ni Irie bago bahagyang yumuko. "Wala din naman akong lakas ng loob na tumabi sa kanya kung sakali. Mukha pa lang ng alpha na 'yun siguradong mapa alpha,beta 'man o omega imposibleng hindi magdalawang tingin sa kanya." "May sasabihin ako sa iyong secret pero mag promise ka na hindi mo sasabihin kay Janus pag nahuli mo. " "Ha? Nahuli ko? " nagtataka na tanong ni Irie. Humagikhik si Ayen bago nag gesture kay Irie na lumapit. Agad naman lumapit ang binata at ng magkatapat sila nilapit ni Ayen ang bibig sa tenga ng binata. Kumunot ang noo ni Irie bago tiningnan si Ayen. "Nagbibiro ka lang diba? " "Kaya nga sabi ko sayo tingnan mo. Its's up to you, to find out. " Irie Marquess's POV; 'Janus Evan Revere. ' Umiling-iling ako bago tumagilid at niyakap ang unan ko. 'Bakit naman pupunta dito ang alpha na iyon? Imposible na makapasok siya dito ng hindi dumadaan sa pinto. ' Pumikit ako ng madiin at siniksik ang mukha ko sa unan matapos maalala ang sinabi ni Ayen. 'Pumapasok sa dorm mo Janus. ' 'Imposible talaga, mag aano naman iyon dito. Wala naman siya siguro sa akin ginagawang masama.' Dahil sa pag iisip hindi ko namalayan na malalim na pala ang gabi at hindi na talaga ako makatulog. Balak ko sana bumangon para kumuha ng tubig nang makarinig ako ng parang bumagsak sa balcony ng dorm. Bahagya akong sumilip mula sa pagkakasiksik ko sa unan ng makakita ako ng bulto ng tao sa likod ng kurtina. Parang nagskip ang panghinga ko ng bumukas ang glass door mula sa balcony. 'I-Imposible, pumupunta talaga siya dito? ' Sunod-sunod ang paglunok ko habang nakatingin sa mga kurtina pero wala duon na pumasok. Nililipad lang iyon ng hangin hanggang sa lumakas iyon at makita ko si Evan. Nakasandal lang siya sa railing, nakarap sa pwesto ko pero nakatingin sa kabilang bahagi ng balcony. Dahil sa malaking buwan na nasa likuran ni Evan, parang nag slow motion ang lahat at kumikinang siya sa gitna ng kadiliman. Nayakap ko ng mahigpit ang unan para takpan ang ilong ko matapos sumama sa hangin ang kaunting pheromones ng gwapong alpha na nasa balcony. Naging dahilan iyon para bahagya na magreact ang katawan ko at bahagyang kinagulatang ng buong pagkatao ko. 'Gosh! Hindi ito pwede. ' "Hindi ko alam kung para saan ang pagpepretend mo na tulog since malalaman ko na man na gising ka dahil sa pheromones mo. " Napabangon ako at bahagyang nahila ang hininga ko matapos marinig ang sinabi ni Evan. "Alam mo pala na gising ako eh bakit tumambay ka pa diyan. " balik na sagot ko habang tinatakpan ang ilong ko gamit ang likod ng palad ko. "Kung hindi ka nagreact sa pheromones ko hindi ko malalaman na gising ka since hindi naman ako pumasok ng kwarto mo diba? " Ilang segundo yata hindi nagfunction ng maayos ang utak ko matapos ko marinig ang napakamanly na boses ni Evan. Umiling-iling ako bahagya bago pinukpok ang sarili kong ulo para magising at hindi ako mapaikot ng nilalang na nasa balcony ko. Kahit ubos siya ng gwapo trespassing pa din ang pagakyat sa balcony ko. "Excuse me ah, imposible talaga na hindi ako magreact sa pheromones mo lalo na at naamoy ko 'yun hanggang dito. " medyo asar na sagot ko. Hindi siya umimik kaya tumayo ako at binuksan ang ilaw ng kwarto. "Hindi ko alam kung saan mo nahuhugot ang attitude na iyan pero alam kong alam mo na mamatay ka pag wala ako. " Gumusot ang mukha ko matapos iyon sabihin ni Evan dahilan para tingnan ko siya ng masama. "Ayoko sa isang alpha kaya hangga't maari ayoko magkaroon ng koneksyon sa kahit na kanino. Lalo na sayo---." "Para sa akin ikaw ang pinakadelikado na tao na dapat hindi ko lapitan. Mas nakakatakot ka pa sa mga aso na nasa labas ng kwartong ito. " walang buhay na sambit ko. Natahimik ulit si Evan pero this time bumigat na talaga ang atmosphere. Ilang metro ang layo sa akin ni Evan pero nakikita ko ang kislap ng mata niya na hindi ko alam kung imahinasyon ko lang dahil nakita ko ang pagbaba nito ng tingin at mukhang paalis na ito. Bumuga ako ng hangin bago sumandal sa pader at nag cross arm. "Pumasok kana, pagtitimpla kita ng kape since 'yun lang maibibigay ko sa iyo dahil wala akong stock na matinong pagkain dito maliban sa cup noodles. " ani ko na kinaangat ng tingin ni Evan. Nabanggit ko na ba na kakaiba ang kulay ng mata ni Evan. Almirald gold iyon na nakikita ko lang sa mga anime na napapanood ko at dahil sa liwanag ng buwan mas nangibabaw ang kulay nuon. 'Ang ganda. ' "Akala ko ba ayaw mo sa akin? Bakit mo ako pinapapasok? " tanong ni Evan bago humakbang papasok ng kwarto. "Isipin mo na lang na masokista ako. " ani ko bago tumalikod at humakbang papasok ng kusina. "Hindi ko alam kung anong ginagawa mo dito pero sana aware ka na nasa second floor ako at hindi maganda ang hobby mo na pag akyat sa balcony. " "Mind your own business. " gumusot ang mukha ko bago naiinis na hinampas sa sink ang kutsara gamit ang palad ko at nilingon si Evan. "Alam mo ba na balcony ko ang inaakyat mo at pag nahulog ka. Lahat ng estudyante dito sa University susunugin ako ng buhay. " asik ko. "Then bigyan mo ako ng susi ng kwarto mo para hindi ako umakyat. " "Sira na ba ang ulo mo? Bakit ako magbibigay ng susi sayo?" asar na sambit ko habang nag gigitgit na nakatingin kay Evan na parang hari na nakaupo sa upua na nasa gilid ng lamesa. "Kung ayaw mong i-report kita sa admin. Tigilan mo na ang kalokohan mo. " asar na sambit ko bago tumalikod at pinagpatuloy ang pagtitimpla ko ng kape. But deep inside, sa hindi ko alam na kadahilanan. Napaka warm ng pakiramdam ko sa paligid dahil kahit ang hangin na nanggagaling sa labas pakiramdam ko dinuduyan lang ako. Napasapo ako sa noo dahil sa idea na baka naglalabas na naman ng pheromones ang kupal na ito. "Hindi ka naman naglalabas ng pheromones diba? " kunot noo na sambit ko bago binaba ang tinimpla ko na kape. "Nah, mas pinipigilan ko ngayon maglabas ng pheromones since mukhang hindi mo kontrolado 'yung sayo. " Natahimik ako at napaiwas ng tingin matapos ko matitigan ang pheromones ni Evan. Iba iyon sa nakikita ko na karaniwan na pheromones sa ibang alpha at sa alpha ni Ayen. 'Nagmi mixed red iyon at blue na humahalo sa hangin. '
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD